Oct 29, 2010

ISOY

Note: Ito ang isa sa mga kumakalat kong gawa. Ginawa ko ito 2007.
Nung magsimula ako magyosi after namin mag break ng Former-GF ko.


ISOY
ni Hedel Cruz


Maraming nagtatanong. 
Ano ba daw ang nakukuha ko sa YOSI.
PORMA?
ASTIG?
COOL TIGNAN?

Simple lang naman. 
Malapit kasi ang PUSO KO SA LUNGS

BAWAT HITHIT
BAWAT BUGA,
TINATAKPANNITO ANG PUSO KO

Binabalutan ng ULAP
ULAP na nagpapamanhid sa damdamin.
Parang ANESTISYA

Sa ganitong paraan
Lahat ng sakit ng PUSO ko nababawasan.

DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MAUNANG MAWASAK 
ANG LUNGS KO 
KESA UNT-UNTING MAMATAY 
SA HAPDING HATID NG PUSO KO

---------------------------------------------------------------------------

Note: ITO NAMAN YUNG EDITED VERSION NA GINAWA KO NUNG PEBRERO 2008


“I-SOY”
Ni Hedel A. Cruz

Napakaraming nagtatanong. Maraming nagtataka.
Kahit ang magulang ko, suko na.
Sa aking bisyo.
Di matigil.

Ano nga daw ba ang nakukuha? Sa hithit at buga.
Sa usok, sa nikotin at mabahong hininga.
Cool? Astig? O Porma ang dala?
May dilaw na ngipin pa.

Kung aking ipagtapat, ang aking tunay na dahilan.
Baka matawa ka lang. Ako ay dagukan.
Tumawag ng pulis.
Ako’y marehab pa.

Simple lang naman ang aking dahilan. Simple lang.
Malapit kasi ang bibig sa ngalangala.
Ang ngalangala sa Lungs.
Ang Lungs sa Puso.

Ang mahaba at payat. Ang maputing kaligayahan
Bawat hithit, dala ay luwag at ligaya
Pula, Puti, kahit Menthol pa.
Hithit. Buga. Sige pa.

Tulad ng isang alapaap na puno ng puting bulak.
Bawat hithit , bawat bawat hinga.
Tinatakpan nito ang Baga.
At Puso ko.

Binabalutan ng ulap. O Ligaya. O anung sarap.
Ulap na nagpapamanhid sa dindama.
Parang Ansestisya.
Manhid na.

Sa ganitong paraan lamang. Sa ganitong sistema.
Lahat ng skit ng Puso ko, nawawala.
Prang tubig sa Disyerto.
Tuyo at Patay.

Lahat ng sakit, lahat ng tinatagong hapdi. Naglaho
Dahil mas gugustuhin ko pa kasi. Oo tama.
Na maunang mawasak ang Baga ko.
Kesa unti-unting mamatay.
Sa sakit ng Puso ko.
-----------------------------------------------------------------------

At Ito naman ang Kumakalat na CELLPHONE TEXT VERSION:


Isang Pamatay na Kadramahan!
Nagtataka aq ang ano ba
nkkuha sa yosi....
porma?
astig?
sbi ng 1 tambay:
cmple lang nmn
lapit kc ang HART sa
LUNGS..
bwat hit2,bwat buga, tntakpan n2 ang puso q., bnabalutan
un ulap... ulap na nagppmanhid sa damdamin....
parang anesthesia... sa gn2ng paraan, lhat ng skit ng puso ko nababawasan.
mas gugustuhin qng maunang mawasak ang baga q....


kesa unti2 aqng mamatay sa hapdi ng nararamdaman ko...
waah... =P ang drama naman!


---------------------------------------------------------------
NOTE: Nung una, syempre hindi na ako nabigla na kumakalat yung mga gawa kong tula. Kasi sa Cellphone ko talaga ito ginawa, at ipinadala sa mga kakilala at mga kaibigan. Hindi na maiiwasan na iforward ito. Pero yung pangalan ko sa dulo nawala na.. At madami pa akong ginawang tula at mga kowts na na edit na at nawala ang pangalan ko bilang may akda. Syempre may bahid ng pag-kaasar sa simula. Na nuon parang ayaw ko na gumawa ng mga kowts at tula. Pero napagisip isip ko. Kasama sa risk yun. Saka sino ba naman ako. kahit naman nandun pangalan ko. Hindi rin naman nila ako kilala. Sino nga ba naman ako isang hamak lang na kwentista. Sa huli, naisip ko rin, hindi naman ako nagsusulat para sumikat. Hindi rin ako nagsusulat para makilala ng tao sa Pinas. Nagsusulat ako dahil gusto ko ito. Gusto kong ilabas ang mga bagay na nasa dulo ng utak ko at kailaliman ng puso ko. E ano ngayon kung wala dun ang pangalan ko. Ginawa ko yun dahil yun ang nais kong iparating sa mundo. Ang ilabas ang nadarama ko. Dapat maging masyaa na ako na sa mga sinple kong tula, may napapasaya akong tao. May nakakarelate sa mga pinagdaraanan ko. Ang tula at mga akda ko ay hindi lang personal na kwento ko, Maaring Kwento mo rin ito, kwento ng ibang tao, kwento ng kaibigan mo. Kaya bakit ko ipagdadamot ito. Saka alam ko naman na gawa ko ito. Hindi ko na kailangan pang patunayan sa mundo. Masaya na ako na naging bahagi ito ng buhay mo... 


Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended. 

No comments:

Post a Comment