Showing posts with label buhay estudyante. Show all posts
Showing posts with label buhay estudyante. Show all posts

Nov 20, 2011

TOMA + PAGNANASA = GAHASA

TOMA + PAGNANASA = GAHASA
Isinulat taong 2007

Binuksan ko ang pinto. Naroon siya sa labas. Sa may sofa. Nagaayus ng kanyang gamit. Tapos na ang gabi… Wala narin ang tama. Wala na ang hilo ng nakaraang gabi. Tumitig siya sa akin. At ako naman ay napatitig rin sa kanya. Nakayuko siya at nag-ayos ng kanyang mga gamit. Matagal ang titig na iyon sa aming dalawa. May kakaiba sa kanyang mga mata. Apoy ang nakita ko. Malamang galit. Galit na gustong ilabas. Ngunit nakakabingi ang katahimikan. Ang pagtitinginan na iyon ay dagli ring natapos. Tahimik ang lahat. At ako walang maalala.. Nagsimula narin akong ayusin ag sarili. Dumiretso sa CR at nagbawas. Parang may mali. Parang may kakaiba. Ano ba ang nagyari kagabi? Wala akong maalala. Meron, ngunit mga kakaunting detalye. Ang hilo at sakit ng ulo ay unti unti nang sumisipa sa aking katawan, kahit pa sabihing unti na itong nabawsan dahil sa tulog. Mabigat parin ang aking katawan. Ngunit hindi kasing bigat ng aking nararamdaman. Pilit kong binabalikan ang gabing nagdaan. Ano ba ang nangyari. Hindi ko alam. Malamlam ang umagng iyon, kahit mainit dama ko ang kulimlim sa paligid. Nagsimula naring magising ang mga taong kagninay lumpasak sa higaan. Nagsilabasan na sila sa mga kwarto. Tapos na ang araw sa bahay na iyon. Kailangan nang umuwi. Pero may pangyayaring naiwan. Isang bakas , ng masidhing pagkakamali.


Sa aking pagsakay sa jeep, unti unting bumabalik ang mga nangyari. Pilit ko mang isipin hindi malinaw ang lahat. Parang isang panaginip. Ngunit parang totoo rin. Ano ba ang ginawa ko? Binalikan ko ang mga pangyayari. Ayaw ko mang isipin, parang nagyari nga iyon. Hindi ko maalala pero ang mga labi ko ang nagsasabing, oo nangyari nga. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Sana panaginip lang. Panaginip lang. Sana.


Ako ang huling dumating sa bahay na iyon. Magsisimula pa lamang silang tumagay ngunit nakarami narin. Wala pa akong kain, walang hapunan. Ngunit napilitan naring makisalo sa uhaw ng lalamunan. Mainit na dumampi ang bawat alak sa aking bibig. Nakaharap ako sa kompyuter. Ilalaro ang paborito kong Dota. Habang tumatagay. Dahil nga huli akong dumating. Kelangan kong humabol sa ikot ng baso. Mataas ang bigay at lagay ng generoso sa baso. Pero wala na akong magagawa kundi inumin ito. Makailang baso pa lang, umikot na ang paningin ko. Marahil sa gutom at pagod mula sa araw na lumipas nahilo agad at tinamaan ako. Hindi ako masyadong nalalasing. Ako marahil ang pinakamatagal kung tutuusin na matumba sa barkada. Pero ng sandaling iyon. Ako ang unang tumiklop. Lumpasak agad ang aking katawan. Naroon na ngay tinatakasan ko na ang ikot ng baso. Wala na akong paki. Ang sabi koy gutom kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Pass muna. Lagi kong sambit kapag sa akin na ang tagay. Maya maya pa ay tuluyan ko na silang tinakbuhan. Sa bakanteng kwarto, ako ang naunang lumupasay. Wala na akong paki. Pagod ako. Hindi ko na kaya. Kayat tulog ang isinagot sa hiling ng pagal na katawan at lasing na kaluluwa. Dinig ko ang tawanan at kulitan sa labas habang nakahiga sa kama. Umiikot na ang paningin. Ganoon pala ang pakiramdam ng malasing. Sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal ko bilang isang manginginom. Iyon pala ang pakiramdam. Kakaiba. Kayat ilang sandli pa. Tuluyan nag pumikit ang aking mga mata. At sa himbing ng tulog ako ay nagpasasa.


Wala roon ang aking nobya. Nagpunta sa Ilocos , para sa isang paglalakbay ng klase nila, requirement dahil sa kurso niyang turismo. Ako naman nahihilo. Lumalim ang gabi at unti unti nang nanahimik ang paligid. Ang kaninay masasayang halakhakan at kulitan ay napalitan ng katahimikan. Mukhang bagsak na ang lahat. Syempre ako ang nauna. Lugmok sa higaan. Sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko na may roon akong katabi. Isang babae. Hindi ko alam kung sino. Madilim ang kwarto. Wala akong maaninag. O dahil sa kalasingan pikit ng aking mga mata. Panaginip ito, isang panaginip. Yun ang nasa isip ko. Panaginip na maari kong lakbayin at patunguhan. Sino ang makikialam. Wala, dahil nga sa panaginip ay walang makikialam sa aking kamalayan. Paano mo nga naman papasukin ang panaginip ng iba. Yun ang akala ko.

Unti unting gumapang ang aking kamay sa katawan ng babae. Hindi ito kumibo ng una. Malayang gumalaw ang mga daliri sa kanyang bisig. Hindi ko napigilan ang sarili, marahil hindi ko napigilan ang panaginip. Lumapit ako. At hnawakan ang kanyang mukha. Nang pakiramdam ko ay ayus naman sa kanya ay saka ko siya pinaibabawan. May damit ako. At siya rin naman. Sa ibabaw, sa madilim na kwarto hinanap ng aking mga labi ang labi niya. Nang makita ay pinupog ito ng halik. Sa umpisa ay malumanay. Ngunit sa huli ay nagsalita siya.

“Stop. Please. No. Stop.”

Mahina siya. Kasing hina ko rin. Ngunit ako ay nasa ibabaw na. Hinalikan ko siya ulit. Nadama ang kanyang malambot na labi. Mabigat ako. Kaya nahirapan siyang ako ay itulak. Makailang beses ko siyang hinalikan. Ang mga kamay gumagala kung saan man ito abutin. Ilang beses niya akong tinulak. Makailang ulit ko ring ibinabaw ang sarili. Itinulak nya ulit ako. At duon tuluyang nagdilim ang paningin at dahil sa kalasingan ay dumeretso sa pagtulog. Napakasayang panaginip. Dama ko ang kanyang katawan. Napakasaya. Napakaganda ng panaginip na iyon. Yun ang akala ko.

Kung tutuusin napakaganda ng nobya ko. Napakabait pa. Ngunit sa aming pagsasama may kulang. Kung yun man ang matatawag doon. Hindi pa kami nagtatalik. Oo, my roon kaming mga maiinit na sandali, ngunit hindi umaabot doon. Hindi dahil sa ayaw nya kundi dahil sa prinsipyo ko. Kung prinsipyo mang matatawag iyon. Handa naman niyang ibigay, ngunit ako rin ang may ayaw. Mas matanda ang nobya ko sa akin. Nasa huling bahagi na siya ng kolehiyo at ako nasa ikatlo pa lamang. Madami akong pangarap. Ganoon din siya. Malaki ang tiwala sa akin ng magulang niya. Kayat ayaw kong masira iyon. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya at sa kanyang pamilya na takot akong magkamali. Buhay niya at buhay ko ang nakasalalay. Ang pangarap niya at pangarap ko. Ang pangarap ng pamilya namin. Hintay muna. Matapos naming grumadweyt. Malakas na ang loob ko. Ngunit hindi pa ngayon. Mahirap na.

Sabi nila ang panaginip daw ay nagsasalamin ng mga bagay na mahalaga at importante sa atin. Ito rin ay sumasalamin sa tunay na katauhan. Kung ano ang gusto mong mangyari. Dito mo nilalabas ang lahat ng frustration sa buhay. Sa panaginip mo binubuhay ang mundong gusto mong galawan. Sa mga bagay na gusto mong maging at gusto mong gawain. Kay hirap ipaliwanag kung bakit may panaginip. Ngunit minsan ito ang lugar kung saan itinatakas mo ang sarili para madama ang mga bagay na hindi mo nagagawa o nararamdaman. Sa kaos ko marahil, ang kakulangan ng biyaya kamunduhan.

PANAGINIP iyon... sa aking palagay.

Lumipas ang mga araw.. nasa isip ko parin ang nangyari, o kung totoo mang nagyari iyon. Hindi naman ganoon kasama iyon, dahil wala naman talagang malalang nagawa. Halik, hawak at mga salitang tingin ko ay bastos ang aking ginawa at sinabi. Panaginip o hindi? Paano ko malalaman? Kung ganito at wala akong lubos na maalala.

Pinakiramdaman ko muna ang lahat. Lumipas nga ang mga sandali. Naramdaman ko ang maaking pagbabago. Ang mga tingin niya sa akin. Ang pakikitungo, lumamig. Hindi naman kami talaga ganoon ka-close o kalapit sa isat isa. At hindi rin madalas naguusap. Ngunit kakaiba ang sitwasyon. May nagbago. Sa pakikitungo.

Paano ko ito sasabihin sa nobya ko? Na habang wala siya ay nalasing at lumikot ang labi at kamay ko. Pano ko kakausapin ang taong iyon. Gayong hindi ako sigurado kung nangyari nga iyon. Lalapitan ko ba siya. Paano kung sampalin niya ako. Paano kung nalaman ito ng nobya ko. Paano? Panaginip ba ito? Pano kung hindi? Malaking gulo ito.

Naisip kong kausapin ang mga kaibigan niya. Pero panget, paano kung hindi nila alam. Di ako ang gumisa sa sarili ko. Kung nangyari man iyon at kami lang ang nakakaalam. Kapag nagtanong ako, malamang kumalat ito. Kung isa man itong pangyayari at hindi panaginip. Lalapit ba ako sa kanya. Pero pano ko sisimulan. Gayong hindi nga ako sigurado kung panaginip o hinde. Pano ako hihingi ng tawad. Ang gulo.... sumasakit ang ulo ko... mas malala pa sa hang-over.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung nag-inuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?”
“oo! Tarantado ka. Walang hiya ka. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita. Hayop ka. Hayop. Naalala mo ba ang ginawa mo. Baboy... sinubukan mo akong pagsamantalahan. Sa lahat ni sa panaginip, hindi ko inakalang gagawin mo iyon.! Hayop ka! Manyak!Manyak!”

Iyon ang unag scenario na naiisip ko. Paano kung totoo nga at hindi panaginip? Edi eskandalo malamang. Malalaman ng nobya ko, at siguradong iiwan niya ako. Malalaman ng buong barkada, ng buong eskwela, ng buong baranggay, ng buong kapulisan, at ng pamilya ko pag nakulong na ako. Pero kung tutuusin kung talagang nangyari yun. Ay dapat nuon pa. Doon sa bahay ginawa ang komprontasyon. Doon kung san sariwa ang lahat ng pangyayari.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung naginuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?, Hindi ko kasi alam, kung panaginip o hindi, sinubukan ba kitang pagasamantalahan?”
“ hay naku, anu ba yang pinagsasabi mo. Lasing ka noh. Adik ka ba? Baka nananaginip ka lang, ikaw ha, sa panaginip pala ako ang pinagpapantasyahan mo.”

Yun naman ang pangalawang scenario. Paano nga kung panaginip lang iyon edi nagmukha akong tanga. Nagmukha akong tanga sa lahat. Pero kung hindi totoo yun, bakit may malaking pagbabago sa pakikitungo. Kung nangyari iyon, bakit hindi siya naglabas ng hinanakit, kahit sino sigurong tao yun ang gagawin.

Hindi ako makatulog. Paulit ulit sa aking isip ang mga detalyeng hindi ko maarok kung tunay o hindi. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako ganoong tao. Hindi ako masama. Lalong hindi ako manykis. Gusto kong lumupasay. Napakabigat sa dibdib. Napakabigat. Hindi ko matanggap na ginawa ko iyon. Kung nagyari nga ito. Papalipasin ko nalang... baka sakali... ilusyon ko lang ito. Isang bagay na ilang taon ko ring itinago at dinala sa dibdib. Habangbuhay ko ba itong papasanin, ang kahapong hindi ko sigurado.
--------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ang palabas at sabay kaming umalis ng sinehan. Last full show na iyon at wala nang masyadong taong maaninag. Sarado na ang mga tindahan sa mall. Sumakay siya ng taxi at nagpaalam. Isang taon na rin ng iwan ako ng nobya ko. “Fall out of LOVE” daw. Sa mga panahong nagiisa ang puso saka ko siya napansin. Ngunit may nobyo na siya noon. Ang takot at panagamba sa hindi siguradong pangyayari ay napalitan ng paghanga at pag-ibig. Ngunit hindi maari dahil may sinisinta na siya. Natuto akong manood mula sa malayo. Nakatingin at sumusulyap. Naghihintay. Ng pagkakataon. Hindi naglaon, nagkaroon din ako g lakas ng loob para magtanong. Ang kinakatakutan kong sagot sa kung nangyari nga ito o hindi ay tuluyan nang nabatid. OO nangyari nga iyon. Humingi ako ng tawad. Pinatawad naman niya ako. (sa text message lang namin napagusapan ang lahat)

Pabiro nyang nasabi.

