Showing posts with label skul. Show all posts
Showing posts with label skul. Show all posts

Nov 20, 2011

TOMA + PAGNANASA = GAHASA

TOMA + PAGNANASA = GAHASA
Isinulat taong 2007

Binuksan ko ang pinto. Naroon siya sa labas. Sa may sofa. Nagaayus ng kanyang gamit. Tapos na ang gabi… Wala narin ang tama. Wala na ang hilo ng nakaraang gabi. Tumitig siya sa akin. At ako naman ay napatitig rin sa kanya. Nakayuko siya at nag-ayos ng kanyang mga gamit. Matagal ang titig na iyon sa aming dalawa. May kakaiba sa kanyang mga mata. Apoy ang nakita ko. Malamang galit. Galit na gustong ilabas. Ngunit nakakabingi ang katahimikan. Ang pagtitinginan na iyon ay dagli ring natapos. Tahimik ang lahat. At ako walang maalala.. Nagsimula narin akong ayusin ag sarili. Dumiretso sa CR at nagbawas. Parang may mali. Parang may kakaiba. Ano ba ang nagyari kagabi? Wala akong maalala. Meron, ngunit mga kakaunting detalye. Ang hilo at sakit ng ulo ay unti unti nang sumisipa sa aking katawan, kahit pa sabihing unti na itong nabawsan dahil sa tulog. Mabigat parin ang aking katawan. Ngunit hindi kasing bigat ng aking nararamdaman. Pilit kong binabalikan ang gabing nagdaan. Ano ba ang nangyari. Hindi ko alam. Malamlam ang umagng iyon, kahit mainit dama ko ang kulimlim sa paligid. Nagsimula naring magising ang mga taong kagninay lumpasak sa higaan. Nagsilabasan na sila sa mga kwarto. Tapos na ang araw sa bahay na iyon. Kailangan nang umuwi. Pero may pangyayaring naiwan. Isang bakas , ng masidhing pagkakamali.


Sa aking pagsakay sa jeep, unti unting bumabalik ang mga nangyari. Pilit ko mang isipin hindi malinaw ang lahat. Parang isang panaginip. Ngunit parang totoo rin. Ano ba ang ginawa ko? Binalikan ko ang mga pangyayari. Ayaw ko mang isipin, parang nagyari nga iyon. Hindi ko maalala pero ang mga labi ko ang nagsasabing, oo nangyari nga. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Sana panaginip lang. Panaginip lang. Sana.


Ako ang huling dumating sa bahay na iyon. Magsisimula pa lamang silang tumagay ngunit nakarami narin. Wala pa akong kain, walang hapunan. Ngunit napilitan naring makisalo sa uhaw ng lalamunan. Mainit na dumampi ang bawat alak sa aking bibig. Nakaharap ako sa kompyuter. Ilalaro ang paborito kong Dota. Habang tumatagay. Dahil nga huli akong dumating. Kelangan kong humabol sa ikot ng baso. Mataas ang bigay at lagay ng generoso sa baso. Pero wala na akong magagawa kundi inumin ito. Makailang baso pa lang, umikot na ang paningin ko. Marahil sa gutom at pagod mula sa araw na lumipas nahilo agad at tinamaan ako. Hindi ako masyadong nalalasing. Ako marahil ang pinakamatagal kung tutuusin na matumba sa barkada. Pero ng sandaling iyon. Ako ang unang tumiklop. Lumpasak agad ang aking katawan. Naroon na ngay tinatakasan ko na ang ikot ng baso. Wala na akong paki. Ang sabi koy gutom kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Pass muna. Lagi kong sambit kapag sa akin na ang tagay. Maya maya pa ay tuluyan ko na silang tinakbuhan. Sa bakanteng kwarto, ako ang naunang lumupasay. Wala na akong paki. Pagod ako. Hindi ko na kaya. Kayat tulog ang isinagot sa hiling ng pagal na katawan at lasing na kaluluwa. Dinig ko ang tawanan at kulitan sa labas habang nakahiga sa kama. Umiikot na ang paningin. Ganoon pala ang pakiramdam ng malasing. Sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal ko bilang isang manginginom. Iyon pala ang pakiramdam. Kakaiba. Kayat ilang sandli pa. Tuluyan nag pumikit ang aking mga mata. At sa himbing ng tulog ako ay nagpasasa.


Wala roon ang aking nobya. Nagpunta sa Ilocos , para sa isang paglalakbay ng klase nila, requirement dahil sa kurso niyang turismo. Ako naman nahihilo. Lumalim ang gabi at unti unti nang nanahimik ang paligid. Ang kaninay masasayang halakhakan at kulitan ay napalitan ng katahimikan. Mukhang bagsak na ang lahat. Syempre ako ang nauna. Lugmok sa higaan. Sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko na may roon akong katabi. Isang babae. Hindi ko alam kung sino. Madilim ang kwarto. Wala akong maaninag. O dahil sa kalasingan pikit ng aking mga mata. Panaginip ito, isang panaginip. Yun ang nasa isip ko. Panaginip na maari kong lakbayin at patunguhan. Sino ang makikialam. Wala, dahil nga sa panaginip ay walang makikialam sa aking kamalayan. Paano mo nga naman papasukin ang panaginip ng iba. Yun ang akala ko.

Unti unting gumapang ang aking kamay sa katawan ng babae. Hindi ito kumibo ng una. Malayang gumalaw ang mga daliri sa kanyang bisig. Hindi ko napigilan ang sarili, marahil hindi ko napigilan ang panaginip. Lumapit ako. At hnawakan ang kanyang mukha. Nang pakiramdam ko ay ayus naman sa kanya ay saka ko siya pinaibabawan. May damit ako. At siya rin naman. Sa ibabaw, sa madilim na kwarto hinanap ng aking mga labi ang labi niya. Nang makita ay pinupog ito ng halik. Sa umpisa ay malumanay. Ngunit sa huli ay nagsalita siya.

“Stop. Please. No. Stop.”

Mahina siya. Kasing hina ko rin. Ngunit ako ay nasa ibabaw na. Hinalikan ko siya ulit. Nadama ang kanyang malambot na labi. Mabigat ako. Kaya nahirapan siyang ako ay itulak. Makailang beses ko siyang hinalikan. Ang mga kamay gumagala kung saan man ito abutin. Ilang beses niya akong tinulak. Makailang ulit ko ring ibinabaw ang sarili. Itinulak nya ulit ako. At duon tuluyang nagdilim ang paningin at dahil sa kalasingan ay dumeretso sa pagtulog. Napakasayang panaginip. Dama ko ang kanyang katawan. Napakasaya. Napakaganda ng panaginip na iyon. Yun ang akala ko.

Kung tutuusin napakaganda ng nobya ko. Napakabait pa. Ngunit sa aming pagsasama may kulang. Kung yun man ang matatawag doon. Hindi pa kami nagtatalik. Oo, my roon kaming mga maiinit na sandali, ngunit hindi umaabot doon. Hindi dahil sa ayaw nya kundi dahil sa prinsipyo ko. Kung prinsipyo mang matatawag iyon. Handa naman niyang ibigay, ngunit ako rin ang may ayaw. Mas matanda ang nobya ko sa akin. Nasa huling bahagi na siya ng kolehiyo at ako nasa ikatlo pa lamang. Madami akong pangarap. Ganoon din siya. Malaki ang tiwala sa akin ng magulang niya. Kayat ayaw kong masira iyon. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya at sa kanyang pamilya na takot akong magkamali. Buhay niya at buhay ko ang nakasalalay. Ang pangarap niya at pangarap ko. Ang pangarap ng pamilya namin. Hintay muna. Matapos naming grumadweyt. Malakas na ang loob ko. Ngunit hindi pa ngayon. Mahirap na.

Sabi nila ang panaginip daw ay nagsasalamin ng mga bagay na mahalaga at importante sa atin. Ito rin ay sumasalamin sa tunay na katauhan. Kung ano ang gusto mong mangyari. Dito mo nilalabas ang lahat ng frustration sa buhay. Sa panaginip mo binubuhay ang mundong gusto mong galawan. Sa mga bagay na gusto mong maging at gusto mong gawain. Kay hirap ipaliwanag kung bakit may panaginip. Ngunit minsan ito ang lugar kung saan itinatakas mo ang sarili para madama ang mga bagay na hindi mo nagagawa o nararamdaman. Sa kaos ko marahil, ang kakulangan ng biyaya kamunduhan.

PANAGINIP iyon... sa aking palagay.

Lumipas ang mga araw.. nasa isip ko parin ang nangyari, o kung totoo mang nagyari iyon. Hindi naman ganoon kasama iyon, dahil wala naman talagang malalang nagawa. Halik, hawak at mga salitang tingin ko ay bastos ang aking ginawa at sinabi. Panaginip o hindi? Paano ko malalaman? Kung ganito at wala akong lubos na maalala.

Pinakiramdaman ko muna ang lahat. Lumipas nga ang mga sandali. Naramdaman ko ang maaking pagbabago. Ang mga tingin niya sa akin. Ang pakikitungo, lumamig. Hindi naman kami talaga ganoon ka-close o kalapit sa isat isa. At hindi rin madalas naguusap. Ngunit kakaiba ang sitwasyon. May nagbago. Sa pakikitungo.

Paano ko ito sasabihin sa nobya ko? Na habang wala siya ay nalasing at lumikot ang labi at kamay ko. Pano ko kakausapin ang taong iyon. Gayong hindi ako sigurado kung nangyari nga iyon. Lalapitan ko ba siya. Paano kung sampalin niya ako. Paano kung nalaman ito ng nobya ko. Paano? Panaginip ba ito? Pano kung hindi? Malaking gulo ito.

Naisip kong kausapin ang mga kaibigan niya. Pero panget, paano kung hindi nila alam. Di ako ang gumisa sa sarili ko. Kung nangyari man iyon at kami lang ang nakakaalam. Kapag nagtanong ako, malamang kumalat ito. Kung isa man itong pangyayari at hindi panaginip. Lalapit ba ako sa kanya. Pero pano ko sisimulan. Gayong hindi nga ako sigurado kung panaginip o hinde. Pano ako hihingi ng tawad. Ang gulo.... sumasakit ang ulo ko... mas malala pa sa hang-over.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung nag-inuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?”
“oo! Tarantado ka. Walang hiya ka. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita. Hayop ka. Hayop. Naalala mo ba ang ginawa mo. Baboy... sinubukan mo akong pagsamantalahan. Sa lahat ni sa panaginip, hindi ko inakalang gagawin mo iyon.! Hayop ka! Manyak!Manyak!”

