Dec 14, 2010

LAYA at ABSWELTO

Ang mga NAKALAYA at ABSWELTO

Hubert Webb, kaliwa (kasama si Former Senator Freddie Webb, Hubert's Father)

Matapos ang 15 years, nakalaya na sina Hubert Webb at ang 6 pa sa mga kasama nitong nasangkot sa Vizconde Massacre. Base sa 7-4-4 Supreme Court Decision kung saan 7 ang pabor, 4 ang kumontra at 4 ang nag-abstain, ipinawalang-sala ng Korte Suprema ang mga nasasakdal dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya o hindi napatunayan BEYOND REASONABLE DOUBT. Ayon sa SC ang desisyong ito ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan ang mga nasabing personalidad, ngunit satakbo ng kaso, ipinahayag ng SC na hindi sapat at hindi napatunayan na nagkasala sina Webb. Ibinatay din ang desisyon sa mga ebidensyang inilabas ng kampo ni Webb na sinasabing hindi pinansin sa Lower Court. Ayon din sa SC madaming inconsistencies ang pahayag ng Star Witness na si Jessica Alfaro at ang ilan pa sa mga witnesses. Ayon sa batas hindi na maaring magsampa pa ng kaso laban kay Hubert Webb at sa kanyang mga kasama, na may patungkol sa Vizconde Massacre, dahil magiging labag na ito sa batas, ang tinatawag na Double Jeopardy. Bukas naman ang MalacaƱang at ang DOJ para buksan ulit ang kaso at tulungan si Mr. Lauro Vizconde upang mahanap ang dalawa pang suspect na nagtatago ngayon at bigyang linaw ang kasong ito.

Hayden Kho Jr.

Halos kasabay ng media fanfare sa kaso ng Vizconde Massacre. Inabswelto din ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) branch 159 ang kasong isinampa ni Katrina Halili Laban kay Hayden Kho Jr. Si Hayden isang Doctor, turned commercial model, artista wannabe at Sex Scandal master. Ang 100 million civil damage case laban kay Hayden ay ibinasura dahil sa Lack of Merit. Ayon din sa korte hindi napatunayan ng kampo ni Halili, na hindi alam ni Katrina Halili na siya ay kinukuhan ng Video, base sa occula inspection sa lugar ng scandal scene. Ayon sa kampo ni Halili iaapela pa nila ang kasong ito. 

Sa kabilang banda, ang pag-absweltong ito ng korte kay Hayden ay hindi nangangahulugang lusot na siya sa iba pa niyang kinakaharap na pagsubok kaugnay ng Sex Scandal Video. Ilan dito ang kasong nakasampa sa Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA).

Dec 13, 2010

BATIBOT...

PINAS IS A BATIBOT COUNTRY
Kung wala kang alam kahit isang Linya ng lyrics ng Batibot.
Hindi Ka Tunay na Pinoy



PAGMULAT NG MATA,
LANGIT NAKATAWA
SA BATIBOT,
SA BATIBOT

TAYO NANG MAGPUNTA
TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA

DOON SA BATIBOT
TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT
MALIKSI, MASIGLA. (2X)

DALI, SUNDAN NATIN
ANG NGITI NG ARAW
DOON SA BATIBOT (2X)

TAYO NANG MAGPUNTA 
TUKLASIN SA BATIBOT
ANG TUWA, ANG SAYA

DOON SA BATIBOT
TAYO NA, TAYO NA
MGA BATA SA BATIBOT
MALIKSI, MASIGLA. (2X)


Dec 12, 2010

Yehey!!!!

Scarlett - Ryan Hiwalayan


Los Angeles California, USA ---- Ang mga Hollywood Stars na sina Scarlett Johansson at Ryan Reynolds ay napabalitang naghiwalay na kamakailan. Sinasabing ang dahilan ng kanilang hiwalayan ay nagsimula dahil sa hindi pagkakaunawaan dahil sa kawalan ng oras sa isa't isa, dala narin ng kani-kanilang mga trabaho. 

Si Johansson, 26 years old ay ikinasal sa People's Magazine Sexiest Man Alive  na si Ryan Reynolds , 34-years old, ng 2010 noong September 2008. Nagtagal ang kanilang relasyon ng humigit dalawang taon. 

"After long and careful consideration on both our parts, we've decided to end our marriage. We entered our relationship with love and it's with love and kindness we leave it,"-- ayon sa kanilang inilabas na statement. 

Si Johansson at Reynolds ay isa lamang sa mga dumadaming couple sa Hollywood na nagkaroon ng paghihiwalay ngayong taong ito. Yehey Single na ulit si Scarlett. Ang saya saya ko. hehehe. Pati pala si Vanessa Hudgens single na din. Wala na sila ni ni Zac Efron. Yehey.. 

Natutuwa talaga ako. Hindi dahil kay Vanessa Hudgens. Pero dahil kay Ultimate Hollywood Crush na si Scarlett Johansson. Yehey Single ka na ulet.. Ang kailangan ko nalang maging next Sexiest Man ng People Magazine #ASA.. hehe

Dec 10, 2010

Naglahong Isda Muling Nakita

AP- Photo from Kyoto University

TOKYO JAPAN --- Isang natatanging isdang Hapon, isang uri Japanese Salmon na pinaniniwalaang naglaho mga 70 taon na ang nakakalipas ang natagpuan kamakailan. Isa itong isda na mukhang Bangus pero may mga matatalas na pangil ang sinasabing naninirahan noon isang lawa sa Northern Akita, ang pinaniniwalaang naglaho noong 1940 matapos tumaas ang acidity level ng lawa dahil sa isang Hydro Electric Project. 

Ang mga isdang Kokanee o Kunimasu sa Japanese ay natagpuang malusog at buhay na buhay sa isang lawa sa tabi ng Mount Fuji. Bago pa man maglaho ang isang ito sinasabing pagtatangkang inilipat sa Lake Saiko 100,000 itlog nito para maiwasan ang tuluyang paglaho nito, ngunit sa mga unang pagsisiyasat, inakalang hindi nabuhay ang mga inilipat na itlog ng astig na isdang ito. Ayon sa isang proffesor mula sa Kyoto University, natagpuan nila ito sa Lawa ng Saiko. Ayon sa Japanese Environment Ministry, kasalukuyan padin na nasa listahan ng EXTINCT SPECIES ang Kunimasu at kailangan pang i-verify ang ulat sa pagkakatagpo dito at mai-update ang listahan na naka-schedule sa taong 2012

Sa iyo isdang mukhang bangus na may astig na mga pangil.. Yeah.. Mabuhay ka!


Dec 8, 2010

Ang Mga Kabit,Bow!

Ang Asawa-Kabit Face OFF
(Ang Ibat-ibang, Asawa Vs Kabit Hardcore Confrontation Moments)


Alam naman nating lahat, o halata naman na peke at scripted ang cheaters.
Pero astig sila... Dahil pinaghihirapan nila ng husto. (may camera at full coverage pa). 
Pero since peke walang masyadong aksyon. Puro mura lang na censored pa.



Kung gust nyo talaga ng Real-American Action. Eto Yun.
Kung sa iba yung kabit lagi talo pagdating sa komprontasyon.
Sa Amerika, yung kabit lumalaban.
Kahit sya pa yung mali, basta sinugod sya at nasaktan.

Syempre gaganti at gaganti yan. Hardcore.



Eto. Hardcore talaga. Reality to its finest. Walang hiya hiya. 
Pag kabit ka. Kabit ka! Ito kahit walang full coverage, mas tawag pansin. 
Mistulang naging isang daang porsyento ng kapangyarihan ni ate ang kanyang inilabas.  
Kasama pa yung kumukuha ng camera na tagos sa buto ang mga banat. 
Kakaiba at mas Todo to the extreme ang komprontasyon. LOL


Mas malupit ng konti ito. Kung lalaki ka, at balak mong kumuha ng kabit. 
Sigurahudin mo lang na wag sa India. Kasi kung sa Pinas mga kaibigang may camera
ang kasama reresbak sa iyo. Sa India buong Pamilya at buong Baranggay ang 
masayang babati sayo ng sandamukal na sampal sabunot at batok.
May kasama pang Baby para ipamukha sayo kung gano ka kasamang Daddy.



Eto sa China Kakaiba. Hardcore din ang pagkalupit.
Kung karamihan, yung Asawa ang sumusugod sa mga Kabit.
Dito yung Kabit yung sumugod sa Asawa. Ang tapang
Ayun sinugod na nga nung kabit yung asawa, binugbog pa.
Habang sinasabing:
 "Wala kang kwenta, Hindi ka maganda!"
"Maliit ang dede mo"




Pero eto talaga pinaka malupit dito, Balik tayo sa India
kahit hindi ko alam ang salitang sinasabi. Isa lang ang sure ako. 
KnockOut yung Kabit dito. At yung lalaki, kinukuyog din ng taong bayan.
 Ayun deds yung kabit. Patay!


Author Claims No Right for the Videos Used in this post. 
All Videos are from Youtube and are properties of those Respective Individuals who posted and own the Videos.

Dec 7, 2010

Food Court Flash Mob


Christmas Food Court Flash Mob, Hallelujah Chorus 



Maligayang Pasko mga Kaibigan

Dec 4, 2010

Beki-Dream

My Friend's Beki-Dream

i just felt that i had to write this down. nakatulog kasi ako, i was in front of my laptop, then my eyes got tired so pinahinga ko lang, then eto na yung panaginip. and it goes  a little something like this.. (rap music starts to play.. echos!) i was with my friend kitchie (ay ning kasama ka!), we were here at my house, ewan ko kung bakit, naglalandian malamang. tapos i went to the cr to do number2, so naiwan si kitchie sa sala. so while i was taking a poop (fyi, wala akong nakitang poopoo nung nagising ako ah), i heard noises inside my room, parang mga kaluskos lang or something (so ano, pusa ito?) and dineadma ko lang siya kasi parang i got scared din, baka kasi mumukels. so after the poopoo deed, dineadma ko lang yung room ko, and i went straight sa sala. after ilang mins, eh usisera ko, so hindi ko napigilan, chineck ko yung room ko. pagpasok ko sa room, binuksan ko yung lamp, then i saw my room na sobrang gulo. my pillows were on the floor and also the comforter and may nakita akong unfamiliar blanket, na nakafold. so natakot ako ng bongga diba. i asked kitchie if he noticed someone who went inside my room, maybe it was my brother, ang sagot niya " witchelsea kei nakayting mae quijano che, gumora akes sa nyusinabels chi umeernalyn kawti." so i was like okay, tapos nakita ko bumukas yung door ng cr ko. eh di sinilip ko then i saw this black man, as in nigga! yo yo yo! (natawa ko sa yo yo yo, nu ba yun!) he was wearing a white sando, nakalabas ang biceps at ang chest ummmm ulam ito- dinuguan! pero hindi siya gwapo so dinuguang hipon ito! tapos i was like shouting na "sino ka?" and sobrang hina ng boses ko. eh one of the reasons pa naman why i was shouting is to alert kitchie. tapos eh di sumugod na siya sa kin, lahat ng madampot ko, hinahagis ko sa kanya. tapos kinuha ko day yung glass na table top! panghampas. tapos si kitchie di ko na napansin kung ano yung mga hinahagis ni bakla! ahahaha! sa madaling salita lumaban kami! nasapak nga ata ako eh. tapos kakahampas ko sa kanya, napunta siya sa kitchen and then ang eksena parang action film na pakiramdaman kung ano ang susunod na move. naglakas nako ng loob, so i asked him, ano bang kailangan niya? then he answered that he was looking for a lamp daw. and i just remembered that a lady came into my house and gave me a lamp, as in like a magic lamp. (another fyi, bigla ko lang naalala na this lady and this infamous lamp was from my previous dream, di ko alam kung kailan, and it was like i should keep the lamp daw and not give it to anyone, baka kasi mamis-use or for evil whatever. ohhhkaaay?) so i hurriedly went to the place wherein i kept the lamp, and take note, itinago ko siya kasama ng mga bawang at sibuyas. (bakit nga ba?) tapos i threw the lamp to him. eh kesa naman magulo pa buhay ko diba, ibigay ko na kung ano yung gusto niya. tapos he said that he's gonna use it to get to someone ( this part was a bit unclear, basta babae ung pupuntahan niya) so naisip ko, the lamp is used to transport to another place. so madali akong lumabas ng house, eh baka masama ko eh! si kitchie naiwan sa loob. eh di pumasok ulit ang lola mo. tapos yung black guy, umakyat dun sa dining table, tapos si kitchie umakyat naman sa sofa. eh di ako umakyat din ako, dun ako sa lababo. eh i got curious na rin on how hes gonna use it. so i stayed at the lababo. and hinarang ko nalang yung oven, as like a protection to whatever might happen. baka may pagsabog diba? then the black guy started counting... one, two, three.... a gray smoke covered the area... and suddenly, i felt a strong cold wind gushing into my face. i got scared na, kasi bakit may wind, and i couldnt see anything because of the smoke. so slight aning-aningan portion na ang eksena ko dito. and then i noticed that i was already sitting on a cold sand.

so ayun.. sana may continuation, mukhang exciting!


Note: Natuwa talaga ako sa note ng kaibigan kong beki sa kanyang Facebook. Natawa ako dito. Pumayag naman siyang i-repost ko. Sana managinip siya ulet... Nabitin ako sa kwento. Ang dami kong tawa dito.

Dec 3, 2010

Friendly Reminder

EcoWaste issued 10 friendly reminders 
to help achieve a litter-free environment:



1. Set a good example, especially for kids, by not littering; discourage others from doing so by politely explaining the effects of littering.

2. Reduce your waste size, separate and reuse your discards, recycle the non-biodegradables and compost the organics.

3. Do not throw hazardous discards such as mercury-containing lamps into regular trash.

4. Do not leave your trash out by the road for collection.

5. Avoid using plastic bags and other single-use disposable items that only add to our mounting garbage; choose reusables.

6. Hold on to your rubbish such as bus tickets, food wrappers and cigarette filters, until you have found a waste bin.

7. Do not throw litter out of cars. Place a litter bag in your vehicle to collect your trash until a bin is available.

8. For chewing gum consumers: “You chew it, you must bin it.”

9. For smokers: “Don’t just drop cigarette butt, bin it.”

10. For pet owners: “Don’t give your dog a bad name, pick up after them.”




Credits to Google Image Search No Copyright Infringement Intended

Dec 2, 2010

EXCERPT

 NANG GUMILING GILING SI 
MANDONG BIGATIN 
(Excerpt)
    ni Hedel A. Cruz


            Naalala ko si Edna, kababata ko nga iyon, kapitbahay pa. Madalas kaming maglaro, kasama pa yung iba namaning kaibigan, sina Botchog, Tata, Macmac, Elsa, Ligaya at si Dante. Sa aming lahat si Edna ang pinaka matalino. Bibong bibo. Minsan ngang sumali ng pakontest ng piyesta. Nanalo pa. Magaling ding kumanta. Sa kanilang tatlo nila Elsa at Ligaya, si Edna yung pinaka maganda. Hindi naman magpapahuli yung dalawa, kaso tuwing may kontest talagang pang second at third lang silang dalawa. Sabay sabay kaming nakatapos ng Elementary. Nung Hayskul na, tumigil sila Botchog at Tata. Si Botchog, yung pinaka mataba (palaging talo sa habulan-taya) lumipat sa kabilang bayan. Mula nuon hindi na kami nakabalita sa kanya. Huling balita naging bakla na raw at may sariling parlor sa kabayanan. Biruin mo nga naman totoo pala yung hinala ko dati. Minsan kasing nagpunta kami sa sementeryo at todo ang kapit nya kay Dante.Siya ang pinakamalaki (literal na malaki kasi mataba sya) sya pa ang takot. Kaya tinatawag syang Balyenang Bakla. Pero nung minsan inasar namin syang bakla, nagalit at hinabol kami ng suntok at sipa, pero dahil nga mataba hindi rin kami mahabol. Kayat iiyak nalang sa isang sulok.

            Si Tata naman, naglayas sa kanila. Nung araw na naguwi ng panibagong nanay yung tatay nya. Ok naman sana kaso hindi pa patay yung tunay na nanay ni Tata. Ang totoo’y may sakit lang. Pirming nakahiga sa kama. Hindi makatayo, hindi din gaanong makapagsalita. Parang gulay kumbaga. Hindi yata kinaya ni Tata na makitang may ibang binabahay yung Tatay nya kahit nandun pa sa bahay yung Nanay nya. Anu nga ba naman ang magagawa ng hindi makakilos na Nanay nya. Kundi umiyak nalang sa higaan. Palusot ng tatay nya, Lalaki sya na may pangangailangan, at hindi iyon maibigay ng Nanay ni Tata dahil nga gulay na ito. Naglayas si Tata. Di nagtagal namatay yung Nanay nya. Hindi na sya nagbalik, kahit sa burol o libing ng Ina. At naging pormal na Happily ever after yung Tatay nya saka yung Babaeng inuwi nito. Huling balita namin, ay.... wala pala kaming balita. Sabi sabi lang, pero hindi kumpirmado. Napatay daw si Tata. Naging Holdaper kasi sa Maynila.

            Hindi ko narin napigilan ang sarili ko at ibinulalas ko narin ang tagalang pakay ko kay Mang Kanor. Dahil nga nakapag ahon na sya ng mga isda.

            “ Mang Kanor may kasama na ho ba kayo sa pag bihaye nyan sa Maynila?”

            “ Ah, eh bakit, gusto mo bang sumama? Meron na akong kasama, nang galing na yung anak ni Teban. Nauna nang nagpasabi. Nahiya naman ako dahil kumpare ko yung si Teban. Kaya siya ang kasama ko. Dapat nga sana ay hindi na ako magsasama, kaso medyo matanda narin ako, baka mabali ang balakang ko. Maliit lang din naman ang kaya kong ibigay dun sa bata. Napakataas kasi ng gasolina ngayon. Buti pa nung araw ang mga taga lungsod ang dumadayo dito. Pinagbigyan ko na yung bata kelangan daw pambili ng libro sa pasukan”

            Napaisip si Mando, mukhang hindi siya makakasama. Pero mabilis syang mag-isip. Sayang, kung sana ay nauna siya, kahit papaano ay may kikitain sya para sa kanyang pakay sa Maynila.

            “ Ganun po ba, sayang naman. Dapat pala ay maaga ako. Pero baka may pwesto pa sa jip nyo Mang Kanor”

            “ Aba’y bakit iho?”  

            “ Makikisabay nalang ako papuntang Maynila”

            “ Meron pa naman, kaso dun sa likod, sa tabi ng mga banyera, Ano ba ang gagawin mo sa Maynila, sino naman ang tutunguhin mo duon. Wag mong sabihing may nobya ka duon, dyaskeng bata to. Ke bata bata mo ba may nobya ka na”

            “ Wala po, may pupuntahan lang ako duon”

            “ Ahh, sige, pero dun ka sa likuran. Mabuti narin at may magbabantay sa likod ng jip, pero wala akong maipapakain sa iyo, sa Maynila ko pa kasi makukuha yung bayad sa mga isda.”

            “ Sige po, magbabaon nalang ako. May mga kamote pa naman sa likod bahay namin.”

            “ Mabuti sige damihan mo ha”, sabay tawa ng matanda.

            Ilang sandali pa ay tumungo na ako sa ibang mga bahay para kumuha ng pakain ng baboy sa ibang bahay. Madami yung nakuha ko kila Mang Kanor,  halos mapuno yung isang timbang dala ko. Isang timba pa ang dapat kong punuin.  Napadaan ako sa Bahay nila Edna, tulad ng dati naroon sya sa bahay nila. Isang malaking bahay pero hindi tapos. Nandun sya sa veranda, sa likod nya ay mga tagpi tagping pintura ng dingding. Malayo ang tingin nya. Tulad ng dati.

            Sa tapat ng bahay nila nandun parin yung Puno ng Acacia. Dun kung saan kami palaging naglalaro, talagang napakanda ni Edna. Sobrang ganda. Sa buong bayan kakaunti lang ang nakatungtong ng magandang kolehiyo. Swerte na nga kung kahit hagdan masilayan mo. Sabay sabay kaming grumadweyt ng Hayskul, si Edna, Elsa, MacMac, Dante at Ligaya. Si Ligaya at Elsa sumali nang kontest nung Piyesta, nung araw na wala si Edna, kasi  nga ay nagaaral sa Maynila. Laking tuwa nila dahil ngayon baka sakaling isa na sa kanila ang manalo. Nanalo nga si Ligaya, pangalawa si Elsa. Inampalan nuon si Meyor. Mukahang nabighani kay Ligaya. Kaya ayun, binahay. Naging dakilang kabit sa Edad na disisyete. Nung una ay maayos naman. Kaso nung mabuntis, at natalo si Meyor nung eleksyon parang bula naring naglaho ang kaligayahan ni Ligaya. Nagpunta ng Maynila para mabuhay yung anak nya. Ayun naging puta, at may bago na syang pangalan, JOY. Ganun din kaya ang nararamdaman nya sa gabi gabing pag giling sa club?

            Si Elsa, nakatungtong din ng Maynila. Sales Lady sya ngayon sa supermarket.

            Pero Hindi naman puro kalungkutan ang nangyari sa amin. Maganda naman kahit papaano ang nangyari kila Dante at MacMac. Dahil nga hindi na nagiging maganda ang ani ng baryo marami sa mga tao dito kung hindi magpupunta sa Maynila mag-aabroad. Yung Tatay ni MacMac naging welder sa Saudi. Yung Nanay naman ni Dante naging DH sa Hongkong. Talaga naman nauso ang pag-alis sa baryo nang humina ang ani. Naging maganda rin naman ang kinahinatnan nito. Lumaki ang mga bahay. Naging mga bato.  Nagkaroon ng mga sasakyan. Mas dumami ang mga awto kesa sa mga kalabaw, baboy at kambing dito. Kayat kahit papaano ay napilitan yung meyor dati na ipasimento ang daan. Tuwing may uuwing galing ibang bansa akala mo laging piyesta. Lahat ng nag-abroad masaya. Pero hindi sila Edna.

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

Dec 1, 2010

SANAYSAY
ni HEDEL A. CRUZ

Kapag Haharap ka sa kalaban o 
anu mang pagsubok sa buhay.
Wag Mong iisiping matapang ka.

Isipin Mo Duwag ka.
Dahil Kapag Duwag Ka.
Saka Mo Nailalabas ang Tunay
Mong Katapangan.

Dahil Madalas.
KApag NMauuna Ang Tapang.
Nasasamahan ito ng Kahambugan.
At Ang Kayabangan.
Madalas Nagbibigay lng ng mga Maling DESISYON.
----------------------------------------------------
-