“ok lang yun, wala na un. Alam ko namang lasing ka eH”
“saka hindi ka naman nagtagumpay, hahahaha”

Nagpasalamat ako. At nahiya rin sa aking katarantaduhang ginawa. Salamat at hindi iyon nakarating sa nobya ko noon. Nalaman ko ring konti lang ang pinagsabihan niya noon. Mga sampung tao lang naman,ang karamihan kilala ko at kilala ako. Ano kaya ang nasa isip nila tungkol sa akin. Di bale na. Kasalanan ko rin naman eh. Pero minsan hindi ko parin maintindihan. Sa dinami dami ng kwarto at higan sa bahay na iyon, bakit sa aking siya tumabi. Di bale na. Tapos na eh. Hndi mo naman kelangan i-justify ang isang pagkakamali gayong alam kong mali talaga ito.

Matapos ang ilang taong dinala ko sa dibdib iyon. isang katangahan at kahangalan dulot ng alak at kasabikan Nakahingi na ako ng tawad. Ayos na ang lahat. Ngayon wala na rin siyang nobyo. Lumuwag na ang dibdib ko.

May gusto uli ako sabihin sa kanya.

Ngayon alam kong hindi na panaginip o guni guni ang sasabihin ko. Ang nalalaman ko. Ang nadarama ko. Pero mahirap sabihin. May lamat na. Kahit pa sabihing okey ang lahat. Ngayon nagsisisi ako.
.

Masaya na akong ayos na ang lahat. Isa nalang ang kulang.

Matapos ang lahat ng ito. Unti unti kong naramdaman.

MAHAL KO NA SIYA.

Pero paano? Pano ko sasabihin ito.

Di bale nalang mananaginip nalang ulit ako


All pictures from Google Images

Sep 5, 2011

To All The girls I've Loved Before

To All The girls I Loved Before


 Credits to Google Images

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang Talang ito...  Mas maganda sigurong pasimulan natin ang talang ito sa isang kanta...

To All The girls I Love Before... (hindi ko na alam next na lyrics)

DISCLAIMER: Sadyang itinago ang mga pangalan ng mga sumusunod para narin sa kanilang kabutihan. Hindi ko sinasabing lahat ng mga taong nabanggit ay nakarelasyon ko. ANg Ilan ay mga crush, lablayp, pero karamihan masalimuot Basted. ANG MGA NASUSULAT AY HINDI PARA PAHIYAIN O SIRAIN ANG DANGAL NG SINO MAN. HILING KO LANG WALA PO SANG MAGALIT...

Si Miss Barbie Doll.
------ Siya yung una kong Crush... Kinder ako nun.. Hindi ko na maalala yung name nya. Pero Bernadette ata yun. O Brigette. ewan.. basta napaka cute nya. Kulot ang kanyang buhok. para talaga siyang manika. Bilog ang mga pisngi at singkit ang mata... Lagi siyang nakangiti at nakatawa.... kaya mas lalong lumiliit ang kanyang mga mata... Crush ko siya talaga. Kinder ko lang ata sya naging klasmeyt. o hanggang prep.

(nakikita ko padin sya paminsan minsan. dito padin siyanakatira sa baranggay namin, pero hindi na siya kasing cute tulad ng dati... lagi na siya nakasimangot. ngayon alam ko na, lahat talaga ng bata cute. pagtumanda hindi na masyado. naaalala pa kaya niya ako? sana hindi na)

Si Ms. Little Philippines
------- Siya marahil ang masasabi kong perslab ko (o ilusyon lang). Nung bata ako... Puppy love kumbaga... pero ako lang ang nakakadama nuon sa kanya.... di nya ata ako trip. Klasmeyt ko siya mula grade 1 hanggang grade 3. Siya ang laging 3rd honor. Ako yung First Honor Syempre. lagi ko siyang kinukulit at inaasar. Isang araw para mapansin niya ako nuon. Naalala ko pa nga. Binato ko siya ng Bubble Gum sa buhok. Ayun dumikit.. Kelangan niya magpagupit. At ako syempre pinagalitan ng malupit. Minsan nagkaroon ng United Nations Day. Siya si Miss Philippines. Ako dapat si Mr. Philippines. Kaso ayaw ni inay. wala daw kami pera pambili ng barong tagalog. sabi ko manghiram. ayaw din (wala ata tiwala na magandang lalaki ako). kaya ayun. nalungkot talaga ako... Hanggang grade 3 ko lang sya naging klasmeyt. Nung grade 3 kasi ako. 2nd honor lang ako. nawala ang skolarship ko. Inilipat ako ng ibang skul.

(nakakasabay ko siya minsan sa terminal sa Marikina malapit sapalengke, sa jip at sa sakayan---- hindi nya na ako kilala)

Si Miss Mataray
----- Isa din sa mga crush ko nung elementary. Mataray siya. Brusko at magaspang ang ugali... Masiyahin..... Pero may topak... Takot ako sa kanya. Madami daw kasi siya nakikita. Mga dwende at engkanto dun sa CR ng skul sa tabi ng matandang puno.... Minsan umaarte hindi ko alam kung totoo. na sinasapian siya. bigla bigla nalang tatahimik.. at magsasalita. Pero cute sya. Tipikal na morenang pilipina.

(huling kita ko sa kanya ay nung pumunta siya sa bahay para manghiram ng magasin na SCI-TECH, yung magasin na pang skul.. --- hindi na nya ibinalik)

Si Miss NCLC
----- Nanalong Ms. NCLC MArikina. Eto na siguro yung rurok. Eto talaga yung First Lab ko.. Kung sa iba pangalan ng perslab ay hindi makalimutan, ako talagang di ko malilimutan. dahil sa mga taong ito, natuto ako mag internet. at syempre sya yung password ko. So kung alam mo email address ko at kilala mo sya.. Malamang ma hack mo ako.. hehe.. (subukan mo lang) Madami ako naging Crush nung lumipat ako ng Skul. sa Marikina. Pero siya talaga ang una at perslab kong talaga... Dahil sa kanya, nung nalaman kong sasali siya sa School Pageant. SUmali din ako (lakas ng loob ko diba) pangarap ko kasi siya manalo na Ms. at ako Mr. hehehe... Nanalo nga siya. At ako hindi nanalo. hindi din umabot sa semis. Pero madami padin ako award. Mr. Photogenic ata ako.. Pareho kaming 2nd runner up sa Best in 1940's attire. Kaya masaya nadin ako. Sabay kaming tumanggap ng trophy sa stage. Siya ang Una kong NIligawan. Grabe First time ko manligaw.. First time ko din magbigay ng Card at Teddy Bear (kulay Blue)....Hindi niya ako pinansin. Nalaman ko nalang sila na nung Tibo. Tapos naging sila nung isang panget na lalake... na sinugod ng kuya nya sa skul... (buti nalang hindi ako yun, pero okey lang kilala ko naman kuya nya eh... naging sir ko yun sa boyscout)... Cradle snatcher daw ako sabi nung isa kong prof. Kasi 4th year na ako nun.... tapos first year lang siya.

(Dun din siya nag-aral kung saan ako nag-aral ng Kolehiyo. wala na siya nung bf nyang panget. binalak ko ulet sya ligawan. Pero hindi pwede. May GF na ako nun. Nung nawala naman GF ko. May pinakilala siya sa akin na klasmeyt nya. Huling Balita ko sa kanya may bago siyang BF. At pumanaw ang kanyang kapatid na babae.)


Additional Info: Yung Card daw inanod na ng Ondoy.. Pero yung Teddy Bear niligtas nya daw.. ang sweeeeeeeeeeeeeeeet.

Si Ms. C.A.T
----- matapos kong hindi pumasa kay Ms. NCLC. Si Ms. CAT ang binalak ko ligawan.... Hindi ako pumasa. Tapos
(masaya na siya sa kanyang longtime boypren. Ang taba nya ngayon hehe... Amen)

Si Ms. Rizal
----- Naging Binibining Angono. Siya ang Unang GF ko. Unang GF sa KOlehiyo at sa buhay ko. Apat na buwan ko siya niligawan. Unang babaeng binigyan ko ng bulaklak. Nakakahiya magdala sa LRT. Lahat ng tao nakatingin sakin. TWO WEEKS lang kami nagtagal. Confused daw siya. Akala ko hinala ko lang. Pero totoo pala.... Umamin siyang Bisexual siya. At girls ang preference niya. After sembreak. Binalak niya ang reconcilliation. Pero may ka-on siyang taga nursing. Kung ok lang daw sakin. Ako naman si tanga. Tapos nalaman ko.Break na sila. akala ko pwede na. ayun nagkasunod sunod na nagkaroon ng ka-on. Pero sa relationship daw. sya ang gurl... My goodness.... Ang dami nya naging ka-on. At tuwing nagkakarelasyon sya. lagi nya daw akong binibida. Proud daw sya sakin. lagi ako kwinikwento sa mga ka-on nya. Kaya ayun lahat sila galit sakin. At palage ako pinaabangan para bugbugin. Buti nalang nagshift na ako ng course that time mula management lumipat ako ng broadcasting. 

(lage nya kwinikwento na binubugbog siya ng ka-on nya. at gusto nya makipagbreak at bumalik sakin. before graduation nakipagbreak nga. at nagkaroon kami ulet ng kontak... mahal daw niya ako. ako daw ang nakikita niyang makakasama sa habang buhay. pero gusto nya bago maging kami ulet makilala ko ang pamilya nya. Pinakilala nga ako sa pamilya nya. Sa tatay nyang Pulitiko. Na vice meyor. sa buong angkan niya. At tapos bigla siyang nawala ulet.Huling balita ko nasa Planters Bank daw siya. Nagkausap kami sa ym... Nagsorry sya. pusong lalake daw talaga siya. ininvite ko sya sa facebook. nung una confirmed request...sumunod dinelete ako..invite ule.. rejected!)

Ms. ChinaTown
----- Finalist ng Miss Chinatown. Siya ang Pinakamamahal ko... Naging kami for 2 years. Mahal na mahal ko siya. Pero bago ang aming second anniversary nagtapat siya sa aki. "MAY IBANG NAGPUPUNO NA DAW SA KANYA" (ano siya balde?) pinilit kong ayusin. sabi nya mahal niya ako. Pero nung anniv namin. Tuluyan na nya akong iniwan.... Siguro kilala nyo na siya. Madami akong blog na siya ang paksa. At marahil alam nyo na na siya ang dahilan kung bakit ako muntik tumalon ng footbridge, uminom ng baygon at lumaklak ng 50 biogesic. ANG DAHILAN KUNG BAKIT MUNTIK KO SABIHIN NA ang mga naisulat ng magaling na manunulat na si Senyor  Eros Atalia sa kanyang libro "GOODBYE MOTHER EARTH HELLO PAPA JESUS"

"MADAMI AKO PANGARAP PERO HINDI KA NA KASAMA DOON" Yun ang sabi niya sa akin nung iwanan nya akong luhaan sa Baywalk.. 

(huli kong balita nasa airport siya nagtratrabaho. at nagkatuluyan ata sila nung pinalit nya sakin, sabi ng tropa ko: Tol nakita mo naba yung bf ni _____, kung sa itsura lang walang laban sa iyo. pero may kotse eh.... marahil yun nga. hindi nya sakin nakita ang seguridad. nagkita kami after almost two years sa birthday ng tropa namin sa MOA. Mahal ko padin sya... Pero di bale nalang.... YAYAMAN DIN AKO)

Additional Info: Ok naman kami ngayon, nagkikita pag may gala ang tropa. pero iba parin at awkward talaga... Naguusap naman.. di matagal. FB status nya: ENGAGED

Ms. Notre Dame Greater Manila
------ Yun yung title nya nung HS sya.. Beauty Queen. Bago pa maging kami ni Ms.. Chinatown. sya ang crush ko. TOL para sa isat isa. Isang Araw pa nga inanyayahan ko siya sumali sa folk dance troupe. Para sa scholarship. Nakapasa naman sya. Pero hindi na umattend. Hindi na kami nagkita after magkagf ako. Huling kita ko sa kanya eh sa pilahan ng jip. Close kami nun, o baka akala ko lang. Nakita nya akami ni Ms. Chinatown na magkahawak kamay. "GIRLFRIEND MO?", tanung niya.  Napatango lang ako, biglang alis. Parang nanliit ako at napahiya. Ni hindi ko sila naipakilala sa isat isa.  Close kami.... pero hindi siya una nakaalam na may gf ako. nawala siya bigla. ewan... di na nagaral sa CEU.  Namimiss ko talaga sya. Pati kung panu sya ngumiti at tumawa. Ang kanyang green jacket at malambing na pananalita pero siga na paglalakad. Ang pag tugtog nya ng bass guitar.

(Kung alam ko lang na iiwan ako ni miss chinatown. sana sana siya nalang... Huling balita ko sa kanya nasa WORLD CITI COLLEGE siya. Asan ka na ba TOL... ASAN KA NA KRISTIN JOY IGNACIO RIVERA... MADAMI PA KO SASABIHIN SA IYO. Una dun ang mga bagay at laman ng puso na hindi ko nasabi sayo)

Additional Info: Malamang kilala nyo na sya dahil sya ang laging topic ng mga naunang blog ko. Isa sa mga pangarap ko bago ako mamatay na makita sya. Huling Balita, sa isang skul Munomento pala sya lumipat at nagtapos. At ngayon nagtratrabaho sa isang advertising firm sa Makati. Apat na taon ko syang hinanap. Lately ko lang sya natagpuan sa facebook. May facebook nga. Di naman updated... Asan ka na tol. Miss na kita... Asan ka na Kristine Joy Ignacio Rivera. I miss you na. (tama na nga baka sabihin nyo obsessed ako sa kanya kaya lalo natatakot at nagtatago kaya di nagpapakita)

Ms. Sungetz.
------- NUNG COLLEGE AKO... after namin ni Ms. Rizal. Siya ang palage ko kasama.. Taga Trinity College.... Lage ko siya sinusundo at umaalis. Magkahawak kamay sa Gateway. close talaga kame... Mula pa nung hayskul. akala ng mga klasmeyt nya magiging kami na at msaya kami palage... Pero nasilaw ako kay Ms. Chinatown. Siya ang naging gf ko. Bigla akong nawala sa paningin ni Ms. Sungetz. Nalaman nalang niya na may gf na ako. Nagalet at nagtapo. tulad ni Utol... napapaisip tuloy ako. tanga ba ako nuon o manhid? crush sya ng isang kaibigan ko, pero hindi ko na sinabi sa kaibigan ko na MU kami dati. Baka magselos. nasakin padin ang sulat niya nung grumadweyt kami sa hayskul. Balita ko may sakit siya. sa kidney. ilang beses naoperahan. sana ayos na siya. may bf narin sya. kamukha ko daw.... hay...... kung alam ko lang talaga.

(Huli ko syang nakita sa Bliss something village sa may QC. Malapit sa HI-top, dun sa bahay ng klasmeyt nya kung saan tinulungan ko sila sa project nila. Matapos nun, hindi na siya nagparamdam. at nawala nadin...)

Additional Info: Last na balita ko, palage sya nagkakasakit.Sana magaling na sya. At sana maligaya sya ngayon. 


Ms. Lovely
------ Isang napakagandang Morenang Pilipina, Klasmeyt ko nung 1st year college. Suplada at mataray. Walang panahon sa relationship. Naging magka-group kami para sa isang project sa marketing. Pumunta kami ng grupo sa bahay nila malapit sa Malakanyang. Gumawa ang lola nya ng Kape gawa sa buto ng Orka.. Masarap. At dun ko nakita at nalaman bakit seryoso sya sa pag-aaral.

(Huli ko syang nakita last day na management student ako. Bago lumipat ng ibang kurso. Pinakahuling balita. Namayapa na daw sya dahil sa sakit. Di ko alam kung ano.-- SUmalangit nawa.)

Ms. Vigan
------ Kaibigan ng kalasmeyt ko nung first year college, pinakilala sa akin. Nursing student. Naging magkatextmate. Pero bigla nalang din nawala. Nagkakasalubong minsan sa loob at labas ng campus.
(Huling kita ko sa kanya, ng ipakilala ulit sya sa akin ng isa kong kaibigan at klasmeyt sa broadcasting, small world yung una palang nagpakilala sa kanysa sakin at yung pangalawa magkakilala din. Hindi ko sya namukhaan nung pinakilala sya sakin sa ikalawang pagkakataon. Nabanggit nya, nakita nya na daw at nakilala ako. Hindi ako umimik. Kasi di ko sya matandaan)

Additional Info: Hiningi ko number nya dun sa friend ko. Tinext ko, nagalet ata, tinatanong kung sino nagbigay number nya. Sabi ko kung ayaw nya itext ko sya. Sige hindi na Sagot nya, OK.

Ms. Bessy
------ aminado naman ako na medyo pilyo ako at madaling mapukaw sa kababaihan (Noon yun, GOODBOY NA AKO.) Bago pa maging kami ni Ms. Chinatown.... Sabay ko silang niligawan ni Ms. Bessy.... Magkaibigan kami... magkasama sa isang grupo. kami nila chinatown at bessy. ako ang sinasabihan ni Ms. Bessy ng problema niya sa lalake... Madami siya boylet. kaya natakot dina ako umekstra. pero nahuhulog na ang loob namin sa isat isa. kaya naghihintay ako sa kanya... Kaso nauna akong sinagot ni Ms. Chinatown.... Ayun..... 

(BESSY tawagan naim. short for bestfriend, na totoo naman. close kami sa dancetroupe, minan pinagselosan siya ni ms. chinatown isang araw sobrang pagod ko at napasandal ang ulo ko sa hita ni Bessy. "Nagalit si Miss Chinatown, dapat daw sa kanya ako sumandal.. . masaya na siya. at masaya din ako para sa kanya. we started as friends. ends at best of friends. tinatawanan nalang namin yung mga panahong iyon. at minsan nagbibiruan na paano kung naging kami nga....)

Additional Info: Huli kong Balita, Nanganak na sya. Noong August 30. A healthy baby girl. At syempre ninong ako..  Im happy para sa kanya... After so many guys, problems, breakups at case case na beer, ayan proud mother and a beautiful wife to be na sya.


Ms. Marikina
------ Hiyas ng Marikina. 3rd year ako ata nun nung naghiwalay kami ni Ms. Chinatown. Sa pasukan ng taon na iyon 4th year na. Ayun naging pilyo ata ako. Pero si ms. hiyas ng marikina taob ako.... siya alang nakakabara sa akin.... ewan... hindi sya maka move on sa ex nya.... Ayaw nya talaga magpaligaw matagal din bago sya pumayag na ligawan ko. pero nagbago ihip ng hangin.... dumami ang reasons nya kung. second girl na binigyan ko ng bulaklak. Isang longstem rose. Lage simasama sa photoshoot, at mga modeling sompetition nya. Kinalaunan, binasted din ako at naglitanya ng madaming dahilan kung bakit hindi pwede maging kamim tulad ng dahil sa  pamilya, pagaaaral. at future.

