Ang Kalsada at Ukay Ukay
sinulat taong 2009
Ilang beses na akong nagigising sa Bus.
Nakanganga at tumutulo laway..
Hindi ko alam kung napapansin ng katabi ko..
Langya.... dyahe. Umagang umaga...
Tapos naka longsleeves at kurbata pa..
buti nalang hindi babae katabi ko.
At mukhang hindi naman nila napansin
dahil tulog din sila.
Mahaba ng ayala. Saka ang Edsa
Minsan napapgtripan kong makipag-sapalaran
sa mga halimaw ng mrt. sa hapon.
No choice.Mrt talaga ako.
(mangmang kasi ako nuon at di pa natutuklasan ang Shuttle service) ok lang... hapon nanaman.at madami ako kasabay.
sumuweldo na ako.ang dami ko nabiling longslibs
sa ukay ukay.nasa 15 na longslibs ko.
ayus.mga 5 na necktie
100 - 150 lang.
sa mall aabot ng 500 hanggang libo
sana wala akong makasabay na kuripot ding katulad ko
na ukay din ang shopping place
lalo na sa cubao... makapag bambang nga..
okaya baguio, mas madami ata dun eh
ewan.. practicality ba tawag dun?
maayos naman yung mga nabili ko.
gwapo naman ako kahit papaano.
nakikipagsabayan sa mga de tatak na longslibs ng makati.
wala naman nakakahalata.
at paki ko kung meron.
mas cute padin naman ako sa kanila.
hindi ko lang talaga maintindihan kung
bakit naka kurbata sa mainit na bansa
kelangan todo pustura. kapag may necktie dapat
naka balat na sapatos.
Gayong sa mga bansang nagpauso ng longslibs at
necktie, eh sakto at pwede namang naka-rubbershoes ka
ewan ko ba sa pinoy. baduy para sa kanila yun.
mali ata ang pagintindi nila sa longslibs at necktie
sa totoo lang. sa ibang bansa
iba ang everyday longslibs at tie na pwedeng ipares sa rubbershoes kumpara sa mga todo kung pormang suit
na naayon sa mga okasyong pormal
sa ibang bansa, kahit naka longslibs at may coat pa ang uniform ng mga estudyante, mas ok kung naka rubber since mas comfortable ito.. (kaya hindi uso bike sa pinas)
pero sa pinas pag longslibs dapat naka leather
buti sana kung maayos kalsada
at mga sidewalk sa Pinas
kaso hinde eh...
inaantok na ako madalas. nakakatulog din ako problema nga lang
hindi sa gabi at sa bahay. kundi sa trabaho,sa bus, sa jip, sa mrt
(pwede ka matulog ng nakatayo hindi ka babagsak pramis) ahhhh. basta.....
Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended
Showing posts with label kalsada. Show all posts
Showing posts with label kalsada. Show all posts
Nov 27, 2010
Nov 26, 2010
Kwentong Kalsada 2
Ang Mahabang Ahas sa Gitna ng EDSA at Ang Balbas saradong Sipulero
(sinulat taong 2009)

Madalas sumakay ako sa AYALA Station. Sobrang sikip. Sobrang malas pa. Masikip na nga. Meron pang bida bida.Halos magkadikit na ang mga mukha at pisngi ng bawat tao.sa sobrang sikip. Kahit himatayin ka. Mananatili kang nakatayo. Pwede ka ding matulog ng nakatayo. Hindi ka babagsak.
(sinulat taong 2009)

Isang linggo pa lang ako sa trabaho pakiramdam ko ay kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos.
Malapit nang mapudpod si blacky.
Si rubber naman bihirang gamitin dahil di swak sa polo at pantalong itim.
Ewan ko ba bakit sa init ng panahon
Kelangan may kwelyo ang suot ko.
Di naman siguro mababawasan ang kalidad ng trabaho at utak ko sa pagsuot ng walang kwelyo.
Ok narin naman at atleast hindi ako tulad nung Presidente ng kumpanya na naka amerikana pa. sabagay mas malamig sa opisina nya
Pero siguro ganun talaga pag taong AYALA ka. Kung ano ang nakikita dapat gumaya. Eh pasaway talaga ako. Kaya maong at rubber... Bahala kayo Marami kang makikita sa AYALA. Puro matas sa building. Masakit sa leeg. Pero ayun narin. dahil sa taas nila di masyado mainit. Masakit sa panga ang gumising ng maaga. Lalo na kapag masarap ang tulog at ako ay naglalaway pa. Alas otso y medya dapat naka-in ka na. Maaga ako. minsan sobra...
Mahirap umuwe. Lalo na pag Amazing Race Edition na sa kalsada. Minsang sumakay ako ng BUS. Matapos hintayin ang klasmeyt ko sa kolehiyo na si Kalbo sa PLDT. Alas nwebe na nasa Ortigas pa lang ako. Badtrip si manong. Akala yata parking space ang Loading at Unloading area. Gutom na ako. Buti nalng may mani si manong. At si ate may ITLOG na tinda. Kaya ayaw ko nang mag-BUS kasi pakiramdam ko nakasakay ako sa Karo ng Patay. Pag MRT/LRT naman para lang nag-trip to jerusalem. Pero MRT parin ako. MRT always na ko. Pero badtrip talaga ata sakin ang Ahas sa EDSa. Dumagdag pa si Manong.
Ang hirap sumakay ng AHAS kapag gabi.
Madami tao.Madami pila.
Madami ding Atribida.
Hindi mawawalan ng sigaw sa loob ng ahas.
ARAY. PAA ko....Wag kayong manulak.....
SHET...... Ang INEeeeet..........
Ekskyusmi.....Ilan lang yan sa maririnig mo....
Isama mo pa ang mga malulutong na Mura ng matanda sa dulo
Ang pinaka ayaw ko sa AHAS eh sobrang sikip.
Buti pa ng sardinas. May sabaw.
Ang Ahas sa EDSA. MAy alingasaw.
Sobrang sikip. Daig nyo pa ang nagretreat at nag camping
Kung saaan mang bundok o resort sa sobrang bonding.
YUn ata ang tinatawag na Filipino Values.
Pagiging malapit sa isat isa. Sobra.
Kapag sumakay ka ng AYALA. Asahan mo nang maiipit ka... swerte sa female area. Malas sa Male. Lalo na kung babae ka. Ipit ka na. may libre hipo pa. Buti nalang mabait ako. Pero minsan naisip ko mnagdala ng wig at damit pang-babae. O kaya magdala ng saklay.

Bumalik taayo sa Bida bida. Badtrip si MAnong. Masikip na nga. Magkakalapit ang mga mukha.. Aba, very excited pa. Masyadong musically inclined. Kung sumipol kala mo wala nang bukas. Alam lahat ng kanta sa lahat ng telenovela. Ezperanza, Mara Clara, Pangako Sa iyo. Sinisipol nya...At eto ang asteeg... Kumpleto to pa. May second voice pa sa sipol nya sa chorus. Ang Problema. Masikip ang mundo. Kapag sumipol pa sya... Haharap pa sa mukha ko.
BUTI SANA KUNG BAGONG TOOTHBRUSH SYA. KASO HINDI... ANG SAYA SA AYALA.
Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended
Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended
Nov 23, 2010
Kwentong Kalsada
Ang Pakikipagbaka sa Dambuhalang Pagong ng EDSA
Sino bang hindi nakakaalam sa EDSA. Syempre lahat tayo alam yun. Yun ang kalsada na nagkokonekta sa maraming Syudad sa NCR. Mula Mall of Asia, Hanggang sa SM North. Lampas lampas pa. Diba, ang saya. Mula Pasay, MAkati, Mandaluyong, Pasig Hanggang Quezon City. Asteeeeeg.
Ang EDSA na marahil ang isa sa pinaka sikat na kalsada sa Bansa, (maliban sa Mendiola, Recto at Balete Drive) Tinawag dating Highway-54. ang EDSA ay lugar ng ibat ibang tao. Ibat ibang mundo. Nakakatuwang isipin na bukod sa pagiging kalsada ito ay sumisimbolo rin ng Pagiging MAKABAYAN. Sino nga ba naman ang makakalimot ng People Power?
Pero hindi yan ang topic ko ngayon. Ang EDSA ay Napakahaba at magandang Kalsada. Na Tuwing 7 Am - 9 am ay nagiging malaking Parking Space. At 5pm - 8 pm ay nagiging malaking Kalokohan. Hehehe
ETO NA TALAGA TOPIC KO.
" SAMPUNG BAGAY NA AYAW KONG MANGYARI PERO NANGYARI SAKIN SA PAKIKIPAGSAPALARAN SA DAMBUHALANG PAGONG NG EDSA-------------- ANG MAKAPANGYARIHANG BUS"
10. Makipagsiksikan sa Pagsakay
(Kasama na riyan ang pagtalon sa bakod, pagtakbo at pakikipagtulakan)
9. Ma- OUT of BALANCE (mali hakbang ko, ayun swak ang mukha sa hagdan)
8. Maupuan ang isang Bubble GUM
(AMF Badtrip yun lalo na pag ayaw matanggal isang linggo kong sinabon yung pantalon para matanggal, isang linggo ding may speaker ang bibig ni INAY, kaka-sermon)
7. Maapakan ang iniwang souvenier ni muning sa ilalim ng upuan
( langyang pusa yan pati sa bus tumatae)
6. Marinig ang walang kamatayang hinagpos ng mga boses nila Mamang Tindero at Aleng Tagalako. (Pero in fairness, Masarap talaga ang MANI ni KUYA, at ang ITLOG ni ATE)
5. Lumampas ng BABABAAN. (Marathon Galore nanaman)
4. Makatabi ang Isang Aleng mataba at Manong na Dambuhala. Tapos ako yung nasa gitna.
3. Makasakay ang isang Ina o Ama na kasama si bunso, na wala na yatang ibang hobby kundi umiyak. (sobrang tinis pa ng boses, wasak ang eardrums)
2.May madadaldal na tsismosa sa likuran. Naka loud speaker pa.
1. Makatabi ang kamag anak ni sleeping beauty.
(Tutulugan ka na sa Balikat, LALAWAYAN KA PA)
Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended
Sino bang hindi nakakaalam sa EDSA. Syempre lahat tayo alam yun. Yun ang kalsada na nagkokonekta sa maraming Syudad sa NCR. Mula Mall of Asia, Hanggang sa SM North. Lampas lampas pa. Diba, ang saya. Mula Pasay, MAkati, Mandaluyong, Pasig Hanggang Quezon City. Asteeeeeg.

Pero hindi yan ang topic ko ngayon. Ang EDSA ay Napakahaba at magandang Kalsada. Na Tuwing 7 Am - 9 am ay nagiging malaking Parking Space. At 5pm - 8 pm ay nagiging malaking Kalokohan. Hehehe
ETO NA TALAGA TOPIC KO.
" SAMPUNG BAGAY NA AYAW KONG MANGYARI PERO NANGYARI SAKIN SA PAKIKIPAGSAPALARAN SA DAMBUHALANG PAGONG NG EDSA-------------- ANG MAKAPANGYARIHANG BUS"
10. Makipagsiksikan sa Pagsakay
(Kasama na riyan ang pagtalon sa bakod, pagtakbo at pakikipagtulakan)
9. Ma- OUT of BALANCE (mali hakbang ko, ayun swak ang mukha sa hagdan)
8. Maupuan ang isang Bubble GUM
(AMF Badtrip yun lalo na pag ayaw matanggal isang linggo kong sinabon yung pantalon para matanggal, isang linggo ding may speaker ang bibig ni INAY, kaka-sermon)
7. Maapakan ang iniwang souvenier ni muning sa ilalim ng upuan
( langyang pusa yan pati sa bus tumatae)
6. Marinig ang walang kamatayang hinagpos ng mga boses nila Mamang Tindero at Aleng Tagalako. (Pero in fairness, Masarap talaga ang MANI ni KUYA, at ang ITLOG ni ATE)
5. Lumampas ng BABABAAN. (Marathon Galore nanaman)
4. Makatabi ang Isang Aleng mataba at Manong na Dambuhala. Tapos ako yung nasa gitna.
3. Makasakay ang isang Ina o Ama na kasama si bunso, na wala na yatang ibang hobby kundi umiyak. (sobrang tinis pa ng boses, wasak ang eardrums)
2.May madadaldal na tsismosa sa likuran. Naka loud speaker pa.
1. Makatabi ang kamag anak ni sleeping beauty.
(Tutulugan ka na sa Balikat, LALAWAYAN KA PA)
Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended
Subscribe to:
Posts (Atom)