Mar 10, 2012

Sa Totoo Lang!

SA TOTOO LANG
ni Hedel Cruz





Sa totoo lang naisip ko na yan. Mahiyain lang ako. May ganun talaga, mga taong tanga tulad ko. Eksampol ay Mga taong Kahit nakaimbento na ng gamot sa cancer nahihiya ka na ipaalam sa mundo, kasi hindi ka sanay, takot ka, sa rejection, pagtawanan, mababa self-esteem mo, hindi ka sanay sa atensyon. Madaming dahilan kung bakit, maaring nung bata ka lampa ka kaya hindi ka nasanay makipaghalubilo, dati sungki ngipin mo kaya kahit nagpa-brace at maayos na ngipin mo di ka sanay ngtumiti. Dati ikaw yung binubully kaya takot ka magtiwala, dati kang nasaktan kaya ayaw mo na sumubok. Ganun talaga ang mundo, una-una lang, either unahan mo yung takot mo o ikaw ang maunahan nito.

No comments:

Post a Comment