(huling usap namin, may GF na daw siya. In short tibo na siya)

Additional Info: Huli kong balita, may BF na sya... Yun lang. Di ko parin nakukuha yung mga librong pinahiram ko sa kanya.. collection ko pa naman yun.. di bale nalang,,,, 

Ms. Italy
------ Klasmeyt ni Ms. NCLC na pinakilala nya sakin..... Masaya siya katext at makulit. hindi pa kami ganuon masyado nagakakasama. pero close kami (ata)... Nasa italy na siya ngayon. Pagbalik nya daw May LUGAW date kami. Favorite nya daw yun. kaya dapat yun ang pagkain pag magkasama kami. pero matatagalan pa ata bago siya bumalik. kung kaya ko lang eh. ako pupunta sa italy. at ipagluto siya ng lugaw. nagpadala ako sa kanya ng sulat nung krismas. card din. na hanggang ngayon hindi pa ata niya natatanggap.... grabe ang postal serbis

(Huling balita, Hindi nya daw natanggap yung liham ko at yung card. Nandito na sya ulit sa Pilipinas. Nagaaral sa MAPUA. Minsan nakaktext ko sya. at sa FB narin nagkakakumustahan. ayun masyado busy eh.. Hindi parin daw nya nakakalimutan yung utang kong LUGAW date sa kanya.. tsk.. Kelangan ko pa magaral kung pano magluto ng masarap na lugaw. Pagluluto ko nalang sya.)

Ms. Belen
----- klasmeyt k0. crush ko. may bf na away bati.... I respect them... Cute sya at mabait. Nakakatuwa ang boses. at napakalambing.
( huling balita ko may bago sya bf... tsk tsk)

Additional Info: Ikinasal na sya this September. Cool ng husband nya.. Nakasama namin siya at ang husband nya sa isang mini reunion ng batch. Mabait naman. Inimbitahan ako at ang iba pa sa kasal nila. Hindi ako nakapunta. Kahit ilang beses nya ako tinext, tawagan at chat sa fb pero si ko sinasagot.. tsk tsk .. Sobra dami ginagawa at busy eh (busy daw wala naman ako trabaho). Ang totoo tinatamad ako.. saka wala ako pera, saka masisira ang diet ko sa reception... SORRY NA!

Ms. Nursing
------ Nanalong Ms. Nursing sa Unibersidad ko. Niligawan ko din nung 4th year ako (kahit madami ako niligawan nung 4th year ako hindi ibig sabihin sabay sabay... nagkakataon lang na palage ako basted...) Taga batangas siya. matalas magsalita. pero maganda talaga... hinayaan ako manligaw. pero nalaman ko nalang may bf na siya. nagmukha akong tanga. patuloy padin... sana man lang sinabi nya.... ahhh ewan'. Pangatlong babaeng binigyan ko ng Bulaklak. Pumunta ako sa dorm nya. Pero wala sya dun. tinext ko, sabi ko may ibibigay ako sa kanya. akala nya ata chocolate. sabi pakilagay nalang sa ref sa canteen ng dorm nila... hehe... sabi ko di kinakain.. Ayun pinabigay ko nalang dun sa gurad. at sinabing palagay sa kwarto nya.

(huli kong balita break na sila nung bf nya at single sya)

Ms. Tourism
--------Miss Tourism, sa skul. Siya yung paksa na nasa TOMA+PAGNANASA=GAHASA. Basahin nyo nalang. Sabi nya lately hindi pa daw siya handa magka bf. dahil sa ex nya na muntik siyang mapatay sa bugbog. matagal pa bago siya magmahal muli. i can wait sabi ko.... Nalaman ko nalang that time may bf na sya. Isa na syang sikat na performing artist. 
(ngayon, single sya ulet, yata)

Ms. Ortigas
------- Kaibigan ni Miss Chinatown (klasmeyt) AYAW ko Mag koment dito.... ITs complicated... Nung sinabi kong mahal ko siya. hindi nya daw ako mahal. At nakikita nya na mahal ko pa daw si Miss Chinatown.Ang gusto nya daw walang commitment kaya ang ending FB. FU%K Buddies. Basta masaya daw kami oks na yun kahit walang tag as bf/gf. At kung kelan nasanay na ako na hindi nya ako mahal. saka nya sasabihin na mahal nya ako.... pero ayaw nya ng commitment...ang Gulo...... Sabi ko sige lets make this work out. Simula tayo sa umpisa. Pangit naman kung ang magiging foundation ng relationship namin ay SEX. Pero di na sya nagparamdam.

(galit sya ata sakin. nung sabi ko friends muna kami. start sa simula)

Additional Info: Oks naman kami, kaso seloso daw yung bf nya, Pinadelete ako sa facebook, friendster, multiply, yahoo messenger. ayun

Ms. Geronimo Street.
------- Batchmate sa centro..... Single Mom. Okey lang sa akin... Tapos ayun... nung mukhang ok naman ang lahat... Hindi na nagparamdam.... ewan.

(huling balita ko nasa City Hall ng Maynila sya nagtratrabaho. Oks naman kami ngayon. Cool sa isat isa. Ang laki na ng baby nya. 3 years old palang akala mo 7years old na.. mas malaki pa sa kanya. hehe. Lage kami magkatext, at lage nagkakayayaan gumimik. Hindi naman natutuloy.)

Ms. OJT
------- Kasama sa lahat..... Mula sa OJT sa Radyo hanggang sa Telebisyon. Kasama ko Magyosi at paborito ako pagurin sa paglalakad sa mall. Single Mom din... PEro hanggang friends lang kami talaga. Isa sya sa mga minahal ko talaga ng todo. Ibang klaseng babae. Lakas mambara. At kakaiba. Matapang pero sweet. Lalo na sa anak nya. Napaka responsable. At ang nagiisang Mayaman na kilala kong kuripot. Huhu... Pagkatapos daw namin grumadweyt punta na sya US. Oi bakla magpakita ka bago ka umalis!!! Huling kita namin Graduation Day.

(Huling balita. Happily married narin sya. Sa US narin ata sya nakabase. 

Ms. Trinity
-------- nakilala ko siya dahil sa isang radyo program sa madaling araw. AM radio. Yung Programa ni Mr. Karinyoso kung saan sinasangla/pinamimigay yung mga number ON-air. Kalog, makulit, madaldal, pero may sense naman. Medyo korni. Lage kami naguusap sa phone dati. Pero lately nawala nadin sya parang bula. Busy ata. Tagal na nya sa college. Baka gusto makagraduate na. hehe. Sa Trinity sya nagaaral. Masscom din/ Madami ako pagkakasala na nagawa dahil sa kanya.... hehe. 

Ms. Novaliches
-------- Sumali sa Turismo Pilipinas. Taga Novaliches talaga sya. Pero sa Navotas sya pinanganak. Kaya naging Miss Navotas sya nung contest. Grabe ang dami ko pinagdaan para dito. Huli kaming nagkita sa Turismo Pilipinas. Dapat manunuod lang ako para sumuporta. Pero sa di inaasahang pagkakataon, at dahil narin sa Kaibigan kong si Audee. Napasali ako sa Production ng contest na iyon. Sakto, naging dancer ako bigla. Sumayaw ako sa mismong contest, at nakasama pa sya ng ilang sandali sa mga rehearsals at sa backstage. Napasayaw ako Live on TV ng di inaasahan. hehehe. Pero hindi rin masyado nakita sa TV nung nagsasayaw na kasi kami, nagkaroon ng technical problem, eh nakapagbihis na ako ng damit. Nung inulit yung sayaw, hindi na ako nakasama. Buti nalang nakuha ko pa yung 300 na talent fee at hindi napansin ng director na Missing in Action ako sa Production Number.


Mahaba ang naging istorya ng lablayp chenes ko dito kay Miss Novaliches. Una ko syang nakilala noong 1st year kolehiyo sya. Ako 2nd year at may girlfriend na si Miss Chinatown. Napukaw ako agad sa mala-pussy este mala-pusa nyang mga mata. Pero hindi pwede, dahil nga may gelpren na ako. Naging close kami... Na pinagselosan pa ng husto ni Miss Chinatown. Muntik na kaming mag-away ng malupet. lumipas ang panahon, nang magbreak kami ni Miss Chinatown nakita ko sya ulet. Wala padin boypren si Mss Nova nuon. Kaya todo porma ako. Sumali sa mga org na kasali sya, at sumama sa mga seminar na kasama sya. Duon akala ko magtutuloy tuloy na. Hindi pala. Pagtungtong ko ng 4th year. Nalaman ko yung isa kong kaklase gusto sya. Pero yung topak kong klasmeyt may nilalanding iba, na klasmeyt ko din. nagtanung sakin si Miss Nova, kung sasagutin nya na daw ba si klasmeyt ko...ARAY, SAKIT, sakin pa tinanong, ano daw tingin ko kay klasmeyt, ARUY ulet. Di ko naman sya masisi dahil hindi pa rin naman ako nagtatapat sa kanya. Natuto akong manahimik sa isang tabi. Hinayaan ko nalang... Hindi ko naman masabi ang mga kalokohan ng klasmeyt ko sa kanya. Baka sabihin ako pa ang naninira para masolo ko sya. Natuto akong maging bulag sa kalokohan at kalandian ni klasmeyt. Si Miss Nova ang una kong binigyan ng book bilang regalo "I Kissed dating Goodbye" ang title. (nagbabaka-sakali na magbago isip nya pag nabasa nya yung book at di nya sagutin si klasmeyt babaero). Pero waepek yung libro.  Napakabait ni Miss Nova kayat ayaw kong masaktan siya. Hindi ko man binuko ang mga kalokohan ni klasmeyt na gago. Binigyan ko nalang sya hint. Pero di nya ata na gets. Ayun naging sila.

Pero kinausap ko si klasmeyt para malinaw. Sinabi ko sa kanya ang lahat. Pero naging iba ata ang dating sa siraulo kong klasmeyt. Sabi ko pag sinaktan nya si Miss NOva bubugbugin ko sya. Nangako siya, hindi raw, kasi si Miss NOva ang Dream Girl nya. Pero tulad ng inaasahan ko.. Naghiwalay din sila... 


Additional Info: Huli kaming nagkausap sa YM chat, Nung mga panahong iyon nasa Qatar sya at nagtratrabaho. Wala na ako balita sa kanya :(


Ms. Candelaria
------- Nanalong Binibining Candelaria. Kasamahan sa grupo. Pero lower batch. Actually graduate na ako bago siya pumasok sa grupo. Pero dahil hindi ko maiwasan ang katihin ang paa at magsayaw ulit. Lagi ako pumupunta dun. At dun ko sya nakita at nakilala. Basta sya ang aking ONE and ONLY PANDA.
(kakabalik lang nya mula sa matagal na pagkawala dahil nag OJT sya sa ibang bansa, di ko pa sya nakikita)


MS. SELAMS
-------- Former Girl friend ng aking dating Tropa.. Basta cute eto... Ewan ko ba may something talagang sexy about nunal sa taas/gilid ng labi o mukha... Sa lahat ng babaeng nakalist dito 80% ang may facial mole.  Basta complicated to. Complicated na nga sila nung tropa ko dati. Sasabit pa ako.


(ok naman sya ngayon, MADAMI daw nanliligaw sa kanya. Kung gaano kadami ayaw nyang sabihin... haha... masaya daw sya sa fiance nya. ayun)

MS. Japan-Japan
------- ANg Haponesang napakasunget. Minsan lang bumanat pero malupet. Cute at  sexy. Photogenic at Hyperactive. Kasama din sa grupo ng mananayaw. Lagi ako nagpapansin sa kanya pero di nya ako pinapansin. Siya ang unang nagbigay sakin ng Tsikinini o Kissmark (pero hindi sa sensual na paraan, naglalaro kasi kami ng truth or consequence sa Jip kasama ang iba pang mga kaibigan) 

(Huling balita, single na sya at gragraduate na)

Ms. Ponpon
------- Officemate na may BF.... Respect. Minsan nasabi nya sakin. "Panu kung wala ako bf, liligawan mo ba ako?" sabi ko papayaman muna ako. pero why not. mabaet at masaya siya kasama. ewan. basta ako. motto ko. "WAG KANG MANGAAGAW NG GF NG IBA, DAHIL KAPAG NAAGAW MO SIYA. MAAGAW DIN SIYA SA IYO. DAHIL MINSAN NA SIYANG NAGING MAHINA SA PAGKAKATAON NA NAKUHA MO SIYA. MAARI DIN SIYANG MAGING MARUPOK AT MAKUHA NG IBA" Pero hindi ko naman sya balak pormahan lang. Crush siguro dahil kwela sya at mabait. Mas masayang friends kami. Sa ibang kumpanya na sya nagwowork. Ako bum at walang work.. hehehr

Ms. Las Piñas
------ Ang babaeng mejo bingi sa kanang tenga. Makulit at pasaway. Kasama sa trabaho. Ang cute tumawa. Masama makatingin at mukha nang panda dahil sa eyebugs nya. Ang sarap asarin, malambing at mapagmahal. Hindi nagsasawa sa mga jokes at kwento ko. Kahit paulit ulit pa at super korni talaga...   