Iyon ang unag scenario na naiisip ko. Paano kung totoo nga at hindi panaginip? Edi eskandalo malamang. Malalaman ng nobya ko, at siguradong iiwan niya ako. Malalaman ng buong barkada, ng buong eskwela, ng buong baranggay, ng buong kapulisan, at ng pamilya ko pag nakulong na ako. Pero kung tutuusin kung talagang nangyari yun. Ay dapat nuon pa. Doon sa bahay ginawa ang komprontasyon. Doon kung san sariwa ang lahat ng pangyayari.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung naginuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?, Hindi ko kasi alam, kung panaginip o hindi, sinubukan ba kitang pagasamantalahan?”
“ hay naku, anu ba yang pinagsasabi mo. Lasing ka noh. Adik ka ba? Baka nananaginip ka lang, ikaw ha, sa panaginip pala ako ang pinagpapantasyahan mo.”

Yun naman ang pangalawang scenario. Paano nga kung panaginip lang iyon edi nagmukha akong tanga. Nagmukha akong tanga sa lahat. Pero kung hindi totoo yun, bakit may malaking pagbabago sa pakikitungo. Kung nangyari iyon, bakit hindi siya naglabas ng hinanakit, kahit sino sigurong tao yun ang gagawin.

Hindi ako makatulog. Paulit ulit sa aking isip ang mga detalyeng hindi ko maarok kung tunay o hindi. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako ganoong tao. Hindi ako masama. Lalong hindi ako manykis. Gusto kong lumupasay. Napakabigat sa dibdib. Napakabigat. Hindi ko matanggap na ginawa ko iyon. Kung nagyari nga ito. Papalipasin ko nalang... baka sakali... ilusyon ko lang ito. Isang bagay na ilang taon ko ring itinago at dinala sa dibdib. Habangbuhay ko ba itong papasanin, ang kahapong hindi ko sigurado.
--------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ang palabas at sabay kaming umalis ng sinehan. Last full show na iyon at wala nang masyadong taong maaninag. Sarado na ang mga tindahan sa mall. Sumakay siya ng taxi at nagpaalam. Isang taon na rin ng iwan ako ng nobya ko. “Fall out of LOVE” daw. Sa mga panahong nagiisa ang puso saka ko siya napansin. Ngunit may nobyo na siya noon. Ang takot at panagamba sa hindi siguradong pangyayari ay napalitan ng paghanga at pag-ibig. Ngunit hindi maari dahil may sinisinta na siya. Natuto akong manood mula sa malayo. Nakatingin at sumusulyap. Naghihintay. Ng pagkakataon. Hindi naglaon, nagkaroon din ako g lakas ng loob para magtanong. Ang kinakatakutan kong sagot sa kung nangyari nga ito o hindi ay tuluyan nang nabatid. OO nangyari nga iyon. Humingi ako ng tawad. Pinatawad naman niya ako. (sa text message lang namin napagusapan ang lahat)

Pabiro nyang nasabi.

“ok lang yun, wala na un. Alam ko namang lasing ka eH”
“saka hindi ka naman nagtagumpay, hahahaha”

Nagpasalamat ako. At nahiya rin sa aking katarantaduhang ginawa. Salamat at hindi iyon nakarating sa nobya ko noon. Nalaman ko ring konti lang ang pinagsabihan niya noon. Mga sampung tao lang naman,ang karamihan kilala ko at kilala ako. Ano kaya ang nasa isip nila tungkol sa akin. Di bale na. Kasalanan ko rin naman eh. Pero minsan hindi ko parin maintindihan. Sa dinami dami ng kwarto at higan sa bahay na iyon, bakit sa aking siya tumabi. Di bale na. Tapos na eh. Hndi mo naman kelangan i-justify ang isang pagkakamali gayong alam kong mali talaga ito.

Matapos ang ilang taong dinala ko sa dibdib iyon. isang katangahan at kahangalan dulot ng alak at kasabikan Nakahingi na ako ng tawad. Ayos na ang lahat. Ngayon wala na rin siyang nobyo. Lumuwag na ang dibdib ko.

May gusto uli ako sabihin sa kanya.

Ngayon alam kong hindi na panaginip o guni guni ang sasabihin ko. Ang nalalaman ko. Ang nadarama ko. Pero mahirap sabihin. May lamat na. Kahit pa sabihing okey ang lahat. Ngayon nagsisisi ako.
.

Masaya na akong ayos na ang lahat. Isa nalang ang kulang.

Matapos ang lahat ng ito. Unti unti kong naramdaman.

MAHAL KO NA SIYA.

Pero paano? Pano ko sasabihin ito.

Di bale nalang mananaginip nalang ulit ako


All pictures from Google Images

Jan 6, 2011

MGA BAGAY AT PANGYAYARING GUSTO KONG MAKITA AT MARANASAN BAGO AKO MAMATAY

Panimula: Ilang beses na akong nagkakaroon ng Bangungot o yung mga tinatawag na “NIGHTMARES” nitong mga nakaraang araw. Marahil dahil sa pagod. Ang totoo , ilang buwan narin akong at pinapahirapan ng aking INSOMNIA. Halos lampas isang taon na ng lumala ang insomnia ko Marahil bunsod ito ng mga pagyayaring nakakapagpabagabag sa aking diwa at isipan. Depression marahil, mula noong ako ay magdaan sa pinakamasakit na yugto ng aking puso at buhay. Mula noon hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Swerte na kung nasa 3 o 4 na oras ang tulog ko. Minsan swerte akong nakakahimbing sa hapon, minsan sa gabi. Ngunit tuwing ako ay papalaring makatulog. Ako naman ay binabangungot. Bangungot na hindi mayroong mga halimaw at dragon, o mga impakta sa banga at kagubatan kundi yun pakiramdam na hindi ako makagalaw at makahinga, kahit bukas ang iyong diwa at nakikita mo ang mga bagay sa paligid. Minsan na akong binangungot noung ako ay nasa kolehiyo, nakita ko ang isang liwanag. May tumatawag sa akin. Papalapit na ko dito, ngunit naalala ko ang aking mga mahal sa buhay. Kayat pilit kong ibinalik ang sarili sa mundo. Hindi ka man maniwala, pakiramdam ko namatay ako nuon at nagbalik. Ngayon, muling bumabalik ang boses at ang liwanag. Iniisip ko, marahil isang araw. Hindi ko na kayanin at akayin nako nito. Kayat bago ang lahat, bago ito maisakatuparan (wag nman sana). Ito ang mga bagay na nais kong matupad bago ako muling makipag-batian ng “hi” at “hello” sa liwanag at makipag-apir kay kamatayan.

——- Maipagpatayo ko ng Bahay sila Ama at Ina.


——- Makita ang loob ng MALAKANYANG


——- Makipagreunion sa Elementarya at Hayskul, at sapakin ang mga dating nam-bully sa akin.


——- Gayahin ang buhok ni Rey Valera o kaya kay Ka Feddie Aguilar.


——- Makita ang Batanes


——- Makapunta sa New Zeland


——- MAKAPAG-ASAWA.


——- Humingi ng Authograph kay Pepe Smith (may kasama pang picture)


——- Makitang may Disneyland narin sa Pilipinas


——- Matapos ang ginagawa kong Libro. (serious book ito, naniniwala ka?)


——- Matalo si Pacquiao ng boksingerong hindi taga Mexico, kundi ng isang taga Zimbabwe


——- Makita ang mga Ex girlfriend ko. Humingi ng sorry at mag pasalamat.


——- Magkaroon ng 6 na anak. (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy)


——- Lumuwag ang MRT


——- Makita ang sarili sa lahat Pahayagan (meron na ako sa Manila Bulletin, Pangalan nga lang : Sa Phil. Star, may kasamang picture, Article pa ni Tim Yap.. hehe


——- May Makahuli si Osama Bin Laden


——- Magkaroon ng asong hindi mamatay pag tungtong ng ikalawang taon (dedbol lagi si bantay, malas ata ako sa asong askal eh) Sino may pure breed? Penge?


——- Magkaroon ng mall sa Payatas.


——- Pumayat (para naman gwapo ko sa loob ng kabaong)


——- Makasayaw ulit sa Cultural Center of the Philippines


——- Makaupo sa Lap ni Santa Clause


——- Masimento ang kalsada samin


——- Malamang may isang tao sa mundong nakakaintindi sa utak ko


——- Magkaroon ng BEST FRIEND (na girl)


——- Makasakay sa Titanic


——- Maglaro parang bata.


——- Humiga sa damuhan habang nakatingala sa mga butuin habang kasama ang minamahal


——- Makapag aral ng Abugasya (sana magkapera, ang mahal eh)


——- Makatikim ng buko Pie sa itaas ng MT. Makiling.


——- Lumabas sa pelikula (kahit extra)


——- Makakita ng Pagong (si Pong)


——- Makapasok sa Araneta Colosseum


------- Manalo sa Palanca o kahit anung Patimpalak sa Pagsulat


------- Makasakay sa Ambulansya, may Wang Wang


------ Makita ang kaibigang si Kristine Rivera. (kung sino man ang nakakakilala pakiusap paki  sabi hinahanap ko sya.. please please please)


------ Makitang Malinis ang Ilog Pasig. Makalanggoy at magtampisaw dito.


------ Higit sa lahat maniwala kang seryoso akong tao.




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 11, 2010

SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERISTY SA PDEA








SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY SA PDEA
(sinulat taong 2009,Enero)


Whoot...Sikat nanaman ang aking minamahal na Paaralan. 
ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

Last Few Days. Nasa News ang Beloved Alma Matter ko.Dahil sa mga salot na pusher ng Alabang.Naglabasan ang iba pang mukha ng Drugs at ang iba pang issue kasama nito

Alam naman natin na talamak ito sa bansa at hindi maikakaila na durugista na ang mga bata ngayon na kahit 12 years old gumagamit na.

Sa balita na inilabas ng PDEA at ng secret agent na si alyas Alpha. Talamak daw ang bentahan at pag gamit ng Salot na drugs sa ilang mga kilalang anak ng Pulitiko, artista at ilang mayayamang pamilya.Yung common type ng mga rich Kid Turned addicts. Hindi na siguro kakaiba ito.At sanay na tayo dito. Sino bang hindi? Pero kakabit nito ang nakakabahalang pangyayari sa Pinas. What Went wrong Kid? who's your daddy and mommy. Matakot ka kung sumagot syang. "Yeah men,they're my pot session buddies"

Pero iba talagaang dating ng balita lalo na pag mamayaman at mga laking aircon ang sangkot. Tipikal kasi sa isipan natin na pag skwater at mga urban poor ang mga adik at salot. Pero pag bigtime. Whooot... Iba effect. Siguro kasi. Alam naman nating lahat na pag Laking Aircon ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo. Magandang bahay, mahal at magandang skul. Pero kaiba dahil kapag nagkahulihan na , kilala ang mga mayayaman sa pagiging  maimpluwensya. Madalas lusot sa kaso.

Ayan na ngang inamin ng isa sa mga Magulang na adik yung isa sa Alabang. May term pa na "social user". What the? Mas adik pa ata yung tatay. Alam pala na gumagamit si anak. Pinapalusot dahil social user naman daw. ANO raw? Social user? Ganun ba yun? parang alak lang. parang gin na inalok na tagay at napilitan kang inumin sa ngalan ng pakikisama. eh diba dun nagsisimula ang pagka adik. Sa pakonti konti...

Pero ito talaga topic ko. Ayaw ko maki alam jan sa Alabang Boys. Mamaya may magalit pang mga RK at RP sa akin. (rich kid at rich people)

Isa sa mga siniwalat ni Alyas Alpha sa media ang ilang mga club at skul na talamak daw ang pag gamit at pagbenta ng drugs. Isa sa mga nabanggit na bars ay ang Embassy (na sarado na ata ngayon pero pinaltan lang ang pangalan at Warehouse 135) Hind naman ako nagtataka dito. 

Hindi na uso ang shabu....Sure ako dun (pero di ako adik) mataas na kasi ang presyo nito.Dahil sa sunod sunod na raid ng Magigiting na PDEA.(pero para maging mura dito na ginagawa ang drugs, para nga naman tipid sa shipment at kotong mula sa mga buwaya sa customs na nagpapalusot dito)

Pero kumag lang talaga dahil parang nasasayang ang kagitingan ng PDEA, dahil pagdating sa pagsampa ng kaso. Nabubulilyaso. Madalas Dissmiss. Technicality daw. Minsan dahil sa maling pagaresto.

Mga ulol ba sila.The fact na nahuli sila. Is enough to put them in jail.madedessmiss yung kaso dahil sa technicality, pbakit hindi ba pwedeng kasuhan dahil sa drugs, tapos kung nagkamali man sa aresto, ibang kaso na laban sa mga arresting officers iyon. Hindi yung makakalaya yung addict dahil sa lapses ng umaresto... another loophole sa batas. tkk
Dapat talaga IBALIK ANG FIRING SQUAD NA HATOL SA MGA ADIK AT PUSHER.

Pero eto na talaga topic ko.

Kasama sa mga skul na nabanggit ni alyas Alpha ang SAN BEDA at CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY.

Hindi sa pinagtatanggol ko ang Mahal kong Paaralan. Pero sa tagal ko sa CEnTro
Wala ako alam na gumagamit sa vicinity nito (o baka dahil mababait ang mga naging kaibigan ko, at ang tambayan ko yung garden sa Lanai at hindi sa mga billiard hall tulad ng S5 at Jam. 

At sa dinami dami ng kilala ko sa centro Na almost half ng populasyon. Wala ako kilala na gumagamit o nagbebenta. (o baka mukha akong sumbungero at walang pera kaya ayaw nila ako alukin)

Sa tingin ko... Hindi naman talaga dapat naka specify na galing sa anumang skul na nabanggit ang mga pusher at adik.Hindi sa pagmamalinis pero. Lahat naman ng skul sa pinas may adik at durugista.Mabuti narin na nabanggit ito ng PDEA.PAra sa ngayon ay makagawa ng tamang hakbang ang Centro at Beda sa issue na ito. 

DRUG TESTING before enrollment.Yun ang dapat..

Pero since hindi naman nabanggit ng PDEA na sa loob mismo ng Centro nanggagaling at ginagawa ang Bentahan.

Maari pero MALAMANG din na HINDI MGA TAGA CENTRO IYON.Madalas daw sa "ParKing Area" nagaganap ang bentahan. AT SA HINABA HABA ng Kalye ng MENDIOLA. HOW SURE SILA NA TAGA CEU yun. FREE ang lahat na MAGPARK SA MENDIOLA. (may bayad nga pala sa mga parking boys at girls)At marahil ito lang ang ginagawang bentahan. Since hindi naman nabanggit na sa loob ng Centro ito nangyayari. Dapat Pagtuunan ng pansin ng mga skul ang sinasabing bentahan ng drugs sa paligid nila. Maaaring May mga Taga Centro at Mga taga Beda nga.

Pero tingin ko maliit na numero lang ito at sa dinami dami ng gangs at grupo na madalas na nagaaway sa mendiola. Marahil ito ang mga salarin at nadadamay ang mga estudyante na nakapaligid dito.

(sa totoo lang kahit sabihing mahal ang tuition sa CEU , Semi Urban Poor Parin mga estudyante dito, kaya maliit ang chance na bumili pa sila ng drugs. Sa Pagkain palang sa canteen na mahal nagrereklamo na at sa pagpapalit sa nawawalang TRC at COM naghihinanakit na pag magbabayad. Tingin ko dehins na sila attracted sa drugs. (maliban na lang sa mga rich kid talaga na bumagsak sa mendiola dahil di na sila tinatanggap sa mga Mamahaling Skul. HEHEHE)

AT saka nga pala. Saka nga pala...

AY titigil na pala ako.Baka boljakin pa ako ng skul...

Mahal Ko Padin ang CEU.

LETS BE HAPPY CENTRO PEOPLE.
AT LEAST WALA TAYONG HAZING. (sana wala nga)

AT ANG GIRLS LOG BOOK o ALBUM (yung sinasabing escort service) ay hindi ko "NAPATOTOHANAN" na may ganoon nga! kahit ilang beses ko na itong hinanap nung malaki laki ang nakick back ko kay inay at itay... hehe (style lang yun ng mga profesional prosti na nagsusuot ng uniform ng estudyante. Para lumaki ang Value sa customer).

SA MGA TAGA CENTRO.. MAHALIN ANG SKUL...

AT HUWAG NA HUWAG NANG MAG-ADIK!!!
KUNG MAY ADIK MAN AT NAGBEBENTA NG DRUGS SA CEU.

ETO LANG ANG MASASABI KO.
MAHAL KAYO NG MAGULANG NYO.
MAHALIN NYO RIN SILA
WAG NYO SIRAIN BUHAY NYO.

AT KUNG HINDI NAMAN KAYO MAHAL NG MAGULANG NYO
KAYA KAYO NAGKAKA-GANYAN.
MAHALIN NYO ANG SARILI NYO.
AT WAG NYONG SIRAIN ANG BUHAY NYO!!!
AT PATUNAYAN NYONG IBA KAYO SA KANILA..

AMEN!


--------


Nakita ko sa Web. May CEU din sa Hungary
Central European University :)
Look at their tag line.... 
"YOUR FUTURE BEGINS HERE"



Parang parehas dito....
"LIFE HAPPENS HERE"

(sikat na si Bern ngayon, GO BEKIMON!)
(namiss ko si Michael Cruz dito, tol salamat seatmate sa Rizal Subject, summer 2007)
Musta ka jan sa Langit Bro...?

Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended

Oct 16, 2010

JEJEMON EVOLUTION

JEJEMON JEJEMON SAAN KA NAGMULA?


JEJEMON GIRL

Anak ng Mahabaging Kalabaw. Hindi ko alam kung matatawa ako dito o masusuka?

Ano sa Tingin nyo? Masyado na bang malala ito?. Buti nalang at dumating si BEKIMON. At kahit papaano medyo nawala ang atensyon natin sa mga katulad nila. Hindi ba kayo nagtataka? Parang parehas lang ang mga Emo, Skwater Rapper, mga Gang gang sa Kanto at looban, saka ang Mga jejemon. Pati sa pananamit , pagkilos at pagsasasalita. Parang patuloy lang silang nag-eevolve. Naghahanap at sumisiksik sa kung anu ang uso. 

Mapunta tayo sa tanong na, Sino kaya ang nag-pauso ng term na JEJEMON? Sa totoo lang matagal tagal ko naring naeencounter ang mga jejemon. lalo na yung word na "jejejejeje" karaniwan ginagamit sa hulihan ng text, para ipakita ang pagtawa o "hehehehe" pero ayon sa ilang kilala ko, hindi naman sadya na jejejeje ang ginagamit nila. Sadya lang daw silang tamad. Kayat imbis na  dalawang pindot ang gawin para matype ang letrang "H" ay ang letrang "J" nalang ang ginagamit nila. Nung nagsimula nang kumalat ang jejemon. Tinigilan na nila ito para hindi maiiugnay sa Hardcore jejemon. Hindi ko talaga maintindihan kung anu ang sense ng jejemon. Sa pagtype at sa pagsasalita. (marahil kasalanan ito ng mga telecom providers, kung walang unli, hindi maglalakas ng loob ang mga jejemon para pa-artehin at gawin ang kung anu-anu pang shit sa pagtataype, dahil titipirin nila ang load at iiklian ang text). May kilala ba kayong Mayaman o Kahit middle class na Jejemon? Parang wala pa. Hindi sa Iniuugnay ko sa kahirapan at mga Class D E F G H I Jejejeje ang pagiging isang Jejejemon. Hindi ko sinasabing mahihirap na pinoy lang ang umaasta at nagpapapansin bilang Jejejemon. Nagtataka lang ako, Bakit pag maganda at mayaman ang umastang jejejemon ay Cute Tignan? pero kapag Urban Poor, eh parang nakaka-asiwa? (any answers?)


Mabalik tayo dun sa observation ko. Yung pananamit at pananalita ng mga jejemon ngayon. Diba matagal na natin itong nakikita? Matagal na matagal na matagal na, bago pa man mauso ang term na ito. Diba? Tama Ba? Sila yung mga tipong laman ng looban, yung medyo punk na emo. Yung rapper na maluwag damit at may cap.  Pero ngayon syempre medyo nag-evlove sila. Parang Hybrid lang.. Ayan sa gilid yung mga tao sa looban/(hindi ka na makakalabas ng buhay) look.  Ano sa tingin nyo? wag nyo na tignan. Makuha kayo sa Tingin. Gusto mong turukan ka nyan sa tagiliran?

At eto naman yung Emo look.  Di ko alam kung ang pagkakaiba nila sa emo eh yung BANGS. Baka dapat bago ka sumapi sa Jejemon Tribe eh wala kang bangs. Pero technically halos pareho din sila ng pananamit. Maliban nalang sa pagiging makulay ng panananamit ng mga jejemon. Angas ni kuya oh. May scarf pa. Para sa marami, siguro  kaya nauso ang Jejecap (yung tipical na head cap) ay para dual purpose. Pwede ka maging jejemon. Basta itatago mo yung Bangs mo sa sumbrero. pag feel mo na ulet maglaslas ng blade at makipagsiksikan sa octoberfest o Tanduay rockfest o kahit anu pang moshpit at body slam jan. Alisin mo lang yung cap tapos magsuot ka ng itim. Ayos na!


At syempre eto naman yung gangster look. o Yung sinasabi nilang GANGZTAH.  Pansinin na lamang ang paraan sa pagsulat ng salitang Gangster na naging "Gangztah". (ano sa tingin nyo? looks like jejemon?) Pansinin din ang pananamit nila at mga senyales gamit ang mga kamay. Tulad ng "Looban Look" na nasa taas. Kagaya din ng "Emo" look mahilig sila sa hand gestures. Mapa-peace sign man ito o middle finger. o kunwari telepono na nagsasabing call me na naka horizontal. Hindi rin mawawala sa kanilang arsenal, este get-up ang bandana, panyo o scarf.




At syempre eto ang Jejemon Look. Malaki ang pagkakaparehas ng aking mga nabanggit tama ba? Makikita ang malaking similarities. Mapapansin din, tulad ng nabanggit ko na kanina, na karamihan sa mga grupong ito ay part ng Class D at Class E group ng society. Don't get me wrong. I have nothing against them. Gusto ko lang himayin ang mga sirkumtansya kung bakit nagsimulang nauso ang Jejemon. Given na yung fact na matagal na ang Looban Look. Mula p[a ng umusbong at dumami ang mga tao sa Maynila. Kung saan sinakop ng mayayaman ang mga magagandang lugar. At ang mga uri ng magsasaka at mga promdi na nakipagsapalaran sa magulong mundo ay  naipon sa isang masikip na lugar, malayo sa mayayaman at pinagiinitan. Natuto silang gumawa ng sariling mundo, sariling pagkakakilanlan. Nagsimula naring sumikat ang Tondo. Noon hindi pa Gang ang tawag dito.. Simpleng mga tao sa looban na ang tingin ng marami ay salot sa lipunan. Naging mailap sila. At dahil nga sa pagmamata ng Bayan natutong tumayo at maging matapang.


Given narin na iba ang pananaw at ketegorya pag sinabing pangkat. Pangkat pangkat. Base sa probinsya o bayan na pinagmulan. Wala pang gangstah noon. kaya ang labanan teritoryo teritoryo at ang pinanggalingan mo. Hindi pa, at malauo sa Gangster ang pamantayan noon. Nauso ang "Gangster Look" dala narin ng makabagong panahon at ng Hollywood television. Kung sa Amerika ang gangstah puno ng alahas at may pagka Godfather the Movie ang tema. Dito sa Pinas. Iba. Ibang Iba. Diti na nagsimula ang labanan sa teritoryo at labanan para sa chicks. Maluluwag na damit at mga pekeng bakal na kwintas at mga singsing sa katawan. Kung noon base sa pinangalingang pangkat o probinsya na pinagmulan ang basis ng pangkat, pati narin ang paglaban para sa kaligtasan. Ang gangster o gangztah na kabataan ngayon, nagsisimula ang labanan sa masamang titigan, sa chicks at kelot na sinisinta at sa padamihan ng grupo. Sino ang mas madami, Mas magaling at panalo.



Para sa mga Emo naman. Obvious na sa Punk at Metal Rock ang Origin nito. Nagsimula nalang sumikat ng nadagdagan pa ng mga genre na makalaslas pulso at makahagulgol sa gabing mga kanta. eyeliner at mga bangs na may kulay. isama mo narin jan ang adventurismo at kagustuhang maging kakaiba ng mga kabataan ngayon. Isang panaghoy na nagsasabing Im Different, Look at ME.


At sa Jejemon. Tulad nga ng nabanggit ko kanina, wala akong sama ng loob sa mga ito o anu mang grupong aking nabanggit. Hindi ko ginawa ang blog na ito upang sila ay pagtawanan o libakin. Ang totoo ang bawat grupong nabanggit ay iisa lang ang pinaparating sa atin. Ang ebulusyong ito, na hindi naman mahirap makita na iisa lang ang pinagmulan. Ito ay manipestasyon lamang ng mga bagay o mga pangyayaring nagpapakita sa atin ng mga hinaing ng mga Pilipinong marahil ay nakalimutan na ng lipunan. Sa tingin ko, mas malalim pa sa dahilang KSP o gusto nila magpapansin kaya sila ganito. Ito ay naguugat way way back before. Ang pagiging Looban Look, Emo Look, Gangstah Look at Jejemon Look, ay nagsasabi lang sa atin na, dahil sa kahirapan at sa matinding pagaalipusta ng kapwa Pilipino sa class ng society na ito ang naguudyok para sa karamihan, sa mga kabataan para gumawa ng sariling mundo. Isang Mundo na alam nilang tanggap sila. Isang mundong alam nilang proprotekta sa kanila. Isang Mundong makakaintindi sa pinagdadaanan nila at sa mga panaghoy nila sa gabi. Marahil mas sikat ang mga grupong nabanggit sa ating mga pandinig, dahil araw araw natin silang nakikita sa balita, maga balitang tulad ng rambulan, saksakan, patayan, gang rape, drugs, marijuana at kung anu anu pa. Pero isipin natin, hindi lang ang Class D at E ang gumagawa ng katarantaduhan sa Pinas. Kahit ang mga mayayaman o middle class na Pinoy. Yun nga lang pag mayaman ka, madalas abswelto ka. Dahil sa galing ng mga abudago nila at sa dami ng kanilang pera. Pero hindi ba't parang napaka dali sa ating mang husga at parang natural na sa atin kapag mga ganitong kabataan ang mga nasasangkot?


Isa lang naman ang problema. Pero madami ang solusyon. Ang Problema, nawawala na sa tamang landas ang karamihan sa ating mga kabataan. Kahat madali silang nahahatak sa mga bagay na uso at mga bagay na magbibigay sa kanila ng kapanatagan. Ito man ay kapatanagan sa seguridad, dala ng kanilang gang. Kapanatagan para mapansin, sa kanilang mga mananamit at pananalita o kapanatagan na may makakaintindi sa kanila. Ang solusyon tamang pag-gabay ng magulang at ng paaralan. Ang maigting na pagtutok ng sambayanan. Upang maramdaman ng ating kapwa Pilipino, lalo na ng ating mga kabataan na hindi sila OUTCAST at minamata dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Para hindi sila maghanap at gumawa ng sariling mundo. Mundong Akala nila ay Panatag sila at naiintindihan sila. Ngunit sa huli ay IKAKASAMA pala nila. Madalas pinagtatawanan natin sila, madalas nilalayuan. Madalas ang tingin salot sa Lipunan. Lahat ng ito ay dahil hindi natin sila maintindihan. Paano kaya kung hindi lang natin subukang intindihin, mas maganda kung atin din itong SOLUSYUNAN gamit ang Pang-unawa at EDUKASYON. 


Credits to Google Image Search. No COPYRIGHT INFRINGEMENT. Intended

Oct 8, 2010

TSIKBOY

TSIKBOY
Ni Hedel A. Cruz

Credits to Google Images

Meron akong kaibigan
sa kababaihan ay gahaman
Gusto lahat ay matikman
Hanggang sa kailaliman

Siya ay gwapo daw
Sabi ng mga babae
Kung manamit ay grabe
Kung ngumiti eskaparate

Laging pinagyayabang
sino ang gwapo sa barkadahan
Siya lang ang bukod tangi
Kami’y mga sidekick lang ang ngiwi

Siya ang naging syota
ng dati kong niligawan
pagmamalaking “mas” siya sa akin
sobra sa hangin

Itong aking kaibigan
lubos ang gahaman
syota nya’y sa kama siya ay ayaw pagbigyan
Naghanap ng iba sa lugawan

Buti sana kung pirmihan
Ngunit pang bababae ay kataksilan
Kunwari ay api sa higaan
Dahil di sya mapagbigyan

Sa likod ng binibini
Umeeskapo ang arte
Kung makipaglandian daig ang higante
Maliit naman ang bagahe

Pumunta kami sa Bar
naghanap ng matitikman
Inalok ng inumin
sakin kinuha ang bayarin

Kay lakas ng dating
Wala naman pang breakfast kung tutuusin
kinakaya kaya ang kaming kanyang kaibigan
Kala kami ay walang hangganan

Itong aking kaibigan
Pala-kaibigan nga naman
Habol ay chicks at tsikinini
Hiwaga ng mani

Minsan akala ko ay nagtino na
Nagyaya ng usap sa harap ng simbahan
Sabiy magpapatiwakal
Papansin lang pala ang kahibangan

Meron akong kaibigan
Sobra sa kayamanan
Kayamanan ng kayabangan
Sa kolehiyo napagiwanan

Huling balita ay di na nag-aral
Call center boy ay napagdiskitahan
Dose mil ang swelduhan
Finance Officer ang pinagyayabang

Itong aking kaibigan
mundo ata ay kabulukan
Kung ano ano ang sinasabi
Sa mga di nakakaalam ng tunay nyang pagkalalaki

Itong aking kaibigan
Sobra sa kahambugan
Tiwala sa sarili ay kay taas
Sa pag graduate naman di nakalampas

Waring itong kaibigan
Hindi na nagbalik sa skwelahan
Hindi pinagpatuloy ang pagaaral
pagyayabang sing tamis ng arnibal

Ayaw nyang ipakita ang tunay na mukha sa madla
Marahil sa dami ng taga hanga
Ayaw nyang sya’y madapa
Sa mga nakakakilala palalo sya at sugapa

Nagkaroon kami ng usapan
ng sagutin sya ng minsan kong niligawan
Luha ay wag sanang ipapatak
Kundi ako ang sasapak

Itong aking kaibigan
Sa akin ayaw nang magparamdam
Ang atrasoy ayaw bayaran
Pagpapaluha sa minsang minahal

Meron akong kaibigan
Kagwapuhan pinagyayabang
Ang mga nakikipagkilala naman kung minsan
Fans ni Jolina at mga kabaklaan

Tuwang tuwa twing napapansin
Lumalaki ulo abot hanggang hangin
Di naman makaporma sa amin
Dahil alam namin ang totoong nyang hangarin

Meron akong kaibigan
Malaking kalokohan
unti unti nang naliliwanagan
mga tao sa kapaligiran

Itong aking kaibigan
hindi inggit ang nararamdaman
Itong aming kaibigan
sinusuka ng kalamnan

Itong aming kaibigan
Wala na kaming paki-alam
sadya na kaming nasa hangganan
Lamat hindi na matapalan