May 15, 2011

Juan Tamad

Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinango sa Novela
Author: Anonymous


Paalala: Ang tulang ito ay hango sa libro na may pamagat na Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia Sa Caharian nang Portugal, na Hinango sa Novela nailimbang noong taong 1919 sa Maynila. Ang librong ito na inilimbang ng hindi nagpakilalang manunulat ay binubuo ng 78 pahina ng apat na saknong na tula. pitong saknong kada pahina. Ang tulang ito ay tungkol sa mga pakikipagsapalaran ni Juan Tamad sa Kaharian ng Portugal, anak nila Fabio at Sofia. Ang tulang ito ay naka-sulat sa lumang Tagalog, mapapansing may kilay "~" ang mga salitang " ng, mga" at iba pang salita upang ipakita ag dating estilo ng pagsulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na karaniwang ginagamit.


Oh serenísimang maauaing Iná
sa tauong cristiano na iyong oveja,
sa lupa at Lan~git n~alan mo ay siyáng
tinatauag namin sa toui toui na.

  Icao po ang Torre at cabán n~g tipán
Iná nang sumacop sa sala nang tanan,
cami pong inapó ni Eva,t, ni Adán
sa lubós mong aua cami,i, nananaban.

  Ituto mo rin po Ináng mapagpala
masayod na lahat yaring ninanasa,
mapuról cong isip capós na acala
matutuhan co rin ang isasalita.

  Man~ga camahalang napapauang nobles
may sinimpang dunong at tahó sa leyes,
manipis cong alam at salát na isip
nangahás cahima,t, di talastas batid.

  Lumalacad aco,i, piquít ang capara
ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya,
pan~gahás cong isip doon umaasa
sa pa-honrang lin~gap nang m~ga bihasa.

  Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip
lathala nang verso,i, ayos sa matouid,
sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis
anyayang pa-honra ay inihihibic.

  Pinupuring tunay niring sumusuyo
ang man~gag anyayang malin~gaping puso,
cahit di dalisay sa lustre,i, malabo
ay paparahin nang brillante at guintó.

  Gayon din sa hindi,t, aayao lumin~gap
yaring si I.A. nag papasalamat,
itong ninanasang ibig na matatap
ay búhay nang isang sa novela,i, banság.

  Na dili umano,i, nang panahóng una
sa reinong Portugal sabi sa novela,
sa sacop din nito na Visadang villa
doon ay mayroong pobreng, mag-asaua.

  Fabio ang lalaqui tunay na pan~galan
ang casi,t, esposa ay Sofia naman,
mag-asauang ito,i, buhat nang macasal
sapól sa dálita,t, ualang pamumuhay.

  Capagca bata na ay itong si Fabio
hanap búhay niya ay pag jujuego,
nang magca asaua,i, siya ring oficio
na pinagcucunan canilang sustento.

  Maguing ilang taón yaong pag sasama
matrimoniong mahal nag supling namun~ga,
nang isang lalaquing quias ay maganda
naguing n~gala,i, Juan nang mabinyagan na.

  Malaqui ang toua,t, ualang pagcaronan
dito sa cay Juan niyong pag mamahal,
palibhasa,i, uala at iisa lamang
di ibig ni Fabiong bata ay oouang.

  Ináng si Sofia,i, ualang guinagaua
arao, gabi cundi ang pag-aarugá,
si Fabiong asaua ay palaguing uala
hanap ang sugalan at pagalagala.

  Pagsapit nang hapon ooui sa bahay
dadaan sa tinda,t, mamimili naman,
madla,t, sarisaring man~ga cailan~gan
na cacanin nila sa pag hahapunan.

  Doon sa canila cun siya,i, dumating
sa casi,t, esposa ay sisiyasatin,
baca ang anác tang mutyang guiniguilio
pina-iiyac mo,t, di mo linilin~gil.

  ¡Iná co! ang sagót ni Sofia naman
uala acong gaua cun hindi hauacan,
cahit nag luluto,i, quinacaulayao
sa pan~gin~gilag co na baca omouang.

  Anitong si Fabio na sintang esposo
gayon n~ga ang aquing ibig guinugusto,
icao ay hindi man macapag trabajo
bata,i, houag lamang pababayaan mo.

  Pagcaca umagang macapag almusal
paalis na siya,t, punta sa sugalan,
sa aua n~g Dios guinagaling naman
sa touing ooui ay may panalunan.

  Lumalaqui naman anác nilang ito
di nag cacaramdam sa aua ni Cristo,
matanto at siya,i, mahal na totoo
ang sugo nang iná,i, hindi asicaso.

  Ináng nag mamahal ay di alintana
cahit di sumunod cun utusan niya,
loob ay malinis sa anác na sinta
palibhasa,i, bugtong at iisa isa.

  Nang mag cabait na,i, naguing cagauian
umaalis siya sa canilang bahay,
sa man~ga capoua,i, hindi omaabian
na naquiquilaró sa canino pa man.

  Sa capan~gilagan nang catauan niya
at ang catamara,i, siyang nagdadala,
aalis sa bahay tatanan sa iná
susuot sa pulóng casucala,i, sadyá.

  Siya ay gumaua doon nang tahanan
sa puno nang cahoy Betis ang pan~galan,
na canyang lininis at siya,i, nag lagay
m~ga baguing hagting na sadyang hihigan.

  Doo,i, uala siyang munting guinagaua
cundi palagui na lamang nacahiga,
oras nang tanghali ay saca bababá
ooui sa bahay pagcain ang sadya.

  Cun siya,i, dumating sa canilang bahay
ang bati n~g iná,i, saan galing icao,
si Jua,i, ang sagót ay dini po lamang
naquipag laró po sa ating cahangan.

  Di naman iimic yaong canyang iná
sa uica ni Jua,t, natatalastas na,
ito,i, nag yayabang ¿ano caya baga?
ang anác cong ito,i, bucod at caiba.

  Nagtataca aco ¡oh Dios sa Lan~git!
ang bait isip co ay uulic ulic,
cagagauang ito nang anác cong ibig
caguilaguilalas at di co malirip.

  Marami rin namang man~ga bata dito
sa caapid bahay, na naquiquita co,
itong aquing anác caibang totoo
na palaguing uala at di masugo co.

  ¿Ano caya bagang talaga nang Dios
di paquinaban~gan ang anác cong irog?
gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob
cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.

  ¡Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Amá!
pagcalooban mo ang anác cong sinta,
amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia
matutong mag silbi sa magulang niya.

  Mulit muling taghoy na inihihibic
sa Dios na Amá na Hari sa Lan~git,
cahimanauari ang anác cong ibig
bigyan nang liuanag carunun~ga,t, bait.

  Saca cun matapos magtatanao tanao
anác na si Juan ay ibig matingnan,
cun hindi maquita,i, mananaog naman
hahanaping pilit ang quinalalagyan.

  Sa man~ga cahangan ay titingnan niya
ipinag tatanong cundi naquiquita,
ualang macasabi ooui na siya
mapanglao ang loob náluha ang matá.

  Cun siya,i, dumating sa canilang bahay
puputóc ang dibdib ináng mapagmahal,
ang loob at puso,i, hindi mapalagay
sa di pagca quita sa anác na hirang.

  Ano pa,t, sa touing gustong cumain na
siyang pag paroong pag haráp sa iná,
ináng nalulumbay cun siya,i, maquita
maguiguinhauahan pusong may balisa.

  Saca uiuicaing ¿ano caya ito?
saan nangagaling itong aquing bunsó,
sa touing cacain lamang paririto
ni anoma,i, hindi paquinaban~gan co.

  Matapos cumain guinaua nang iná
inaban~gan niya cun saan pupunta,
iná,i, sumusunod na sa huli niya
natanto,t, naalman ang tahanang sadyá.

  Naquita ang cahoy na hinahantun~gan
sa loob nang puló na pinalinisan,
sadyang may oyayi na tinutulugan
sa cahoy na Betis doon nalalagay.

  Ang uica nang iná ¡ay Juang anác co!
may sadya ca palá na tahanan dito,
¿ano bagang iyong guinagaua rito
ali,t, sino bagang dito,i, casama mo?

  Anong naisip mo,t, nasoc sa acala
dito ca nalugmoc anong guinagaua,
talastas mo naman at hindi cailá
mahal na amá mo ay palaguing uala.

  Nag-iisa aco,t, uala cundi icao
dapat casamahin sa gabi at arao,
icao naman bunsó ay sa toui lamang
na gustong cumain nonoui sa bahay.

  Aco ay paano ¡oh anác cong guilio!
nag tataglay aco sacuna,t, hilahil,
mahal na amá mo sa ati,i, uala rin
sa sang-lingo,i, minsan lamang cun dumating.

  Saca icao nama,i, di co maasahan
palaguing uala ca,t, dito tumatahan,
mabuti n~ga rito,t, icao ay maaluan
mula n~gayo,i, icao,i, Tamad na si Juan.

  Di naman sumagót sa man~ga sinambit
sa iná,i, ang matá ay di maititig,
ang loob at puso niya,i, may pan~ganib
na baca ang iná ay may dalang galit.

  Iniuan na roo,t, noui na ang iná
lumalacad siyang náluha ang matá,
¡Jesús co! ang uica bucod at caiba
itong aquing anác na iisa isa.

  Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co
caya cun umoui ay nag mamacatlo,
hanap búhay niya na pag jujuego
sinasamá siya at palaguing talo.

  Siya ma,i, narating sa canilang bahay
cun minsan ay di na naoosisa man,
ang anác na bugtóng na sa puso,i, mahal
loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.

  Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio
esposa cong sinta tanong co sa iyo,
¿baquin baga aco,i, touing paririto
di co naquiquita ang anác tang bunsó?

  Sintang esposo co sagót ni Sofia
di anong gagauin sa Dios talaga,
di mo n~ga talastas at dito,i, uala ca
m~ga cagauian nang bunsóng anác ta.

  N~gayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad
dahil sa ugaling caiba sa lahat,
touing macacain panaog na agad
pupunta sa puló sa loob nang gubat.

  Aquing sasabihin at nang matanto mo
cabiac nang pusong casi,t, esposo co,
bunsóng anác nata,i, pagcacaalis mo
ay palaguing uala,t, di nasusugo co.

  Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan
sa m~ga barcada batang caramihan,
ay hindi calaró uala,t, cung nasaan
loob co,i, agad na na malulupaypay.

  Babalic na acong puputóc ang dibdib
sa di pagcamalas sa anác tang ibig,
sa daluang matá co luha,i, nabalisbis
sa iyo esposo ay inihihibic.

  Di co pag aanhin mana,i, isang arao
ang loob co,t, puso,i, di na mapalagay,
niyong matanghaling tatapat ang arao
oras nang pagcain dumating na naman.

  Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin
pinag aban~gan co niyong macacain,
tica nang loob co ay aquing susundin
ang pinarorona,i, n~g aquing malining.

  Anác ta,i, nanaog n~g macacain na
sumusunod acong na sa huli niya,
uala siyang malay at di naquiquita
naalman co yaon na tahanan niya.

  May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay
sa loob nang puló na pinalinisan,
sa cahoy na yaon siya ay nag lagay
man~ga baguing hagting parang oyayihan.

  Ang sagót ni Fabio ¡oh Jesús na Amá!
ano caya,t, gayon ang anác tang sinta,
lulan niring dibdib at nasang talaga
papapag-araling capara nang iba.

  Di anong gagauin ay cun siyang bigay
sa atin nang Dios na Amáng Maycapal,
ay houag isucal puso,t, calooban
lagacan din siya niyong graciang mahal.

  Nagsama ang dalua,t, naparoong tiquis
puló ay sinoot at ibig mabatid,
nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig
himbing nang pagtulog at hilic na hilic.

  Dinulog nang amáng marahang marahan
anác niyang bunsó ay canyang pinucao,
guising ca anác co at paquimatyagan
acong iyong amá na na sa ligamgam.

  Naguising pagdaca na may dalang tacot
tinangnan n~g amá t, ang noo,i, tinutóp,
mag pacahusay ca,t, tumauag sa Dios
ualin sa panimdim sacuna nang loob.

  Aco,i, bago lamang na cararating pa
pinangalin~gan co ay malayong sadyá,
sa atin ay di co icao naquiquita
aquing itinanong sa mutyá mong iná.

  Sumasagót siya luha,i, nabalisbis
sa daluang matá perlas ang cauan~gis,
nagulumihanan ang puso co,t, dibdib
n~g oras na yao,i, nagdilim ang isip.

  Nang aquing malining pauang maunaua
ang sa iyong ináng m~ga sabi,t, uica,
sa daluang matá co,i, umagos ang luha
sa laquing hinayang sa anác cong mutyá.

  ¿Oh bunsong anác co,i, baquit caya naman
cabutóng iná mo,i, pinababayaan?
talastas mo aco na uala sa bahay
lagay ang loob co,t, ang casama,i, icao.

  N~gayo,i, sumagót ca,t, n~g maalaman co
lulan nang loob mo,t, m~ga guinugusto,
di paquinaban~gan icao nang iná mong
lauong nag aruga,t, nag pasupasuso.

  ¿Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin
ano caya bagang iyong mararating?
búhay ang puhunan n~g iná mong guilio
saca n~gayo,i, di mo siya gagantihin.

  Tunghay ang muc-ha mo,t, matá ay isulyáp
sagutin mo aco nang nasa mo,t, han~gad,
ang hiya at tacot siyang nag-aalab
caya di mangyaring bibig ay mabigcas.

  Yayamang di ca rin sumagót sa aquin
malis cana dito,t, moui ca sa atin,
ang calooban mo ay iyong baguhin
at sa magulang mo,i, mag silbing magaling.

  At houag ca ritong mag papalumagác
sa loob nang pulóng casucalang gubat,
tumatahan dito ay hayop na lahat
hindi ang para mong cay Cristong ovejas.

  Di naman sumouay pagdaca,i, sumama
Tamad na si Juan sa gusto nang amá,
pagdating sa bahay ang uica sa canya
anác co ay dinguin hatol cong lahat na.

  Magpamula n~gayon magbago nang loob
at dumalan~gin ca sa Poong cay Jesús,
sa amá,t, iná mo,i, magsilbi nang lubós
nang ang aua niya sa iyo,i, idulot.

  Isilid sa loob houag calimutan
sa umaga,t, hapon icao ay mag dasal,
pintacasinin mo ang Vírgeng maalam
n~g caauaan cang gracia ay pacamtan.

  Houag cang aalis dito,t, pumirme na
sa arao at gabi n~g macasama ca,
ang mahal mong iná,i, nag-iisa isa
ualang masusugo cun dito,i, uala ca.

  Tuloy namang icao ay ibibilí co
n~g isang cartillang mapag aralan mo,
di man macapasoc icao sa maestro
ay tuturuan ca guilio na iná mo.

  Ani Juan Tamad na sagót sa amá
lahat ninyong hatol aco,i, tatalima,
susunod sa utos aco po nang iná
at saca sa Dios mananalan~gin pa.

  Malaqui po amá yaring catouaan
sa inyong sinabing aco ay mag aral,
at harin~garin po na aco,i, casihan
na matutuhan co gauang cabanalan.

  Bumilí ang amá n~g isang cartilla,
at si Juan Tamad ay tinuruan na
niyong sarisaring pan~galan nang letra
sa A nag pamula,t, pinaquiquilala.

  Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios
at sa hicayat co anác co,i, nasunod,
iyong tuturuan esposa cong irog
harin~ga,t, maalman cartilla,i, matalós.

  Iiuan co cayo,t, aalis na muna
mag hahanap búhay na ating magasta,
icao na anác co,i, maquiquinig baga
houag mag susutil sa mahal mong iná.

  Oó po amá co,t, tatalimahin co
mag papacasaquit na mag-aral aco,
harin~ga,t, loobin nang Poong si Cristo
na maguing Pari rin acong anác ninyo.

  Sa sagót na yao,i, ga mapapan~giti
ang amáng si Fabio niyong talumpati,
salitang may daguil at umaaglahi
sa man~ga magulang ay parang tagurí.

  Sa casi,t, esposa ay napaalam na
tumun~go sa dating paroronan niya,
nang quinabucasan niyong maumaga
si Jua,i, uala na at nacaalis na.

  Si Sofiang iná,i, di na matahimic
mapanglao ang loob puputóc ang dibdib,
inantayan lamang amá,i, nacaalis
lumayas na nama,t, sa puló,i, nagbalic.

  Naparoong agad at canyang tiningnan
dahilan sa hindi siya mapalagay,
dinatnan ang anác na nagugulaylay
sa oyaying baguing na dating tulugan.

  Ang bati nang iná ¡ay bunsóng anác co!
baquin naman icao,i, muling naparito
bilin nang amá mo,t, pan~gusap sa iyo
houag cang aalis icao,i, casama co.

  Di icao ay dico n~gayon malilin~gil
di matuturuan at uala sa atin,
di po cailan~gan yaon cun sa aquin
cartilla po iná,i, paua co nang lining.

  Unauain ninyo at aquing tuturan
linalamán noo,t, m~ga cahulugan,
yaong letrang =C=, iná,i, caharian
nang Dios na Amáng macapangyarihan.

  Yaong letrang =a=, na munting casunod
angeles na madlang catoto nang Dios,
sa coro ay pauang nag pupuring lubós
sa Amáng lumic-ha nitong sangsinucob.

  Yaong letrang =r=, bilang pacaitlo
si Maríang Vírgeng Ináng masaclolo,
Reinang tinatanghál nitong boong Mundo
sacdalan nang tanang ovejas ni Cristo.

  Yaong letrang =t=, ay ang cahulugan
tribunal nang Dios talarong timban~gan,
masama,t, magaling doon matitingnan
ang juicio nang Dios pagdating nang arao.

  Yaong letrang =i=, cahulugang dala
Imperio at bayan nang Dios na Amá,
ang lahat nang banál doon naquiquita
na nan~gag pupuring touang ualang hanga.

  Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan
iná po ay dinguin at aquing tuturan,
ang Dios na Amá,i, caya nagpalagay
gloria,t, infierno na pag pipilian.

  Ang tauo sa mundong inapó ni Eva
anomang ibiguin pahintulot niya,
cun caya nag lagay ay laang talaga
sucat pag palagyan pagdating nang ora.

  At ang letrang =a=, bilang catapusán
cahulugan naman ay inyong paquingan,
pagdating nang arao na tayo,i, hucumán
mayama,t, mahirap paparehong tunay.

  Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic
at ualang marunong ualang ignorantes,
uala namang Papa,t, ualang Cardenales
paparehong lahat pagdating nang guhit.

  Narin~gig na ninyo lahat cong binaybay
di na dapat yata na aco,i, mag-aral,
hindi macasagót iná,i, natiguilan
at pauang totoo ang man~ga sinaysay.

  Ani Juang Tamad umoui na cayo
sa bahay iná po,t, doo,i, ualang tauo,
houag pag pilitan na paalsin dito
at dito po nama,i, ualang basag-ulo.

  Ang iná ni Juan tantong nagtataca
sa man~ga sinaysay tungcol sa cartilla,
ganitong cabata,t, di nag-aaral pa
ano,t, naalaman tanang significa.

  Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan
caya naquilala ang man~ga pan~galan,
ay baquit naalman dalang cahulugan
sulat na cartilla quinapapalagyan.

  Sa ganitong ito ay pahat pang pahat
sasampuo pang taón dinadalang edad,
natutuhan itong casaysayang lahat
biyaya nang Dios na sa caniya,i, lagac.

  At saca umalis canyang iniuan na
habang lumalacad náluha ang matá,
aco ay paano uala ang asaua
saca ang anác co ay di macasama.

  Yaring catauan co caya ay paano
na caaua aua ang calagayan co,
¡oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo
matiis co rin po ang hirap na ito!

  Itong aquing anác na iisang tunay
dapat casamahin sa gabi at arao,
touing magugutom siya,i, saca lamang
na naparirito,t, pagcain ang pacay.

  Macapangyarihan na iisang Dios
lauitan nang aua ang palad cong capós,
alalayan mo po mahina cong loob
na houag din nauang madaig nang tucsó.

  Bugtong niyang anác na si Juang Tamad
na nasa sa puló sa loob nang gubat,
ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac
binabasa niya at buclat nang buclat.

  Ang pagbasa niyang inuulit ulit
¡oh Dios na Haring aquing iniibig,
hulugan mo aco nang biyayang bait
at biyayang graciang ualang caholilip!

  Saca isusunod hulugan mo aco
nang biyayang aua sa pagca higa co,
ipanatag mo po yaring catauan co
sa ligayang lubos ilayó sa tucsó.

  Macapangyarihang Amáng maauain
bigyan mo po aco nang aquing cacanin,
sa pagca higa co,i, idulot sa aquin
iinuming tubig naman ay gayon din.

  Cun siya,i, iníp na niyong pagca higa
sa canyang oyayi siya ay bababá,
sa pag mamadali nagcacandadapa
pupunta sa iná,t, mag papacabuya.

  At cun macatapos siya,i, macacain
aalis na muli puló,i, tutun~guhin,
hihiga pagdaca sa oyaying baguing
matutulog siya nang himbing na himbing.

  Ano,i, nang dumating yaong canyang amá
agad itinanong sa esposang sinta,
ang bunsóng anác co,i, nasasaan baga
baquin uala rito,i, di co naquiquita.

  Sa casi,t, esposang isinagót naman
nang macaalis cang quinaumagahan,
macaban~gon aco,i, uala,t, cun nasaan
at nag balic pala sa dating tahanan.

  ¿Ano caya Dios? ang uica ni Fabio
gayon ang ugali nang anac cong bunsó,
marami rin naman na naquiquita co,
caiba at tamad di tumahan dito.

  Sagót ni Sofia ay mabuti naman
at doon ay uala na macacaauay,
cun palaguing sama sa man~ga laroan
ay macacausap nang sino,t, alin man.

  Caya houag mo nang piliting hanapin
ang tamad na tauo,i, anhin man at anhin,
sintang esposo co,i, pamanhic at hilíng
aguantahin mo na,t, talaga sa atin.

  Hindi na tumutol nang anoman siya
sinunod ang hilíng nang casi,t, esposa,
mag mula na noon silang mag-asaua
lumagay ang loob di na alintana.

  Sa touing darating na gustong cumain
ni anoma,i, uala silang sasabihin,
pinapara nilang uala sa panimdim
panatag ang loob sa Dios ay hayin.

  Ito namang anác ay di nag tatanong
at anoma,i, uala na inioon~goy,
sa canyang tahana,i, laguing naroroon
sa oyaying baguing humiga,t, buman~gon.

  Mana,i, isang gabi na catahimican
sa oyayi niya ay nagugulaylay,
himbing nang pag tulog siya,i, linapitan
nang isang matanda,t, cagyat na pinucao.

  Juan ang uinica icao ay gumising
at aco sa iyo ay may sasabihin,
nag ban~gon pagdaca ang sagót ay baquin
ano po ang gusto ibig cong malining.

  Tinatatap quita caya naparito
at cucumustahin ang calagayan mo,
mahaba nang arao pagtahan mo dito
di nag caca pulong icao man at aco.

  Nuno po,i, malaqui tinangap cong toua
tinatatap ninyo calagayang abá,
maraming salamat Dios ang mag pala
pagcalooban din tayo nang biyaya.

  Sa matandang sagót dito sa cay Juan
pagtahan mo dito,i, nag-iisa lamang,
icao,i, bibigyan co,t, pagcacalooban
isang batóng munting perlas ang cabagay.

  Iniabot niya cay Juan ang bató
at pinag bilinang ang uica,i, ganito,
pacaiin~gatan at mamahalin mo
houag masasabi sa alin ma,t, sino.

  At ang batóng iya,i, ang virtud na dala
anomang hin~gin mo,i, agad bibigyan ca,
pacamamahali,t, in~gatan mo siya
houag masasabi sa ama mo,t, iná.

  Tumangap nang touang hindi ano lamang
pag papasalamat niya,i, ualang hangan,
nuno po,i, sa inyong caloob at bigay
ano cayang aquing igaganti naman.

  Sagót nang matanda,i, houag cang manimdim
at anoma,i, houag may alalahanin,
anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin
dati mong ugali houag babaguhin.

  At halos dagdagan pag tauag sa Dios
pa pag-alabin mo puso sa pag-irog,
pag papalain ca,t, gagantihing lubós
loualhating gloriang ualang pagcatapos.

  Saca napaalam matanda,i, nalis na
at si Juang Tamad iniuan na niya,
sa canyang oyayi nahilig pagdaca
cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.

  Uala siyang tahan nang quinabubuclat
fojas nang cartilla,i, nababasang lahat,
na ang sinasambit sa canya,i, igauad
nang Dios na Amá yaong graciang uagás.

  Saca yaong tatlong cabanalang lubós
na dapat sunurin nang tauong cristianos,
inuulit ulit na uicang mataós
na manampalataya,t, manalig sa Dios.

  At yaong icatlo ay pacaibiguin
ang Amáng Maycapal sambahi,t, purihin,
ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin
para nang pag-ibig sa sariling atin.

  Salit salit itong canyang binabasa
touing bubuclatin sulat na cartilla,
naguing ganting pála ay binigyan siya
batóng encantadong lubhang mahalaga.

  Mahabang panahóng canyang in~gat-in~gat
ni sinoma,i, uala na na cacamatyag,
bilin nang matanda,i, canyang guinaganáp
pag mamahal niya,i, ualang macatulad.

  Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya
batóng encantadong perlas ang capara,
isang arao n~gani na icacain na
sa bató,i, humin~gi nang isang comida.

  At uinica niyang icao aquing bató
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
icao ay mag handa n~g putahing husto
na aquing cacani,t, nagugutom aco.

  Ualang liuag liuag lumabas na agad
ang isang lamesa,t, casangcapang lahat,
sari saring lutong man~ga masasarap
nacaliligaya sa matáng mamalas.

  Dumulóg na siya at agad cumain
man~ga catouaa,i, di sucat sabihin,
saca nang matapos ang ipinag turing
icao aquing bató ligpitin n~gayon din.

  Nasunod na lahat man~ga cahilin~gan
lamesa at lahat agad nang naparam,
pag papasalamat niya,i, ualang hangan
sa matandang Nunong sa canya,i, nagbigáy.

  At di na umuli na humin~gi siya
tiniticman lamang batóng encantada,
ang nasoc sa loob inaala-ala
baca mamalayan nang magulang niya.

  Sa capan~gilagan na baca malining
ang ugaling dati ang guinagaua rin,
sa touing tanghaling oras nang pagcain
ay ualang pag sala,t, siya ay darating.

  Yaong canyang amá,i, dinatnan nang damdam
hindi macaalis na mag hanap búhay,
guilio niyang iná loob ay mapanglao
ualang macacain ala alang tunay.

  Juan ang uinica niyong canyang iná
icao baga bunsó ay paano baga,
amá mo,i, may saquít ay saan cucuha
nang ating cacanin cundi mag hanap ca.

  Sumagót si Juan oó po Iná co
houag pong manimdim ang bahala,i, aco,
hindi mauaualan nang cacanin tayo
humin~gi po lamang sa Poong cay Cristo.

  Totoo n~ga yaon ang uica nang iná
at tayo,i, sa Dios lubós umaasa,
dapua,t, cun hindi mag tatrabajo ca
di ca rin bibigyan cun nacaugmoc ca.

  Umuling sumagót sa iná si Juan
di n~ga po bibigyan cun hindi maalam,
cun ang ating loob manalig na tunay
humin~gi ma,t, di man ay caaauaan.

  Cahulugan iná nang ipinagturing
tauo,i, cailangang sa Dios ay hin~gin,
bago mag trabajo,i, dapat manalan~gin
humin~gi nang aua,t, nang maquinabang din.

  Houag pong manimdim mahal na iná co
di po mauauala ang aua ni Cristo,
malacás po lamang yaring catauan co
ay mag tatrabajo,t, macaquita aco.

  Salamat cun gayon dapat n~gang asahan
palibhasa,i, uala cundi icao lamang,
quita mona itong ating calagayan
na ualang di uala at cahambal hambal.

  Doon sa tubigan icao,i, pumaroon
cahima,t, bitoo,i, manglimot ca roon,
lacad nang madali,t, houag malalauon
at ang iyong amá,i, lubhang nagugutom.

  Naparoon siya at hindi sumouay
tuloy nag dala pa nang sadyang sisidlan
n~g siya,i, sumapit sa catubiganan
may ilog na isang canyang tatauirán.

  Tumiguil na roo,t, di tumauid siya
doon manglilimot ang nasang talaga,
linibot ang ilog nag mamalas siya
n~g man~ga bitoo ay di macaquita.

  Di nalauong oras cagyat sa sisipót
ang man~ga bitoo na dala nang agos,
natoua,t, ang uica,i, salamat sa Dios
may madadala na sa ináng nag-utos.

  Hindi natatanto niya,t, naaalman
ang bitoong yaon ualang man~ga laman,
na tapon nang tauong man~ga balat laman
ay siyang sinaguip isina sisidlan.

  Yumao na siya,t, lacad ay matulin
ang toua nang loob di sucat sabihin,
sa pag mamadali halos na liparin
ang canilang bahay agad nang marating.

  Ano,i, n~g dumating maquita nang iná
ang toua nang loob ualang macapara,
salamat ang uica,t, macacacain na
may maiuulam may saquít mong amá.

  Sa pag mamadali ni Sofia naman
ang casi,t, esposo,i, quinagugutuman,
hindi natatanto,i, ilinutong minsan
ang m~ga bitoo,i, balat ualang laman.

  Hinan~go sa palloc niyong maluto na
saca pa naalman~g man~ga balat pala,
ang uica sa anác ay cun baquin baga
man~ga ualang laman ano,t, nanglimot ca.

  Sa dalauang matá luha,i, bumalisbis
nalumbay ang loob at siya,i, tuman~gis,
boong acala co at lulan nang dibdib
may ma-iuulam ang esposong ibig.

  ¡Ay! baquit ca caya naman nagca gayon
pumulot nang balat na sa tauong tapon,
sa tubiga,i, di ca palá nag tutuloy
bitoong marami doon naroroon.

  Hindi na tumutol sa uica nang iná
nag balic na muli na nag madali na,
tumauid nang ilog at hinanap niya
ang quinalalagyan bitoong lahat na.

  Natagpuan niya yaong caramihan
nanglimot na siya,t, lagay na sisidlan,
ano,i, nang mapuno,i, umoui na naman
at ang ala ala iná,i, nag-iintay.

  Natoua ang loob nang siya,i, dumating
ang uica,i, ito n~ga bitoong magaling,
linuto pagdaca,t, caniyang inihayin
sa sintang asaua ay ipinacain.

  Sa aua nang Dios at Vírgen María
niyong macacain nag tamóng guinhaua,
inulit cay Juan niyong canyang iná
baquit sa primero,i, balat ang dinala.

  Ang cay Juang Tamad na ipinag turing
iná po,i, di baga yao,i, bitoo rin
di ninyo sinabi at ipinalining
bitoong may lama,i, siya cong cucunin.

  Ang uica sa canya,i, icao pala naman
di naquiquilala bitoong may laman,
lumuti,t, may taquip iyong tatandaan
cun icao ay aquing muling pag utusan.

  Cayo po ang tacsil ina,t, hindi aco
di liniliuanag cun mag utos cayo,
di dapat sisihin acong anác ninyo
ualang casalanan at na sasa inyo.

  Sa ganitong pulong at pag uusapan
asauang may damdam naquiquinig naman,
nag uica,t, sinabi na may catouiran
esposa cong sinta ang anác tang iyan.

  Sagót ni Sofia sa casi,t, esposo
sa anác tang iya,i, nag tataca aco,
di naman marunong at ualang estudio
cun baquit maalam parang abogado.

  Tingnan mo esposo,t, aquing sasabihin
nang na sasa pulóng aquing cacaonin,
sulat na cartilla,i, sinaysay sa aquin
tanang significa ay ipinalining.

  Di sucat mamangha ang puso mo,t, loob
sa canitang anác maalam at talós,
pag quinacasihan niyong Poong Dios
daig pa n~ga,t, talo ang nan~gag estudios.

  Salamat sa Dios ang uica nang amá
at di man nag aral may sinimpang ciencia,
cahimanauari ay ituto siya
sa capayapaan na toua,t, ligaya.

  Sa usapang yaon nang canyang magulang
hindi umiimic cahit caputoc man,
anopa,t, ang puso,i, tumatangap naman
nang galac na toua ayon sa sinaysay.

  Ano,i, nang matapos ang canilang pulong
sa amá,t, sa iná ang uica ay gayon,
man~ga loob ninyo,i, houag malingatong
at mag hahanap na mag pamula n~gayon.

  Maguing ilang arao siya ay nalis na
reino nang Portugal ang canyang pinunta,
ang nasa nang loob at ticang talaga
balang hanap buhay papasucan niya.

  Nang dumating doo,i, di rin nag hahanap
uala siyang gaua cun hindi humicap,
ang pagcain niya ay sa batóng in~gat
doon humihin~gi pag dating nang oras.

  Sa lugar na ualang sucat macaquita
siya,i, paroroon bato,i, tatangnan na,
saca sasabihing daling mag handa ca
n~g comida,t, aco ay nagugutom na.

  At pagcacatapos siya,i, macacain
ang uica sa bató,i, madaling ligpitin,
inaala ala ay baca malining
nang capoua tauo na sino ma,t, alin.

  Nang maguing sanglingo itong nacaraan
pagca tahan niya sa reinong Portugal,
isang hating gabi,i, na catahimican
batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

  At sinabi niyang icao aquing bató
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
daluang sacong bigas sa ami,i, dalhin mo
para cacainin nang amá,t, iná co.

  Gayon ang pan~gulam ay iyong samahan
sundin mong madali,t, huag cang magculang,
nang oras na yaon agad naganapan
sinunod nang batóng canyang casangcapan.

  Ano,i, nang maguising ang amá at iná
daluang sacong bigas naquita pagdaca,
sa guitna nang bahay at may casama pa
na isda at ulam loob ay nag taca.

  Ináng si Sofia ay agad namanglao
malaquing totoo dalang gunamgunam,
ang esposong sinta,i, canyang tinauagan
aco ang uinica,i, hindi mapalagay.

  Ito,i, saan galing na bigas na ito
taglay cong pangamba,i, malaquing totoo,
baca ito,i, dala nang anác tang bunso
pinagmulan nito ay ala-ala co.

  Ang paquiramdam co cataua,i, malambót
hangan di co ito matanto,t, matalós,
asaua cong sinta sa gusto co,i, sunod
nang di alinlan~gan ang puso co,t, loob.

  Icao ay umoui,t, pumasoc sa reino
ang man~ga tindaha,i, pauang libutin mo,
na cun may nangyaring anoman at ano
hindi masasarhan ang bibig nang tauo.

  Sa sintang esposa si Fabio,i, sumunod
umoui sa reino at nag libot libot,
siya ma,i, may roon na dala ring tacot
na hindi mauala pan~gambá nang loob.

  Nang ualang maquitang man~ga capulun~gan
ni balitang hugong tungcol sa nacauan,
cun dito,i, may roong tindahang naualan
hindi malilihim pilit maaalman.

  Lumagay ang loob umahon na siya
sa Visadang villa tumun~go pagdaca,
ano,i, nang dumating bati ni Sofia
ano ang lacad mo n~gayo,i, magsabi ca.

  Ang sagót ni Fabio esposa cong irog
ang bagay na yao,i, ualin mo sa loob,
lahat nang tindahan ay aquing nalibot
ualang nanaualan houag cang malungcot.

  Man~ga calumbayan ni Sofiang sinta
nang matanto yaong sabi nang asaua,
nasaulang muli para nang dati ca
anác niya lamang siyang ala-ala.

  N~gayo,i, sanglingo nang nacaalis dito
di pa bumabalic na guilio na aco,
saan cayang lugar yaon napatun~go
baquin di hanapin sintang asaua co.

  Ang sagót ni Fabio,i, houag cang manimdim
cun hindi narating aquing hahanapin,
di baga,i, nang malis paalam sa atin
mag hahanap búhay cacainin natin.

  Totoo n~ga yaon sangayonan quita
mag hahanap búhay nang paalam siya,
una,i, ang pag guilio saca ang isa pa
maalman ang bigas cun saan quinuha.

  Hindi na natuloy si Fabio,i, naghanap
cagyát sa darating ang canilang anác,
nan~gag comustahan saca siniyasat
cun sinong nagdala daluang sacong bigas.

  Aco po ang sagót mahal na iná co
ang siyang nag utos nag padala rito,
at ala-ala co,i, magugutom cayo
pinag hanapan po ang ibinili co.

  Anác co,i, cun caya hindi mapalagay
loob co,i, palagui na may gunamgunam,
at hindi mauala pag aalinlan~gan
pinag mulan nito,i, ibig cong maalman.

  Diyata,i, cun gayong pinag hanapan mo
malaqui ang toua nang puso,t, loob co,
anong colocacion tanong co sa iyo
ang pinapasucan ay anong trabajo.

  Iná po,i, bala na na nacacayanan
na iniuupa nang sino,t, alin man,
pinapasucan co,t, macaquita lamang
maiisustento sa man~ga magulang.

  Sa iyong tinuran oh bunsó cong sinta
tinangap cong toua,i, ualang macapara,
caming nag aruga,i, inaala-ala
cacasihin ca rin nang Dios na Amá.

  Aalis na muli,t, ang pag hahanap co
iná,i, matitiguil cun tumahan dito,
pinuntahan niya,i, Portugal ding reino,t,
marami na roon siyang amistado.

  Ito,i, sabi lamang sa canyang magulang
na siya ay doo,i, mag hahanap buhay,
bago,i, ualang gaua cung hindi mag pasial
sa man~ga amistad naquiqui paglibang.

  Cun caya marami siyang caquilala
dahil sa ugaling ipinaquiquita,
sinomang mag utos sinusunod niya
houag lamang hindi niya nacacaya.

  Cun siya,i, pacanin nang alin ma,t, sino
ay hindi cumai,t, ayao na totoo,
uiuicain nila,i, icao ay paano
panagót na lamang ay busóg pa aco.

  Siya ay mayroong naguing caibigan
na casama sama sa gabi at arao,
saan man paroo,i, di naghihiualay
parang magcapatid ang pagsasamahan.

  Caibigang ito,i, taga Babilonia
capoua binatang pareho ang dalua,
caya naroroo,i, layás sa canila
ang sabi,t, pahayag tumampo sa amá.

  Mana,i, isang arao sila,i, may naranan
na maraming tauo,t, mayroong baysanan,
sila ay pumanhic ibig na matingnan
ang novio at novia na bagong quinasal.

  Palibhasa,i, dati at caugalian na
tungcól casam ento ay mayroong boda,
ang nan~garoroon ay niyaya sila
at pinacacain magcasamang dalua.

  N~gala,i, Feliciano niyong caibigan
pagdaca,i, dumulóg na cumain naman,
si Juan ay hindi,t, totoong naayao
siya rao ay busóg ang sagót sa tanan.

  At nang macacain ay napaalam na
sila,i, nag pupulong sa paglacad nila,
ani Feliciano aco,i, nag tatacá
caibigang Juan cung baquit gayon ca.

  Umaga,t, tanghali maguing sa hapunan
di co naquiquita na cumain icao,
icao baga,i, santong ualang cagutuman
sa iyo ay aco,i, nag cacamamanghan.

  Caibigang Sanoy aco,i, hindi santo
naguing ugali na capagca bata co,
pagdating nang oras ang guinagaua co
iinom nang tubig ay busóg na aco.

  ¡Jesús! ang uinica niyong caibigan
namamaang aco sa iyong tinuran,
¿sino caya baga sa mundong ibabao
sa tubig na lamang tauo,i, mabubuhay?

  Ang sagót ni Juan aco n~ga amigo
sa pag inom lamang nabubuhay aco,
magaling pa icao ani Feliciano
ualang cagastahan at daig mo aco.

  Bago,i, hindi gayo,t, ang paraan niya
cusang nahiualay sa canyang casama,
at sa batóng in~gat niyang encantada
doon humihin~gi nang pagcain niya.

  Hahanap nang lugar mabuting tayuan
na uala sinomang sucat macamalay,
at cun matapos na,i, babalic na naman
sa cay Felicianong canyang caibigan.

  Ganitong palagui guinagaua niya
hindi natatanto nang canyang casama,
sa laqui nang hili siya ay gumaya
nainom na lamang cung nagugutom na.

  Ang quinahinatna,i, siya,i, nagcasaquit
cataua,i, humina,t, naratay sa baníg,
sa canya ay uala sinomang nalapit
na tumin~gin baga at mag malasaquit.

  Sa bahay na canya na tinutuluyan
hindi naman siya pinaquiquialman,
maliban cay Juang canyang caibigan
ang napaparoo,t, siya,i, dinadalao.

  Ang saquit na yao,i, iquinamatáy na
sa mundo,i, pumanao ang canyang hinin~ga,
mapanaghiliin ay di sucat palá
at di cagalin~gan ang naguiguing bun~ga.

  At nang mamatáy na ay uala sino man
na tauong nalapit bilang maquialam,
palibhasa,i, uala na camag-anacan
maliban cay Juang canyang caibigan.

  Pinasán ni Juan bangcáy ay dinalá
yaong cementerio ay tinun~go niya,
at pagdating doon ay humucay siya
inabot nang dilím di nalilibing pa.

  Nang oras na yaon ay may cadilimán
linapitan siya,t, pinag sungabanan,
sa laqui nang canyang man~ga catacutan
nag tacbo pagdaca,t, bangcáy ay iniuan.

  Naualan nang loob isip ala-ala
sigla nang malaquing catacutang dala,
palibhasa,i, dilím ay hindi maquita
pinto nang libin~gan na lalabsan niya.

  Cun caya malaqui dalang catacutan
na sa loob niya,t, laguing gunam gunam,
sumungab sa canyang marami,t, cabanan
ay man~ga caloloua nang naroong patáy.

  Ang boong acala,i, na sa huli niya
cabang nag sisungab hinahabol siya,
sa quinatatacbo,i, halos ang hinin~ga
di na magca uli at humihin~gal na.

  Nalugmoc sa lupa sa laqui nang pagod
halos ang hinin~ga niya,i, nan~gan~gapós,
sapagca lugami sumilid sa loob
¡Jesús co! ang uica ilayo sa tucsos.

  Itong uicang Jesús nang canyang masambit
nasaulang loob luminao ang isip,
sampong catacuta,i, napaui,t, naalis
pinto nang libin~gan ay canyang nabatid.

  Nag labas na siya at nag patuluyan
tinun~go ang dating bahay na urun~gan,
nang quinabucasan canyang naisipan
umalis na roon sa reinong Portugal.

  At noui nang muli sa Visadang villa
ang amá,t, ang iná,i, dadalauing sadyá,
ano,i, nang dumating sabihin pa baga
ang toua nang loob nang magulang niya.

  Ang uica n~g iná,i, salamat sa iyo
lubhang malaqui na man~ga pag-guilio co,
comusta ang búhay ¿oh bunsóng anác co?
at saan nagbuhat pagdating mong ito.

  Sagót na tinuran iná co,t, magulang
pinangalin~gan co,i, ang reinong Portugal,
cusang naparito,t, cayo,i, dinadalao
cabuhayan ninyo,i, ibig cong maalman.

  Lubós yaring toua n~g puso,t, loob co
di mo linilimot caming magulang mo,
cacasihin ca rin n~g Poong si Cristo
pamamanahin ca ligaya sa mundo.

  Dapua,t, ang iyong minumutyáng amá
mulá nang gumaling ang saquít na dalá,
pumirme na rito,t, di umaalis pa
cataua,i, mahina,t, di para nang una.

  Ang sagót ni Juan ano pong gagauin
diyata,i, cun siyang caloob sa atin,
tibayan ang puso,t, tumauag dalan~gin
sa Dios at tayo,i, caaauaan din.

  Lumapit sa amá,t, humalíc sa camáy
at saca nag-uicang ito ang tinuran,
calagayan ninyo,i, houag ipamanglao
tiisin ang hirap Dios ang may bigáy.

  Cahima,t, mahina ang catauan ninyo
at cayo po amá,i, di macatrabajo,
dumalan~gin lamang tayo po cay Cristo
hindi mauauala ang aua,t, saclolo.

  Ang cacanin ninyo sa gabi at arao
amá po ay cayo,i, aquing padadalhán,
caya po naalis nag hahanap buhay
maisustento co sa man~ga magulang.

  Di lubhang nalauon doon sa canila
siya,i, napaalam sa amá,t, sa iná,
aalis na muli,t, ang nasa co,t, tica
ang tutun~guhin co,i, reino nang España.

  Lumuhód sa harap n~g canyang magulang
bendición po ninyo aco,i, pabauonan,
ang camáy nang amá,i, iguinauad naman
pinahalíc niya at benendicionan.

  At saca sa iná ay siya,i, lumapit
hinaguíp ang camáy at tuloy humalíc,
benendicionan di,t, ang uicang sinambit
ang paroronan mo naua ay masapit.

  Naglagos na siya,t, tinun~go pagdaca
ang talagang nasang reino nang España,
nang dumating doon nagpapasial siya
ang loob nang reino,i, linilibot niya.

  Naglilibang siya sa man~ga tindahan
at umaamistad sa canino pa man,
palibhasa,i, bagong cararating lamang
humahanap siya tutuluyang bahay.

  Ang ugaling dati capagcaraca na
cun sa ibang lugar naroroon siya,
dating catamara,i, linilisan muna
maalam sumuyo,t, loob ay maganda.

  Cun paquiusapan nang alin ma,t, sino
tungcól sa anoman na cayang trabajo,
loob ay malinis sa capoua tauo
madaling cumita man~ga amistado.

  Di humabang arao pagcatahan niya
sa Españang reino,i, may caquilala na,
doon na tumuloy at naguing casera
sa arao at gabi ay urun~gang sadyá.

  Ang caserang yao,i, may binatang anác
na casama-sama ay ni Juan Tamad,
sa loob nang reino ay pahicap hicap
casayahang madla,i, siyang minamalas.

  Cun matapos silang macapag pasial na
ooui sa bahay magcasamang dalua,
caibigang ito,i, tantong nagtatacá
at di mapacain doon sa canilá.

  At sa encantadong bató niyang in~gat
laguing humihin~gi pagdating nang oras,
cagagauang ito,i, lihim at di hayág
ni sinoma,i, uala na nacatatatap.

  Pumucao sa loob at naala-ala
baca nagugutom ang magulang niya,
humin~gi sa bató niyang encantada
dalhan nang cacanin ang amá at iná.

  Guinanap pagdaca na hindi naliban
n~g oras na yaon man~ga cahin~gian,
natoua ang loob nang canyang magulang
sila,i, may cacanin sa gabi at arao.

  At natatanto na n~g magulang niya
ang bigas na yao,i, sa anác na dalá,
hindi lamang batid nila,t, natataya
anác ay mayroong batóng encantada.

  Ang magcaibiga,i, muling sabihin co
sa umaga,t, hapon sila ay paseo,
Tamad na si Jua,i, bihasang totoo
na ualang trabajo mulang maguing tauo.

  Doon sa canilang man~ga pagsasama
nalilibot nila loob nang España,
capag may naranang dalagang maganda
ang uica cay Juan ay ibiguin mo na.

  Isasagót nama,i, ang bagay na iyan
uala sa loob co,t, di pa gunam-gunam,
ang pagparito co sa Españang bayan
di iyan ang hanap cundi caibigan.

  Mana,i, isang arao naparaan sila
sa tapat n~g torre n~g bunying princesa
na na sa bintana,t, sila,i, naquiquita
ang pinagmamasdan ay silang dalaua.

  Natin~gala naman ni Jua,t, namalas
n~ginibitan niya,t, sinusuliap suliap,
princesa Leonila ay napahalac-hac
natoua sa anyong nan~gibit nasuliap.

  Ani Juan Tamad ay tingni amigo
nataua sa aqui,t, na-iibig aco,
tumiguil na cusa titingna,t, tutun~gó
toua nang princesa ay di mamagcano.

  Uica nang princesa sa canilang dalua
hayo,t, magpatuloy na cayo,i, malis na
sa catouaan co,i, ang aquing hinin~ga
nan~gan~gapós halos di na macataua.

  Nalis na n~ga sila na nag madalian
at noui na naman sa canilang bahay,
magmula na noon bagama,t, napasial
di napaparoon cundi noon lamang.

  Di naman nalauo,t, ang bunying princesa
loob ay pumanglao at nagca balisa,
hindi magca uasto loob ala-ala
catauan ay hindi capara nang una.

  Misterio nang Dios na sucat pagtac-han
princesa Leonila,i, nag laman ang tiyan,
ang loob at puso ay di mapalagay
sa dagsang sacuna na cahambal hambal.

  Puso,i, nalugami at tatan~gis-tan~gis
sa dalauang matá luha,i, nabalisbis,
ang loob ay guló puputoc ang dibdib
sa di maulatang signos na sinapit.

  Di icacatulog sa gabi at arao
at pinapanimdim ang cahihinatnan,
baquit caya baga yaring capalaran
palad na quiquitil nang tan~gan cong búhay.

  Hindi co malirip ang bagay na ito
cun ano,t, sinapit nang imbing palad co,
ualang masasabi cahiman at anó
cundi ito,i, signos nitong catauan co.

  Paano ang aquin n~gayong calagayan
puri co,i, uala na anong casaysayan,
ang libác at pula nang tauo,i, cacamtan
di ano pang aquin na capapacanan.

  Icao catauan co caya ay paano
n~gayo,i, saan caya aco patutun~go,
mabuhay man baga ang tauo sa mundo
cun uala nang puri parang gamó-gamó.

  Ang lalong matinding inaala-ala
di co icacain sa toui toui na,
cun ito,i, maalman n~g hari at reina
na amá,t, iná co,i, magcacamit dusa.

  Sa mundo,i, uala na,t, para cong pinatáy
ang nagcalauin~ging pinagcautan~gan,
nasira ang puri,t, parang pinugayan
cun matanto ito,i, capalít ang búhay.

  Himalá nang Dios na bigay sa aquin
signos co na yata at planetang linsil,
ualang naaalmang daang maguing dahil
nang sacunang itong aquing nararating.

  At sa torreng ito,i, mulá nang matira
aco,i, ualang sucat gá masasabi na,
cundan~gan n~ga yata signos co,t, planeta
caloob sa aquin nang Dios na Amá.

  Cundi noong minsang mamintana aco
taóng nagdaraan ang dalua catauo,
isa,i, tumin~galá at naquita aco
tumaua,t, n~gumibit ay natoua aco.

  Dili co mataróc matapos isipin
ang nangyaring yao,i, sumasapanimdim,
diua ay yaon n~ga,i, siyang naguing dahil
pinagmulán nitong sacuna,t, hilahil.

  Dios na Poong co,t, Pan~ginoong Amá
calarahin aco,t, iyong ipag-adyá,
sinapit cong ito,i, malaquing pan~gambá
titiisin co po cun iyong talagá.

  ¡Oh Vírgen Maríang Ináng masaclolo!
patnubayi aco at ipagtangól mo,
sacuna,t, lingatong niyaring catauan co
matiis co rin po,t, ilayó sa tucsó.

  Aco man ay ualang inaala ala
sucat pagbayaran na guinauang sala,
cun ito,i, maalman nang hari cong amá
buhay co,i, peligro,t, cacamtan co,i, dusa.

  Maguing limang buan itong nacaraan
ang bunying princesang tiguib hapis lumbay,
di niya maisip damdam nang catauan
cabuntisan niya,i, halata nang tunay.

  Yaong si D. Feliz hari niyang amá
at ang reina Inés na casi,t, esposa,
pumanhic sa torre at vinivisita
ang canilang anác princesa Leonila.

  Ano,i, nang dumating sa torreng tahanan
ang hari,t, ang reina,i, tantong napamaang,
cun baquin anila,t, ang princesang mahal
di sumasalubong sa aming pagdatal.

  Princesa Leonila,i, hindi macaharap
sa amá,t, sa iná matá,i, di isuliáp,
ang tacot at hiya ang dumadagabdab
sa dibdib at puso ay hindi maagnas.

  Nang oras ding yao,i, nahalata nila
yaong cabuntisán n~g bunying princesa,
naboual sa tindig pareho ang dalua
naualan nang loob isip ala-ala.

  Nang mahimasmasang pag saulang isip
ang hari,t, ang reina buman~go,t, nagtindig,
ang uica nang amá ¿oh anác cong ibig?
ano,t, gumaua ca nang hindi matouid.

  Reinang iná niya nama,i, ang uinica
¿oh anác cong sintang sa puso co,i, mutyá?
baquin baga icao ay nag pacasira
puri,i, sinayang mo,t, uinalang bahala.

  Di muna linin~gón caming namuhunan
nagcandi candili,t, nag pala palayao,
guinugol ang puyat at malaquing pagál
saca ang ganti mo,i, laso,t, camatayan.

  Acong nag aruga,t, nag pasupasuso
nagtiis nang hirap sapol pagcatauo,
di mo na dinamdam inala-ala mo
puri,i, inin~gatan tiquis cang naglilo.

  Macetas ca nami,t, sa matáng aliuan
camuc-ha ay rosas sadyáng caban~guhan,
man~ga loob namin at dinadampiohan
anomang sacuna,i lunas ca at cordial.

  Saca n~gayo,i, ito ang ganti mo,t, bayad
tubo,t, paquinabang sa pagál at puyat,
palamara,t, tacsil anác na dulin~gás
anác na souail campón ni satanás.

  Ang bunying princesa,i, naluhod pagdaca
na bumabalisbis ang lúha sa matá,
mahal na iná co aco,i, natalaga
cabit yaríng búhay n~gayon ay quitlin na.

  Iná,i, pag hinaho,t, sandaling paquin~gan
ang ilang catagang sa inyo,i, tuturan,
marapat n~gang aco,i, inyong paratan~gan
parusa,i, ilagdá at may casalanan.

  Mahal na iná co ay signos co yata
at palad na lihis bucod sa capoua,
ualang nasasabi diua ay himalá
n~g Dios na Hari nang Lan~git at lupa.

  Unauain ninyo mahal na iná co
pinagmulan nitong pagcacaganito,
noong isang arao nanunun~gao aco
taóng may nadaan na dalua catauo.

  Natin~gala aco,t, nagpanamang titig
aco,i, tinauana,t, sa aqui,i, n~gumibit,
di co napiguilan natouang masaquit
sa naquitang anyong anaqui bolislis.

  Magmulá na noon ay nagca balisa
sa aquing cataua,i, may nababago na,
ito n~ga po iná aquing naguing hanga
ualang uala acong masasabing ibá.

  Diua,i, ito,i, signos at planetang linsil
na bigay nang Dios caloob sa aquin,
tinatangap co po,t, aquing titiisin
sampong yaring búhay ay inihahayin.

  Narin~gig na ninyo mahal na iná co
Dios ma,i, sacsihi,i, totoong totoo,
lahat cong casama ay tanon~gin ninyo
cun may masasabi cahiman at sino.

  Sa sinabing yaon n~g bunying princesa
ang mahal na hari,t, ang mahal na reina,
hindi umiimic linilining nila
ang man~ga sinaysay nangyari sa canya.

  Man~ga dibdib puso nila,i, alinlan~gan
at dili maisip ang pag papacanan,
tumauag sa Dios na sila ay bigyán
lubos na payapa at caliuanagan.

  Ang hari,t, ang reina,i, n~g macapag-isip
gayari ang uica,t, canilang sinambít,
sa tahanang ito,i, di cana aalis
layao ay di mo na n~gayon masisilip.

  At tuloy umalis nang ma uica ito
tumun~go na sila sa real palacio,
magmulá na noon loob nila,i, guló
hinayang sa anác ay di mamagcano.

  Tinasahan nila sa canyang pagcain
sampong ala-ala,i, pinaram pinouing,
nauala sa loob toua at pag-guilio
di na alintana anomang marating.

  Ano,i, nang sumapit yaong cabouanan
na capan~ganacan nang princesang mahal,
sa aua nang Dios at Vírgeng maalam
nacaraa,i, ualang sacunang anoman.

  Cambal nang man~ganác capoua lalaqui
maganda ang quias pauang mabubuti,
tumauag n~g hilot at ang servidumbre
na casama niya sa arao at gabi.

  At siya rin naman ang naquiquialam
buhat nang man~ganác ang princesang mahal
pagcai,t, lahat nang man~ga cailan~gan
ang criadang yao,i, siyang nagbibigay.

  Pan~gala,i, Ursula nang canyang criada
na may cabaita,t, hustong umarregla,
princesa Leonila,i, tumanong sa canya
cun anong mabuti na gauing magandá.

  Nan~gun~gusap siya luha,i, naagay-ay
sa dalauang matá ang camuc-ha,i, cristal,
yamang talastas mo yaring calagayan
maguing iná ca nang dapat pagsabihan.

  Ano caya bagang marapat cong gauin
ali,t, sino cayang papapag anaquin,
aco,i, ualang sucat na dapat tanon~gin
hatol mo ang siya na aquing susundin.

  Sagót ni Ursula sa bunying princesa
cun gayon po,i, aco siyang bahala na,
pinaronan niya cabo de la guardia
at nagsabi siyang ganito ang badyá.

  Don Federico,i, caya aco naparito,t,
sa inyo Don Andrés mayroon pong gusto
princesa sa torre inutusan aco
daluang anác niya,i, hauacan dao ninyo.

  Sagót nang dalaua dito cay Ursula
sabihin mo,i, oó sa bunying princesa,
yaong m~ga bata,i, inyong ipasoc na
doon sa simbaha,t, cami susunod na.

  Nasoc na n~ga sila,t, canilang dinatnan
yaong daluang batang aanaquing tunay,
hinauacan nila, at nang masangcapan
nang mahal na padre, ang ulo,i, binusan.

  Isa,i, ang pan~gala,i, Antonio de Risa
icalua,i, ang n~gala,i, Feliz de Carcaja,
lumabás na sila,t, nouing para-para
man~ga bata nama,i, sa torre dinalá.

  Loob nang princesang na sa capanglauan
man~ga anác niya,i, niyong mabinyagan,
naisban nang munti,t, ang uicang tinuran
Ursula ay ano ang man~ga pan~galan.

  Pan~ginoong mahal princesa Leonila
ang man~ga pan~galan anác ninyong dalua,
isa po,i, ang n~gala,i, Antonio de Risa
ang isa po nama,i, Feliz de Carcaja.

  Ang dalauang bata,i, capoua maquisig
ang pan~gan~gataua,i, pareho ang tindig,
ang tabas n~g muc-ha ay paris na paris
nag tataglay toua balang macamasid.

  Lacás nang paglaqui nang batang dalaua
parang binubunot ang paghaba nila,
maguing limáng taón ang edad na dalá
ang loob nang hari totoong balisá.

  Ang uica sa reina esposang sinta co
sandaling paquingan ang sasabihin co,
lulan nang loob co,i, cun aayunan mo
paalsin sa torre mag-iinang tatlo.

  At di co na ibig na doo,i, matirá
cundi ang gusto co,i, maualay sa matá,
cun palagui riya,t, aquing naquiquita
ang loob co,i, parang mainit na baga.

  ¡Oh cun dili caya sintang esposa co
aco,i, mag-uutos at mag papabando,
mahal man at mura tungcól bagong tauo
man~gag siparito sa real palacio.

  Bagong tauo lamang mahal man at mura
at yapusan nitong apó nating dalua,
mamarapatin co na nalang pagsala
ipacacasal co princesa Leonila.

  Sintang esposa co icao ay tumugón
sa aquing sinabi, ano nasang-ayon,
caya n~ga,t, nangyari at magca gumayon
ualang ibang amá cun hindi n~ga yaon.

  Reina ay sumagót cun siyá mong gustó
masamáng di sundin yao,t, pacaná mo,
cun icao,i, souayin icapopoot mo
at maguiguing sanhi sa puso,t, loob mo.

  Pinagcaisahan nilang mag-asaua
ang bagay na ito,t, minagaling nila,
nang quinabucasa,i, nag-utos na siya
at pinabandohan loob nang España.

  Ang resa nang bandong ipinagtatauag
tungcól bagong tauo mahal man at hamac,
sa real palacio ay man~gag siharap
at may patorneo sa arao nang bucas.

  At sa iba,t, ibang caapid na reino
ay ipinag-utos gauin ang bandillo,
gayon din ang resa tungcól bagong tauo
mahal man at hamac ay mag siparito.

  Ganaping madali,t, sa arao nang bucas
sa real palacio ay matipong lahat,
na houag ang hindi man~gag sisiharap
at may patorneo ang haring marilág.

  Nang quinabucasa,i, nan~gag datin~gan na
sa real palacio ay nagcaipon na,
iba,t, ibang reino,i, pauang naroon na
pagsunód sa hin~gi nang haring monarca.

  Nan~gusap ang hari sa haráp nang tanan
unauain ninyo at aquing tuturan,
anác cong princesa,i, may anác na cambal
na daluang lalaquing pinacamamahal.

  Mura man at mahal tungcól bagong tauo
at yapusán nitong aquing daluang apó,
ay ualang pagsala,t, ipacacasal co
princesa Leonila na mutyáng anác co.

  Daluang apó niya,i, tinauag pagdaca
pinahalobilo sa tanang grandeza,
sa pagcacapisan nang tauong lahat na
ualang niyapusán daluang apó niya.

  Nang lumilipas na tauong caramihan
ay siyang pagdating nang magcaibigan,
ni Juan Tamad at saca ni Julian
nag mamalas sila at papasial pasial.

  Tinamaang titig niyong man~ga apó
yumapós cay Jua,t, uica nila,i, ito,
amá po ang sabi saan galing cayo
baquit n~gayon lamang cayo naparito.

  Amá po,i, lauon nang cami,i, naghihintay
ay baquit n~gan~gayon naparito lamang,
umi-iyac sila,t, luha,i, naagay-ay
at capona yapós na di humiualay.

  Ang mahal na hari,t, ibang man~ga tauo
lubhang nagtatacá sa nangyaring ito,
sa lahat nang mahal iba,t, ibang reino
ualang niyapusan cahiman at sino.

  Cundi isang hamac at ualang cuenta
niyapusán nitong m~ga batang dalua,
anhin na ang hamac at hindi vale na
cun baquin at yao,i, nag n~gin~gibit baga.

  Calat ang pulun~gan niyong capisanan
uica,i, loco yata iyang tauong iyan,
ang sabi nang iba ay di naman ganyan
hichura nang locong ualang cabaitan.

  Ang haring Don Feliz nag-utos pagdaca
at si Juan Tamad ipinadaquip na,
dinalá sa cárcel at piniit siya
uala siyang malay cun anong causa.

  Nang oras ding yaon ang haring maran~gal
nagpagaua agad nang jaulang bacal,
at capagcayari Tamad na si Juan
quinuha sa cárcel doon inilagay.

  Sa jaulang bacal maisoot doon
ay maraming tauo na pumaparoon,
dahil sa balitang matunóg na hugong
ang na sa jaula,i, nan~gibit nasan~goy.

  Una,i, sa balita,t, saca ang isa pa
ibig mapanood tinauag na amá,
balang macaquita uica,i, iyan palá
ang ipacacasal cay Doña Leonila.

  Yaon namang daluang anác niyang cambal
palaguing paroon sa jaulang bacal,
ang uica nang dalua na isinisigao
amá po ay baquin cayo,i, naririyan.

  Tauong nan~garoo,i, lubhang nagtatacá
nagtatalong lubós bait isip nila,
ang hichurang iyan ang uica nang iba
ma-iibig baga ni Doña Leonila.

  Anang iba namang nag sasalitaan
hindi masasabi nang sino,t, alin man,
di naquiquilala sa estado,t, lagay
ang tauong mayroong in~gat na panglumay.

  At may nag sasabing diua ay himalá
nang Dios na Hari nang Lan~git at lupa,
ayuán cun gayon dapat maniuala
cun pacaná noon ay mangyayari n~ga.

  Yaon namang canyang caibigang carnal
na casama niyang pan~gala,i, si Julian,
si Jua,i, nang dacpin sa tacot na taglay
lumigpit pagdaca,t, umalis tumanan.

  Hindi na linin~gon caibigan niya
tumacbó nang agád punta sa canila,
di pa natatanto cung anong causa
iniuan at sucat di inalintana.

  Muli cong sabihin yaong magcapatid
anác n~g princesa na may lumbay hapis,
sa jaulang bacal dudulog lalapit
at quinacapulong ganito ang sambit.

  Ano ang dahila,t, nacuculong cayo
anong casalanan sabihin po ninyo,
caming anác ninyo n~gayo,i, naririto
na mag dedefensa sa anomang trato.

  Sa bagay na yao,i, ang haring maran~gal
ang loob at puso,i, hindi mapalagay,
sa tanang grandeza,i, ang uicang tinuran
hindi maaari cundi ang icasal.

  Lalo at mahigpit ang sa bandong resa
pilit gaganapin na ualang pag sala,
Tamad na si Juan ay ipinadala
sa real palacio pati nang princesa.

  Nang siya,i, maharáp sa haring maran~gal
si Jua,i, tinanóng cung anong pan~galan,
gayon din ang bayang iyong tinubuan
sampong magulang mo sa aquin ay turan.

  ¡Oh sacramagestad at pan~ginoon co
sasagót po aco,t, tinatanong ninyo,
Juan ang n~galan co at hamac na tauo
sa Visadang villa tumubo po aco.

  Ang lugar na yao,i, sacop nang Portugal
ang amá,t, iná co,i, doon tumatahan,
Fabio ang amá co isang hamac lamang
iná co,i, Sofia na quinamulatan.

  Sa mahal na hari na matanto ito
ipinatauag na Señor Arzobispo,
n~g oras ding yaon doon sa cabildo
si Jua,t, princesa ay denesposado.

  At saca ang hari agad nagpatauag
limangpuong soldado sa cabildong hayág,
n~gayon di,i, magbigla na cayo,i, lumacad
ipagsama ninyo apat na mag-anac.

  Sa Monte Cantabros ay dalhin ninyo
doon sila iua,t, magbalic na cayo,
mag biglang lumacad sundin ang hatol co
nang sila,i, di co na naquiquita rito.

  Nang matanto yaon n~g bunying princesa
na silang mag-anac itatapon palá,
naualan nang isip sampong ala-ala
sa quinalalagya,i, nalugami siya.

  Calahating oras na pinag ulapan
nauala ang canyang man~ga caisipan,
sa aua nang Dios at Vírgeng maalam
pinagsaulan din at naliuanagan.

  Taghoy nang princesa ¡oh Vírgen María!
patnubayi aco,t, iyong ipag-adyá,
sa sentenciang bigay n~g hari cong amá
tinatangap co po cahit ualang sala.

  Sa dalauang matá ang luha,i, nunucal
sa habag na dala nang princesang mahal,
maraual cong palad na quinahinatnan
Dios co po,i, aquin na pagtitiisan.

  ¡Oh torreng tahanan aalis na aco!
¡oh catreng hihigán paalam sa iyo!
hindi na babalic at uacás na ito
nang capós cong palad sa Españang reino.

  Paalam ¡oh balcong aquing panun~gauan!
¡Oh sillang loclocan sa iyo,i, paalam!
ito ay uacás na,t, cayo,i, malilisan
nang saliuang palad sa Españang bayan.

  At icao hagdanan paalam sa iyo
acong ualang palad sa Españang reino,
di na tutuntun~gan icao nang paá co
cundi n~gayon lamang sa pag panaog co.

  Sa iyo Ursula aco ay paalam
ang pagsasama ta ito,i, catapusán,
sa pinagdaanan cong man~ga cahirapan
ay para cang iná na tinataghuyan.

  Ano cayang aquing igantí sa iyo
sucat maguing pála na paquinabang mo,
utang na loob co,i, malaquing totoo
nag malasaquit cang parang magulang co.

  ¡Oh iná cong sintáng pinagcautan~gan!
nag pasupasuso,t, puhunan ay búhay,
acong anác ninyong aalis papanao
maanong tanauin muc-ha ay isilay.

  Mahal na iná co cahima,t, mapait
at aco ay lason sa puso at dibdib,
cayo po ay di man sa aqui,i, lumapit
tanauin man lamang aco sa pag-alis.

  Guilio na iná co cayo ay cahiman
uala sa haráp co ay linuluhuran,
bagaman at lason sa puso ay subyáng
bendición po ninyo aco,i, pabauonan.

  Paalam sa iyo ¡oh Españang reino!
bayang tinubua,t, dito naguing tauo,
ang arao na ito,i, uacás nang totoo
di na yayapacan nang m~ga paá co.

  Saca nagpatuloy sila,i, lumacad na
apat na mag-anac at soldadong sama,
sa laqui nang galit n~g hari at reina
di man tinanauan tiniis binatá.

  Habang lumalacad ang princesang mahal
umiiyac siya,t, luha,i, naagay-ay,
ang dalauang anác siya,i, lalapitan
uiuicai,i, iná houag pong mamanglao.

  Baquin baga cayo,i, umiiyac iná
narito at ating casama si amá,
cayo po ay houag na mag-ala-ala
ang pagtan~gis ninyo nama,i, itahan na.

  Di rin tumitiguil nang quinaiiyác
at di pinapansin ang sabi nang anác,
ang casi,t, esposo na si Juan Tamad
hindi umiimic sucat nagmamalas.

  Ano,i, n~g sapitin bundóc n~g Cantabro
iniuan na roon n~g m~ga soldado,
ang soldadong ito,i, bumalíc sa reino
at doon nagtuloy sa real palacio.

  Haring pan~ginoon ay naroroon na
sa Cantabrong bundóc aming iniuan na,
ang sagót n~g hari ay mabuti anya
cayo naman n~gayon ay magsi-oui na.

  Apat na mag-anac siyang sabihin co
nang sila,i, maiuan nang man~ga soldado,
princesa Leonila man~ga matá,i, puctó
puputóc ang dibdib ang loob ay guló.

  Lumapit si Jua,t, ang uinica niya
esposa cong guilio baquit niniyac ca,
capilas nang dibdib houag manimdim ca
aco ay narito,i, di babayaan ca.

  Sinapit tang palad ay di gunamgunam
na magca ganitong pinag-isang tunay,
dilidilihin mo,t, sa dibdib iquintal
capalarang ito,i, Dios ang may bigay.

  Samantalahin mo,t, hirap ay tiisin
pagtauag sa Dios sa puso,i, itiim,
cacasihan tayo niya,t, bibihisin
ipagcacaloob ang aua sa atin.

  Iyang man~ga luhang natác sa matá mo
ipinanglolomó niyaring catauan co,
sucat na,t, itahan ¡oh casit, sintá co!
houag cang manimdim ang bahala,i, acó.

  Ang uinica naman n~g dalauang anác,
tahan na iná po cayo nang pag-iyac,
di pababayaang tayo,i, mapahamac
si amá ang siyang bahala sa lahat.

  Man~ga luha ninyong tumulo sa matá
guilio naming iná lubhang marami na,
alalahanin po caming inyong bun~ga
pagtiisan ninyo hirap na lahat na.

  Yaong amá nilang Tamad na si Juan
humanap nang lugar sucat pagpalagyán,
tatlong mag-iiná doon pinatahan
dito muna cayo,t, sandaling iiuan.

  At houag aalis cayo bagang tatló
at aco,i, hahanap mabuting puesto,
anang dalauang anác amá po,i, paano
cayo ay aalis saan patutun~go.

  N~gayon cami dito ay inyong iiuan
at di na babalic at pababayaan,
paano ang aming man~ga calagayan
mabubuhay caya na sa cabunducan.

  Nanglaglag ang luha ni Juan sa matá
sa tinurang yaon anác niyang dalua,
cayo ay houag na mag-ala-ala
at di malalauon babalic pagdaca.

  Umalis si Jua,t, naparoon lamang
sa hindi na nila siya matatanao,
saca yaong in~gat canyang casangcapan
batóng encantado,i, quinuha,t, tinangnan.

  At uinica niyang icao aquing bató
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
n~gayon di,i, madaling dito,i, itayó mo
yaong isang bahay sa diquit ay husto.

  Sahig at quisame ay salaming lahat
at ébano naman ang cahoy na sangcap,
hagdanan ay puro na lantay na pilac
na macatutoua sa matáng mamalas.

  Ang dingding ay pauang esmaltadong tunay
n~g m~ga brillanteng sa ningning ay sacdal,
ang salas ay pilac at perlas na lantay
templo ni Salomón halos pang laluan.

  Sa loob nang bahay lagyán nang pamuti
sari-saring mutyá rubí,t, esmiralde,
cortina ay pauang batbat nang brillante
sa matáng titin~gin ay macacauili.

  Ang bubong nang bahay ay pilac na lantay
cosina,i, gayon din houag cang magculang,
cun tamaang sinag nang init nang arao
ay macadudulit sa matáng tatanao.

  Paliguid nang bahay ay jardineria
macetas na pauang caligaligaya,
ang sinoma,t, aling tauong macaquita
cun may capanglaua,i, magtamong guinhaua.

  Saca sa hagdana,i, iyong patayoin
ang dalauang ásong capoua magaling,
aco,t, man~ga anác at esposang guilio
ay halabin cami dito cun dumating.

  Nasunod na paua tanang cahilin~gan
nang oras na yaon na hindi naliban,
si Jua,i, bumalic at quinaon naman
man~ga anác niya at esposang hirang.

  Ano,i, nang maquita nang sintang asaua
at dalauang anác nagtamong guinhaua,
cami po,i, totoong nag-aala-ala
baca di na muling cayo,i, magbalic pa.

  Sagót na tinura,i, humahanap aco
tatahanan nating mabuting puesto,
niyaya na niya,t, lacad abá tayo
sa hinin~ging bahay sila napatun~go.

  Sa bahay na yao,i, nang dumating sila
hinalab pagdaca nang ásong dalaua,
man~ga anác niya,t, saca nang asaua
nan~gaguiclahana,t, loob ay nagtaca.

  Si Doña Leonila na esposang hirang
namaang ang loob sa naquitang bahay,
ano,t, ito,i, bundóc gubat calauacan
dito ay may bahay sadyáng cariquitan.

  Doon sa hagdanan nang dumatal sila
ang dalauang áso,i, humalobilo na,
yumapós cay Jua,t, nan~gag sisisalta
na pinag mamasdan anác at asaua.

  Liuanag nang ilao ang camuc-ha,i, arao
hagdanan ay pilac na nag niningnin~gan,
tatlong mag-iiná,i, nagcacamamanghan
sa naquitang diquit na ualang cabagay.

  Nagsipanhic sila ay nang macasaltá
nagtatacáng lubós yaong mag-iiná,
sahig at quisame ay salming lahat na
anong bahay ito,t, sa dilág ay sadyá.

  Ang dingding ay pauang esmaltadong lubós
nang man~ga brillanteng sacdál nang alindóg,
ang salas ay pilac perlas ang calahoc
tinalo,i, dinaig cay Salomóng templos.

  Sa loob nang bahay ang nan~galalagay
nan~gapapamuti mutyáng maquiquináng,
anong bahay ito at napacainam
ualang capareho,i, na sa cabunducan.

  Parang naiisban capanglauang dalá
nang bunying princesang si Doña Leonila,
sa naquitang diquít na ualang capara
ang loob at puso,i, nagtamong guinhaua.

  Bagaman at cubcob nang pighati,t, lumbay
nang maquita yaong sadyáng cariquitan,
naparam ang lungcót cusang nahalinhan
nang di mamagcanong galác casayahan.

  At saca si Juan na canyang esposo
humin~gi sa canyang casangcapang bató,
n~gayon din aniya,i, dito,i, ihanda mo
ang isang comidang sa putahi,i, hustó.

  Lutong masasaráp ay ilagay agad
sa lamesang guintó,t, lagyán nang alfombras,
sa alfombrang yaon ay ang nababatbat
ay hilo de oro na nag quisáp quisáp.

  At pilac na lahat yaong man~ga silla
gamit na cubiertos guintóng para-para,
man~ga servilleta ay pulos pa tela
may hilo de orong macaliligaya.

  Ang man~ga matamis sarisaring bagay
sa lamesang perlas doon malalagay,
man~ga asistente pagcain sa duiang
ay tatlong castila bucod ang utusán.

  Saca tatlong damang pulós magaganda
magsisilbi yaon sa aquing asaua,
ang lahat nang ito,i, ganaping dali na
cami,i, nagugutom ibig cumain na.

  Nasunod na paua man~ga cagustuhan
na isang comidang hustong cagayacan,
conforme ang hin~gi guinanap na tanan
batóng encantado niyang casangcapan.

  At saca tinauag anác at asaua
halina na cayo,t, tayo,i, hahapon na,
nang matingnan yaon na handang comida
lalo nang tumangap daquilang ligaya.

  Namamanghang lubós man~ga calooban
ang comidang handa ay napacainam,
man~ga gamit ditong man~ga casangcapan
ay guintó at pilac na nag quiquinan~gan.

  Man~ga nagsisilbi pulós na castila
man~ga dama nama,i, magagandang lubha,
nan~gagsi upo na at cumaing paua
apat na mag-anac na ualang bahala.

  At nang macacain ay nagsi pasoc na
sa salas n~g bahay nagpapasial sila,
ang m~ga cuarto,i, pinapasoc nila
minamalas yaong cariquitang sadyá.

  Si Doña Leonila,i, ang uinica,i, ito
esposo cong sinta sa itatanóng co,
houag maglilihim pagtatapatan mo
n~g di alinlan~gan ang puso,t, loob co.

  Aco pagca tauo,i, laquí sa guinhaua
palibhasa,i, hari ang mutyá cong amá,
ang ating quinain na handang comida
gayong cagayaca,i, di pa nag quiquita.

  Pati itong bahay sa diquit ay sacdál
na ualang susulit cahit sa reino man,
sa aqui,i, sabihin n~gayo,t, maalaman
ang may ari nito cun sino,t, alin man.

  Ang sagót ni Juan na casi,t, esposo
ang bahay na ito,i, maguiguing canino,
ito,i, ating tunay pinagmulan nito
ay aquing hinin~gi sa in~gat cong bató.

  Comida,i, gayon din ang pinangalin~gan
sa bató ring in~gat perlas ang cabagay,
at ang batóng yao,i, encantadong tunay
anomang hin~gin co,i, agad gaganapan.

  Sa man~ga saysay mo na aquing narin~gig
damdam co ay aco,i, parang napa Lan~git,
acala nang tauo,i, ang asauang ibig
ay ualang cuenta,t, nasan~goy nan~gibit.

  Pag ang Dios palá ang may calooban
ay uala sinomang sucat macaalam,
marami at madlang nag uiuicang tunay
catauan co,i, uala na carurumatnan.

  N~gayon ay sa aua nang Poong si Cristo
ay na sa ligaya at payapa aco,
sa nangyaring buhay na pinagdanan co
ang cutyá nang tauo ay di mamagcano.

  Salamat sa Dios at sa Ináng Vírgen
di na magluluto tayo nang cacanin,
mabuti at iyo na ipinalining
ang casangcapan mo,i, sinabi sa aquin.

  Ani Juan Tamad esposa cong hirang
daluang anác natin ay anong pan~galan,
ibig cong matanto sa iyo,t, maalman
man~ga n~galan nila sa aquin ay turan.

  Pan~galan nang isa,i, Antonio de Risa
at ang isa nama,i, Feliz de Carcaja,
matanto ni Juan uica cay Leonila
tunay co n~gang anác m~ga batang dalua.

  Aquing sasabihin esposang sinta co
significang dala m~ga apellido,
ang isa,i, sa taua ipinaglihi mo
isa,i, sa halac-hac dahilang totoo.

  Naala-ala co at nagunamgunam
nangyari sa atin niyong isang arao,
cami,i, nag daraan na mag caibigan
sa tapat n~g torre icao,i, nanunun~gao.

  Natin~gala quita,t, nagpanamang titig
sa iyo ay aco,i, comindat n~gomibit,
humalachac icao tumauang malabis
siyang naguing dahil mulang pagbubuntis.

  Sa iyong sinabi esposo cong sintá
cung aquing lihimin husto ang prueba,
sintang esposa co houag cang mag duda
talagang totoo aquing ibinadyá.

  Calooban ito,t, pacaná nang Dios
na bigay sa iyo planeta mo,t, signos,
houag mamamangha ang puso mo,t, loob
dagdagan ang iyong pagtauag sa Dios.

  Ano,i, sa matanto niya,t, maalaman
sa dalauang bata daang pinagmulan,
escrupulong dala sa loob naparam
man~ga anác niya,i, lalo nang minahal.

  Nang quinabucasa,i, niyong maumaga
napasa dun~gauan si Doña Leonila,
at pinagmamasdan ang man~ga maceta
caparis nang jardin niya sa España.

  Malaquing totoong dalang catouaan
alin mang bintana na canyang dun~gauan,
ay jardineria,t, sari-saring bagay
nan~ga mamacetas sadyáng caban~guhan.

  Ipagparito co sa haring monarca
bunying si D. Feliz amá niyang sinta,
isang arao n~gani nanunun~gao siya
sa real palacio loob ay nagtacá.

  Natanauan niya,t, tinamaang titig
na sa cabunduca,i, may nacadudulit,
ang casi,t, esposa na si reina Inés
tinauagan niya,t, ganito ang sulit.

  Tingnan mo,t, pagmasdan yaong cabunducan
na may nag niningning at quiquirao quirao,
nang una ay uala na capara niyan
cun tamaang sinag ay di matitigan.

  Ang uica n~g reina sa haring esposo
diua,i, yaon yata bundóc nang Cantabro,
ay di baga roon ipinatapon mo
sa bundóc na yaon ang anác tang lilo.

  Ang sagót ay oó nang haring monarca
ang mabuti caya ay ipavisita,
pinagcaisahan nilang mag-asaua
nang oras ding yao,i, nag-utos pagdaca.

  Tamauag na siya nang man~ga soldados
at pinaparoon sa Cantabrong bundóc,
cami ay mayroon na napapanood
nanag niningnin~gan ibig na matalós.

  Nagbiglang lumacad ang m~ga soldado
at tinun~go nila bundóc nang Cantabro,
ang pinagtatac-ha,i, naquitang totoo
bahay na malaquíng cariquita,i, hustó.

  Ang man~ga soldado,i, noong malayo pa
natanauan sila ni Jua,t, princesa,
doon sa bintana,i, di na nalís sila
at inaantayan ang pagdating nila.

  Ano,i, nang dumatal sa canilang bahay
yaong mag-asaua,i, ganito ang saysay,
ano cayang inyong sadyá,t, pinapacay
naparito cayo sa amin ay turan.

  Cami,i, inutusan n~g haring monarca
dahil sa natanao sila,i, nagtatacá,
may nag niningnin~gan at caaya-aya
ibig matalastas nila,t, maquilala.

  Cun gayo,i, magtulóy cayóng calahatán
at pumanhic dini,t, magcasalitaan,
ang tanang soldado,i, nanhic nagtuluyan
pauang nagtataca sa diquit nang bahay.

  Cayo pala,i, siya na may bahay nito
na napacariquit ang lagay estado,
bahay ninyong ito,i, nanglalong totoo
doon man sa reino,i, ualang capareho.

  Tingnan na n~ga nati,t, bulayin n~g isip
at di masasabi ninomang may bait,
pag ang Dios pala,i, siyang nag-iibig
ligaya sa mundo,i, ipinacacamit.

  At cun caya gayon tinuran sa inyo
cayo,i, itinapon caya naririto,
yaong si D. Feliz haring amá ninyo
nag-utos sa amin daig ninyo,t, talo.

  Ang sa mag-asauang sagót na tinuran
cahiman at cami ay itinampulan,
ualang naaalman caming casalanan
ang ganti nang Dios ay caligayahan.

  Cami,i, aalis na,t, babalic na muna
sa haring nag-utos sa reinong España,
á dios ang uica niyong mag-asaua
at sabihin ninyong nagpapacomusta.

  Nang sila,i, dumating sa Españang reino
nagpatuloy agad sa real palacio,
ang sa haring tanong sa man~ga soldado
ano ang nangyari n~gayo,i, turan ninyo.

  Haring pan~ginoon ang aming naquita
bahay na malaquing cariquita,i, sadyá,
tumatahan doo,i, yaong mag-asaua
ni Jua,t, princesang si Doña Leonila.

  Bilin po sa amin nang inyong manugang
saca nang princesang anác ninyong hirang,
icomusta sila sa man~ga magulang
sila nama,i, hindi nan~gagcacaramdam.

  Ang reina,i, nagsabi sa haring monarca
cun pahintulot mo at minamaganda,
mangyaring sulatan man~ga anác nata
dahil sa soldadong man~ga sabi,t, badyá.

  Gá nasaganyac na ang puso,t, loob co
ayon sa sinaysay nang man~ga soldado,
cahima,t, mapait at lason sa iyo
padalhan nang sulat anác nati,t, apó.

  Ang sagót nang hari ¡oh casi co,t, sintá!
cun siya mong gusto,i, sang-ayunan quita,
siya ay gumaua nang sulat pagdaca
at capagcayari ay ipinadalá.

  Ang napapalaman sa padalang sulat
comusta sa inyo guilio naming anác,
ang inyong magulang nana sa bagabag
nagtamong guinhaua dahil sa tinangap.

  Ang sabi,t, pahayag nang man~ga soldado
bahay ninyo riya,i, sa diquit ay husto,
cami,i, paririyan dadalauin cayo
maquiquipag quita na magulang ninyo.

  Sa lacad nang bouan n~gayo,i, icalima
sa icapito,i, cami ay paririyan na
matangap ang sulat canilang mabasa
parang na pa Lan~git silang mag-asaua.

  At guinanti naman ang sulat na ito
ni Jua,t, ang lama,i, hintay namin cayo,
caming inyong anác guilio nang totoo
touang ualang hangan cun dalauin ninyo.

  Mayari ang sulat ibinigay niya
doon sa portador saca nagbilin pa,
ang inyong sabihin sa hari at reina
naghihintay cami,t, totoong guilio na.

  Nang quinagabihan quinuha ni Juan
ang in~gat na bató niyang casangcapan,
at canyang hinin~gi na houag maliban
ang tauirang ilog lagyan mo nang tuláy.

  Itatayong tuláy cayaria,i, ito
catulad nang bangca at pilac na puro,
brandilla ay guintó,t, lagyan nang damasco
nang génerong tela,t, may hilo de oro.

  Sa dalauang dulo,i, lagyan nang garita
at patatayuan man~ga de la guardia,
pauang coroneles iba,i, man~ga dama
sila,i, sasalubong sa hari at reina.

  At man~gag si hatid na tumuloy dito
maquiquipanayam hangang naririto,
houag cang magculang icao aquing bató
sa arao nang bucas pilit paririto.

  At pamula dito magpa hangang tuláy
ay lagyan n~g calleng sa linis ay sacdal,
mag cabilang tabi capoua tabin~gan
pulós na de tela,t, sadyang cariquitan.

  Sa actong paglacad banda nang música
man~gag tutugtugang caligaligaya,
putaca,i, gayon din man~gag sipag salva
hangan sa pumanhic ang hari at reina.

  Icao aquing batóng bigay nang Nuno co
susundin mong paua hin~gi co sa iyo,
guinanap na lahat conforme ang gusto
siya n~gang nangyari sa aua ni Cristo.

  Nang quinabucasa,i, ang hari at reina
ay lumacad na n~ga sampong man~ga sama,
bundóc n~g Cantabro ay tinun~go nila
pagdating sa tuláy sinalubong sila.

  Niyong m~ga dama,t, m~ga coroneles
nag si cortesia sa haring mariquit,
sa tuláy na yaon ay nang macatauid
paglacad sa calle sayáng di mumuntic.

  Tugtog nang música,i, caligaligaya
inam nang putuca,t, nag sisipag salva,
man~ga coroneles at ang m~ga dama
sa lacad na yao,i, guiniguitna sila.

  Ang mahal na reina at haring maran~gal
nagtacang totoo sa sayá at dan~gal,
aco ay hari na,i, di co nararanan
ang ganitong diquit man~ga pagdidiuang.

  Nang sila,i, sumapit sa bahay nanhic na
lubha pang malaqui pagtatacá nila,
bahay pala rito anác naming sinta
sa sang reino,i, ualang catulad capara.

  Hagdanan ay pilac na nag quiquinan~gan
sahig at quisame ay salaming lantay,
ang dingding ay pauang esmaltadong tunay
na naca-aalio sa may dalang lumbay.

  Sa loob n~g bahay nan~ga papamute
mutyá at carbungco rubí,t, esmiralde,
ang sahig n~g salas sampon n~g quísame
templo ni Salomón dinaig sa buti.

  Ang bubong n~g bahay ay pilac na lantay
cun tamaang sinag nang init nang arao,
sinomang tumin~gin ay di matitigan
at macadudulit sa pagquiquisapan.

  Calagayan ninyo pala ay guinhaua
paliguid nang bahay ay jardineria,
itong tauo pala,i, uala mang cuenta
ay di masasabi sasapiting hanga.

  ¡Oh man~ga guilio co na man~ga anác co
at sampon sa daluang aquing mga apó,
cayo ay cun caya dito,i, naparito
dahilan sa cayo,i, ipinatapon co.

  Man~ga loob ninyo ay pacalinisin
ang madlang sigalót sa puso ay ualin,
cahit anong samá sa dibdib ay alsin
magaling ang siyang pagsamahan natin.

  Ang mahal na reina naman ay nagbadyá
na tumataguistis ang luha sa matá,
¡oh anác cong bunsó princesa Leonila!
patauad ang aquin na nagauang sala.

  Icao aquing bunso,i, sa pinagdanan mo
na hirap dálita,i, pauang tiniis co,
cahima,t, masucal ang puso,t, loob mo
pacalinisin na n~gayon at magbago.

  Princesa Leonila sa reina,i, sumagót
sa dalauang matá ang luha,i, naagos,
mahal na iná co,i, malinis ang loob
ni camunti ualang sanhi man at cubot.

  Ang pag-uusapan ay n~g matapos na
quinuha ni Juan casangcapan niya,
icao aquing bató sundin mo pagdaca
maghanda n~gayon din mabuting comida.

  Sari-saring lutong man~ga masasaráp
pauang de almacen sa putahing sangcap,
sa lamesang guintó ay mahanda agad
gayon ang cubiertos ay guintó ring lahat.

  Ang lamesa,i, lagyan n~g telang alfombra
may hilo de orong caligaligaya,
gayon din ang tanang man~ga servilleta
at pulós na pilac yaong man~ga silla.

  Isang lamesa rin ang tanang matamis
sari-saring timpla sa saráp ay labis,
man~ga servidumbre pulós maquiquisig
tagalog castila ay nagcacasanib.

  At anim na dama cailan~gan co pa
bucod sa narito na sila,i, anim na,
icao aquing bató ganaping dali na
at nagugutom na ang hari at reina.

  Nasunod na paua m~ga cahin~gian
nang oras na yaon comida,i, nalagay
ang hari,t, ang reina,i, niyaya ni Juan
sampon nang casama ay gayon din naman.

  Dumulóg na sila,t, cumain pagdaca
ang hari,t, ang reina pati man~ga sama,
at nang macacain nag pupulong sila
madla,t, sari-saring cabuhayan nila.

  Sinasabi nila na napacainam
ang handang comida,t, man~ga casangcapan
ang man~ga matamis sari-saring bagay
n~gayon lamang cami nacatiquim niyan.

  Man~ga nag sisilbi sa pagcain nila
ay nan~gag tatacá silang para para,
pulós na castila,t, tagalog ang iba
at saca ang dama ay labing dalaua.

  Salitaan nila,i, cayamanang iyan
ang pinangalin~ga,i, sa encantong laláng,
alin caya baga sa mundong ibabao
ang magcacaroon nang ganitong bahay.

  Man~ga cagayaca,i, nanglalong totoo
sa mundong ibabao ualang capareho,
nan~gapapamuti mutyá at carbungco
rubí,t, esmeralde sa ningning ay husto.

  Casangcapang gamit ay napacainam
guintó na at pilac sino caya naman,
aling tauo rito sa mundong ibabao
macapag gagayác casangcapang ganyan.

  Cundan~gan ang ito,i, may iuing encanto
na pinagcucunan nang lahat nang ito,
ang uica nang hari ay tila n~ga totoo
sa encantong laláng cayamanang ito.

  Saca nang matapos salitaan nila
tinauag nang hari ang mahal na reina,
cun umaayon ca,i, isalin na nata
sa atang manugang ang cetro,t, corona.

  Oó ang uinica nang reinang maran~gal
diyata,i, cun iyong gusto,t, caibigán,
lalo nama,t, icao ay may catandaan
di n~ga,i, isalin na corona cay Juan.

  Pinagcaisahan nilang mag-asaua
una,i, uala namang sucat na magmana,
sinabi cay Jua,t, cay Doña Leonila
corona sa inyo,i, isasalin co na.

  Itong inyong bahay ilipat sa reino
iabay sa piling nang real palacio,
oó po ang sagót haring magulang co
paua cong susundin pacaná po ninyo.

  Nang quinabucasan ay noui na sila
sa pinangalin~gang reino nang España,
man~ga coroneles at ang man~ga dama
nan~gag si hatid ding capara nang una.

  Sa lacad na yao,i, casama ri,t, hatid
si Jua,t, princesang mag-asauang ibig
sa tuláy na pilac ano,i, nang sumapit
nan~gag paalaman toua,i, di mumuntic.

  Mag asaua naman ni Doña Leonila
sampong coroneles at ang m~ga dama,
nangag si pagbalic sa bahay noui na
nang mahating gabi,i, bató ay quinuha.

  At hinin~gi niya na houag maliban
man~ga coroneles man~ga damang tanan,
tuláy ay gayon din alising paminsan
ganaping madali,t, aquing cahilin~gan.

  Saca itong bahay sampong jardin dito
malipat n~gayon din sa Españang reino,
itayó sa piling nang real palacio
maguisnan n~g hari at reinang iná co.

  Cahilin~gang lahat naganáp pagdaca
nang in~gat na bató niyang encantada,
maguising ang hari niyong maumaga
n~g siya,i, dumun~gao ay naquita niya.

  Ang uica n~g hari naniniuala aco
ang aquing manugang ay may sa encanto,
sino,t, alin baga sa balat nang mundo
sa ganyang calaqui madadala dito.

  Isa pa,i, sa gabi at hindi sa arao
ang pagca pagbuhat nang bahay na iyan,
caya pala iyan ay napacayaman
ay may sa encanto na na iin~gatan.

  Sa real palacio,i, ipinatauag na
si Jua,t, princesang si Doña Leonila,
nang dumating doon uica sa canila
mabuti at cayo ay naririto na.

  N~gayon ay aco ay mag papabando
na man~gag si pag-gayac ang tauo sa reino,
m~ga bahay bahay lagyan nang damasco
calle ay tabin~ga,t, man~gag linis cayo.

  Muralla,i, gayon din na ipinagayac
sampong artificiong caguila-guilalas,
at sa coronación sa arao nang bucas
ang lahat nang ito,i, sususuhang lahat.

  Corona sa ulo ay n~g maputong na
cay Don Juang Tamad na manugang niya,
nagsayáng totoo reino nang España
ang lahat n~g tauo ay nan~gag viviva.

  Cañón sa muralla,i, sinusuhang lahat
sampong artificiong caguila-guilalas,
sa lahat n~g calle sa loob n~g ciudad
hicap ang músicos sayáng ualang lipas.

  At nan~gag viviva ang maraming tauo
sayang ualang humpay sa loob n~g reino,
buhayin n~g Dios na mahabang tiempo
si Don Juang Tamad hari naming bago.

  Sabihin ang husay nang gomobierno na
sa boong España haring bago nila,
grandes consejeros casamang lahat na
ualang pagcaronan ang toua sa canya.

  At gayon din naman sa sino,t, alin man
pareho sa canya mahirap mayaman,
castigo ay lagdá sa may casalanan
ley nang matouid hindi nasisinsay.

  Nang maguing hari na ay nagsabi siya
sa casi,t, esposang reina Leonila,
ang amá,t, iná co,i, inaala-ala
ating ipacaon dito na matira.

  Oó anang reina di lalong mabuti
ipacaon mo n~ga magulang mong casi,
cun dirito sila sa arao at gabi,i,
mayroong titin~gi,t, mag cacalauin~gi.

  Ipinacaon na yaong mag-asaua
ni Fabio,t, Sofia amá,t, iná niya,
ano,i, nang dumating toua,i, sabihin pa
sa real palacio,i, capisan na nila.

  Yaong si Ursula ay guinanti naman
ni Doña Leonila na reinang maran~gal,
sa iyong servicio,i, ang pala cong bigay
isa ca sa dama sa palacio real.

  Ito ang nasapit siyang naguing hanga
ni Juang Tamad na isang hamac na,
sa lagac na gracia n~g Dios na Amá
sinapit n~g palad hari sa España.

Buhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia sa Caharian nang Portugal(The life lived by Lazy John, son of Fabio and Sofia in the Kingdom of Portugal"), published in 1919

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete