Showing posts with label Kultura. Show all posts
Showing posts with label Kultura. Show all posts

Nov 9, 2010

Pasinaya 2010: Cultural Center of the Philippines

PASINAYA 2010
Cultural Center of the Philippines


Video: Courtesy of BahayKwentista : Youtube



Nakalimutan ko na kung anong grupo ito. 
Di ko tinandaan nung kunuhuhaan ko ng bidyo.
TP yata o Bayanihan. Pasensya na hindi ko sigurado...
Galing ng Pinoy Yeah.


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Oct 16, 2010

JEJEMON EVOLUTION

JEJEMON JEJEMON SAAN KA NAGMULA?


JEJEMON GIRL

Anak ng Mahabaging Kalabaw. Hindi ko alam kung matatawa ako dito o masusuka?

Ano sa Tingin nyo? Masyado na bang malala ito?. Buti nalang at dumating si BEKIMON. At kahit papaano medyo nawala ang atensyon natin sa mga katulad nila. Hindi ba kayo nagtataka? Parang parehas lang ang mga Emo, Skwater Rapper, mga Gang gang sa Kanto at looban, saka ang Mga jejemon. Pati sa pananamit , pagkilos at pagsasasalita. Parang patuloy lang silang nag-eevolve. Naghahanap at sumisiksik sa kung anu ang uso. 

Mapunta tayo sa tanong na, Sino kaya ang nag-pauso ng term na JEJEMON? Sa totoo lang matagal tagal ko naring naeencounter ang mga jejemon. lalo na yung word na "jejejejeje" karaniwan ginagamit sa hulihan ng text, para ipakita ang pagtawa o "hehehehe" pero ayon sa ilang kilala ko, hindi naman sadya na jejejeje ang ginagamit nila. Sadya lang daw silang tamad. Kayat imbis na  dalawang pindot ang gawin para matype ang letrang "H" ay ang letrang "J" nalang ang ginagamit nila. Nung nagsimula nang kumalat ang jejemon. Tinigilan na nila ito para hindi maiiugnay sa Hardcore jejemon. Hindi ko talaga maintindihan kung anu ang sense ng jejemon. Sa pagtype at sa pagsasalita. (marahil kasalanan ito ng mga telecom providers, kung walang unli, hindi maglalakas ng loob ang mga jejemon para pa-artehin at gawin ang kung anu-anu pang shit sa pagtataype, dahil titipirin nila ang load at iiklian ang text). May kilala ba kayong Mayaman o Kahit middle class na Jejemon? Parang wala pa. Hindi sa Iniuugnay ko sa kahirapan at mga Class D E F G H I Jejejeje ang pagiging isang Jejejemon. Hindi ko sinasabing mahihirap na pinoy lang ang umaasta at nagpapapansin bilang Jejejemon. Nagtataka lang ako, Bakit pag maganda at mayaman ang umastang jejejemon ay Cute Tignan? pero kapag Urban Poor, eh parang nakaka-asiwa? (any answers?)


Mabalik tayo dun sa observation ko. Yung pananamit at pananalita ng mga jejemon ngayon. Diba matagal na natin itong nakikita? Matagal na matagal na matagal na, bago pa man mauso ang term na ito. Diba? Tama Ba? Sila yung mga tipong laman ng looban, yung medyo punk na emo. Yung rapper na maluwag damit at may cap.  Pero ngayon syempre medyo nag-evlove sila. Parang Hybrid lang.. Ayan sa gilid yung mga tao sa looban/(hindi ka na makakalabas ng buhay) look.  Ano sa tingin nyo? wag nyo na tignan. Makuha kayo sa Tingin. Gusto mong turukan ka nyan sa tagiliran?

At eto naman yung Emo look.  Di ko alam kung ang pagkakaiba nila sa emo eh yung BANGS. Baka dapat bago ka sumapi sa Jejemon Tribe eh wala kang bangs. Pero technically halos pareho din sila ng pananamit. Maliban nalang sa pagiging makulay ng panananamit ng mga jejemon. Angas ni kuya oh. May scarf pa. Para sa marami, siguro  kaya nauso ang Jejecap (yung tipical na head cap) ay para dual purpose. Pwede ka maging jejemon. Basta itatago mo yung Bangs mo sa sumbrero. pag feel mo na ulet maglaslas ng blade at makipagsiksikan sa octoberfest o Tanduay rockfest o kahit anu pang moshpit at body slam jan. Alisin mo lang yung cap tapos magsuot ka ng itim. Ayos na!


At syempre eto naman yung gangster look. o Yung sinasabi nilang GANGZTAH.  Pansinin na lamang ang paraan sa pagsulat ng salitang Gangster na naging "Gangztah". (ano sa tingin nyo? looks like jejemon?) Pansinin din ang pananamit nila at mga senyales gamit ang mga kamay. Tulad ng "Looban Look" na nasa taas. Kagaya din ng "Emo" look mahilig sila sa hand gestures. Mapa-peace sign man ito o middle finger. o kunwari telepono na nagsasabing call me na naka horizontal. Hindi rin mawawala sa kanilang arsenal, este get-up ang bandana, panyo o scarf.




At syempre eto ang Jejemon Look. Malaki ang pagkakaparehas ng aking mga nabanggit tama ba? Makikita ang malaking similarities. Mapapansin din, tulad ng nabanggit ko na kanina, na karamihan sa mga grupong ito ay part ng Class D at Class E group ng society. Don't get me wrong. I have nothing against them. Gusto ko lang himayin ang mga sirkumtansya kung bakit nagsimulang nauso ang Jejemon. Given na yung fact na matagal na ang Looban Look. Mula p[a ng umusbong at dumami ang mga tao sa Maynila. Kung saan sinakop ng mayayaman ang mga magagandang lugar. At ang mga uri ng magsasaka at mga promdi na nakipagsapalaran sa magulong mundo ay  naipon sa isang masikip na lugar, malayo sa mayayaman at pinagiinitan. Natuto silang gumawa ng sariling mundo, sariling pagkakakilanlan. Nagsimula naring sumikat ang Tondo. Noon hindi pa Gang ang tawag dito.. Simpleng mga tao sa looban na ang tingin ng marami ay salot sa lipunan. Naging mailap sila. At dahil nga sa pagmamata ng Bayan natutong tumayo at maging matapang.


Given narin na iba ang pananaw at ketegorya pag sinabing pangkat. Pangkat pangkat. Base sa probinsya o bayan na pinagmulan. Wala pang gangstah noon. kaya ang labanan teritoryo teritoryo at ang pinanggalingan mo. Hindi pa, at malauo sa Gangster ang pamantayan noon. Nauso ang "Gangster Look" dala narin ng makabagong panahon at ng Hollywood television. Kung sa Amerika ang gangstah puno ng alahas at may pagka Godfather the Movie ang tema. Dito sa Pinas. Iba. Ibang Iba. Diti na nagsimula ang labanan sa teritoryo at labanan para sa chicks. Maluluwag na damit at mga pekeng bakal na kwintas at mga singsing sa katawan. Kung noon base sa pinangalingang pangkat o probinsya na pinagmulan ang basis ng pangkat, pati narin ang paglaban para sa kaligtasan. Ang gangster o gangztah na kabataan ngayon, nagsisimula ang labanan sa masamang titigan, sa chicks at kelot na sinisinta at sa padamihan ng grupo. Sino ang mas madami, Mas magaling at panalo.



Para sa mga Emo naman. Obvious na sa Punk at Metal Rock ang Origin nito. Nagsimula nalang sumikat ng nadagdagan pa ng mga genre na makalaslas pulso at makahagulgol sa gabing mga kanta. eyeliner at mga bangs na may kulay. isama mo narin jan ang adventurismo at kagustuhang maging kakaiba ng mga kabataan ngayon. Isang panaghoy na nagsasabing Im Different, Look at ME.


At sa Jejemon. Tulad nga ng nabanggit ko kanina, wala akong sama ng loob sa mga ito o anu mang grupong aking nabanggit. Hindi ko ginawa ang blog na ito upang sila ay pagtawanan o libakin. Ang totoo ang bawat grupong nabanggit ay iisa lang ang pinaparating sa atin. Ang ebulusyong ito, na hindi naman mahirap makita na iisa lang ang pinagmulan. Ito ay manipestasyon lamang ng mga bagay o mga pangyayaring nagpapakita sa atin ng mga hinaing ng mga Pilipinong marahil ay nakalimutan na ng lipunan. Sa tingin ko, mas malalim pa sa dahilang KSP o gusto nila magpapansin kaya sila ganito. Ito ay naguugat way way back before. Ang pagiging Looban Look, Emo Look, Gangstah Look at Jejemon Look, ay nagsasabi lang sa atin na, dahil sa kahirapan at sa matinding pagaalipusta ng kapwa Pilipino sa class ng society na ito ang naguudyok para sa karamihan, sa mga kabataan para gumawa ng sariling mundo. Isang Mundo na alam nilang tanggap sila. Isang mundong alam nilang proprotekta sa kanila. Isang Mundong makakaintindi sa pinagdadaanan nila at sa mga panaghoy nila sa gabi. Marahil mas sikat ang mga grupong nabanggit sa ating mga pandinig, dahil araw araw natin silang nakikita sa balita, maga balitang tulad ng rambulan, saksakan, patayan, gang rape, drugs, marijuana at kung anu anu pa. Pero isipin natin, hindi lang ang Class D at E ang gumagawa ng katarantaduhan sa Pinas. Kahit ang mga mayayaman o middle class na Pinoy. Yun nga lang pag mayaman ka, madalas abswelto ka. Dahil sa galing ng mga abudago nila at sa dami ng kanilang pera. Pero hindi ba't parang napaka dali sa ating mang husga at parang natural na sa atin kapag mga ganitong kabataan ang mga nasasangkot?


Isa lang naman ang problema. Pero madami ang solusyon. Ang Problema, nawawala na sa tamang landas ang karamihan sa ating mga kabataan. Kahat madali silang nahahatak sa mga bagay na uso at mga bagay na magbibigay sa kanila ng kapanatagan. Ito man ay kapatanagan sa seguridad, dala ng kanilang gang. Kapanatagan para mapansin, sa kanilang mga mananamit at pananalita o kapanatagan na may makakaintindi sa kanila. Ang solusyon tamang pag-gabay ng magulang at ng paaralan. Ang maigting na pagtutok ng sambayanan. Upang maramdaman ng ating kapwa Pilipino, lalo na ng ating mga kabataan na hindi sila OUTCAST at minamata dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Para hindi sila maghanap at gumawa ng sariling mundo. Mundong Akala nila ay Panatag sila at naiintindihan sila. Ngunit sa huli ay IKAKASAMA pala nila. Madalas pinagtatawanan natin sila, madalas nilalayuan. Madalas ang tingin salot sa Lipunan. Lahat ng ito ay dahil hindi natin sila maintindihan. Paano kaya kung hindi lang natin subukang intindihin, mas maganda kung atin din itong SOLUSYUNAN gamit ang Pang-unawa at EDUKASYON. 


Credits to Google Image Search. No COPYRIGHT INFRINGEMENT. Intended

Oct 15, 2010

AKBOT

AKBOT


                  Ang bag o sisidlan na ito ay ibinigay sa akin ng aking minamahal na Lolo. Bago siya pumanaw. Isa ito sa mga "Priceless Item" sa Buhay ko. Madaming istorya ang Nakapaloob dito. Saksi ang bag o sisidlan na ito na ito sa madaming bagay, Isa na riyan ang mayamang kultura ng Pilipinas. Ang napaka-gandang kultura ng mga Pilipino na taga-norte.  Gawa sa katawan, partikular sa balat at balahibo ng isang Philippine Deer ( Mga Kaibigan bawal po ang paghuli at pagpatay sa Philippine Deer, critically Endangered at  near to extinction na po sila). Ito ay hinuli, pinatay at ginawa ng aking Lolo, matagal na panahon na ang nakakalipas. Bilang isang miyembro ng kanilang tribo, o isang Indigenous Tribe dito sa Pilipinas (proud akong ninuno ko sila). Isa sa kanilang pangunahing ikinabubuhay noon ang panga-ngaso (hunting) at ang pagka-kaingin (pagsunog ng kabundukan para taniman ng gulay at iba pa).


         Ayon sa kwento ng aking Tito, Ang Philippine Deer (usa) na ito ay nahuli nila sa bundok malapit sa border ng Pangasinan. Metikuloso ang pag preserve ng isang bag katulad nito. Hindi ko nakuha ng buo ang detalye. Pero hanggang ngayon ay may iilan paring gumagawa nito sa aming probinsya. Ngunit karamihan ay balat ng kambing na lamang ang ginagamit. Malambot at masarap hawakan ang bag na ito. Para sakin talo pa nito ang ilang mamahaling bag sa mundo. Una, dahil ito ay napaka tanda na.. Humigit kumulang siguro, 50 taon na ito. At nasa perfect condition pa. (maliban na lang sa butas ng bala na makikita dito sa bag)


                 Bukod sa matagal na itong bag na ito. Napaka-rare pa ng kanyang pinagmulan. Isang Philippine Deer. (pero wag kayo pumatay ng Philippine Deer, BAD YUN!). Kakaiba din at tradisyunal at isang tagong sikreto ng mga katutubo ng Pilipinong taga-norte ang process sa pag gawa nito.. Kokonti nalang ang may alam ng proseso na ito. Ito ay bahagi ng maganda at kagila-gilalas na kultura ng Mummification sa Bansa. Maihahalintulad ang processong ito sa mga Mummy ng Sagada at ng Ehipto. 

                        Sabi ng Nanay ko mahal at napakasuper duper EXPENSIVE na ng Bag na ito. Kaya Dapat ko ingatan. Ilang Beses ko na din sinuot ito sa Skul (college) at kakaiba nga ang dating ng bag na ito. Lahat ng tao nakatingin sa akin. Humahanga sa kanilang nakikita. Bihira at iilan na lamang ang mayroong ganitong sisidlan sa Pinas, o kahit sa buong mundo.Twing gagamitin ko ito, hindi mawawala ang mga nagtatanong at kumakausap sakin. Kaya kahit papaano nagsawa nadin ako dalhin ito. Saka natakot din ako baka nakawin. Sayang naman. Baka masira din. Kahit matibay ito.. Sobrang matibay. May mga pagkakataong nakakatakot gamitin at baka maipit sa LRT/MRT. Bukod pa rito ang mga makukulit na bata, na walang humpay sa pagkalikot sa buntot nito. 

At malakas sumigaw ng "MOMMY LOOK AT THAT MAN, HE HAS A TAIL".


           Minsan daw may nag-alok bilihin ang bag na ito. Karamihan foreigner. Umabot ng 30 thousand.. Yung iba todo bigay lumalampas pa ng 100 thousand pesos. Pero Alam ko higit pa ang presyong makukuha nila kapag ibinenta nila ito. maaring umabot pa ng milyon ang presyo nito. Lalo na kapag na total extinction ang Philippine Deer, at ito nalang ang pwedeng gamitin pagkuhaan ng DNA para ma-clone ang Phil. Deer. Pwede din itong ibenta sa mga Museum. Pero Hindi ko Ibebenta ito. kahit Milyon pa, Kahit asin nalang kinakain ko. 


Hindi dahil pinapataas ko pa ang Value nito, kundi dahil ito ay isang natatanging KAYAMANAN ng Bansang Pilipinas. Hindi lang basa kayamaman. Kundi isang maganda at malawak na Kultura ng Pilipino. At syempre bigay ito ng LOLO ko... Kayamanan ito ng Kultura ng Tribo namin.. Kaya Aalagaan ko ito.. PoreBeR...