Showing posts with label buffet. Show all posts
Showing posts with label buffet. Show all posts

Nov 29, 2010

Buffet

Buffet
ni Hedel A. Cruz


Ang Love Parang Handaan
Tulad ng isang Buffet
Matatakam ka sa bawat pagkaing
nakalatag sa Iyo.

Dahil gutom ka mapusok at Hangal
Pilit mong titikman
ang Lahat.

Sa Huli, Kapag masakit na ang sikmura.
Saka mo malalaman na hindi sa dami 
at pagpapalipat lipat nagmumula at mahahanap ang kasiyahan.
Kung hindi sa nagiisang Putahe na Paborito.

Hindi Tubig o Kremil-S
ang sagot sa hyperacidity o Impacho.
Kundi ang pagnanais na Makuntento.

OO nga at nakakasawa ang paulit ulit at paborito.
Pero sa huli, ito parin ang mamahalin at
babalik balikan mo.

Wag mong hanapin sa iba ang Ligaya.
Dahil ang saya hindi hinahanap kung
saan saan lang.

Dahil madalas nasa iyo na.
Nasilaw ka lang sa amoy at lasa ng iba.
Nasilaw ka sa paghahanap ng kung ano 
ang wala sa Kanya.


Credits To Google Image Search. No Copyright Infringement Intended