Showing posts with label Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Pilipinas. Show all posts

Jun 27, 2011

Edyukasyong Pilipino

No Copyright Infringement Intended.
Education CAN'T make us all LEADERS, 
but it can teach us which leader to FOLLOW

- kaya siguro hindi priority sa Pinas ang edukasyon.


Apr 12, 2011

HedelShots: Nagtahan Bridge

The Climb


Location: Nagtahan Bridge, Pandacan Manila City Philippines
formerly known as Mabini Bridge, this majestic bridge connects Sampaloc and Pandacan.

Cruise this bridge at night time and be delighted with its changing lantern lights. Although some lights are destroyed and mostly stolen, this city light attraction will surely give a decent smile on your face as you watch the lights as they turn into different colors. Really worth the drive :)

Feb 23, 2011

Buhay Aplikante

Ang Buhay Aplikante at Pisikal Eksams.


Ang pinaka ayaw ko sa paghahanap ng trabaho maliban sa sandamakmak na pagprint ng resume, pagstapler, pagpapapicture, ang init ng Pinas (at kung minamalas ka) rejection ng inaaplyan mo, ay ang mga Medical Exams.



"Sige sir, talikod po kayo, tuwad po paki hawi yung dalawang pisngi. Paki-buka lang po"
"Paki puno narin itong lata ng Fita ng Jebs"

Halos mag-iisang taon narin nang napagdesisyunan kong lisanin ang aking trabaho sa isang malaking bangko sa Pinas. Isang desisyon na halos lumugmok sa akin, nagpalaki ng aking tiyan at nagbigay ng ilusyon na kapag may balbas at bigote ako kamukha ko si Brad Pitt. 

Malapit na ako mabaliw kakatambay, mahirap mag-apply. Mainit sa Pinas, maalikabok at higit sa lahat konti lang maa-applyan. Mabibilang mo lang sa mga numerong 2, 5, 7, 9, 13, 25, at 33. Sinubukan ko rin sa mga naririnig sa transistor ng lolo at lola mo. AM at FM Pero wala padin. Ilang beses man akong magpasa, napaka-dalang naman ako matawag sa interbyu. Mahirap pala makahanap ng trabaho sa landas na gusto ko. Mahirap makapasok sa industriyang madami grumagradweyt kada taon. Para kaming mga aso na nag-aagawan sa maliit na karne. Kung hindi ka bulldog o kaya pitbull, kawawa kang chow chow ka. Yung iba swertihan, yung iba magaling talaga, pero kadalasan palakasan ang labanan. 

Pero sa wakas, nakatsamba din ako o baka nadaan sa dasal. Naawa na siguro sakin yung nasa ITAAS. Nagkaroon ako ng tyansa. Matapos ang hinaba habang lakaran. Pagpasa ng resume, may nakapansin din sa akin. Matapos ang exams (na ewan ko kung bakit puro math), exam ulit - retake at interview. Abot kamay ko na ang pangarap ko. Yung hinahanap hanap ng katawan ko, excited na ako maging zombie sa umaga at deadkid sa gabi. Malapit ko na matutunan yung mga bagay na gusto ko, yung ilaw, yung lente, yung disenyo, yung damit. Lahat malapit na. Matapos ang sandamakmak na ngiti, sagot, ngiti, sagot at pagpupumilit na magmukha akong presentable at seryoso, ewan ko kung natuwa ba sila sakin o naawa. Nakapasa nadin ako. Ilang araw nalang magtratraining na ako. Magsasanay para maging zombie, excited na ako. Isa nalang ang hadlang yung MEDICAL EXAMS.

Ewan ko ba sino ba yung nag-pauso ng medical exams na iyan. Mahirap na nga maghanap ng trabaho. Kay hirap padin ng mga pagdadaanan mo. Hindi naman sa nagrereklamo ako, alam kong part yun at resposibilidad ng mga employer para pangalagaan ang kanilang mga tauhan o opisina na wag masamahan ng mga may nakakahawang sakit. Mga adik, may bacteria at virus. Ito'y moral na obligasyon din ng mga kumpanya at kung ikaw ay may sakit na hindi mo alam, swerte mo na diagnose ka at may chance ka para gumaling. pero ang chance mo para matanggap, wala nadin. Advantage ito sa mga kumpanya para pumili ng the best and the fittest para magtrabaho para sa kanila. Makahanap ng mga walang depirensya para magawa ng maayos yung trabaho nila. Yung makakuha sila ng todo bigay at hardworking. Pero naisip ko lang, kawawa naman yung mga adik na gusto mag bagong buhay, yung may sakit na gustong magkatrabaho para mapagamot ang sarili at mapakain ang mga anak. Kawawa naman yung pilay, bulag o pipi. Hanggang pagmamasahe nalang ba sila o kaya factory worker? Kawawa yung may diperensya sa katawan na hirap na nga maghanap ng trabaho discriminated pa. Sila na gusto maging part ng society, sila na laging kawawa dahil ang panget at walang tamang wheelchair lane, sidewalk at ramp na makakatulong sa kanila. Para saan ba yung exams, kapag di mo kaya tumayo di ka na pwede? kapag nagyoyosi ka di ka tanggap, kasi baka mabilis ka mamatay at malugi kumpanya pagbabayad ng benefits mo? kapag may sakit ka sa dugo, magmukmok ka nalang? Kapag dati kang adik dehins ka na, olats ka na tsong? Kapag may dugo ka sa jebs o almoranas, bawal ka? Para san ba yun? Para masabi lang na fit ka? Hindi ba mas maganda kung sa utak nalang ang exams. Yung tipong, kung may topak o toyo ang isang tao. Kung may tendency ba ito para magnakaw sa kumpanya, mangmolestya ng katrabaho, maging tamad sa opisina o kaya maging kurakot. Kung may history ng pagka-psycho. Sa tingin ko ito yung mga dapat tignan. Hindi yung pisikal lamang. Para sa akin mas madami pang pilay, pipi, bingi, bungi at galising tao ang mas fit para sa mga trabaho. Sila yung mga taong higit pa sa trabaho ang hanap, hanap nila yung pantay na playing field, pantay na pagtingin. 

Yung mga pulitiko kaya may medical/physical exam din? Dumadaan din kaya sila sa pag BP, CBC, Urine Test at Fecal Test (ewan ko ba kung bakit may fecal test, eto yung pinakamahirap eh, kung hindi ka matae sa clinic malas mo. Uwi ka ng bahay pero dapat fresh mo itong ibibigay sa kanila, di lalampas ng 2 hours), na ewan ko talaga kung anu tinitignan nila sa jebs, baka sakaling may makita silang mutation ng mais at kamote na kinain mo kanina. Tumutuwad din kaya sila para makita kung may almoranas sila bago umupo maging mayor, vice, tanod, congressman, senador, chief justice, o presidente. Kung required sa mga gumagawa ng tinapay, nagluluto, matador at mga pangkaraniwang government at private employee na magpa-physical exam, dapat lahat din ng pulitiko. Dapat meron din sila ganito every year, para magkaalaman na kung sino ang adik (ng hindi na nahuhuli sa hongkong). Sila yung dapat mauna sa bawat test. Para malaman kung sino ang madaming babae (STD), malaman kung sino ang fit para mamuno sa bayan at sa tao. Para malaman sino malakas uminom (at madalas sa mga beerhouse). Simulan sa test sa utak para malaman na kung may tendency topakin at mangurakot, yung mga deprive nung bata. Yung mga bully. Kung ang medical o physical exam ay basehan kung makakapasok ka sa trabaho. Aba, dapat lahat na. Pati yung nasa Palasyo. Tama ba? 

Buhay Aplikante nga naman... Bow

Dec 27, 2010

Paalam: Pablo S. Gomez

Alamat ng Filipino Komiks Pablo S. Gomez
Pumanaw sa edad na 81

PABLO S. GOMEZ

Lungsod Quezon, Pilipinas --- Pumanaw na ang sikat at beteranong manunulat ng komiks sa Pilipinas. Si Pablo S. Gomez, na kinikilala na isang alamat at isang institusyon sa literatura. Isang nobelista, manunulat sa telebisyon at pelikula, at dakilang komiks writer ay pumanaw isang araw matapos ang Pasko. Si Ginoong Gomez ay pumanaw dakong 7:30 ng gabi, linggo Disyembre 26, sa Sta. Teresita Hospital sa Lungsod Quezon, matapos atakihin sa puso. Ayon sa kanyang pamilya, si Ginoong Pablo S. Gomez ay lubos na nagdamdam at naapektuhan sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Leonor noong bisperas ng Pasko.

Talambuhay:
Si Pablo S. Gomez ay ipinanganak sa Sampaloc, Maynila noong ika-25 ng Enero 1931, ang mga magulang niya ay sina Olimpio Gomez at Pacita Salonga. Siya ay nagtapos sa Legarda Elementary School, Jose Abad Santos High School, National Teachers' College at Ateneo de Manila University.

Nagsimula si Gomez bilang isang announcer sa DZRH noong 1946, at isang impesario sa mga tanghalan na lumilibot sa bansa. Di naglaon nagsimula ang kanyang karera bilang manunulat nong 1949, nagsumite ng kaniyang mga akdang prosa sa mga publikasyon katulad ng Liwayway, Bulaklak, Aliwan, at Sinag-Tala.  Ang  mga ito ay “Ang Baliw sa Libingang Luma”, na sinundan ng maikling komiks na, “Putol na Kamay”. Nagkaroon ng interes ang ilang mga taga-hanga sa mga akda ni Pablo S. Gomez, ngunit hindi ito naging sapat para sumikat sya ng mga panahong iyon. Ngunit ang mga akdang ito ay sapat na para siya ay mapansin at mabigyan ng pagkakataon, naging Proofreader siya sa Ace Publishing. Matapos ang isang taon hinawakan niya at naging editor siya ng Hiwaga Komiks. Kasabay nito, sumulat din sya para sa Pilipino Komiks, Espesyal Komiks at Tagalog Klasiks. Sa panahong ito ang ilan ng kanyang mga akda ay ginamitan niya ng kanyang pen name na, Carlos Gonda.  Ang kaniyang unang komiks novel na pinamagatang Apat na Taga ay agad naging isang patok na pelikula noong 1953 na pinondohan ng Sampaguita Pictures. 

Matapos ang kanyang tagumpay sa Ace Publishing, lumipat siya ng Gold Star Publications noong 1962, kung saan nagsulat siya ng ilang mga komiks at serye ng mga nobela. Taong 1963 nagtayo si Ginoong Gomez ng kanyang sariling publikasyon, kung saan nagtrabaho siya mula 1963 hanggang 1974. Tinawag ang publikasyong iyo na P.S.G Publishing House. Sa publikasyong ito, nagsimulang lumabas ang United Komiks, Universal Komiks, Kidlat Komiks, Continental Komiks, at Planet Komiks. Sa tulong ng kanyang sariling Publishing House, nabigyang pagkakataon ang mga nagsisimula pang mga manunulat sa komiks na sina Alex N. NiƱo at Carlo J. Caparas. Hindi naglaon, napilitang isara ni Pablo S. Gomez ito, at ibinenta sa Affiliated Publications, Inc

Mga Gawa:
Tuluyang gumawa ng pangalan sa industriya si Pablo S. Gomez ng taong 1950, ilan sa kanyang di malilimutang gawa na na-isabuhay sa pelikula ay ang, Guy and Pip, Magdusa Ka, Machete, Hilda, Kurdapya, Torkwatta and Susanang Daldal. Itinuturing na isa sa mga pinakamagagaling na manunulat ng komiks sa Pilipinas, lumikha si Gomez ng higit sa 1,000 na komiks novels at stories. Kabilang sa 300 niyang mga likha ay nabigyan ng film adaptation ng mga movie studios katulad ng Sampaguita Pictures, Lea Productions, FPJ Productions, Seiko Films, Viva Films, at ng Regal Films.


Ilan pa sa mga pelikula na hango sa kaniyang mga likha ay ang Kurdapya (1955), Gilda (1956), Kandilang Bakal (1957), Anino ni Bathala (1958), Tanikalang Apoy (1959), Kaming Makasalanan (1960), Tatlong Magdalena (1960), Octavia (1961), Tulisan (1962), Sabina (1963), Paano Kita Lilimutin? (1965), Miranda: Ang Lagalag na Sirena (1966), Pitong Krus ng Isang Ina (1968), at Petrang Paminta (1969) noong 1950s hanggang 1960s. 

Noong 1970s, 1980s at 1990s, sumikat naman sa pelikula ang kaniyang mga obra katulad ng Orang (1970), Kampana sa Santa Quiteria (1971), Santo Domingo (1972), Kampanerang Kuba (1973), Kamay na Gumagapang (1974), Alupihang Dagat (1975), Pagbabalik ng Lawin (1975), Andalucia (1976), Ms. Eva Fonda 16 (1976), Little Christmas Tree (1977), Katawang Alabok (1978), Lihim ng Guadalupe (1979), Inday Bote (1985), Magdusa Ka (1986), Kapag Puno na ang Salop (1987), Pasan Ko ang Daigdig (1987),Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting (1988), Agila ng Maynila (1989), Rosa Mistika (1989), at Hiram na Mukha (1992). 


Si Gomez ay lumikha din ng mga teleplays para sa mga palabas tulad ng Panahon, Makulay na Daigdig ni Nora, at Hilda. Dagdag pa rito, siya ay nagsulat at nag-direk ng mga pelikula katulad ng Mga Kuwentong Ginto ni Pablo Gomez kasama si Narda Sanggalang at isinulat ang screenplay at naging direktor ng Agila ng Maynila (1989). 

Naging isang magaling din na manunulat sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr. (FPJ) si Gomez, ilan sa kanyang mga ginawa ay, Eseng ng Tondo, Probinsyano, Kahit Konting Pagtingin, Sta. Quiteria, Kalibre 45 and Mahal San Ka Nanggaling Kagabi?.


Bukod dito, si Pablo S. Gomez din ang utak sa likod ng Wansapanataym (ABS-CBN) at ang TV adaptation ng Kampanerang Kuba (ABS-CBN). Pinagamit din ni Pablo S. Gomez ang ilan sa kanyang mga gawa sa mga top-rating telenobela at fantaserye (fantasy series) sa telebisyon. Ang ilan sa mga ito ay naitampok sa  fantaseryeng Komiks ng ABS-CBN, tulad ng Inday Bote (Pebrero 2006), Machete (Marso 2006), Kamay ni Hilda (Marso 2006), Bunsong Kerubin (Mayo 2006), Inday sa Balitaw (Mayo 2006), Si Pardina at ang mga duwende (Hulyo 2006), at ang Bahay ng Lagim (Agosto 2006). Bukod pa doon, ipinalabas din ng ABS-CBN ang likha ni Gomez kagaya ng Hiram na Mukha (2007) para sa palabas na SineSerye.

Ginamit din ng GMA 7 ang dalawa sa mga obra ni Gomez na pinalabas sa kanilang programa na Sine Novela, ito ang Pasan Ko ang Daigdig (2007) at Magdusa Ka (2008).

Kamakailan lang, naisa-pelikula ang kanyang Akda na Petrang Kabayo, starring Vice Ganda at ang Juanita Banana , na pinagbibidahan ni Bianca Manalo sa ABS-CBN. Ang Mutya na isa rin sa kanyang gawa ay ipapalabas din sa nasabing istasyon.


Paalam Pablo S. Gomez:
Ang labi ni Ginoong Pablo S. Gomez ay nakalagak sa St. Peter Mortuary Chapel, Lungsod Quezon. Ito ay napagpasyahang i-cremate sa Disyembre 30.

Isang kawalan sa industriya si Ginoong Pablo S. Gomez, isang alamat at maituturing nang isang institusyon sa panitikan, pelikula, telebisyon at komiks sa Pilipinas. Magpaalam man ang isang dakilang manunulat, nobelista at komiks writer na si Gomez, ang kanya ng mga akda ay patuloy na pasisisglahin ang industriya. Ang kanyang mga gawa ay kailanman ay nakatatak na sa ating mga puso at isipan. Ang kanyang imahinasyon ay nagbigay sa atin hindi lang ng ligaya kundi ng maraming alaala. Sa iyo Ginoong Gomez. Ipinagkakapuri ka namin, saludo ang Lahing Pilipino sa Iyo.  

Mga Nailimbag na Akda:
Ada, Aliwan Komiks (1982-1983)
Ako ang Uusig, Pinoy Komiks (1966)
Alinlangan, Tagalog Klasiks (1959)
Anak ng Demonyo, Aliwan Komiks (1987)
Anak ng Punso, Kuwento Komiks (1993-1994)
Ang Akin ay Akin at ang Iyo ay Akin Pa Rin, Damdamin Komiks (1986-1988)
Ang Akin ay Para sa Lahat, United Komiks (1971-1972)
Ang Baliw sa Libingang Luma, Kilabot Qualikomiks (1992-1993)
Ang Bukas ay Walang Hanggan, Liwayway (1966)
Ang Daigdig ng Ada, Pinoy Klasiks (1990-1991)
Ang Kampana sa Santa Quiteria, Continental Komiks (1970-1971)
Ang Kampanerang Kuba, Planet Komiks (1971)
Ang Kuba sa Palengke, Kidlat Superkomix (1974-1975)
Angkan ng Masasama, Pinoy Komiks (1965-1966)
Anino ni Bathala, Pilipino Komiks (1957-1958)
Apat na Taga, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Asero, United Komiks (1972-1973)
Ay Naku, Neneng!, Pinoy Komiks (1987-1988)
Babalu, Hiwaga Komiks (1955-1956)
Baby Bakukang, Universal Komiks (1964-1965)
Bagwis ng Agila, Topstar Komiks (1974)
Bahay na Ginto, Aliwan Komiks (1966)
Bahay ng Lagim, Pioneer Komiks (1987)
Bakawan, Holiday Komiks (1980)
Bakit Ba, Puso?, Aliwan Komiks (1968)
Banaba, Holiday Komiks (1979)
Bandana, Pioneer Komiks (1967-1969)
Batang Bangkusay, Pilipino Komiks (1956-1957)
Batas sa Aking Kamay, United Komiks (1964)
Bato sa Bato, Commander Qualikomiks (1986)
Bato sa Bato (Ang Puso ni Hilda), Pioneer Komiks (1966)
Berlin Wall, Continental Komiks (1966)
Bigonia, United Komiks (1965-1966)
Bilangguang Ginto, Hiwaga Komiks (1968)
Bim, Bam, Bum, Tagalog Klasiks (1955)
Binibining Milyonarya, Dear Heart Komiks (1992)
Biyak na Bato, Palos Komiks (1969-1970)
Buhok na Ginto, Kuwento Komiks (1991-1992)
Busabos, Hiwaga Komiks (1956-1957)
Cara Cruz, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Dahlia, Hiligaynon (1973)
Dalawang Mukha ng Anghel, Lagim Komiks (1968)
Dalawang Pisngi ng Langit, Universal Komiks (1970-1971)
Dambanang Putik, Hiwaga Komiks (1953-1954)
Danny Boy, United Komiks (1968-1969)
Dayukdok, Pilipino Komiks (1961-1962)
Dear Nora, Universal Komiks (1970)
Deborrah, Hiwaga Komiks (1966-1967)
Devil Tree, Pinoy Komiks (1993-1994)
Dingdong, United Komiks (1970)
Divina, Lagim Komiks (1964-1965)
Doria, Pioneer Komiks (1964-1965)
Durando, United Komiks (1969-1970)
Esmeralda, Espesyal Komiks (1959)
Esteban, Continental Komiks (1972)
Eva Dragon, Tagalog Klasiks (1958)
Floradema, Teens Weekly Komiks (1976-1977)
Floradema, Espesyal Komiks (1960)
Four Daughters, Universal Komiks (1966)
Gagay, Aliwan Komiks (1990)
Gilda, Pilipino Komiks (1955-1956)
Gonzales, Universal Komiks (1970)
Gusto Kong Mabuhay…, Pinoy Klasiks (1983-1984)
Haliging Bato, Pilipino Komiks (1962-1963)
Halik sa Apoy, Universal Komiks (1969-1970)
Halimaw, Kenkoy Komiks (1962)
Hanggang Kailan Kaya?, Pinoy Komiks (1982-1983)
Haplos ng Pagmamahal, Love Affair Komiks (1996-1997)
Hindi Akin ang Daigdig, Continental Komiks (1971)
Hiram na Ligaya, Nobela Klasiks (1989-1990)
Huling Lahi ng Asuwang, Teens Weekly Komiks (1988-1989)
Huwad, United Komiks (1970)
Ikaw Pa Rin ang Hahanapin Ko, United Komiks (1966)
Inang Mahal, Damdamin Komiks (1991-1992)
Inay… Huwag Mo Akong Iwan!, Kidlat Superkomix (1975-1976)
Isdaaahhh!, Kilabot Qualikomiks (1991-1992)
Isinumpang Dugo, Pinoy Komiks (1964)
Itim na Pangkasal, Damdamin Komiks (1990-1991)
Ito Po ang Inyong Lingkod, Pilipino Komiks (1955-1956)
Jambalaya, Aliwan Komiks (1991-1992)
Jungga, United Komiks (1971-1972)
Junior Captain Universe, Aliwan Komiks (1978)
Kamandag ng Lupa, Lagim Komiks (1963-1964)
Kaming Makasalanan, Pilipino Komiks (1960-1961)
Kandilang Bakal, Espesyal Komiks (1954-1955)
Kid Buffalo, Lagim Komiks (1967-1968)
Kondesa Alva, Planet Komiks (1970-1971)
Kontra- Bandido, Pilipino Reporter Komiks (1972)
Kung Sakali Man, Damdamin Komiks (1992-1993)
Kurdapya, Tagalog Klasiks (1954-1955)
Kuwatro, United Komiks (1969)
Lahing Asuwang, Holiday Komiks (1982-1983)
Lasong Walang Kamandag, Aliwan Komiks (1988-1989)
Leslie, Universal Komiks (1968-1969)
Lilac, Teens Weekly Komiks (1981-1984)
Little Bell, Kuwento Komiks (1989-1990)
Looban, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Luha ng Bato, Espesyal Komiks (1973-1974)
Luha ng Kandila, Aliwan Komiks (1989)
Luha sa Ligaya, Nobela Klasiks (1990-1991)
Lumuluhang Bangkay, Holiday Komiks (1990-1991)
Lupa sa Lupa, Pilipino Komiks (1959-1960)
Machete, Pinoy Klasiks (1989-1990)
Madam Tentay, Pinoy Komiks (1963-1964)
Madejas, Redondo Komix (1963)
Mandong Sikwat, Holiday Komiks (1982-1983)
Marco Antonio, Aliwan Komiks (1964-1965)
Maria Sagrada, Pinoy Klasiks (1993)
Maria Teresa, Tagalog Klasiks (1950)
Maruming Daigdig, Universal Komiks (1968-1969)
Medalyon, Pioneer Komiks (1991-1992)
Mga Batang Bangketa, Universal Komiks (1970)
Mga Ligaw na Bulaklak, Pilipino Komiks (1956-1957)
Mga Lihim ni Margarita, Continental Komiks (1966)
MN, Pilipino Komiks (1953-1954)
Morbida, Holiday Komiks (1989-1990)
Mr. Macho Man, Pinoy Komiks (1990-1991)
Mutya, Pinoy Klasiks (1978-1983)
My Father, My Lover!, Universal Komiks (1970-1971)
My One and Only Love, Teens Weekly Komiks (1990-1991)
Nag-aapoy na Dambana, Continental Komiks (1966)
Nagbabagang Bato, Kislap Komiks (1966)
Nobody’s Child, United Komiks (1970)
Octavia, Hiwaga Komiks (1960-1961)
Odinah, Universal Komiks (1971)
Orang, United Komiks (1969-1970)
Paalam sa Pag-ibig, Pinoy Komiks (1963)
Palaboy, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Pasan Ko ang Daigdig, Aliwan Komiks (1986-1987)
Pautang ng Langit, Tagalog Klasiks (1960)
Petrang Paminta, United Komiks (1969)
Pitimini, Liwayway (1978-1979)
Pitong Gatang, Tagalog Klasiks (1959)
Pitong Krus ng Isang Ina, Continental Komiks (1967)
Planet Man, Planet Komiks (1968-1969)
Pubring Alindahaw, United Komiks (1970)
Pusong Buhay, Pinoy Komiks (1990-1991)
R.O.T.C., Hiwaga Komiks (1954)
Rosa Mistica, Pinoy Klasiks (1986-1987)
Sa Bawat Punglo, Pilipino Komiks (1962-1963)
Sa Kuko ng Halimaw, Kidlat Komiks (1970-1971)
Sa Pinto ng Impiyerno, Tagalog Klasiks (1962)
Saan Ako Nagkamali?, Nobela Klasiks (1991-1992)
Sandra, Tagalog Klasiks (1957-1958)
Santo Domingo, United Komiks (1972)
Sargon, Universal Komiks (1972)
Singko Pilado, Teens Weekly Komiks (1989-1990)
Sosayting Dukha, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Sugat sa Balikat, Tagalog Klasiks (1961)
Susanang Daldal, Hiwaga Komiks (1961-1962)
Takas sa Langit, Pinoy Klasiks (1991)
Talahib, Espesyal Komiks (1962)
Tanikala, Pioneer Komiks (1979)
Tanikalang Apoy, Pilipino Komiks (1958-1959)
Taong Buwaya, Universal Komiks (1967-1969)
Taong Kabayo, Universal Komiks (1964-1965)
Tatak, Espesyal Komiks (1958-1959)
Tatak ng Alipin, Liwayway (1974-1975)
Tatlong Magdalena, Hiwaga Komiks (1959-1960)
Tender is the Night, Superstar Komiks (1981-1982)
Teresa, Tagalog Klasiks (1953)
Teresa Martirez, Bondying Movie Specials (1974)
Three Daigdig, Hiwaga Komiks (1953)
Timbuktu, United Komiks (1965-1966)
Tinik at Kamandag, Lagim Komiks (1966-1967)
Tres Ojos, Aliwan Komiks (1992)
Tsandu, United Komiks (1968-1969)
Tsandu at Polyana, United Komiks (1972)
Tsandu Meets Anna Karenina, United Komiks (1970)
Tsandu versus Chanda, United Komiks (1972)
Tsandu Vs. Dr. Bruto, United Komiks (1969)
Tsandu Vs. Tay Ching, United Komiks (1971)
Tsandu: Mariang Alimango, United Komiks (1970)
Tulisan, Hiwaga Komiks (1961)
Twinkle, Twinkle Little Star, United Komiks (1970)
Ulo, Superstar Komiks (1978-1982)
Ulo ni Drakula, United Komiks (1964-1965)
Utak, Pinoy Klasiks (1988-1989)
Valentina, Universal Komiks (1968)
Vengadora, Kidlat Komiks (1969)
Walang Kasing Lupit, United Komiks (1964)
Walang Pangalan, Hiwaga Komiks (1959)
Water Lily, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Zombie, Universal Komiks (1972)

Mga Sanggunian:

Dec 16, 2010

New BSP Logo and Unveiling of new Philippine Banknotes

PHILIPPINE BANKNOTES GETS A FACELIFT


Ngayong araw pinasinayaan ng Banko Sentral ng Pilipinas ang mga bago at redesigned na Bank Notes ng Pilipinas. Ang lahat ng 6 denomination ng bansa, 20 - 50 - 100 - 200 - 500 at 1000 peso bills ay may bagong itsura at dagdag na mga security features ayon sa BSP. Sinimulan naring iligay ng BSP sa mga bagong bank notes na ito ang SIGNATURE ni Pangulong Benigno Aquino III . Ayon sa Website ng Banko Sentral ng Pilipinas ang mga bagong pera ng Pilipinas ay may security features katulad ng security threads, fibers, watermarks, invisible fluorescent inks, optically variable ink, microprint, and moire pattern and iridescent band.


Ang Bagong 500 Peso Bill, magkasama sina Dating Pangulong Corazon Aquino at ang kanyang kabiyak na si Dating Senador Benigno S Aquino Jr.



500 Peso Bill Reverse Side



1000 Peso Bill, Makikita parin sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim


Sa likod ng 1000 Peso Bill Makikita ang Tubbataha Reef National Park



Ang Bagong 200 Peso Bill. Makikita parin si Dating Pangulo at ngayon Congresswoman ng Pampanga na si  Gloria Macapagal Arroyo sa  ng 200 peso bill, ngunit ang larawan ay magiging mas maliit at matatagpuan sa bottom left corner sa harap ng 200 peso bill.



Larawan ni Gloria Macapagal Arroyo sa 200 Peso Bill

Makikita sa Likod ng 200 Peso Bill ang Chocolate Hills ng Bohol at ang Tarsier. 


Ang Bagong 100 Peso Bill makikita si Dating Pangulong Manuel Roxas. 


Sa likod ng 100 Peso bill makikita ang Mayon Volcano 
at ang Butanding (Whale Shark) na kilalang tourist attraction sa Sorsogon


Si Pangulong Sergio OsmeƱa sa 50 Peso Bill. Sa likod nito makikita naman ang Taal Lake.


Ang 20 Peso Bill, makikita ang mas batang Manuel L. Quezon. 


Sa likod ng 20 Peso Bill masisilayan naman ang Banawe Rice Terraces.

NEW BSP LOGO

Makikita din sa mga bagong ilalabas na Bank Notes ng Pilipinas ang bagong Logo ng BSP

The new BSP logo is a perfect round shape in blue that features three gold stars and a stylized Philippine eagle rendered in white strokes. These main elements are framed on the left side with the text inscription “Bangko Sentral ng Pilipinas” underscored by a gold line drawn in half circle. The right side remains open, signifying freedom, openness, and readiness of the BSP, as represented by the Philippine eagle, to soar and fly toward its goal. Putting all these elements together is a solid blue background to signify stability.

Principal Elements:

1. The Philippine Eagle, our national bird, is the world’s largest eagle and is a symbol of strength, clear vision and freedom, the qualities we aspire for as a central bank.

2. The three stars represent the three pillars of central banking: price stability, stable banking system, and a safe and reliable payments system. It may also be interpreted as a geographical representation of BSP’s equal concern for the impact of its policies and programs on all Filipinos, whether they are in Luzon, Visayas or Mindanao.

Colors
1. The blue background signifies stability. 
2. The stars are rendered in gold to symbolize wisdom, wealth, idealism, and high quality. 
3. The white color of the eagle and the text for BSP represents purity, neutrality, and mental clarity.

Font or Type Face 
Non-serif, bold for “BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS” to suggest solidity, strength, and stability. The use of non-serif fonts characterized by clean lines portrays the no-nonsense professional manner of doing business at the BSP. 
Shape 
Round shape to symbolize the continuing and unending quest to become an excellent monetary authority committed to improve the quality of life of Filipinos. This round shape is also evocative of our coins, the basic units of our currency. 



Sources


Dec 14, 2010

LAYA at ABSWELTO

Ang mga NAKALAYA at ABSWELTO

Hubert Webb, kaliwa (kasama si Former Senator Freddie Webb, Hubert's Father)

Matapos ang 15 years, nakalaya na sina Hubert Webb at ang 6 pa sa mga kasama nitong nasangkot sa Vizconde Massacre. Base sa 7-4-4 Supreme Court Decision kung saan 7 ang pabor, 4 ang kumontra at 4 ang nag-abstain, ipinawalang-sala ng Korte Suprema ang mga nasasakdal dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya o hindi napatunayan BEYOND REASONABLE DOUBT. Ayon sa SC ang desisyong ito ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan ang mga nasabing personalidad, ngunit satakbo ng kaso, ipinahayag ng SC na hindi sapat at hindi napatunayan na nagkasala sina Webb. Ibinatay din ang desisyon sa mga ebidensyang inilabas ng kampo ni Webb na sinasabing hindi pinansin sa Lower Court. Ayon din sa SC madaming inconsistencies ang pahayag ng Star Witness na si Jessica Alfaro at ang ilan pa sa mga witnesses. Ayon sa batas hindi na maaring magsampa pa ng kaso laban kay Hubert Webb at sa kanyang mga kasama, na may patungkol sa Vizconde Massacre, dahil magiging labag na ito sa batas, ang tinatawag na Double Jeopardy. Bukas naman ang MalacaƱang at ang DOJ para buksan ulit ang kaso at tulungan si Mr. Lauro Vizconde upang mahanap ang dalawa pang suspect na nagtatago ngayon at bigyang linaw ang kasong ito.

Hayden Kho Jr.

Halos kasabay ng media fanfare sa kaso ng Vizconde Massacre. Inabswelto din ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) branch 159 ang kasong isinampa ni Katrina Halili Laban kay Hayden Kho Jr. Si Hayden isang Doctor, turned commercial model, artista wannabe at Sex Scandal master. Ang 100 million civil damage case laban kay Hayden ay ibinasura dahil sa Lack of Merit. Ayon din sa korte hindi napatunayan ng kampo ni Halili, na hindi alam ni Katrina Halili na siya ay kinukuhan ng Video, base sa occula inspection sa lugar ng scandal scene. Ayon sa kampo ni Halili iaapela pa nila ang kasong ito. 

Sa kabilang banda, ang pag-absweltong ito ng korte kay Hayden ay hindi nangangahulugang lusot na siya sa iba pa niyang kinakaharap na pagsubok kaugnay ng Sex Scandal Video. Ilan dito ang kasong nakasampa sa Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA).

Nov 18, 2010

Ang Buhay Parang Pelikula

Ang Buhay Parang Pelikula


ST. Bomba. Bold. Marahil naabutan nyo ang mga ito.
Hindi nyo man aminin, nakapanuod na kayo nito sa sinehan.(maliban nalang sa mga bagong henerasyon ngayon, na hindi na inabutan ang pamamayagpag ng Bold/ Sexy Film noon at naranasang panoorin ito on big screen. Malas nyo.. Iba pag sa sine... Maganda grapics.. haha). Sikat ito noon, pero mula nang ayaw naang ipalabas ng SM Cinema sa kanilang mga sinehan ang mga R-18 films. Humina ito. Pero Hindi Nawala.. (Madami parin sa Recto at cubao, double feature pa) Gayunpaman hindi ako naniniwalang inosente na ang mga kabataan sa mga ganito, lalo na at easy access na ang mga porn sites sa web. malamang din sa DVD galing Quiapo sila nanonood ngayon. 

Naisip ko lang Kung gagawing isang Pelikula ang Sex life ng bawat tao...
Ano kaya ang pinakamagandang pamagat para dito?

Ikaw may naisip ka ba para sa Sex Life mo?

ETo ang ilan na naisip ko.

10. Sagad Hanggang Buto.

9. Isang Kayod Isang Buga.

8. Sampalok: MAy Asim Pa.

7. Boy Aligaga: Labas Masok

6. Mapalad Kay Maria

5. Aararuhin ko ang bukid mo..

4. Slippery when wet.

3. The Fast and the Pawis

2. Lagot ka kay Ama

1. Malayo pa ang sibat, Nakabuka na ang Sugat...

Kaso mukhang lagot tayo sa MTRCB nito.
Magagalit si Laguardia. (Yung anak na pala ni Da King bagong Chairwoman) Hindi narin sisikat ang mga ganito bawal na sa SM eh.

Kayo anong suggestion Nyo?




Credits to Google Image Search No Copyright Infringement Intended