Showing posts with label seryoso. Show all posts
Showing posts with label seryoso. Show all posts

Nov 20, 2011

TOMA + PAGNANASA = GAHASA

TOMA + PAGNANASA = GAHASA
Isinulat taong 2007

Binuksan ko ang pinto. Naroon siya sa labas. Sa may sofa. Nagaayus ng kanyang gamit. Tapos na ang gabi… Wala narin ang tama. Wala na ang hilo ng nakaraang gabi. Tumitig siya sa akin. At ako naman ay napatitig rin sa kanya. Nakayuko siya at nag-ayos ng kanyang mga gamit. Matagal ang titig na iyon sa aming dalawa. May kakaiba sa kanyang mga mata. Apoy ang nakita ko. Malamang galit. Galit na gustong ilabas. Ngunit nakakabingi ang katahimikan. Ang pagtitinginan na iyon ay dagli ring natapos. Tahimik ang lahat. At ako walang maalala.. Nagsimula narin akong ayusin ag sarili. Dumiretso sa CR at nagbawas. Parang may mali. Parang may kakaiba. Ano ba ang nagyari kagabi? Wala akong maalala. Meron, ngunit mga kakaunting detalye. Ang hilo at sakit ng ulo ay unti unti nang sumisipa sa aking katawan, kahit pa sabihing unti na itong nabawsan dahil sa tulog. Mabigat parin ang aking katawan. Ngunit hindi kasing bigat ng aking nararamdaman. Pilit kong binabalikan ang gabing nagdaan. Ano ba ang nangyari. Hindi ko alam. Malamlam ang umagng iyon, kahit mainit dama ko ang kulimlim sa paligid. Nagsimula naring magising ang mga taong kagninay lumpasak sa higaan. Nagsilabasan na sila sa mga kwarto. Tapos na ang araw sa bahay na iyon. Kailangan nang umuwi. Pero may pangyayaring naiwan. Isang bakas , ng masidhing pagkakamali.


Sa aking pagsakay sa jeep, unti unting bumabalik ang mga nangyari. Pilit ko mang isipin hindi malinaw ang lahat. Parang isang panaginip. Ngunit parang totoo rin. Ano ba ang ginawa ko? Binalikan ko ang mga pangyayari. Ayaw ko mang isipin, parang nagyari nga iyon. Hindi ko maalala pero ang mga labi ko ang nagsasabing, oo nangyari nga. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Sana panaginip lang. Panaginip lang. Sana.


Ako ang huling dumating sa bahay na iyon. Magsisimula pa lamang silang tumagay ngunit nakarami narin. Wala pa akong kain, walang hapunan. Ngunit napilitan naring makisalo sa uhaw ng lalamunan. Mainit na dumampi ang bawat alak sa aking bibig. Nakaharap ako sa kompyuter. Ilalaro ang paborito kong Dota. Habang tumatagay. Dahil nga huli akong dumating. Kelangan kong humabol sa ikot ng baso. Mataas ang bigay at lagay ng generoso sa baso. Pero wala na akong magagawa kundi inumin ito. Makailang baso pa lang, umikot na ang paningin ko. Marahil sa gutom at pagod mula sa araw na lumipas nahilo agad at tinamaan ako. Hindi ako masyadong nalalasing. Ako marahil ang pinakamatagal kung tutuusin na matumba sa barkada. Pero ng sandaling iyon. Ako ang unang tumiklop. Lumpasak agad ang aking katawan. Naroon na ngay tinatakasan ko na ang ikot ng baso. Wala na akong paki. Ang sabi koy gutom kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Pass muna. Lagi kong sambit kapag sa akin na ang tagay. Maya maya pa ay tuluyan ko na silang tinakbuhan. Sa bakanteng kwarto, ako ang naunang lumupasay. Wala na akong paki. Pagod ako. Hindi ko na kaya. Kayat tulog ang isinagot sa hiling ng pagal na katawan at lasing na kaluluwa. Dinig ko ang tawanan at kulitan sa labas habang nakahiga sa kama. Umiikot na ang paningin. Ganoon pala ang pakiramdam ng malasing. Sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal ko bilang isang manginginom. Iyon pala ang pakiramdam. Kakaiba. Kayat ilang sandli pa. Tuluyan nag pumikit ang aking mga mata. At sa himbing ng tulog ako ay nagpasasa.


Wala roon ang aking nobya. Nagpunta sa Ilocos , para sa isang paglalakbay ng klase nila, requirement dahil sa kurso niyang turismo. Ako naman nahihilo. Lumalim ang gabi at unti unti nang nanahimik ang paligid. Ang kaninay masasayang halakhakan at kulitan ay napalitan ng katahimikan. Mukhang bagsak na ang lahat. Syempre ako ang nauna. Lugmok sa higaan. Sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko na may roon akong katabi. Isang babae. Hindi ko alam kung sino. Madilim ang kwarto. Wala akong maaninag. O dahil sa kalasingan pikit ng aking mga mata. Panaginip ito, isang panaginip. Yun ang nasa isip ko. Panaginip na maari kong lakbayin at patunguhan. Sino ang makikialam. Wala, dahil nga sa panaginip ay walang makikialam sa aking kamalayan. Paano mo nga naman papasukin ang panaginip ng iba. Yun ang akala ko.

Unti unting gumapang ang aking kamay sa katawan ng babae. Hindi ito kumibo ng una. Malayang gumalaw ang mga daliri sa kanyang bisig. Hindi ko napigilan ang sarili, marahil hindi ko napigilan ang panaginip. Lumapit ako. At hnawakan ang kanyang mukha. Nang pakiramdam ko ay ayus naman sa kanya ay saka ko siya pinaibabawan. May damit ako. At siya rin naman. Sa ibabaw, sa madilim na kwarto hinanap ng aking mga labi ang labi niya. Nang makita ay pinupog ito ng halik. Sa umpisa ay malumanay. Ngunit sa huli ay nagsalita siya.

“Stop. Please. No. Stop.”

Mahina siya. Kasing hina ko rin. Ngunit ako ay nasa ibabaw na. Hinalikan ko siya ulit. Nadama ang kanyang malambot na labi. Mabigat ako. Kaya nahirapan siyang ako ay itulak. Makailang beses ko siyang hinalikan. Ang mga kamay gumagala kung saan man ito abutin. Ilang beses niya akong tinulak. Makailang ulit ko ring ibinabaw ang sarili. Itinulak nya ulit ako. At duon tuluyang nagdilim ang paningin at dahil sa kalasingan ay dumeretso sa pagtulog. Napakasayang panaginip. Dama ko ang kanyang katawan. Napakasaya. Napakaganda ng panaginip na iyon. Yun ang akala ko.

Kung tutuusin napakaganda ng nobya ko. Napakabait pa. Ngunit sa aming pagsasama may kulang. Kung yun man ang matatawag doon. Hindi pa kami nagtatalik. Oo, my roon kaming mga maiinit na sandali, ngunit hindi umaabot doon. Hindi dahil sa ayaw nya kundi dahil sa prinsipyo ko. Kung prinsipyo mang matatawag iyon. Handa naman niyang ibigay, ngunit ako rin ang may ayaw. Mas matanda ang nobya ko sa akin. Nasa huling bahagi na siya ng kolehiyo at ako nasa ikatlo pa lamang. Madami akong pangarap. Ganoon din siya. Malaki ang tiwala sa akin ng magulang niya. Kayat ayaw kong masira iyon. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya at sa kanyang pamilya na takot akong magkamali. Buhay niya at buhay ko ang nakasalalay. Ang pangarap niya at pangarap ko. Ang pangarap ng pamilya namin. Hintay muna. Matapos naming grumadweyt. Malakas na ang loob ko. Ngunit hindi pa ngayon. Mahirap na.

Sabi nila ang panaginip daw ay nagsasalamin ng mga bagay na mahalaga at importante sa atin. Ito rin ay sumasalamin sa tunay na katauhan. Kung ano ang gusto mong mangyari. Dito mo nilalabas ang lahat ng frustration sa buhay. Sa panaginip mo binubuhay ang mundong gusto mong galawan. Sa mga bagay na gusto mong maging at gusto mong gawain. Kay hirap ipaliwanag kung bakit may panaginip. Ngunit minsan ito ang lugar kung saan itinatakas mo ang sarili para madama ang mga bagay na hindi mo nagagawa o nararamdaman. Sa kaos ko marahil, ang kakulangan ng biyaya kamunduhan.

PANAGINIP iyon... sa aking palagay.

Lumipas ang mga araw.. nasa isip ko parin ang nangyari, o kung totoo mang nagyari iyon. Hindi naman ganoon kasama iyon, dahil wala naman talagang malalang nagawa. Halik, hawak at mga salitang tingin ko ay bastos ang aking ginawa at sinabi. Panaginip o hindi? Paano ko malalaman? Kung ganito at wala akong lubos na maalala.

Pinakiramdaman ko muna ang lahat. Lumipas nga ang mga sandali. Naramdaman ko ang maaking pagbabago. Ang mga tingin niya sa akin. Ang pakikitungo, lumamig. Hindi naman kami talaga ganoon ka-close o kalapit sa isat isa. At hindi rin madalas naguusap. Ngunit kakaiba ang sitwasyon. May nagbago. Sa pakikitungo.

Paano ko ito sasabihin sa nobya ko? Na habang wala siya ay nalasing at lumikot ang labi at kamay ko. Pano ko kakausapin ang taong iyon. Gayong hindi ako sigurado kung nangyari nga iyon. Lalapitan ko ba siya. Paano kung sampalin niya ako. Paano kung nalaman ito ng nobya ko. Paano? Panaginip ba ito? Pano kung hindi? Malaking gulo ito.

Naisip kong kausapin ang mga kaibigan niya. Pero panget, paano kung hindi nila alam. Di ako ang gumisa sa sarili ko. Kung nangyari man iyon at kami lang ang nakakaalam. Kapag nagtanong ako, malamang kumalat ito. Kung isa man itong pangyayari at hindi panaginip. Lalapit ba ako sa kanya. Pero pano ko sisimulan. Gayong hindi nga ako sigurado kung panaginip o hinde. Pano ako hihingi ng tawad. Ang gulo.... sumasakit ang ulo ko... mas malala pa sa hang-over.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung nag-inuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?”
“oo! Tarantado ka. Walang hiya ka. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita. Hayop ka. Hayop. Naalala mo ba ang ginawa mo. Baboy... sinubukan mo akong pagsamantalahan. Sa lahat ni sa panaginip, hindi ko inakalang gagawin mo iyon.! Hayop ka! Manyak!Manyak!”

Iyon ang unag scenario na naiisip ko. Paano kung totoo nga at hindi panaginip? Edi eskandalo malamang. Malalaman ng nobya ko, at siguradong iiwan niya ako. Malalaman ng buong barkada, ng buong eskwela, ng buong baranggay, ng buong kapulisan, at ng pamilya ko pag nakulong na ako. Pero kung tutuusin kung talagang nangyari yun. Ay dapat nuon pa. Doon sa bahay ginawa ang komprontasyon. Doon kung san sariwa ang lahat ng pangyayari.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung naginuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?, Hindi ko kasi alam, kung panaginip o hindi, sinubukan ba kitang pagasamantalahan?”
“ hay naku, anu ba yang pinagsasabi mo. Lasing ka noh. Adik ka ba? Baka nananaginip ka lang, ikaw ha, sa panaginip pala ako ang pinagpapantasyahan mo.”

Yun naman ang pangalawang scenario. Paano nga kung panaginip lang iyon edi nagmukha akong tanga. Nagmukha akong tanga sa lahat. Pero kung hindi totoo yun, bakit may malaking pagbabago sa pakikitungo. Kung nangyari iyon, bakit hindi siya naglabas ng hinanakit, kahit sino sigurong tao yun ang gagawin.

Hindi ako makatulog. Paulit ulit sa aking isip ang mga detalyeng hindi ko maarok kung tunay o hindi. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako ganoong tao. Hindi ako masama. Lalong hindi ako manykis. Gusto kong lumupasay. Napakabigat sa dibdib. Napakabigat. Hindi ko matanggap na ginawa ko iyon. Kung nagyari nga ito. Papalipasin ko nalang... baka sakali... ilusyon ko lang ito. Isang bagay na ilang taon ko ring itinago at dinala sa dibdib. Habangbuhay ko ba itong papasanin, ang kahapong hindi ko sigurado.
--------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ang palabas at sabay kaming umalis ng sinehan. Last full show na iyon at wala nang masyadong taong maaninag. Sarado na ang mga tindahan sa mall. Sumakay siya ng taxi at nagpaalam. Isang taon na rin ng iwan ako ng nobya ko. “Fall out of LOVE” daw. Sa mga panahong nagiisa ang puso saka ko siya napansin. Ngunit may nobyo na siya noon. Ang takot at panagamba sa hindi siguradong pangyayari ay napalitan ng paghanga at pag-ibig. Ngunit hindi maari dahil may sinisinta na siya. Natuto akong manood mula sa malayo. Nakatingin at sumusulyap. Naghihintay. Ng pagkakataon. Hindi naglaon, nagkaroon din ako g lakas ng loob para magtanong. Ang kinakatakutan kong sagot sa kung nangyari nga ito o hindi ay tuluyan nang nabatid. OO nangyari nga iyon. Humingi ako ng tawad. Pinatawad naman niya ako. (sa text message lang namin napagusapan ang lahat)

Pabiro nyang nasabi.

“ok lang yun, wala na un. Alam ko namang lasing ka eH”
“saka hindi ka naman nagtagumpay, hahahaha”

Nagpasalamat ako. At nahiya rin sa aking katarantaduhang ginawa. Salamat at hindi iyon nakarating sa nobya ko noon. Nalaman ko ring konti lang ang pinagsabihan niya noon. Mga sampung tao lang naman,ang karamihan kilala ko at kilala ako. Ano kaya ang nasa isip nila tungkol sa akin. Di bale na. Kasalanan ko rin naman eh. Pero minsan hindi ko parin maintindihan. Sa dinami dami ng kwarto at higan sa bahay na iyon, bakit sa aking siya tumabi. Di bale na. Tapos na eh. Hndi mo naman kelangan i-justify ang isang pagkakamali gayong alam kong mali talaga ito.

Matapos ang ilang taong dinala ko sa dibdib iyon. isang katangahan at kahangalan dulot ng alak at kasabikan Nakahingi na ako ng tawad. Ayos na ang lahat. Ngayon wala na rin siyang nobyo. Lumuwag na ang dibdib ko.

May gusto uli ako sabihin sa kanya.

Ngayon alam kong hindi na panaginip o guni guni ang sasabihin ko. Ang nalalaman ko. Ang nadarama ko. Pero mahirap sabihin. May lamat na. Kahit pa sabihing okey ang lahat. Ngayon nagsisisi ako.
.

Masaya na akong ayos na ang lahat. Isa nalang ang kulang.

Matapos ang lahat ng ito. Unti unti kong naramdaman.

MAHAL KO NA SIYA.

Pero paano? Pano ko sasabihin ito.

Di bale nalang mananaginip nalang ulit ako


All pictures from Google Images

Jan 6, 2011

MGA BAGAY AT PANGYAYARING GUSTO KONG MAKITA AT MARANASAN BAGO AKO MAMATAY

Panimula: Ilang beses na akong nagkakaroon ng Bangungot o yung mga tinatawag na “NIGHTMARES” nitong mga nakaraang araw. Marahil dahil sa pagod. Ang totoo , ilang buwan narin akong at pinapahirapan ng aking INSOMNIA. Halos lampas isang taon na ng lumala ang insomnia ko Marahil bunsod ito ng mga pagyayaring nakakapagpabagabag sa aking diwa at isipan. Depression marahil, mula noong ako ay magdaan sa pinakamasakit na yugto ng aking puso at buhay. Mula noon hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Swerte na kung nasa 3 o 4 na oras ang tulog ko. Minsan swerte akong nakakahimbing sa hapon, minsan sa gabi. Ngunit tuwing ako ay papalaring makatulog. Ako naman ay binabangungot. Bangungot na hindi mayroong mga halimaw at dragon, o mga impakta sa banga at kagubatan kundi yun pakiramdam na hindi ako makagalaw at makahinga, kahit bukas ang iyong diwa at nakikita mo ang mga bagay sa paligid. Minsan na akong binangungot noung ako ay nasa kolehiyo, nakita ko ang isang liwanag. May tumatawag sa akin. Papalapit na ko dito, ngunit naalala ko ang aking mga mahal sa buhay. Kayat pilit kong ibinalik ang sarili sa mundo. Hindi ka man maniwala, pakiramdam ko namatay ako nuon at nagbalik. Ngayon, muling bumabalik ang boses at ang liwanag. Iniisip ko, marahil isang araw. Hindi ko na kayanin at akayin nako nito. Kayat bago ang lahat, bago ito maisakatuparan (wag nman sana). Ito ang mga bagay na nais kong matupad bago ako muling makipag-batian ng “hi” at “hello” sa liwanag at makipag-apir kay kamatayan.

——- Maipagpatayo ko ng Bahay sila Ama at Ina.


——- Makita ang loob ng MALAKANYANG


——- Makipagreunion sa Elementarya at Hayskul, at sapakin ang mga dating nam-bully sa akin.


——- Gayahin ang buhok ni Rey Valera o kaya kay Ka Feddie Aguilar.


——- Makita ang Batanes


——- Makapunta sa New Zeland


——- MAKAPAG-ASAWA.


——- Humingi ng Authograph kay Pepe Smith (may kasama pang picture)


——- Makitang may Disneyland narin sa Pilipinas


——- Matapos ang ginagawa kong Libro. (serious book ito, naniniwala ka?)


——- Matalo si Pacquiao ng boksingerong hindi taga Mexico, kundi ng isang taga Zimbabwe


——- Makita ang mga Ex girlfriend ko. Humingi ng sorry at mag pasalamat.


——- Magkaroon ng 6 na anak. (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy)


——- Lumuwag ang MRT


——- Makita ang sarili sa lahat Pahayagan (meron na ako sa Manila Bulletin, Pangalan nga lang : Sa Phil. Star, may kasamang picture, Article pa ni Tim Yap.. hehe


——- May Makahuli si Osama Bin Laden


——- Magkaroon ng asong hindi mamatay pag tungtong ng ikalawang taon (dedbol lagi si bantay, malas ata ako sa asong askal eh) Sino may pure breed? Penge?


——- Magkaroon ng mall sa Payatas.


——- Pumayat (para naman gwapo ko sa loob ng kabaong)


——- Makasayaw ulit sa Cultural Center of the Philippines


——- Makaupo sa Lap ni Santa Clause


——- Masimento ang kalsada samin


——- Malamang may isang tao sa mundong nakakaintindi sa utak ko


——- Magkaroon ng BEST FRIEND (na girl)


——- Makasakay sa Titanic


——- Maglaro parang bata.


——- Humiga sa damuhan habang nakatingala sa mga butuin habang kasama ang minamahal


——- Makapag aral ng Abugasya (sana magkapera, ang mahal eh)


——- Makatikim ng buko Pie sa itaas ng MT. Makiling.


——- Lumabas sa pelikula (kahit extra)


——- Makakita ng Pagong (si Pong)


——- Makapasok sa Araneta Colosseum


------- Manalo sa Palanca o kahit anung Patimpalak sa Pagsulat


------- Makasakay sa Ambulansya, may Wang Wang


------ Makita ang kaibigang si Kristine Rivera. (kung sino man ang nakakakilala pakiusap paki  sabi hinahanap ko sya.. please please please)


------ Makitang Malinis ang Ilog Pasig. Makalanggoy at magtampisaw dito.


------ Higit sa lahat maniwala kang seryoso akong tao.




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Dec 2, 2010

EXCERPT

 NANG GUMILING GILING SI 
MANDONG BIGATIN 
(Excerpt)
    ni Hedel A. Cruz


            Naalala ko si Edna, kababata ko nga iyon, kapitbahay pa. Madalas kaming maglaro, kasama pa yung iba namaning kaibigan, sina Botchog, Tata, Macmac, Elsa, Ligaya at si Dante. Sa aming lahat si Edna ang pinaka matalino. Bibong bibo. Minsan ngang sumali ng pakontest ng piyesta. Nanalo pa. Magaling ding kumanta. Sa kanilang tatlo nila Elsa at Ligaya, si Edna yung pinaka maganda. Hindi naman magpapahuli yung dalawa, kaso tuwing may kontest talagang pang second at third lang silang dalawa. Sabay sabay kaming nakatapos ng Elementary. Nung Hayskul na, tumigil sila Botchog at Tata. Si Botchog, yung pinaka mataba (palaging talo sa habulan-taya) lumipat sa kabilang bayan. Mula nuon hindi na kami nakabalita sa kanya. Huling balita naging bakla na raw at may sariling parlor sa kabayanan. Biruin mo nga naman totoo pala yung hinala ko dati. Minsan kasing nagpunta kami sa sementeryo at todo ang kapit nya kay Dante.Siya ang pinakamalaki (literal na malaki kasi mataba sya) sya pa ang takot. Kaya tinatawag syang Balyenang Bakla. Pero nung minsan inasar namin syang bakla, nagalit at hinabol kami ng suntok at sipa, pero dahil nga mataba hindi rin kami mahabol. Kayat iiyak nalang sa isang sulok.

            Si Tata naman, naglayas sa kanila. Nung araw na naguwi ng panibagong nanay yung tatay nya. Ok naman sana kaso hindi pa patay yung tunay na nanay ni Tata. Ang totoo’y may sakit lang. Pirming nakahiga sa kama. Hindi makatayo, hindi din gaanong makapagsalita. Parang gulay kumbaga. Hindi yata kinaya ni Tata na makitang may ibang binabahay yung Tatay nya kahit nandun pa sa bahay yung Nanay nya. Anu nga ba naman ang magagawa ng hindi makakilos na Nanay nya. Kundi umiyak nalang sa higaan. Palusot ng tatay nya, Lalaki sya na may pangangailangan, at hindi iyon maibigay ng Nanay ni Tata dahil nga gulay na ito. Naglayas si Tata. Di nagtagal namatay yung Nanay nya. Hindi na sya nagbalik, kahit sa burol o libing ng Ina. At naging pormal na Happily ever after yung Tatay nya saka yung Babaeng inuwi nito. Huling balita namin, ay.... wala pala kaming balita. Sabi sabi lang, pero hindi kumpirmado. Napatay daw si Tata. Naging Holdaper kasi sa Maynila.

            Hindi ko narin napigilan ang sarili ko at ibinulalas ko narin ang tagalang pakay ko kay Mang Kanor. Dahil nga nakapag ahon na sya ng mga isda.

            “ Mang Kanor may kasama na ho ba kayo sa pag bihaye nyan sa Maynila?”

            “ Ah, eh bakit, gusto mo bang sumama? Meron na akong kasama, nang galing na yung anak ni Teban. Nauna nang nagpasabi. Nahiya naman ako dahil kumpare ko yung si Teban. Kaya siya ang kasama ko. Dapat nga sana ay hindi na ako magsasama, kaso medyo matanda narin ako, baka mabali ang balakang ko. Maliit lang din naman ang kaya kong ibigay dun sa bata. Napakataas kasi ng gasolina ngayon. Buti pa nung araw ang mga taga lungsod ang dumadayo dito. Pinagbigyan ko na yung bata kelangan daw pambili ng libro sa pasukan”

            Napaisip si Mando, mukhang hindi siya makakasama. Pero mabilis syang mag-isip. Sayang, kung sana ay nauna siya, kahit papaano ay may kikitain sya para sa kanyang pakay sa Maynila.

            “ Ganun po ba, sayang naman. Dapat pala ay maaga ako. Pero baka may pwesto pa sa jip nyo Mang Kanor”

            “ Aba’y bakit iho?”  

            “ Makikisabay nalang ako papuntang Maynila”

            “ Meron pa naman, kaso dun sa likod, sa tabi ng mga banyera, Ano ba ang gagawin mo sa Maynila, sino naman ang tutunguhin mo duon. Wag mong sabihing may nobya ka duon, dyaskeng bata to. Ke bata bata mo ba may nobya ka na”

            “ Wala po, may pupuntahan lang ako duon”

            “ Ahh, sige, pero dun ka sa likuran. Mabuti narin at may magbabantay sa likod ng jip, pero wala akong maipapakain sa iyo, sa Maynila ko pa kasi makukuha yung bayad sa mga isda.”

            “ Sige po, magbabaon nalang ako. May mga kamote pa naman sa likod bahay namin.”

            “ Mabuti sige damihan mo ha”, sabay tawa ng matanda.

            Ilang sandali pa ay tumungo na ako sa ibang mga bahay para kumuha ng pakain ng baboy sa ibang bahay. Madami yung nakuha ko kila Mang Kanor,  halos mapuno yung isang timbang dala ko. Isang timba pa ang dapat kong punuin.  Napadaan ako sa Bahay nila Edna, tulad ng dati naroon sya sa bahay nila. Isang malaking bahay pero hindi tapos. Nandun sya sa veranda, sa likod nya ay mga tagpi tagping pintura ng dingding. Malayo ang tingin nya. Tulad ng dati.

            Sa tapat ng bahay nila nandun parin yung Puno ng Acacia. Dun kung saan kami palaging naglalaro, talagang napakanda ni Edna. Sobrang ganda. Sa buong bayan kakaunti lang ang nakatungtong ng magandang kolehiyo. Swerte na nga kung kahit hagdan masilayan mo. Sabay sabay kaming grumadweyt ng Hayskul, si Edna, Elsa, MacMac, Dante at Ligaya. Si Ligaya at Elsa sumali nang kontest nung Piyesta, nung araw na wala si Edna, kasi  nga ay nagaaral sa Maynila. Laking tuwa nila dahil ngayon baka sakaling isa na sa kanila ang manalo. Nanalo nga si Ligaya, pangalawa si Elsa. Inampalan nuon si Meyor. Mukahang nabighani kay Ligaya. Kaya ayun, binahay. Naging dakilang kabit sa Edad na disisyete. Nung una ay maayos naman. Kaso nung mabuntis, at natalo si Meyor nung eleksyon parang bula naring naglaho ang kaligayahan ni Ligaya. Nagpunta ng Maynila para mabuhay yung anak nya. Ayun naging puta, at may bago na syang pangalan, JOY. Ganun din kaya ang nararamdaman nya sa gabi gabing pag giling sa club?

            Si Elsa, nakatungtong din ng Maynila. Sales Lady sya ngayon sa supermarket.

            Pero Hindi naman puro kalungkutan ang nangyari sa amin. Maganda naman kahit papaano ang nangyari kila Dante at MacMac. Dahil nga hindi na nagiging maganda ang ani ng baryo marami sa mga tao dito kung hindi magpupunta sa Maynila mag-aabroad. Yung Tatay ni MacMac naging welder sa Saudi. Yung Nanay naman ni Dante naging DH sa Hongkong. Talaga naman nauso ang pag-alis sa baryo nang humina ang ani. Naging maganda rin naman ang kinahinatnan nito. Lumaki ang mga bahay. Naging mga bato.  Nagkaroon ng mga sasakyan. Mas dumami ang mga awto kesa sa mga kalabaw, baboy at kambing dito. Kayat kahit papaano ay napilitan yung meyor dati na ipasimento ang daan. Tuwing may uuwing galing ibang bansa akala mo laging piyesta. Lahat ng nag-abroad masaya. Pero hindi sila Edna.

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

Nov 30, 2010

TUWING GABI

TUWING GABI
(an ode to the emo)
ni Hedel A. Cruz


Saan Ba Nagsimula ang Terminong “EMO”
waring ito sa mga emotero’t emoterang tulad mo at ko
O sa damdaming pilit nagpupumiglas
Sa kalalaliman ng Gabi ilabas ang Patalim

Sila ba ang mga nilalang
na sa damdamin ay pumapailalang
Ang simbuyo at adhikang di makita
Sarado ang mga mata bunsod ng Luha

Sino ba ang Emotero?
Ang mga taong sawi o ang mga pighati
Na sa damdamin inilalabas, humahati
O ang talipandas na luhang sa mata ay tumatakas

Ilabas ang mga blade
Rubie gillette man o Dorco
Ipinta ang dugo sa dingding
O sa harap ng salamin

Sino ba ang walang damdamin
Yari bang ilambitin sa baging
Ang leeg na sandalang pigtasin
Hininga sa ilalim ng Hangin

Sila ba ang waring pinagiwanan
Sa dulo ng mundo nagugulumihanan
O sadyang isang kabalintunaan
Turing sa kanila’y katatawanan

Emotero’t emoterang palaging nakaitim
May eyebugs pa at mahirap arukin
Dagdagan pa ng eyeliner ni ate o ina
Pighati sa bawat nilikha

Hindi bat bawat isa’y may damdamin
Hindi lang ang mga ato sa dilim
Ilabasman tunay na hangarin
Paglinap ay kay dulas parin

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended


Nov 28, 2010

Ginahasa

GINAHASA



Ilang beses man akong magpalit
Ng aking damit
Hindi na maalis itong kumapit
Amoy dusa at pighating
Unti unting gumuguhit
Sa bawat ugat ng daluyang
Kusang bumubulwak ng dugo
Sa bawat pagsirit
Pinipinta sa salamin
Ang bawat pasakit, naka-ukit

Ang Kasaysayanag umuulit
Tila ba hindi na nagsawa
Sa paglapit
Na para bang gamu-gamo
Makulit, sa apoy kusang lumapit

Ilang beses na bang narinig
O nasaiisip
Na ang problema at sakit
Ay walang paglagyan sa
Sistemang malupit
Kundi sa mga taong utak ay pili-pilipit

Tulad ng Labadang 
Binanlawan.
Kailangan Pigain
Upang timbang ay gumaan
At patuyuin.
Wag mong sabihing sa akin
Na iyong hihintayin

Na ang katas ng diwa, pagod at pagsisikap
Ay itatapon sa imburnal
Tutungo, dideretso sa ilog
Sa dagat o kung saan man lupalop.
Pero ang amoy ng kataksilan,
Sa balat nakakapit at di maibabaon.

Ilang beses mo na bang kinanta
Lupang hinirang o Bayang Magiliw pa.
Paulit-ulit na mula kinder hanggang grade 1.
Elementarya hanggang Hayskul. Sa Kolehiyo.
Tuwing manonood ng sine.
O may laban ang idolo mong Boksingero.

Pero diba tila parang mga titik nalang
Na walang laman. Parang dasal na inuusal usal
Wala namang pinagmumulan.Para bang nagnonobena
Paulit ulit hindi namanAlam kung sino ang santo 
o santang pinagdarasalan.

Panata, pana-panata. 
Puro ka panata.
Hindi naman makabayan.
Makabayan mang ituring
Pag nagkagipitan na Itatakwil
Ang lupang sinilangan
Tignan mo lumpasak at bagsak
Sa Burak.
At tila nangaasar tatawa pa.
Kunyari Mayaman ka.

OO mayaman ka. Mayaman ka sa kwento.
Pero wala naman Kwenta.
Saan ba? Nasaan ka?
Naubos na ba?
Ang mga Dakila?




Credits To Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

Nov 20, 2010

How I Want to Meet your Mother

How I Want to Meet your Mother

(kung paano ko gustong makilala ang magiging nanay mo, anak)

Alam ko alam nyo yung series na ito. Kung hindi pa, kawawa naman kayo. Season 6 na po, dami nyo na namiss. Pero hindi ako si Ted Mosby. Baka si Barney Pwede pa. hehe. Pero seriously, gusto ko din ikuwento sa mga magiging anak ko kung paano ko nakilala ang kanilang Ina. Na umabot na ng season six, wala parin ako idea kung sino talaga ang may ari ng Yellow Umbrella. Pero habang hindi pa ako kinakasal at wala pa yatang taong nasa matinong isipan ang papayag. Sana eto.. eto.. 
To my Future Kids: Anak, (kung sakaling magkaka-anak man ako). Kung mababasa mo ito. Ikaw na bahala magpasensya sa akin kung kukulitin kita sa pagkwento kung paano ko nakilala ang nanay mo. Hindi sa idol ko si Ted Mosby. Kundi nangangarap ako na makita mo din ang taong nararapat sa iyo. Ang magmamahal sayo ng lubos. Gaya ng pagmamahal ng iyong Ina sa akin.

HOW I WANT TO MEET YOUR MOTHER.

Yung makaksabay sa trip ko tulad: 

- Pagsigaw sa ibabaw ng bubong 
- Maligo sa sapa na puno ng dikya, 
- Magbabad sa hot spring habang kumakain ng Ice cream......ggg
- Magbike pababa ng burol
- Maligo sa ulan
- Humiga sa damuhan habang nakatingin sa tala
- sumabay sa kanta ni Ric Manrique Jr.
- sumayaw ng folk dance
- alam ang ibig sabihin ng chorva
- siga maglakad pero malambing
- magwalis ng dahong mangga
- umakyat sa puno
- kumain ng bagoong with ketchup
- magaling magluto ng adobo
- magjogging sa gabi
- umiinom ng gatas
- nagbabasa ng libro
- upadated sa news
- mabait
- disiplina
- kaya akong bugbugin pero hindi nya gagawin
- alam magalit at may paninindigan
- masipag
- at chorva!!!!


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 19, 2010

Huling Buga

Huling Buga


Ilang beses ko na bang sinabi
Na hinding hindi na magyoyosi
Tila sindami na ulan noong Hunyo
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.

Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa gilagid at ngala-ngala?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?

Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming alumpihit
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit

Mula nang ikaw ay lumisan
Sa bisyo ako ay nakipisan
Kasama sa magdamagan
Nang sakit ay mabawasan

Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 17, 2010

Nakatikim ka naba ng "BATANG"?

Traditional Cooking of Batang
(Awesome Filipino Dish and Tradition)

Babala: Ang bidyong inyong matutunghayan ay hindi para sa mga mahihina ang kalooban (o kaya laman loob) Bawal ang sumuka!! sayang iyang keyboard/laptop mo. 


Video from BahayKwentista

Ang tagpong ito ay aking natunghayan noong pumanaw ang aking mahal na lola, sumalangit nawa, love you po. (Karaniwan kapag may pumanaw, kinakasal o Holiday Season) Hindi ko na binidyohan kung panu pinatay ang native pig na ito. Ang tawag sa tradisyunal na lutong ito ay "Batang".

Una, syempre kelangan deds na yung baboy.


Tapos susunugin para mawala ang mga balahibo para magkaroon ng sinasabing kakaiba at distinct taste..


Syempre kelangan hati hatiin ang pork.




At ayan na ang mga pork. OO nasa lupa ito sa ibabaw ng mga dahon.
Malinis yan, wag ka magalala.




 Tapos mapag-pirapiraso ang mga laman. Kasama ang mga lamang-loob ay sabay sabay itong pakukuluan sa isang malaking kawa/kawali/kaserola o kung anu mang tawag doon..

Ito ang nagbibigay ng kakaibang lasa sa luto. walang rekado, walang asin. Talagang pagpapakulo lang ng matagal ang kailangan.. kapag naluto na, bahala ka na sa seasoning. Ang kakaiba dito yung sabaw. Kahit walang rekado.. Iba ang lasa.. MASARAP..

Ayun din sa tradisyon, kailangan mailibing ang pumanaw sa loob ng 3 araw. Kanya kanya ang toka sa pagkatay ng baboy, paglutom pagbigay ng pagkain, pagkanta sa namayapa atbp.



Ang mga baboy na pinatay at inihanda ay ibinigay ng mga kapitbahay, kaibigan, kamag-anak. kahit ang mga biskwit at kape. pati bigas. na siya naman pinagsasaluhan ng bawat isa. LAHAT INVITED sa mga ganitong okasyon.


Kanya kanyang kain. mayat maya ang dating ng mga ilulutong baboy at ilan pang pagkain. mayat maya din ang dating ng mga tao mula pa sa ibat ibang dako ng probinsya at baryo. Humigit kumulang mga 1 libo katao ang nakita kong dumalo. ang ilan sa sapa o katawan na ng puno ng saging ang ginawang plato..

Dito mo makikita ang pag-kakaisa ng bawat isa..


 Sa okasyong ito kung saan may pumanaw, ang coffin o ang kabaong ay gawa sa Kahoy. at ang libingan ay naayon kung saan gusto ng pumanaw. Sa ilang pagkaataon, mas gusto nila sa itaas sa kabundukan. Ang ilan sa gitna ng palayan.. At may nakita nadin ako sa labas lang ng kanilang mga bahay.. Akala ko nga lamesa eh..




Ang mga ulo ng baboy ay ibinabalik bilang pagtanaw ng pasasalamat sa mga nagbigay nito.

All Pictures from Hedel Cruz