Ang Kwentista




ANG KWENTISTA

Si HEDEL, Ang Nilalang na nakatira sa Bahay Kwentista, Ay Isang Normal na Bata, hanggang sa nakakita siya ng UFO at Alien sa Probinsya. Ipinanganak siya sa Marikina, ngunit lumaki sa Antipolo. Kung saan inabot na siya ng 20 bago nasimento ang kalsada. Siya ay laging BinuBULLY sa Skul. NApakabait niyang Bata. Pero Minsan Inihian niya yung Softdrinks nung Bully. Siya ay Malaki na. Kaya Siya Ay Nagyoyosi, Umiinom at Nanunuod ng Porn. Pero Hindi Siya Marunong Pumatay ng Ipis at Butiki.

Nag-aral siya dun sa Unibersidad na Kulay Pink. Makata daw siya sabi ng Iba. Pero sabi ng Nanay niya. Mataba Siya. Pero hindi na ngayon. May ABS na sya. Nagpapamacho siya ngayon. Dun sa Cubao. Sa Taas ng Furniture SHop. Pero lumipat na sya sa gym sa tabi ng bahay niya.



Madami Siyang Sulatin. Kwento at Sanaysay. Minsan nga lang Tamad siya magsulat. Pero baka next year, kapag sumunod sa usapan yung publisher at financier nya, baka mailabas na sa inyong mga suking tindahan ng aklat ang kanyang Unang Libro.. Ngayon busy sya sa pagtapos nito. At pag-gawa ng ilang mga kwentong pambata.