Jan 6, 2011

MGA BAGAY AT PANGYAYARING GUSTO KONG MAKITA AT MARANASAN BAGO AKO MAMATAY

Panimula: Ilang beses na akong nagkakaroon ng Bangungot o yung mga tinatawag na “NIGHTMARES” nitong mga nakaraang araw. Marahil dahil sa pagod. Ang totoo , ilang buwan narin akong at pinapahirapan ng aking INSOMNIA. Halos lampas isang taon na ng lumala ang insomnia ko Marahil bunsod ito ng mga pagyayaring nakakapagpabagabag sa aking diwa at isipan. Depression marahil, mula noong ako ay magdaan sa pinakamasakit na yugto ng aking puso at buhay. Mula noon hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Swerte na kung nasa 3 o 4 na oras ang tulog ko. Minsan swerte akong nakakahimbing sa hapon, minsan sa gabi. Ngunit tuwing ako ay papalaring makatulog. Ako naman ay binabangungot. Bangungot na hindi mayroong mga halimaw at dragon, o mga impakta sa banga at kagubatan kundi yun pakiramdam na hindi ako makagalaw at makahinga, kahit bukas ang iyong diwa at nakikita mo ang mga bagay sa paligid. Minsan na akong binangungot noung ako ay nasa kolehiyo, nakita ko ang isang liwanag. May tumatawag sa akin. Papalapit na ko dito, ngunit naalala ko ang aking mga mahal sa buhay. Kayat pilit kong ibinalik ang sarili sa mundo. Hindi ka man maniwala, pakiramdam ko namatay ako nuon at nagbalik. Ngayon, muling bumabalik ang boses at ang liwanag. Iniisip ko, marahil isang araw. Hindi ko na kayanin at akayin nako nito. Kayat bago ang lahat, bago ito maisakatuparan (wag nman sana). Ito ang mga bagay na nais kong matupad bago ako muling makipag-batian ng “hi” at “hello” sa liwanag at makipag-apir kay kamatayan.

——- Maipagpatayo ko ng Bahay sila Ama at Ina.


——- Makita ang loob ng MALAKANYANG


——- Makipagreunion sa Elementarya at Hayskul, at sapakin ang mga dating nam-bully sa akin.


——- Gayahin ang buhok ni Rey Valera o kaya kay Ka Feddie Aguilar.


——- Makita ang Batanes


——- Makapunta sa New Zeland


——- MAKAPAG-ASAWA.


——- Humingi ng Authograph kay Pepe Smith (may kasama pang picture)


——- Makitang may Disneyland narin sa Pilipinas


——- Matapos ang ginagawa kong Libro. (serious book ito, naniniwala ka?)


——- Matalo si Pacquiao ng boksingerong hindi taga Mexico, kundi ng isang taga Zimbabwe


——- Makita ang mga Ex girlfriend ko. Humingi ng sorry at mag pasalamat.


——- Magkaroon ng 6 na anak. (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy)


——- Lumuwag ang MRT


——- Makita ang sarili sa lahat Pahayagan (meron na ako sa Manila Bulletin, Pangalan nga lang : Sa Phil. Star, may kasamang picture, Article pa ni Tim Yap.. hehe


——- May Makahuli si Osama Bin Laden


——- Magkaroon ng asong hindi mamatay pag tungtong ng ikalawang taon (dedbol lagi si bantay, malas ata ako sa asong askal eh) Sino may pure breed? Penge?


——- Magkaroon ng mall sa Payatas.


——- Pumayat (para naman gwapo ko sa loob ng kabaong)


——- Makasayaw ulit sa Cultural Center of the Philippines


——- Makaupo sa Lap ni Santa Clause


——- Masimento ang kalsada samin


——- Malamang may isang tao sa mundong nakakaintindi sa utak ko


——- Magkaroon ng BEST FRIEND (na girl)


——- Makasakay sa Titanic


——- Maglaro parang bata.


——- Humiga sa damuhan habang nakatingala sa mga butuin habang kasama ang minamahal


——- Makapag aral ng Abugasya (sana magkapera, ang mahal eh)


——- Makatikim ng buko Pie sa itaas ng MT. Makiling.


——- Lumabas sa pelikula (kahit extra)


——- Makakita ng Pagong (si Pong)


——- Makapasok sa Araneta Colosseum


------- Manalo sa Palanca o kahit anung Patimpalak sa Pagsulat


------- Makasakay sa Ambulansya, may Wang Wang


------ Makita ang kaibigang si Kristine Rivera. (kung sino man ang nakakakilala pakiusap paki  sabi hinahanap ko sya.. please please please)


------ Makitang Malinis ang Ilog Pasig. Makalanggoy at magtampisaw dito.


------ Higit sa lahat maniwala kang seryoso akong tao.




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 30, 2010

TUWING GABI

TUWING GABI
(an ode to the emo)
ni Hedel A. Cruz


Saan Ba Nagsimula ang Terminong “EMO”
waring ito sa mga emotero’t emoterang tulad mo at ko
O sa damdaming pilit nagpupumiglas
Sa kalalaliman ng Gabi ilabas ang Patalim

Sila ba ang mga nilalang
na sa damdamin ay pumapailalang
Ang simbuyo at adhikang di makita
Sarado ang mga mata bunsod ng Luha

Sino ba ang Emotero?
Ang mga taong sawi o ang mga pighati
Na sa damdamin inilalabas, humahati
O ang talipandas na luhang sa mata ay tumatakas

Ilabas ang mga blade
Rubie gillette man o Dorco
Ipinta ang dugo sa dingding
O sa harap ng salamin

Sino ba ang walang damdamin
Yari bang ilambitin sa baging
Ang leeg na sandalang pigtasin
Hininga sa ilalim ng Hangin

Sila ba ang waring pinagiwanan
Sa dulo ng mundo nagugulumihanan
O sadyang isang kabalintunaan
Turing sa kanila’y katatawanan

Emotero’t emoterang palaging nakaitim
May eyebugs pa at mahirap arukin
Dagdagan pa ng eyeliner ni ate o ina
Pighati sa bawat nilikha

Hindi bat bawat isa’y may damdamin
Hindi lang ang mga ato sa dilim
Ilabasman tunay na hangarin
Paglinap ay kay dulas parin

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended