Showing posts with label FS. Show all posts
Showing posts with label FS. Show all posts

May 10, 2011

Permanent Temporary

Permanent Temporary
Posted in Friendster Blog
January 23rd, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

I just got a new Video Cam, a ZR90 by Canon…
Im so happy… now i can start on the basic 
even though the vidcam was not that good…. its ok for starters like me….
well what i really want was an HDV Cam…. but that was way too expensive…
P160,000 to be exact….  the best in the market ranges up to 200,000
I got my ZR90 for 34,000 
(actually it was on a sale price so i got it for 20,500)…

THANKS TITA BASILIA for the  Money… Mwahh…

Well lets start by saying thank you to all the people who once in a while 
or even once in their life visited my site… Thanks..
The truth is i never expected anyone to see my page…
at first yes… (of course) well thanks…
specially for the praises and a little pat to my back….
That made me moving on…. writing…. ( oh the frustration) hehehe…

Malalim - means deep….
a big hole or excavation…
in writing terms….. Deep….
wow……. Deep…. means full of sense……
WOW… salamat sa inyo…

Ngayong malaki na ako… ewan ko ba… tuwang tuwa ako kapag naririnig ko
yung mga matatanda na tinatanung yung mga bata na…

Iho/Iha anu  gusto nyo maging paglaki…?
ewan… parang gusto ko sumabat at sabihing, syempre maging tao parin…
kaso parang korni yung banat na ganun… hehe

Sasagot naman yung mga bata…
Doktor…. Nurse…. teacher….
dba ang sarap pakinggan…..?
parang andali lang….. parang walang 
kaproblema problema…
pero di maglalaon malalaman din ng mga bata..
na hinde madali… Mahirap… sobrang hirap… 
abutin ang kahit anong pangarap..

naalala ko, dati ang sagot ko sa mga tanong na yan ay…
oopsss walang tatawa….. 
Wala… ewan ko ba..Piloto..
huh? sino bang hinde.. lahat naman ata ng mga batang 
lalaki nuon mga kapanahunan ko (oy baka isipin nyo ang tanda ko na 20 palang ako ha)
eh maging isang piloto… lahat na ata ng bata nuon… pag may nakitang eroplano… sige ang kaway
kesehodang mabali ang kamay at lumagutok ang leeg sa kakatingala..
para bang isang matayog na eroplano.. ganun ang pangarap….
nahirap abutin… kayat habang bata pa… cge lang sa pangangarap… 
Kaway lang ng kaway..
gawa lang ng gawa ng eroplanong papel… 
lipad lipad…. Sana matupad…

Nagising ako isang umaga…. nung panahong iyon…. wala na ang pangarap ko..
parang bula…. napaltan….  gusto ko maging Sundalo…
ewan.. para bang isang  lebel… kung saan tapos na ang pakikipaghabulan ng tingin sa kalawakan…
at ngayon medyo lumalapit na sa lupa ang pangarap….  ang dating matayog na pangarap.. ngayon naging masalimuot.. bakit sundalo… ewan ko din…. 
para klkasing astig… malakas, matikas, brusko…. ang saya diba.. hawak ang isang patpat.

bratatatatatatat… ping ping kaboom…..  Habang nagtatago sa likod ng mga puno…
Sumuko ka na? Napapaligiran ka nanamin…

parang isang pangarap na masaya…
na kinalauan… nalaman ko… hinde pala…

Ngayon, matanda na ako… 20 taong gulang.. isang estudyante sa Kolehiyo
ikatlong lebel. sa ikalawang semestre…
hinde ko natupad ang pangarap ko….. walang nagkatotoo..
kinalimutan ko ang pagiging piloto… nang malaman kong lumalabo na ang paningin ko…
at ang pagiging sundalo…. nang malaman ko ang kasamaan ng mundo…

baket ko nga ba ipagpapatuloy ang paglipad sa langit gayong ang sarili kong 
kalangitan ay hinde ko maaninag…
baket ko ba gustong maging kawal ng bayan.. gayong ang kalaban ay kababayan….? 
siguro nga mali ang aking paersepsyon… pero siguro din….. siguro nga…

Hinde ko alam kung nuon ako nagkamali sa pagsagot " kung ano ang gusto ko maging?"
o sa katotohanan… tama ako… pero sa paglalakbay ko sa buhay…. dun ako nagkamali..
naniniwala akong walang imposible.. lahat pwede…. kung gayon… bakit hinde ko natupad…
siguro ang sagot lang dun ay…. na sa bawat paglalakbay at paghakbang ng aking mga paa…
nakikita ko na ang bawat kalalagyan ay may sadyang patutunguhan…

naintindihan mu ba??
Siguro hinde..? 
maiintindihan mu din?? 

Pumikit ka… Naalala mu yung pangarap mu dati??
Ano?? natupad mo ba???
Kung gayon yun ang misyon mo??
Hinde ko sinasabing ang buhay ay pinatatakbo ng kapalaran…
Siguro…. kahit ako hinde ko pa alam…
hanggat.. hinde ko nalalaman kung san ang aking kalalagyan…

May 7, 2011

Two Years

2 YEARS OF LOVE HAS ENDED
Posted in Friendster Blog
May 19th, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

This is suppossed to be one great day in my life.

Its our anniversary..

Me and my girl…

Unfortunately….

we broke up…..

Today…

On our anniv…..

She asked for it….

I know why…..

I would like to post it….

But no……

I respect her….

It wouldnt be that nice if you take only my side…..

I will tell you…..

but not today…..

It hurts…..

And so i cant…..

I LOVE HER STILL… 

May 6, 2011

This MEANS A lot

This MEANS A lot
Posted in Friendster Blog
August 4th, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

IF a SECRET has its color.

Mine is BLACK!!!
WAS IT A DREAM? OR IT REALLY HAPPENED..??

I have this story. A story of my life.. A thing that was hiding inside of me for a very long time.. I have tried to become quiet about this… But it keeps on haunting me.. It started as a mistake.. being drunk and all of that… Somehow… it was lost in the wind… i tried to bury it … but it keeps coming out… it may not have been a big deal for anybody.. considering it happened in one of my drinking sessions with my friends… but i know… deep inside of me.. and deep inside of her… it was not settled up to this day… If only i could turn back the time… o yes… regret always comes last….

No body talked about it. We both never talked about it…
If it really happend…. i guess as a sign of respect.. No one talked..
but now.. the situation is different…. I am falling for her…

May 5, 2011

Ewan

Ewan
Posted in Friendster Blog
October 26th, 2006 by henry-1


Katatapos ko lang magenroll kahapon nakita ko ulit yung mga klasmeyt ko last sem at yung magiging klasmeyt ko. habang nasa pila ako.. naisip ko… shet…. third year na ako…last sem ng ikatlong taon ang bilis ng mga araw.. paramng kailan lang .. nagmamadali pa akong pumasok sa unang araw ko sa kolehiyo.. suot ang isang white longsleeves na fitted. itinupi ang mangasa upang magmukhang polo… hinde ko alam ang gagawin sa mga panahong iyon.. at di ko rin makita nag aking kwarto… na-late ako nuon…. ngayon… ilang buwan nalang… fourth year na ako… at matapos nun graduate na… ewan basta… hinde ko alam kung natatakot ba ako o anu paman.. isa lang ang sigurado ako…. malaking paninibago ang aking mararamdaman… alam kong masyado pang maaga sa mga panahong ito.. ang aking pagdradrama at lahat lahat pa… pero di ko talaga mawaglit sa isip ko… lalo nakung naiisip kong… teka teka,,,, handa na ba ako? yun yata yung pinaka punto ko… ewan… basta…. maraming mawawala… maraming magbabago.. once na graduate na ako… mga kaibigan…. gala….. malls…… DOTA… v.mapa….. st. jude…… isaw…. dancetroupe…. at ayoko na ituloy ang pagbanggit pa… naiiyak na ako…. ewan basta…. alam kong mas marami akong matututunan sa labas, oo nga at ang tunay na aral ng buhay ay makikita paglabas mo sa apat na sulok ng kwarto… malayo sa blackboard…. notebook….. ballpen…. scantron…. deans….. teachers…… classmates…. pero naisip mo na ba na papaanong may buhay sa labas kung sa apat na taon mo sa kolehiyo… natagpuan.. nagisnan…at nadama mo buhay na walang kasing saya sa piling ng iyong mga kaibigan…. sa piling nga blackboard.. ballpen…. scantron…. teachers…at higit sa lahat ni manong guard….. naalala ko tuloy nung isang linggo.. nung nagpunta kami sa isang kaibigan ko… (salamat nga pala kay STANLEY sa 2 araw na puno ng kasiyahan sa kanyang tahanan) kahet pa puro biro ako, hinde nila alam na sa loob ko takot talaga ako na mawala sila… na maghiwalay kami ng mga landas….. oo ngat magkikita naman kami at hinde parin matitigilan ang kati sa dota… pero iba parin eh…

May 4, 2011

Hay naku… Ang drama ko..

Hay naku… Ang drama ko..
Credits to Google Image Search

Posted in Friendster Blog
September 16th, 2007 by henry-1

Sa MAYKAPAL
Salamat po.. sa lahat..

Sa mga nakaalala:
Salamat, sa mga nagbigay ng numero..

Sa mga kaklase:
Salamat sa mga taon at panahon ng pagsasama.. pucha.. gragraduate na tayo! biruin nyo?

Sa mga kaibigan:
Salamat sa mga tunay at natitira parin at nandyan.

Sa mga dating kaklase:
Paramdam naman kayo.

Sa dating mga kaibigan:
Salamat, at natuto ako.. na hindi pala lahat ng akala mong totoo ay mananatili sayo.

Sa mga guro:
Salamat sa mga turo.. natutunan ko na ang buhay ay isang malaking puzzle na kailangan mabuo.. sa paglalakbay saka mo makikita ang mga piraso nito.. maraming piraso ang puzzle.. at kailangan magingat sa pagdampot dito.. dahil maaring mali… ang bubuo sa pagkatao mo..

Sa mga kasabayang indak:
(ROFG at CEUDT)
Salamat sa indak ng buhay.. ang sarap at saya ay mananatili sa puso’t isipan.. paxenxa sa pagdadrama… madrama lang talaga ako..
si ba halata? kaya ako singkit..
nasanay sa iyak.. hehe
Asus… Miss nyo na ako noh? hehe.. 
(sasama ako sa Vamos, gusto ko.. *fingers crossed*)

Sa pamilya:
Nyeta, mas madrama pa kayo sakin…
tantanan ako.. hehe…
Ma, Pa, ate, bunso..
pasensya na… ganto lang talaga ako.. masanay na kayo… lahat ng gagawin ko… para sa inyo..
(at inay, joke lang yung sinabi ko na bibigyan na kita ng apo..di pa ngayon noh.. baka bukas.. haha. 

May 3, 2011

Hush baby Hush

Shhhhhhhhhhhhhhhhh
Posted in Friendster Blog
August 26th, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

Hindi lahat ng paglisan nangangahulugan
ng pagsuko at pagtakas….

Kung pwede nga lang… Manatili…
bakit hinde… Sino ba ang gustong
umalis sa isang lugar na puno ng
pagmamahal… Sino ba ang matinong taong
aalis sa lugar na itinuring nyang
pamilya.. Siguro nga Tanga lang ako… 
kaya.. isang mahinang tao…

May mga bagay lang na kailangan ko
iwanan.. Mga bagay na kailangan
panindigan… at oo mga bagay na
kailangan takasan.. sabi nila, ang
bangungot daw ang karaniwang
tinatakasan, dahil takot tayo sa
nakaraan… pero paano kung ang
bangungot ay ang kinabukasan..

Sa lahat ng pagkakataon.. Sa lahat ng
problema… Ang Pinakamaganda talagang
gawin… Ay "TUMAHIMIK" nalang…

Hindi na sya babalik…. OO parang ganun
na nga.. Tanggap ko na?? Ewan… Alam ko
tama at totoo yung pagmamahal na
naranasan ko… ang sabi nya, "Marami
akong mga pangarap, Pero hinde ka na
kasama doon".. OK fine… Pero yung mga
pangarap ko, mga pangarap natin,, mga
pangarap nating sabay na binuo at
pinangarap… tutuparin ko parin
yon…PARA SA IYO at PARA sa AKIN..
KUng hindi na sya babalik… Ang lahat
ng pangarap na natupad… ay iaalay sa
kung sino man ang syang darating… sa
buhay ko….

Nagsisimula nang matupad ang mga
pangarap ko… Halos malapit na sa
kalahati na ang natutupad.. Pero
kailangan pa magsumikap.. Kalahati nito
matutupad pa… kapag dumating na sya,
kung sino man sya..

Aalis ako… Pero babalik din..
Pero bakit nga?? Kasi "gusto ko talagang
malaman kung ano ang nararamdaman ko.Sa
bagong taong dumating sa buhay ko. Kung
totoo o tunay ang nadarama ko ngayon..
baka kasi nararamdaman ko lang ito,
dahil palagi syang nandyan.. kaya,
aalamin ko.. kung sa paglisan ko,
manatili parin ang pagmamahal.. dun
makakasiguro ako.. sana nga lang…
pagbalik ko nandyan pa sya… sana…

Tinanong nya ako, "Kuya bakit ka aalis?"
gusto ko sanang sabihin na "DAhil Sa
Iyo!" pero syempre…hinde ko ginawa…
Dahil sayo, dahil alam kong may
kasalanan ako… isang bagay na sobrang
itinago sa mahabang panahon… Isang pagkakamali…

Babalik ako pag kaya ko nang harapin ang
mga ito… Pag kaya na nating pagusapan
ito… Pag alam ko na sa sarili ko na
ikaw ang mahal ko… Pag Kaya na ….

"ANG DRAMA KO"

PAKSHET……………..

May 2, 2011

SAAN NAGSISIMULA ANG WAKAS?

SAAN NAGSISIMULA ANG WAKAS
Posted in Friendster Blog
August 8th, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

Saan nga ba natatapos ang Pag-ibig..?

Saan humihinto and tibok ng puso….
Hanggang ngayon ay di ko parin mawari kung paano nagtapos ang lahat… Parang isang kidlat na bigla nalang bumulusok mula sa itaas.. Bigla kang taamaan… Masakit.. Mahapdi.. masusunog ang iyong balat… tapos tulad ng isang hangin… ang kidlat ay mawawala.. at ang tanging maiiwan sa iyo, ay ang paso at sakit…. Tulad ng PAGIBIG…


Mahigit dalawang buwan narin ng huli kaming magkita… Ang huling tagpo… Ay sa hagdan ng kanilang bahay… Dalawa kaming umiiyak.. ngunit mas malamig ang sa kanya…

"HINDI NA KITA MAHAL", yun ang malutong na sambit ng kanyang mga labi…

"AYOKONG LOKOHIN ANG sARILI KO", kasunod niyang sabi… ang mga mata kong kanina pa umiiyak ay nanlumo…

"MAY IBA NA AKONG MAHAL, HINDI MO NA AKO OBLIGASYON NGAYON, WALA KA NANG PAKIALAM SA AKIN", mga dagdag na salita sna lalong dumurog sa aking PUSO..

————————————————————–

paano nga ba nagsimula ang wakas?…. hindi ko rin alam…. tila isang lumilipad na bulak ang aking mga utak…

Ang sumunod na tagpo ay ang kawalan ng ulirat sa aking mga ginagawa… Isang hakbang nalnag… sige kaya mo yan.. bulong sa akin ng hangin.. sandaling panahon…. ang malawak na pagitan ng tulay at ng kalsadang nasa ibaba nito.. ay maaring magtagpo… isang hakbang lang… at ang sakit ay madodoble…. ngunit maya maya ay magwawakas…

hindi ko ginawa…

dalawang baso ….. isang kutsilyo…. ang sumunod na tagpo sa aking mga mata…
isang baso ng pamuksa ng ipis….isa ay para sa daga…. ang kutsilyo…. baka sakaling hindi ko makaya ang sakit…. mas makakadali….

hindi ko parin ginawa….

kung tutuusin ay napakasimple para sa ilan ng problemang ito… Lahat naman siguro ay nakaranas na nito… nindi lang libo.. milyon… higit pa.. lagi ko sinasabi.. tanga lang ang magpapakamatay…. pero pag dumating ka pala sa puntong iyon ng buhay… talaga pa lang maiisip mo… na ito na ang pinaka madaling paraan..matapang ang mga nagpapakamatay…

OO katapangan nga iyon… ang subuking makipagkita sa dilim.. ang wakas… sila yung matatapang na kayang harapin ang kamatayan….

PERO HINDI….
Mas MATAPANG AKO….

Dahil Nakaya kong harapin ito… pero tumalikod ako…. Nakaya kong pagtagumpayan ang problema.. MAS MATAPANG AKO!!!

—————————————————————————————————————–

P.S.:

IT IS NICE TO BE SINGLE…
BUT IT HURTS TO BE ALONE…

May 1, 2011

Isang Tula Para sa kanya.. LRY

Isang Tula Para sa kanya.. LRY
Posted in Friendster Blog
October 17th, 2007 by henry-1

Credits to Google Image Search

Ilang beses ko nang gustong lumapit sayo
Ngunit parang nalulunod ako
Sa sarili kong laway di ako makapalag
BuBukas palang ang bibig puno ng bagabag

Sigur o nagtataka ka, kung bakit sa iba
ako ay masaya, palaging nakangiti at
tumatawa. Ganun lang ako, wag kang
magalala sayo kasi ako ay torpe na.

Natuwa ako nung sinabi mo.
maganda yung long sleeves na suot suot
ko. Sana naging Longsleeves nalang ako
baka siguro araw araw mapansin mo.

Di ko inakala na sa pagkakataon pa.
Kahit ang Jeepney Ride ay kay saya.
Yun na siguro ang pinaka maikli.
Pero ang saya sa puso ay namumutawi.

D i ako makapagsalita kapag nariyan ka.
Feeling ko kasi maasar ka. Mukhang di
ka sanay sa mga biro ko at patawa.
Kaya hanggang sulyap at tingin akoy masaya na.

Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Sa pagsasayaw ata ng Lanceros akoy
nabahala. Yun ang unang ikay nakapareha.
Ngayo n ninanais na habang buhay na..

Ngunit ngayon hanggang tingin nalang..
Ayoko kasing masaktan pa..
Sugat ng puso’y naghihilom na.
Sana pagkatapos nariyan ka pa.

Lecheng Pagibig ako ay suko na.
Isang malaking ilusyon iyon ang
napintaha. Ewan.. Basta… Mahal na
talaga ata kita.. Baka bukas ay makaya ko na.

Pero ngayon hanggang di ko pa kaya.
sanay hayaan mo nalang na ako ay ibigin
ka. Kahit sa malayo palaging nakatanaw.
Sana malaman mo sa puso ko ngayon ikaw
ang pumukaw.

—————–LRY ——————–

Apr 27, 2011

O Kay Hirap, Umirap!

MAHIRAP KAPAG
Posted in Friendster Blog
May 24th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search

ANG HIRAP KAPAG

- Maghanap ng Trabaho

- Mag-Apply 

- Mag pa medical , lalo na pag 
Babaeng Doktor ang titingin sa Pwet mo

- Isa ka nang Empleyado

- Makatulog ng nakatayo sa sobrang pagod sa Loob ng MRT (yung sa Edsa)

- Maglakad mula Ayala Ave hanggang EDSA para makatipid ng pamasahe at pumayat

- Maging taong AYALA

- Sumakay ng Bus kapag rush hour.

- Maghintay sa klasmeyt mong Kalbo sa labas ng PLDT Building

- Maistranded kapag umuulan

- Makatulog sa gabi

- Magyosi kapag lunch break 
(bawal sa kumpanya)

- Magdala ng Lunchbox sa Opisina 
(lalo na pag spongebob ang tatak)

- Ngumiti sa Babaeng Cute at maganda at morena sa First row ng lamesa sa Marketing Department na palage ko inaabot ng tingin kapag pupunta ako sa lamesa ko.

- Malaman ang pangalan nya..
——————————————————————————————————

MAS MAHIRAP KAPAG

- Naghihintay ka sa taong mahal mo 
(Hiyas ng Marikina)

- Tapos bumalik yung dati mong mahal 
(ex/ first gf/ first heartbreak /first kiss /first holding hands, first suicide attemp)

- Tapos di mo alam kung kaya bumalik sa dating nararamdaman at magtiwala ulit.
- Tapos may hindi pa natapos na koneksyon mula kay 
( small girl )

- Tapos yung hinihintay mo, bigla magpaparamdam 
(nagtext natatakot daw kasi sya)

- Yung hindi mo inaasahan (ex) yun ang nagmamahal sa’yo ngayon.

- Tapos may FB (F&%k Buddy) pa.

- Tapos biglang sasabihin ng FB, nahuhulog na ang loob nya.

- Tapos di pa maka move on (totally) kay (chinese girl/ ex gf )
na nakasama ko sa loob ng dalawang taon.

- Dumaan ang May 20 

(2nd anniv dapat namin ni chinese girl a year ago, pero naging araw ng pakikipagbreak nya. 
(sinakto pa sa anniv tsks tsk)

- Sisihin ng NANAY ko na ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Chinese girl 
(kung alam lang nya)

- Na lahat ng ipapakilala ko sa pamilya hindi nya gusto dahil si chinese girl lang ang gusto nya

-Habang sinisisi ka ni Inay maalala mo ang mga panahong muntik ka nang tumalon sa foot bridge at uminom ng tig isang baso ng Baygon at Raid samahan mo pa ng domex

- Maipit ka sa Hinihintay, Minsang Hinahalay,  
Hinahanap at sa Taong Bumabalik at Nagmamahal.

- Humingi ng PATAWAD sa Babaeng muntik kong "MAGAHASA" nung minsang Malasing 
(ok na kami ngayon, i said sorry at she accepted it)

- Maghintay sa Medical City ng 5 oras sa muling Pagtatagpo

- Kapag nbilibre ka ng Nanay nya ng Sisig Meal sa BINALOT (nahiya ako eh)

- Makipag patintero sa Junction papunta sa Angono.

- Ipakilala ka nya (ex) sa buong pamilya nya.

- Bato na ang PUSO dahil sa mga nangyare


AT HIGIT SA LAHAT.

Maniwalang hindi pa ako hibang kahit sa loob ko isa lang ang INAASAM.
KApag di mo alam ang paniniwalaan dahil sawa ka nang masaktan.

Maghihintay ba? Babalik sa Nakaraan? Maghihintay sa Nakalipas? 
Maninindigan sa Nirerespeto?

O sasapi nalang sa MMDA?

Apr 25, 2011

Grad na Brad

Happy Grad, Brad!
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search
Ang Panahon ng PAG-ALIS sa KOLEHIYO. Noon gustong gusto kong makatapos.. Ngayon dumadagdag kaba at takot. Ilang araw nalang at tapos na ang KOLEHIYO.

Tapos na ang mga taon ng pagdurusa. Sa Homeworks, projects, thesis, ojt, duty atbp. Masayang balikan angnakaraan, mga tawa iyak, tampuhan, inuman, pulutan, ihaw-ihaw, outing, lakwatsa at mga ngiti.

Hindi maiiiwasan na may nagkagalit, nagapakan, nagplastikan, at NAGKA-INLABAN. Lahat yan ating PINAGDAANAN. Mga turo at aral, nalikom, nalaman.

Para sa inaasam na kinabukasan.. Masarap balikan ang lahat, magandang harapin ang bukas. Pero hindi pa tapos ang ationg mga paghihirap.

Dahil mass malaking mundo na ang haharapin ng bawat isa. Para patunayan kung saan tayo dadalhin, aabutin, ng mga karanasang ito. Sandata ang ilang milimentrong resume na babalangkas ng buhay mo.

Para maging isang kapakipakinabang na tao. Nagbabayad ng buwis at maging isang dakilang PILIPINO (asus) MAsakit mang isipin nakasalalay sa ilang pirasong papel ang kinabukasan ng bawat lahat. Dito nakasalalay kung saan ka aabot. Sa sakto lang. Bigtime o Tambay.

Pero tandaan mo, hindi lahat ng pinagdaanan natin ay nakasulat sa papel. Hindi lahat ng pagkjatao mo nakasalalay sa resume. Higit pa ang magagawa natin. Higit pa. Susulat tayo ng panibagong KABANATA.

Gamit ang pagod, hirap, pasakit, dusa, saya at mga aral na ating pinagdaanan Yun ang bubuo sa pagkatao natin. Yuna ang bubuo ng buka mo. Patutunayan natin yang lahat. Kaya natin mga KAIBIGAN. IAALAY SA LUMIKHA AT mga TAONG NAGBIGAY DIWA

Apr 21, 2011

ES- “KWELA” - HAN

ES- “KWELA” - HAN
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search


Ilang ulit na ba akong nasawi sa mga bagay na ginawa ko sa mundo. Madaming beses na. Pero ako itong si tanga. Sige parin ng sige. Ilang hakbang pa ay nasa totoong mundo na ako. Sa katunayan matagal na akong nasa totoong mundo. Hindi ko lang siguro nakita kung gaano ito ka-totoo. Bata pa ako. Pero nuon iyon. Ngayon siguro, unti unti nang sumusuot sa utak ko ang tunay kong kalagayan. Isang taong pilit na isinusuka ang mundo ngunit wala namang ginagawa para magbago ito. Heto na ako. Ready to fight. Parang caroon super hero, may accessories, may sandata, may powers. Pero kailangan ko din ba ng maskara? Pinanghahawakan ang mahigit isang dekadang binuno sa pagaaral. Pero san ako aabutin ng pinag-aralan ko? Hindi ako negative na tao, wag mong isipin yun pero hindi talaga maaalis sa akin na minsan magisip. Saan ba aabot ang isang nilalang na ipinanganak sa Marikina, lumaki sa Antipolo at grumadweyt sa Maynila? Nag-aral ng pre-school sa isang maliit na community skul. Walang pangalan, hindi sikat. Walang gaanong maipagmamalaki. Sa aking pagkakatanda mas madami pa ata ang pno sa paligid nito kesa sa natutunan ko. OO, natuto akong magbilang, magsulat at magbasa. In fairness. Nagtapos ng elementarya sa isang paaralang hawak ng isang malaking religious group. Na wala na ata kami ibang ginawa kundi magdasal. At magbasa ng banal na salita. At wala na rin sila iba ginawa kundi ayain ang mga tao na sumama sa pananalig. Hindi naman masama iyon. Samakatuwid maganda nga iyon. Pero alam ko sa sarili ko kulang padin ang natutunan ko,higit pa dapat. Hindi ko na nga matandaan ang mga termino s physics, math at chemistry. Para bang mga bulang nawala kasabay ng pagkawala ko sa paralang iyon. Naghayskul sa parehong eskwelahan, nagiba nga lang ang pangalan. Paaralan, Eskwelahan, iSkul, Pamantasan, Day Care Center, Pre-school? Lahat iisa lang ang nais. Ang turuan ang mga mangmang. Pero ano ba ang pagkakaiba? Pre school, ibig sabihin ba eh “ Pre ” ay paunang paghihirap at gastos bilang isang magulang? “Before School” kung tutuusin, ibig ba sabihin hindi pa iyon ng tunay na pagaaral? Siguro nga. Hinahanda lang ang magulang, parang test run. Nagsasbing “eto ang mga bayarin”, eto ang haharapin mo pag nagaral at lumaki yang uhugin mong anak. Ngayon magdesisyon ka kung gusto mo pa” Tinuturuan nito ang mga bata na magbasa at magsulat. Tinuturuan din na huwag umihi sa salawal. Sabagay nga naman. Kung ikaw isang bata, tapos di mo kilala masyado ang mga klsmeyt mo, nakakahiya nga naman na magwiwi. Pero sa lahat naman ata ng taong nagdaan sa pre-school hindi maiiwasan ang mawiwi. Lahat tayo dumaan dun. Lalo na sa mga unang araw. Yung tipong lahat ng magulang nakadungaw sa bintana. At lahat ng bata nakatingin sa bintana. Ang sistema mas nakatuon pa ang mata ng bata sa magulang kesa sa titser. Pasimpleng aalis ang magulang pag nawili na ang bata sa crayola at lapis. Kapag nawala ang magulang sa paningin. Asahang iyak na ang kasunod. Hagulgol. Saka lilitaw si Inay na parang superhero. Hindi ko pinagdaanan yun. Mas gusto ko nga wala nanay ko nun. Ang pinagdaanan ko eh yung nawiwi sa salawal Isang beses lang naman. “Bago kayo pumasok sa room after your recess, dapat naka-pagCR na kayo. Para di na kayo labas ng labas”. E masyado ata akong naili nuon sa pagkain ng ice candy ni ngtindera ng canteen na si Ate Baby.At lumagok ng fruit juice na 2.00 isa. Nakalimutan ko mag-CR. Lahat nakapasok na sa, at magsisimula na si ma’m ng naramdaman kong parang pinatubong sasabog na. Ayan na. Parang time bomb. Itataas ko na ang kamay para magpaalam lumabas. “ Ok tapos naba kayong kumain, Wala nang lalabas ha”, sabi ni ma’m. Di ko alam kung di ko lng nakontrol, pero nung marinig ko yun. Sabay din ang pag-agos ng mapanghi s pantalon ko. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Yun na siguro ang una kong disspointment nng bata ako. Ilang sandai pa. Isang malakas na tinig ang narinig ko. “Ma’am si Henry po Umihi Sa PANTALOOOOOON”…. At tuluyan kongnaramdaman kung paano gumuho ang pagkatao ko sa unang pagkakataon….. Itutuloy…………….

Apr 19, 2011

Blag...

blag….

Credits to Google Image Search
Posted in Friendster Blog
October 5th, 2005 by henry-1

bagsak! tunog na malutong… 
kailangan pa bang ipaliwanag? 
nasaan ang kahapon… 
tuyot na ba ang ambon… 
saan ka matatagpuan.. 
gayong puno na ng kirot at di mahilom….

lalim noh… wala lang!


-----------------------------------------------------------------------



Eto nanaman!!
Credits to Google Image Search
Posted in Friendster Blog
July 16th, 2006 by henry-1


things are things that are meant not to last…
but is it true that first love never dies…

Paki ko…. gusto mo libing ko pa xa sa nitso….