Showing posts with label poem. Show all posts
Showing posts with label poem. Show all posts

Dec 1, 2010

SANAYSAY
ni HEDEL A. CRUZ

Kapag Haharap ka sa kalaban o 
anu mang pagsubok sa buhay.
Wag Mong iisiping matapang ka.

Isipin Mo Duwag ka.
Dahil Kapag Duwag Ka.
Saka Mo Nailalabas ang Tunay
Mong Katapangan.

Dahil Madalas.
KApag NMauuna Ang Tapang.
Nasasamahan ito ng Kahambugan.
At Ang Kayabangan.
Madalas Nagbibigay lng ng mga Maling DESISYON.
----------------------------------------------------

Nov 30, 2010

TUWING GABI

TUWING GABI
(an ode to the emo)
ni Hedel A. Cruz


Saan Ba Nagsimula ang Terminong “EMO”
waring ito sa mga emotero’t emoterang tulad mo at ko
O sa damdaming pilit nagpupumiglas
Sa kalalaliman ng Gabi ilabas ang Patalim

Sila ba ang mga nilalang
na sa damdamin ay pumapailalang
Ang simbuyo at adhikang di makita
Sarado ang mga mata bunsod ng Luha

Sino ba ang Emotero?
Ang mga taong sawi o ang mga pighati
Na sa damdamin inilalabas, humahati
O ang talipandas na luhang sa mata ay tumatakas

Ilabas ang mga blade
Rubie gillette man o Dorco
Ipinta ang dugo sa dingding
O sa harap ng salamin

Sino ba ang walang damdamin
Yari bang ilambitin sa baging
Ang leeg na sandalang pigtasin
Hininga sa ilalim ng Hangin

Sila ba ang waring pinagiwanan
Sa dulo ng mundo nagugulumihanan
O sadyang isang kabalintunaan
Turing sa kanila’y katatawanan

Emotero’t emoterang palaging nakaitim
May eyebugs pa at mahirap arukin
Dagdagan pa ng eyeliner ni ate o ina
Pighati sa bawat nilikha

Hindi bat bawat isa’y may damdamin
Hindi lang ang mga ato sa dilim
Ilabasman tunay na hangarin
Paglinap ay kay dulas parin

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended


Nov 19, 2010

Huling Buga

Huling Buga


Ilang beses ko na bang sinabi
Na hinding hindi na magyoyosi
Tila sindami na ulan noong Hunyo
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.

Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa gilagid at ngala-ngala?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?

Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming alumpihit
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit

Mula nang ikaw ay lumisan
Sa bisyo ako ay nakipisan
Kasama sa magdamagan
Nang sakit ay mabawasan

Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 13, 2010

Mga Tulang walang Tugma, Mga Akdang Walang Haba

MGA TULANG WALANG TUGMA
MGA AKDANG WALANG HABA

(Koleksyon ng tula mula sa Bahay Kwentista)




Sawa at Hawa
ni Hedel Cruz

Kung sawa ka na sa buhay mo
At gusto mo na itong wakasan
Punta ka muna sa sementeryo
Saka mo sabihin yan sa mga
mga taong namatay

Dahil sa sakit, aksidente
at sa mga taong gusto pang mabuhay.
kung hindi lang
pinigilan ng tadhanang magpatuloy

--------------------------------------------------
EKIS
ni Hedel A. Cruz
Tinuklap ng Gabi
Ang Bawat Mata na Nakamasid
Sa Kailalaiman ng Nagaalimpuyong 
Damdamin

Tila Hila ng Kaba
Ang Bawat Sandali
Sa loob ng Mundo
Hindi na maipapasubali

O Pag-Ibig saan nga ba
Nagtatapos?
Sa Dulo ng Mundo
Pagitan ay Hulagpos.

--------------------------------------------------
BLANKO
 ni Hedel A. Cruz


Hindi ka ba Nagtataka?
Kung Bakit hanggang ngayon Nakikibaka
Ang Puso kong siguradong 
walang Pag-asa
Napapagal kapos ang hininga

Sa tuwing Kapiling Ang Alaala
Tanda mo Ba?
Nung Sinabi mo sa akin
Na tigil ka na.
Ang paglalakbay ng Paa.
Kasama ang diwa puso at kaluluwa.
Lahat Huminto tulad ng
Pag-agos ng progreso
Ng Bayang walang pagdaloy
Tungo sa Liwanag.
Unti-unting Dumilim.

Hindi ko rin Inaasahan
walang lubos pag-aakala
na ang simpleng paghanga
ay Tuloy-tuloy
dirediretso sa puno hanggang dulo
Sapul. Wasak. Tagos.
Tuliro.

--------------------------------------------------

ANINO
Ni Hedel A. Cruz


Ang paghikab lang ang pumupunit
Sa katahimikan ng gai
Pilition mang tuluyang humimbing
Bakit kaya kay hirap itulog ang
Sakit ng puso na unti-unting
Pumapatay sa liwanag ng magdamag.

Ilang beses na bang sinampal ang sarili
At sinabing kakayanin ang mga araw at sandali
Na ito ay parang hanging dadaan
Sa buto at kalamnan sa lamig ng gabi dumadarang

Sa aking paghimlay di parin matinag
Ang damdaming kinakapos ng hininga
Para bang isang aninong sumusunod
Pero bakit ang aniniong ito
Kahit sa gabi ay sumusulpot
Kapos man ang liwanag ngunit 
sa akin ay nakapulupot
Ang aninong hindi na yata aalis.
Kasama hanggang sa dulo ng pag tangis.

Nawalan na ng nasa ang katawang bumangon
Nawalan narin ng dahilan para  matulog
Naiwan sa kawalan , nakagapos
Tuwing umuulan sumasabay sa matang umaambon
Lahat ng ito nang ikaw ay tuluyang sumulong.

--------------------------------------------------

BERSO NG TOYO
Ni Hedel A. Cruz

Itim, malapot maitim
Tunay ngang kulay karimarimarim
Tulad ng Gabing 
sa ating Paghinmbing

Itim, Malapot maitim
Buhat sa sisidlang salamin
lumapit kat tumikim
Nakita mo ang sarap sa akin

Mula sa butil na kay bilog
Sa Soyang iyong hinubog
Mula sa butil na kay bilog
Inilabas ang lasap, mahinahon

Sinong magaakala
Sa aking kulay na imburna;
Ikaw ata ay nahibang
Nagalak lumasap lumasap

Mula sa sisidlan ipinatak
sa platitong bilog tumagaktak
lumasa, ang sarap bumulwak

Hindio man sing puti ng suka ni Datu Puti
Linamnam ay di mahahwi
Lagyan mo ng konting kalamansi
tila sitrus ng Langit sumilip

Ibuhos man sa Ginisa,
Gawing sawsawan o pampalasa
Dagdagan mo pa ng konting Paminta.
Itim Malapot maitim
Masaya akong ang iyong Lasa ay pasarapin

--------------------------------------------------

PANTAS
ni HEDEL CRUZ

Isa kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Mula sa Samyo ng buhay
mundo ay kuminang
Pagdaloy ng Buhay, Kumilos pumiglas
Pagmamahal Bumuhos, bumalikwas
Isa kang Pantas
sa Akin ay Nagmahika
Waring Ang Paligid, Sumaya
Binigyang diin ang mundo at kulay nya
tulad ng kalikasan
Luminis , diwa ay tinakasan
Isa kang Pantas
Sa akin Ay Nagmahika
Daglit tinipon Lungkot at Kaba
Isinilid sa Pagkakataong walang hanggan

Isa Kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Gamit ang busilak na Mata
tinuro ay Lagusan Papuntang Berbanya
Kahariaan sa dulo ng Adarna
Ikaw ay Nagpinta
Isa Kang Pantas 
Sa Akin Ay Nagmahika
Tulad ni Prinsipe Juan
Ako ay iyong dinala
Sa Kahabaan ng daluyan ng pag-iisa
Tanging ikaw ang nakakita
Isa Kang Pantas
sa Akin Ay Nagmahika
Gamit ang boses, umiral
Hugot na patalim at sundang
Muling binangon ang Patay na
Isa Kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Buhay sa pagiging Bato ng Adarna
Hinawi ang Gubat
At ang baging na salasalabat

Isa kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Tunay nga
Nagbigay Buhay
Nagbigay Kulay


--------------------------------------------------

DING DING NI INENG
Ni Hedel A. Cruz

Apat na taling iyong sukbitan
Bubuo sa iyong mundong parisukat
Tanging hiling ikaw ay Humimbing
Sa pagkakatulog ako ang iyong Dingding

Hindi ka hahayaang
Matikman nitong sino man
Sa tuwina ay babantayan.
Sa buong gabi ikay iingatan

Sa Loob ng aking kaibuturan
Sa pagitan ng kalaliman
Ng himbing sa kadiliman
Tulog na, di kita pababayaan

Walang sino man ang lalapit
Sa kutis mong aking iniibig
Di magtatagumpay itong Talipandas
Hindi hahayaang mahagkan

Sa buong Gabi tayo ay Magniniig
Huwag magalala sa aking piling
Dahil ang Katol maya maya mauubos din
Ngunit ako ay iyong Kulambo , 
Ang Dingding mong magiting


--------------------------------------------------

Ang Huling Pag-ikot
Ni Hedel A. Cruz

Naalala mo ba?
Akala ko tapos na.
Nakayapak naglalakad
Tila kay bilis ng pagusad

Ang mga gulong ng tadhana
Dalawang Mundo, Binabahala
Damdamin ay tanggap na
Pagitan ng Mundo, sa Ating Dalawa

Hinabi ng Pagkakataon
Nagsama na parang kay isa
Sa Huling Yugto
Pagitan ng mga Kamay, Lumayo

--------------------------------------------------

KABALINTUNAAN
ni Hedel Cruz


ANG MUNDO AT ANG MGA HAYOP
KAYANG MABUHAY 
KAHIT WALANG TAO.

PERO ANG TAO
HINDI KAYANG MABUHAY
NG WALANG HAYOP AT MUNDO

"KAYA SIGURO MADAMING TAO ANG MAKAMUNDO AT NAGPAPAKAHAYOP"






Credits to Google Images Search Engine. No Copyright Infringement Intended

Nov 8, 2010

Torpe

TORPE
ni Hedel Cruz


Ilang beses ko nang gustong lumapit sayo
Ngunit parang nalulunod ako
Sa sarili kong laway di ako makapalag
BuBukas palang ang bibig puno ng bagabag

Siguro nagtataka ka, kung bakit sa iba
ako ay masaya, palaging nakangiti at
tumatawa. Ganun lang ako, wag kang
magalala sayo kasi ako ay torpe na.

Natuwa ako nung sinabi mo.
maganda yung long sleeves na suot suot
ko. Sana naging Long-sleeves nalang ako
baka sakali araw araw mapansin mo.

Di ko inakala na sa pagkakataon pa.
Kahit ang Jeepney Ride ay kay saya.
Yun na siguro ang pinaka maikli.
Pero ang saya sa puso ay namumutawi.

Di ako makapagsalita kapag nariyan ka.
Feeling ko kasi maasar ka. Mukhang di
ka sanay sa mga biro ko at patawa.
Kaya hanggang sulyap at tingin ako'y masaya na.

Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Sa pagsasayaw ata ng Lanceros ako'y nabahala. 
Yun ang unang ikay nakapareha.
Ngayon ninanais na habang buhay na..

Ngunit ngayon hanggang tingin nalang..
Ayoko kasing masaktan pa..
Sugat ng puso'y naghihilom na.
Sana pagkatapos nariyan ka pa.

Lecheng Pagibig ako ay suko na.
Isang malaking ilusyon iyon ang
napintaha. Ewan.. Basta... Mahal na
talaga ata kita.. Baka bukas ay makaya ko na.

Pero ngayon hanggang di ko pa kaya.
sanay hayaan mo nalang na ako ay ibigin ka. 
Kahit sa malayo palaging nakatanaw.
Sana malaman mo sa puso ko ngayon ikaw ang pumukaw. 


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 5, 2010

Walang Pamagat

Walang Pamagat 
ni Hedel Cruz



Tulad ng isang hangin na hindi makita
Nakabalot sa walang hanggang pangarap.
Ang bawat sandaling hindi mahagilap
Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap.

Lamyos ng iyong tingin. 
Nakasusulasok sa aking Damdamin.
Hindi masilayan.
Isa kang sinag na hindi mahawakan.

Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula.
Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan.
Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli.
Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali.

Ito ang aking Diwa, Ito ang aking Panaghoy.
Isang Tulang Walang Pamagat.
Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat.
Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat.

Sa simula ng pagsanaysay. Pilit na Linalakbay.
Saan nga ba mahahagilap.
Ang isang Tulang Walang Pamagat.
Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat.

Ang Bawat salitang Lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak.
Sa klalaiman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak.
Dumating na nga ba ang Tamang Oras.
Na sa iyo ay Ilabas.

Ito ang Aking Panaghoy
Isang Tulang Walang Pamagat.
Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat.
Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat

Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman.
Lubos na pagsinta at pagmamahal.
Habang Hindi Pa Makakaya.
Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat. 


Image by: Hedel Cruz

Oct 29, 2010

ISOY

Note: Ito ang isa sa mga kumakalat kong gawa. Ginawa ko ito 2007.
Nung magsimula ako magyosi after namin mag break ng Former-GF ko.


ISOY
ni Hedel Cruz


Maraming nagtatanong. 
Ano ba daw ang nakukuha ko sa YOSI.
PORMA?
ASTIG?
COOL TIGNAN?

Simple lang naman. 
Malapit kasi ang PUSO KO SA LUNGS

BAWAT HITHIT
BAWAT BUGA,
TINATAKPANNITO ANG PUSO KO

Binabalutan ng ULAP
ULAP na nagpapamanhid sa damdamin.
Parang ANESTISYA

Sa ganitong paraan
Lahat ng sakit ng PUSO ko nababawasan.

DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAUNANG MAWASAK 
ANG LUNGS KO 
KESA UNT-UNTING MAMATAY 
SA HAPDING HATID NG PUSO KO

---------------------------------------------------------------------------

Note: ITO NAMAN YUNG EDITED VERSION NA GINAWA KO NUNG PEBRERO 2008


“I-SOY”
Ni Hedel A. Cruz

Napakaraming nagtatanong. Maraming nagtataka.
Kahit ang magulang ko, suko na.
Sa aking bisyo.
Di matigil.

Ano nga daw ba ang nakukuha? Sa hithit at buga.
Sa usok, sa nikotin at mabahong hininga.
Cool? Astig? O Porma ang dala?
May dilaw na ngipin pa.

Kung aking ipagtapat, ang aking tunay na dahilan.
Baka matawa ka lang. Ako ay dagukan.
Tumawag ng pulis.
Ako’y marehab pa.

Simple lang naman ang aking dahilan. Simple lang.
Malapit kasi ang bibig sa ngalangala.
Ang ngalangala sa Lungs.
Ang Lungs sa Puso.

Ang mahaba at payat. Ang maputing kaligayahan
Bawat hithit, dala ay luwag at ligaya
Pula, Puti, kahit Menthol pa.
Hithit. Buga. Sige pa.

Tulad ng isang alapaap na puno ng puting bulak.
Bawat hithit , bawat bawat hinga.
Tinatakpan nito ang Baga.
At Puso ko.

Binabalutan ng ulap. O Ligaya. O anung sarap.
Ulap na nagpapamanhid sa dindama.
Parang Ansestisya.
Manhid na.

Sa ganitong paraan lamang. Sa ganitong sistema.
Lahat ng skit ng Puso ko, nawawala.
Prang tubig sa Disyerto.
Tuyo at Patay.

Lahat ng sakit, lahat ng tinatagong hapdi. Naglaho
Dahil mas gugustuhin ko pa kasi. Oo tama.
Na maunang mawasak ang Baga ko.
Kesa unti-unting mamatay.
Sa sakit ng Puso ko.
-----------------------------------------------------------------------

At Ito naman ang Kumakalat na CELLPHONE TEXT VERSION:


Isang Pamatay na Kadramahan!
Nagtataka aq ang ano ba
nkkuha sa yosi....
porma?
astig?
sbi ng 1 tambay:
cmple lang nmn
lapit kc ang HART sa
LUNGS..
bwat hit2,bwat buga, tntakpan n2 ang puso q., bnabalutan
un ulap... ulap na nagppmanhid sa damdamin....
parang anesthesia... sa gn2ng paraan, lhat ng skit ng puso ko nababawasan.
mas gugustuhin qng maunang mawasak ang baga q....


kesa unti2 aqng mamatay sa hapdi ng nararamdaman ko...
waah... =P ang drama naman!


---------------------------------------------------------------
NOTE: Nung una, syempre hindi na ako nabigla na kumakalat yung mga gawa kong tula. Kasi sa Cellphone ko talaga ito ginawa, at ipinadala sa mga kakilala at mga kaibigan. Hindi na maiiwasan na iforward ito. Pero yung pangalan ko sa dulo nawala na.. At madami pa akong ginawang tula at mga kowts na na edit na at nawala ang pangalan ko bilang may akda. Syempre may bahid ng pag-kaasar sa simula. Na nuon parang ayaw ko na gumawa ng mga kowts at tula. Pero napagisip isip ko. Kasama sa risk yun. Saka sino ba naman ako. kahit naman nandun pangalan ko. Hindi rin naman nila ako kilala. Sino nga ba naman ako isang hamak lang na kwentista. Sa huli, naisip ko rin, hindi naman ako nagsusulat para sumikat. Hindi rin ako nagsusulat para makilala ng tao sa Pinas. Nagsusulat ako dahil gusto ko ito. Gusto kong ilabas ang mga bagay na nasa dulo ng utak ko at kailaliman ng puso ko. E ano ngayon kung wala dun ang pangalan ko. Ginawa ko yun dahil yun ang nais kong iparating sa mundo. Ang ilabas ang nadarama ko. Dapat maging masyaa na ako na sa mga sinple kong tula, may napapasaya akong tao. May nakakarelate sa mga pinagdaraanan ko. Ang tula at mga akda ko ay hindi lang personal na kwento ko, Maaring Kwento mo rin ito, kwento ng ibang tao, kwento ng kaibigan mo. Kaya bakit ko ipagdadamot ito. Saka alam ko naman na gawa ko ito. Hindi ko na kailangan pang patunayan sa mundo. Masaya na ako na naging bahagi ito ng buhay mo... 


Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended.