Showing posts with label bukas. Show all posts
Showing posts with label bukas. Show all posts

Nov 20, 2010

How I Want to Meet your Mother

How I Want to Meet your Mother

(kung paano ko gustong makilala ang magiging nanay mo, anak)

Alam ko alam nyo yung series na ito. Kung hindi pa, kawawa naman kayo. Season 6 na po, dami nyo na namiss. Pero hindi ako si Ted Mosby. Baka si Barney Pwede pa. hehe. Pero seriously, gusto ko din ikuwento sa mga magiging anak ko kung paano ko nakilala ang kanilang Ina. Na umabot na ng season six, wala parin ako idea kung sino talaga ang may ari ng Yellow Umbrella. Pero habang hindi pa ako kinakasal at wala pa yatang taong nasa matinong isipan ang papayag. Sana eto.. eto.. 
To my Future Kids: Anak, (kung sakaling magkaka-anak man ako). Kung mababasa mo ito. Ikaw na bahala magpasensya sa akin kung kukulitin kita sa pagkwento kung paano ko nakilala ang nanay mo. Hindi sa idol ko si Ted Mosby. Kundi nangangarap ako na makita mo din ang taong nararapat sa iyo. Ang magmamahal sayo ng lubos. Gaya ng pagmamahal ng iyong Ina sa akin.

HOW I WANT TO MEET YOUR MOTHER.

Yung makaksabay sa trip ko tulad: 

- Pagsigaw sa ibabaw ng bubong 
- Maligo sa sapa na puno ng dikya, 
- Magbabad sa hot spring habang kumakain ng Ice cream......ggg
- Magbike pababa ng burol
- Maligo sa ulan
- Humiga sa damuhan habang nakatingin sa tala
- sumabay sa kanta ni Ric Manrique Jr.
- sumayaw ng folk dance
- alam ang ibig sabihin ng chorva
- siga maglakad pero malambing
- magwalis ng dahong mangga
- umakyat sa puno
- kumain ng bagoong with ketchup
- magaling magluto ng adobo
- magjogging sa gabi
- umiinom ng gatas
- nagbabasa ng libro
- upadated sa news
- mabait
- disiplina
- kaya akong bugbugin pero hindi nya gagawin
- alam magalit at may paninindigan
- masipag
- at chorva!!!!


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Oct 9, 2010

LABABO

LABABO


Pag sinunod mo ang PUSO mo.... TANGA ka 
Pag sinunod mo ang UTAK MO, MANHID ka naman.

Ang UTAK daw nilagay sa taas ng Puso Para MAGISIP
Nilagay sa itaas para ito ang MASUNOD

Pero ang Puso nilagay sa GITNA
Nagsisilbing Buhay ng SISTEMA mo.

ANG TANONG SINO NGA BA ANG DAPAT MASUNOD?
SINO ANG DAPAT MAGBIGAY?
SINO ANG DAPAT MAGPAUBAYA?

ANG PUSO O ANG UTAK?

Sa TOTOO lang...
HIndi naman tayo nagmamahal dahil
sa utak o kaya dahil sa puso..

Masakit mang isipin...
Nagmamahal tayo dahil sa
PAGKAKATAON.

Sadyang ganyan ang tao..
Kapag may oportunidad..
Nagmamahal tayo dahil dumating ang
PAGKAKATAONG
may dumating sa buhay natin..
Isang tao, na biglang lumitaw.

SIno ka nga ba naman na 
Hindi susunggab?

Mahina kasi tayo..
Mahina tayong lahat..

Mabilis mahulog sa mga pagkakataon
Sa huli tayo parin ang nagkukumahog.

ANg LOVE hindi FEELINGS Lamang

HALO HALO ITO.

LOVE IS NOT just AN ATTRACTION
and being always HAPPY together.

ITS IS A MIX OF CHOICE,DECISION, SACRIFICE,FOOLISHNESS

AND HORMONES
isama mo narin

ang 
LIBOG  


Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended