Nov 12, 2010

SALAMAT sa NU107

SALAMAT NU107


Flashback 3 Years Ago....

Isang araw habang nasa kwarto ako ng inuupahang bahay/tindahan ng tinapay. Nang tumunog ang aking cellphone. Isang text mula sa isang hindi kilalang numero. Hindi ko na matandaan ang mga eksaktong salita o texto. pero parang ganito iyon. "Please confirm , for this coming photo-shoot for the NU Rock Awards". Akala ko noong una isang joke o isang honest wrongsent lamang. Binura ko ang text. Tapos napaisip.. Wow ayus, Rock Arwards, Siguro akala ako si Pepe Smith o kaya si Eli Buendia. Binale-wala ko ang text na iyon. Tumingala at napatunganga, balik sa mga normal na ginawaga. Bumalik sa mundo ng pangarap, habang nangungulangot. Sumagi sa isip ko, wow saya siguro maging sikat, maging isang rakista. Isang musikero.. Makatanggap ng mga text na ganito para sa isang photoshoot.

Ang NU107

Kapag sinabing Rock Awards, dalawang bagay lang unang papasok sa isipan ng tao. Si Atom Henares, at ang Radio Station na NU107. Sikat si Atom, hindi lang dahil sa dati niyang asawa ang sikat ding si Vicky Belo. Kundi siya ang isa sa mga nagtatag ng NU107. Ang istasyong hindi lang nagbigay sa atin ng pinoy rock kundi naging institusyon din ng Pinoy Music. Taong 1987 kasama ni Henares sina Mike Pedro at Chris Hermosisima itinatag ang NU107 na nagsimulang magpatugtog at sumabay sa New Wave na siyang uso ng mga panahong iyon. May bali-balitang na isang dahilan kung kaya daw naitatag ang NU dahil kay Vicky Belo.   Ayon sa mga kwento, mahilig daw si Vicky Belo sa mga DJ at para mapasagot siya ni Henares. Sinabi nitong magtatayo ito ng Radio Station isang araw. At ayun na nga naitayo ang NU at naging mag-asawa sila. Na kinalaunan ay nagkahiwalay din ng mapayapa. (kung may isang bagay o dahilan na matutuwa ako kay Vicky  Belo ay eto yun , ang pagkabuo ng NU107.5 saka yung pagreretoke nya sa mga chicks para lalo pa maging sexy). Hindi man nagpatuloy ang love story nila Henares at Belo. Nagpatuloy parin ang NU107.5 para maging isang haligi ng Musikang Pilipino.

Flaskback Ulet....

At ayun na nga hindi ko pinansin ang text message na natanggap ko, ngunit kinabukasan nagtext ulet ito, na syang aking lubos na pinagtaka. Hindi ko parin ito pinansin. Pag dating ng hapon, mula sa eskwela muli itong nagtext sa akin. Lubos na talaga akong nagtaka, hindi ko alam kung honest mistake lang na magkamukha ang numero ko sa numero ng isang sikat na musikero o talagang nantritrip lang ang taong nagtetext na ito. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, malapet na akong mabagot. Kayat kasama ang buong lakas ng mga daliri at kapal ng mukha at budhi, nagreply na din ako... "Is this a Hoax? If it is, Its not funny". Mabilis namang nagreply ang numro. Na lubos kong ikinagalak. Hindi ito yung eksaktong text pero medyo ganito yun. "This is not a Hoax, (binanggit nya ang kanyang pangalan, na nakalimutan ko na ngayon) we are looking for people who are 20yrs old for an article for this coming NU107 Rock Awards 2007. We found your files and info from (pangalan ng dating sinalihan ko). Mula dito ngumiti ako na parang aso. Tinext niya muli ang address na dapat kong puntahan kinabukasan. At duon nagkaroon ako ng munting alaala mula sa NU.

Alam ko ang NU Rock Awards. Alam ko din ang istasyon. Kahit pa parehong taon kami nabuhay at ipinanganak at late highschool ko lang ito nadiskubre (dahil wala kami radyong malupet noong bata ako, kaya hindi  masagap ang NU, saka mas madalas mga multiplex at carpenters ang paborito ni inay) masasabi kong naging isang malaking parte din ng buhay ko ang pakikinig sa istasyong ito. Bilang isang musmos na bata na wala masyadong luho sa buhay, ipinanganak sa Marikina ngunit nabuhay sa Antipolo, sa isang barrio na kung saan inabot ng 19 years bago masimento ang kalsada. Simpleng buhay at simpleng bata ako. Na inuuna ang pag-aaral at pagkaweirdo ng utak ko kesa sa musika. Deprived ako nung bata ako. Walang laruang magara maliban sa mga balat ng kendi, tirador, tansan, pog at sirang bike. Deprived din ako sa mga uso sa mundo. Nung pumasok ako sa kolehiyo mas lumalim ang pakikinig ko sa NU. Sa mga kwento at bida ng mga kaibigan ko, nakilala ko ng lubusan ang NU. Nangarap makapunta ng Rock Awards (na lubos kong ikinalulungkot dahil hindi ako nakapunta sa kahit isang rock awards) at kahit paano nangarap din ako sumikat at makatugtog dito. Sa totoo hindi para makatugtog, kundi magperform. Noong kolehiyo nagbukas sakin ang isang oportunidad at pangarap. Dahil sa pagkahumaling ko at mga kaibigan ko sa musika, nagtayo kami ng isang banda. Isang pangarap na akala ko ay magtutuloy tuloy. Nagsisimula. Parang hakbang ng baby. Paunti unti, hinihintay na tumakbo at lumipad kasama ang mga pangarap ko. Naging laman din kami ng mga mga event nuong kolehiyo. At OO dahil ako pinakamakapal mukha. Ako yung kumakanta. Bokalista. Kahit may stage takot talaga ako. Sige padin. Kahit minsan sumasablay. Pero lahat ng ito nagbago mula nung nagbreak kami ng drummer namin (naging gelpren ko yung drummer namin at OO babae sya, baka kung anu isipin mo).  Lalo pang nawalan ng gana ng lumipat ako ng kurso. Nagkaroon ng iba't ibang grupo ang mga dating ka-banda ko. Yung mga pangarap namin. Unti unting nawala. Naibaling narin ang atensyon ko sa pagsasayaw (dahil kailangan ko ng iskolarship). At duon nagtapos pansamantala ang pangarap kong maging musikero. Natapos man ang pangarap ko. Hindi naman nawala ang hilig ko. At ang NU ang kahit papaano ang bumubuo ng mga piraso ito. Nabubuhay sa kawalan at panaginip, habang nakikinig sa mga tugtog nito. Iniimagine ko na ako yun, sana ako yun. 

Ang Text Mensahe

Hindi na nga ako nagtaka na tunay at hindi biro ang text na natanggap ko. Sigurado na ako. Dahil wala namang ibang nakakaalam nang kahibangan ko. Totoong natapos ang mga pangarap ko sa Musika noong lumipat ako ng kurso nung 2nd year ako. Pero pansamantala itong nagbalik noong 3rd year. Isang simpleng biruan, muntik magkatotoo. Kasama ang mga bagong kaibigan nagtayo muli ng isang banda. Acoustic naman. Pumasa sa audition sa tulong narin ng ilang kaibigan. Regular na sana ang Gig sa Dampa sa Quezon Ave. Pero nagkatamaran. Ngunit dumating ang isang hindi inaasahang pagkakataon. Umalis si Rico Blanco sa Rivermaya. At ayun ang mga natirang miyembro, naghanap ng bagong bokalista,songwriter,at kung anu ano pa. Na hindi ko naman pinalampas. Sabi ko subok lang, baka makatsamba. Kaya isang araw, umabsent ako sa klase at dumiretso sa UP. Isang building sa Unibersidad ng Pilipinas. Nakita ko ang mga natirang miyembro ng Rivermaya. kakaiba yung experience na iyon. First time sa buhay ko na gumawa ako ng kaweirdohan na mag-isa. Kayat kahit walang kakilala at batang naive sa mundo. Sige ako. Nakapasa naman ako sa unang stage. Tapos ayan na second stage na. Di ko alam na may mga camera pala. Ayun naunahan ng kaba. Humarap ako sa manager ng Rivermaya (na ngayon at kinasuhan nila ng estafa) at si Francis Brew ng The Dawn. Todo kaba. Kumanta. Sabi ni Francis Oks naman daw ang pagkanta kaso mukhang kabado pa. Sa huli hindi ako umabot sa 3rd stage pero oks nadin. What a experience. Masaya oks lang. Doon sinabi ko sa sarili ko gagalingan ko pa (ang sabi kasi sa komersyal naghahanap din sila ng songwriter, yun pinunta ko dun eh, pero pinakanta ako, kala ko pwede itula nalang. hindi pala) gagalingan ko pa para makagawa ng mga malupet na kanta, o baka sakali maging isang magaling na manganganta. At eto na nga ang dahilan kung pano nila nakuha ang number ko, mula sa files ng RiverMaya.

Isang Araw sa Julia Vargas

At ayun na nga sure ako na hindi Hoax yung text message. Dahil konti langang may alam na sumali ako dun sa contest ng Rivermaya. At siguro wala naman magtyatyaga na papuntahin ako sa isnag lugar, para kidnapin ako o kung ano pa man dahil isa ng tipikal na Urban Poor ako. Nakuha nila ang files ko mula sa contest ng Rivermaya. At kailangan daw nila ng mga nilalang na may edad na 20 years old, para sa isang artikulo tungkol sa NU107.5, dala ang isang gusgusing cellphone kung saan nakalagay ang address, unang beses kong pumunta sa Julia Vargas. Maulan ang araw na iyon at muntik na ako magkandaligaw-ligaw, salamat sa mga gwardiyang mababait na pinagtanungan ko. Inabot ko din ang Istasyon ng NU. Ako ang pangalawang taong dumating. Nandun yung manager ng Rivermaya (na ngayon at kinasuhan nila ng estafa) Mga ilang minuto pa, dumating na ang ibang mapapalad na nilalang na kasama sa artikulo. Wow, ang swerte ko, ito ang sumagi sa isip ko ng mga oras na iyon. Siguradong matutuwa ang nanay ko kapag nakita nya ako sa Dyaryo. Doon na sinabi sa amin na gagawa ng article si Tim Yap, sa kanyang column sa Philippine Star. Para nga sa NU Rock Awards. Ilang minuto pa, nakadungaw ako sa bintana, akala ko dadating si Tim Yap, para isa isa kaming tanungin. Hindi pala. Binigyan kami ng 2 pahinang questionnaire na aming dapat sagutan. Habang sinasagutan, nabaling ang tingin ko sa ibang nandoon. Kakaiba ang pakiramdam. Lahat ata sila Rich Kid. Halata ko sa pananamit nila at pananalita. Nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko ang ilang lalaki na nandoon rin sa sulok at mukahang di nakikihalubilo sa mga Rich Kid (pero hindi ko din sila nakilala sa bilis ng mga pangyayari at sa pagsagot ko sa mga tanong sa papel). Ako suot ang fitted na longslibs ( na hindi na kasya sakin ngayon ) ay tahimik lang sa sulok. Maya maya pa lumabas si Idol Francis Brew dala ang isang SLR Camera. Kinunan kami ng larawan. Isa-isa ang pagkuha ng larawan, na nakaayon sa oras ng iyong pagdating. Ako ang pangalawa. Pagkatapos ng piktyuran akala ko oks na. May libre palang meryenda. Ang Sarap ng Pizza pero di ko na nagawang mag-take two. Bukod sa nahihiya ako, dumidilim narin at malakas ang ulan sa labas. Kayat nang humina ito. Nagpaalam na ako sa kanila. Dalawang araw ang lumipas, nagtext muli yung numero, sinabing lumabas na ang artikulo ni Tim Yap sa Phil Star, sa SUPREME Section. May pamagat na " Atom Henares is 20 Years Old ". Akala ko may libreng passes sa Rock Awards. Medyo nalungkot din yung babaeng chicks na nagtetext mula sa NU. Pasensya na daw, akala nya din may libreng passes. 

At iyan na nga ang munti kong alaala sa NU. 


Paalam NU....

Ilang araw na nga ang nakakalipas. Ilang minuto bago mag alas-dose ng hating gabi, Nobyembre 8, 2010. Kasabay ng mga nakasinding 107 kandila sa labas at mga nagiiyakan at malulungkot na DJ at fans na walang sawang sumusuporta. Nagpaalam na ang NU107. Corporate issue daw and dahilan. After 23 years at 17 Rock Awards narinig ng sambayahan ang pagpapaalam ng isang Radio Station na naging bahagi na ng Buhay at Musikang Pilipino. Kakaiba ang NU sa lahat ng istasyon, mula ng ipasa ni President Cory ang isang batas na nagrerequire sa mga istasyon na magpatugtog ng 3 oras na OPM o Original Pilipino Music, ang NU ang isa sa nauna at naging daan para mabigyan ng pagkakataon at makilala ang mga sikat na banda ngayon. Hindi lang naging istasyon ang NU kundi isang Haligi ng Musikang Pilipino. Nov. 8, 2010 ay isang petsa na habang buhay na tatatak sa aking alaala. Ito ang araw na huli kong narinig sa ere ang NU. Sa araw na ito nagbalik ang mga alaala, pangarap at panaginip. Sinabi ko noon, noong hindi ako pumasa sa Rivermaya contest, balang araw makakapasok din ako sa industriyang ito, nangarap na isang araw makikita ko ulet si Francis Brew, makaakyat sa Rock Awards at tumanggap ng award. At sasabihing salamat, sinunod ko ang payo mo na magpraktis pa ng todo. Pero hindi na mangyayari iyon. Dahil wala nang NU at wala nang Rock Awards. Maaring pansamantala lang ang pagkawala ng istasyong 107.5 sa ere. Pero pagbalik nito alam nating iba na. Iba na ang pakiramdam. Oo nga at babalik ito, sa ibang format (magiging Win Radio na daw), kelangan nila ito para maisalba ng kumpanya at dumami ang audience share. Pero sa mga taong tulad ko at mga nilalang na hinulma at nabuhay sa mga musika ng NU. Ang NU ay NU period. Wala nang iba pang makakapantay o papalit sa tatak na iniwan ng Home of NU Rock. Umaasa ako na ang kapalit nito ay mas maganda. Pero iba padin talaga ang NU. Hindi ko ikinahihiyang sabihin na talagang napaluha ako sa mga huling sandali ng NU. Lalo na nunng nagsalita si Hermosisima at tumugtog ang Huling El Bimbo ng Eraserheads. Sa taong ito nasilayan natin ang Pagtatapos ng isang ERA, pagpapaalam ng isang alamat at haligi. Isang Institusyon ng Musikang Pilipino. Kailan man, hindi mawawala ang NU sa puso ng bawat musikero at mga fan na katulad ko. Kailan man hindi ito makakalimutan. Tuloy lang ang agos ng buhay. Matapos man ang pamamayagpag ng NU at mapalitan ng iba (na siyang dapat patuloy suportahan ng bawat isa), alam kong patuloy parin ang musikang Pilipino. Mawala man ang Home of NU Rock.  Mawala man ang Rock Awards, katulad ng buhay kailangan nating magpatuloy. We should continue Rocking On..... Ito ang aking huling saludo sa iyo NU107, ito ang huling pagpupugay. Salamat sa NU, salamat sa mga taong naging bahagi ka at naging daan ka para mabuo ang isang tulad ko, sa pamamagitan ng iyong musika. Salamat.  

NU Signs Off with Cris Hermosisima and Eraserheads' Huling El Bimbo as its Final Song 




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 11, 2010

SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERISTY SA PDEA








SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY SA PDEA
(sinulat taong 2009,Enero)


Whoot...Sikat nanaman ang aking minamahal na Paaralan. 
ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

Last Few Days. Nasa News ang Beloved Alma Matter ko.Dahil sa mga salot na pusher ng Alabang.Naglabasan ang iba pang mukha ng Drugs at ang iba pang issue kasama nito

Alam naman natin na talamak ito sa bansa at hindi maikakaila na durugista na ang mga bata ngayon na kahit 12 years old gumagamit na.

Sa balita na inilabas ng PDEA at ng secret agent na si alyas Alpha. Talamak daw ang bentahan at pag gamit ng Salot na drugs sa ilang mga kilalang anak ng Pulitiko, artista at ilang mayayamang pamilya.Yung common type ng mga rich Kid Turned addicts. Hindi na siguro kakaiba ito.At sanay na tayo dito. Sino bang hindi? Pero kakabit nito ang nakakabahalang pangyayari sa Pinas. What Went wrong Kid? who's your daddy and mommy. Matakot ka kung sumagot syang. "Yeah men,they're my pot session buddies"

Pero iba talagaang dating ng balita lalo na pag mamayaman at mga laking aircon ang sangkot. Tipikal kasi sa isipan natin na pag skwater at mga urban poor ang mga adik at salot. Pero pag bigtime. Whooot... Iba effect. Siguro kasi. Alam naman nating lahat na pag Laking Aircon ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo. Magandang bahay, mahal at magandang skul. Pero kaiba dahil kapag nagkahulihan na , kilala ang mga mayayaman sa pagiging  maimpluwensya. Madalas lusot sa kaso.

Ayan na ngang inamin ng isa sa mga Magulang na adik yung isa sa Alabang. May term pa na "social user". What the? Mas adik pa ata yung tatay. Alam pala na gumagamit si anak. Pinapalusot dahil social user naman daw. ANO raw? Social user? Ganun ba yun? parang alak lang. parang gin na inalok na tagay at napilitan kang inumin sa ngalan ng pakikisama. eh diba dun nagsisimula ang pagka adik. Sa pakonti konti...

Pero ito talaga topic ko. Ayaw ko maki alam jan sa Alabang Boys. Mamaya may magalit pang mga RK at RP sa akin. (rich kid at rich people)

Isa sa mga siniwalat ni Alyas Alpha sa media ang ilang mga club at skul na talamak daw ang pag gamit at pagbenta ng drugs. Isa sa mga nabanggit na bars ay ang Embassy (na sarado na ata ngayon pero pinaltan lang ang pangalan at Warehouse 135) Hind naman ako nagtataka dito. 

Hindi na uso ang shabu....Sure ako dun (pero di ako adik) mataas na kasi ang presyo nito.Dahil sa sunod sunod na raid ng Magigiting na PDEA.(pero para maging mura dito na ginagawa ang drugs, para nga naman tipid sa shipment at kotong mula sa mga buwaya sa customs na nagpapalusot dito)

Pero kumag lang talaga dahil parang nasasayang ang kagitingan ng PDEA, dahil pagdating sa pagsampa ng kaso. Nabubulilyaso. Madalas Dissmiss. Technicality daw. Minsan dahil sa maling pagaresto.

Mga ulol ba sila.The fact na nahuli sila. Is enough to put them in jail.madedessmiss yung kaso dahil sa technicality, pbakit hindi ba pwedeng kasuhan dahil sa drugs, tapos kung nagkamali man sa aresto, ibang kaso na laban sa mga arresting officers iyon. Hindi yung makakalaya yung addict dahil sa lapses ng umaresto... another loophole sa batas. tkk
Dapat talaga IBALIK ANG FIRING SQUAD NA HATOL SA MGA ADIK AT PUSHER.

Pero eto na talaga topic ko.

Kasama sa mga skul na nabanggit ni alyas Alpha ang SAN BEDA at CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY.

Hindi sa pinagtatanggol ko ang Mahal kong Paaralan. Pero sa tagal ko sa CEnTro
Wala ako alam na gumagamit sa vicinity nito (o baka dahil mababait ang mga naging kaibigan ko, at ang tambayan ko yung garden sa Lanai at hindi sa mga billiard hall tulad ng S5 at Jam. 

At sa dinami dami ng kilala ko sa centro Na almost half ng populasyon. Wala ako kilala na gumagamit o nagbebenta. (o baka mukha akong sumbungero at walang pera kaya ayaw nila ako alukin)

Sa tingin ko... Hindi naman talaga dapat naka specify na galing sa anumang skul na nabanggit ang mga pusher at adik.Hindi sa pagmamalinis pero. Lahat naman ng skul sa pinas may adik at durugista.Mabuti narin na nabanggit ito ng PDEA.PAra sa ngayon ay makagawa ng tamang hakbang ang Centro at Beda sa issue na ito. 

DRUG TESTING before enrollment.Yun ang dapat..

Pero since hindi naman nabanggit ng PDEA na sa loob mismo ng Centro nanggagaling at ginagawa ang Bentahan.

Maari pero MALAMANG din na HINDI MGA TAGA CENTRO IYON.Madalas daw sa "ParKing Area" nagaganap ang bentahan. AT SA HINABA HABA ng Kalye ng MENDIOLA. HOW SURE SILA NA TAGA CEU yun. FREE ang lahat na MAGPARK SA MENDIOLA. (may bayad nga pala sa mga parking boys at girls)At marahil ito lang ang ginagawang bentahan. Since hindi naman nabanggit na sa loob ng Centro ito nangyayari. Dapat Pagtuunan ng pansin ng mga skul ang sinasabing bentahan ng drugs sa paligid nila. Maaaring May mga Taga Centro at Mga taga Beda nga.

Pero tingin ko maliit na numero lang ito at sa dinami dami ng gangs at grupo na madalas na nagaaway sa mendiola. Marahil ito ang mga salarin at nadadamay ang mga estudyante na nakapaligid dito.

(sa totoo lang kahit sabihing mahal ang tuition sa CEU , Semi Urban Poor Parin mga estudyante dito, kaya maliit ang chance na bumili pa sila ng drugs. Sa Pagkain palang sa canteen na mahal nagrereklamo na at sa pagpapalit sa nawawalang TRC at COM naghihinanakit na pag magbabayad. Tingin ko dehins na sila attracted sa drugs. (maliban na lang sa mga rich kid talaga na bumagsak sa mendiola dahil di na sila tinatanggap sa mga Mamahaling Skul. HEHEHE)

AT saka nga pala. Saka nga pala...

AY titigil na pala ako.Baka boljakin pa ako ng skul...

Mahal Ko Padin ang CEU.

LETS BE HAPPY CENTRO PEOPLE.
AT LEAST WALA TAYONG HAZING. (sana wala nga)

AT ANG GIRLS LOG BOOK o ALBUM (yung sinasabing escort service) ay hindi ko "NAPATOTOHANAN" na may ganoon nga! kahit ilang beses ko na itong hinanap nung malaki laki ang nakick back ko kay inay at itay... hehe (style lang yun ng mga profesional prosti na nagsusuot ng uniform ng estudyante. Para lumaki ang Value sa customer).

SA MGA TAGA CENTRO.. MAHALIN ANG SKUL...

AT HUWAG NA HUWAG NANG MAG-ADIK!!!
KUNG MAY ADIK MAN AT NAGBEBENTA NG DRUGS SA CEU.

ETO LANG ANG MASASABI KO.
MAHAL KAYO NG MAGULANG NYO.
MAHALIN NYO RIN SILA
WAG NYO SIRAIN BUHAY NYO.

AT KUNG HINDI NAMAN KAYO MAHAL NG MAGULANG NYO
KAYA KAYO NAGKAKA-GANYAN.
MAHALIN NYO ANG SARILI NYO.
AT WAG NYONG SIRAIN ANG BUHAY NYO!!!
AT PATUNAYAN NYONG IBA KAYO SA KANILA..

AMEN!


--------


Nakita ko sa Web. May CEU din sa Hungary
Central European University :)
Look at their tag line.... 
"YOUR FUTURE BEGINS HERE"



Parang parehas dito....
"LIFE HAPPENS HERE"

(sikat na si Bern ngayon, GO BEKIMON!)
(namiss ko si Michael Cruz dito, tol salamat seatmate sa Rizal Subject, summer 2007)
Musta ka jan sa Langit Bro...?

Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended

Nov 10, 2010

Siguro o Sigurado

Siguro o Sigurado
ni Hedel A. Cruz



Siguro nakulong lang ako.
Sa sarili kong Rehas
Sa mga pamantayan Niyang
Pilit hinahanap sa Iba.

Sa mga bagay na nasa kanya.
Hindi Siya perpekto.
Ngunit bakit Ba?
Ang Katulad niya ang nais kong Makita?

Sadya bang ang mga mata at puso
Sa kanya lamang napukaw?
Tuwing may ipapakilala
Ako kay Inay o Itay

O kahit sa mga kaibigan.
Siya parin ang hinahanap.
Wangis niya ang pamantayan.
Siya ang laging batayan.

Minsan Nakakasawa na.
Makinig sa madla at iba.
Siguro nga itong kahinayangan.
Ang kanyang Pagkawala

Siguro mali sila.
Siguro mali ako.

Pero isa lang ang sigurado ako!
Na hindi kailangan ang tulad
O higit sa kanya.

Dahil ang kailangan ko ngayon.
Ay ang Bagong ako.
Higit sa kung ano ako noon.
Malayo sa miserableng Buhay ko ngayon.


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 9, 2010

Pasinaya 2010: Cultural Center of the Philippines

PASINAYA 2010
Cultural Center of the Philippines


Video: Courtesy of BahayKwentista : Youtube



Nakalimutan ko na kung anong grupo ito. 
Di ko tinandaan nung kunuhuhaan ko ng bidyo.
TP yata o Bayanihan. Pasensya na hindi ko sigurado...
Galing ng Pinoy Yeah.


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 8, 2010

Torpe

TORPE
ni Hedel Cruz


Ilang beses ko nang gustong lumapit sayo
Ngunit parang nalulunod ako
Sa sarili kong laway di ako makapalag
BuBukas palang ang bibig puno ng bagabag

Siguro nagtataka ka, kung bakit sa iba
ako ay masaya, palaging nakangiti at
tumatawa. Ganun lang ako, wag kang
magalala sayo kasi ako ay torpe na.

Natuwa ako nung sinabi mo.
maganda yung long sleeves na suot suot
ko. Sana naging Long-sleeves nalang ako
baka sakali araw araw mapansin mo.

Di ko inakala na sa pagkakataon pa.
Kahit ang Jeepney Ride ay kay saya.
Yun na siguro ang pinaka maikli.
Pero ang saya sa puso ay namumutawi.

Di ako makapagsalita kapag nariyan ka.
Feeling ko kasi maasar ka. Mukhang di
ka sanay sa mga biro ko at patawa.
Kaya hanggang sulyap at tingin ako'y masaya na.

Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Sa pagsasayaw ata ng Lanceros ako'y nabahala. 
Yun ang unang ikay nakapareha.
Ngayon ninanais na habang buhay na..

Ngunit ngayon hanggang tingin nalang..
Ayoko kasing masaktan pa..
Sugat ng puso'y naghihilom na.
Sana pagkatapos nariyan ka pa.

Lecheng Pagibig ako ay suko na.
Isang malaking ilusyon iyon ang
napintaha. Ewan.. Basta... Mahal na
talaga ata kita.. Baka bukas ay makaya ko na.

Pero ngayon hanggang di ko pa kaya.
sanay hayaan mo nalang na ako ay ibigin ka. 
Kahit sa malayo palaging nakatanaw.
Sana malaman mo sa puso ko ngayon ikaw ang pumukaw. 


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

Nov 7, 2010

Santa Kwentista

Si Santa at Ang Kwentista


                 Halina at samahan ang ating Kwentista, sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan at kakaibang kabataan. Ang kanyang mga katanungan kung Totoo ba si Santa? Ang kanyang matiyagang paghihintay kay Santa. Ang mga kending lumalabas sa medyas na isinabit sa bintana. Ang mga Aguinaldong sabi ni Inay ay itatago nya muna (na hanggang ngayon hindi na nakita). Ang mga pangarap at hiling ng batang kwentista kay Santa. Ang mga reindeer na ayaw sa TB at mga dwendeng nanginginig sa Lamig. 


                    Ikaw ano ang ala-ala mo kay Santa? Nakita mo na ba siya? Anong Hiling mo sa kanya? Anong regalo ang natanggap mo? Tinago din ba ng magulang mo ang iyong mga aguinaldo? Sino payborit TITO/TITA o Ninong/Ninang mo? 

Nov 5, 2010

Walang Pamagat

Walang Pamagat 
ni Hedel Cruz



Tulad ng isang hangin na hindi makita
Nakabalot sa walang hanggang pangarap.
Ang bawat sandaling hindi mahagilap
Nag-aabang, nagkukumahog na aking malasap.

Lamyos ng iyong tingin. 
Nakasusulasok sa aking Damdamin.
Hindi masilayan.
Isa kang sinag na hindi mahawakan.

Hindi ko maintindihan, saan nga ba nagmula.
Ang damdaming hindi naman maaring isakatuparan.
Tanging iniisip ay ang ikaw ay makitang muli.
Paano ba ipasasang-tabi ang bangungot ng huling sandali.

Ito ang aking Diwa, Ito ang aking Panaghoy.
Isang Tulang Walang Pamagat.
Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat.
Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat.

Sa simula ng pagsanaysay. Pilit na Linalakbay.
Saan nga ba mahahagilap.
Ang isang Tulang Walang Pamagat.
Tulad ng Isang Sinag, Hindi lubos Ilapat.

Ang Bawat salitang Lumalabas, tulad ng Ulan, pumapatak.
Sa klalaiman ng Gabi. Pawis ay Tumatagaktak.
Dumating na nga ba ang Tamang Oras.
Na sa iyo ay Ilabas.

Ito ang Aking Panaghoy
Isang Tulang Walang Pamagat.
Dulot ang Isang Walang Hanggang Sugat.
Paano ba Itutula. Isang Tulang Walang Pamagat

Balang Araw maitutula rin. Ang aking nararamdaman.
Lubos na pagsinta at pagmamahal.
Habang Hindi Pa Makakaya.
Ito muna ang isang Tulang Walang Pamagat. 


Image by: Hedel Cruz

Nov 4, 2010

Balat Sibuyas at Sorry ni Lee Da Hae

PINOY BALAT SIBUYAS?


Matapos ang pagkahaba habang diskusyon at 60,000 views. Nakarating narin kay Lee DaHae ang pagkaburyong ng madaming Pinoy. Noypi na gusto ata magkaroon ng rebolusyon. Mga akala mo kung sinong matatapang na pinoy na gusto ata makipag-gyera sa Korea. Matapang nga ba? o sa salita lang? Siguro dahil alam nilang magaling ang Manila SWAT. Kaya malakas loob. Eh, panu kung kalabitin ng South ang North.. May laban kaya tayo kay Kim Jong Il?  Baka isang testing lang ng mga rocket na kahit ang America ay inis na inis. Magtago tayo sa BuS at magdasal ng panibagong Quirino Grandstand.  

Humingi na ng paumanhin si Lee Da Hae, para maghunos-dili ang mga atat at war freak na Pinoy dahil sa pagkadismaya nila sa mga salitang nabanggit o yung panggagaya ni Lee DaHae sa Accent ng Pinoy, partukular sa mga english teacher sa isang Talkshow sa Korea. Syempre may paliwanag sya. O palusot para dito. Hindi nya daw naalala na may sinabi syang Pilipinas.. OO nga at wala syang sinabi. Ibig sabihin ba yung Host na naka V-neck na nagtanong sa kanya o nagsabi sa kanya na "How about the teachers in the Philippines say it?" ang may pakana ng lahat at dapat talagang bugbugin ni Juan? Naibaling din nya ang sisi sa producer sa paglalagay ng subtitle at flag na wala daw siyang kinalaman.



Eto ang Kabuuan ng Paliwanag ni Lee DaHae:

"First, I'd like to give you my sincere apologies for what seems to be a misunderstanding.

"It has come to my attention that many of you from the Philippines have posted comments protesting that i was being derisive by mimicking Filipinos when they speak English.

"Therefore, in light of this matter I'd like to take this opportunity to clear the air.

"In spite of what many people believe, I myself did NOT mention anything about the Philippines or Filipino accent whilst on the TV show.

"On the other hand, I recall bringing up Southeast Asia and not the Philippines, and the subtitles were inserted when the show was being edited, of which I was not aware of until it was aired.

"The TV show where this footage was taken from was designed to amuse its audience and my sole purpose was to entertain the viewers by coming up with lighthearted stories.

"Since the producer knows that i speak English he asked me if I could share any episodes that touch upon the English language.

"As we all know every country has a typical accent when its people speak English (including myself) so after giving it some thought, I came up with a few lines where I simply tried to compare different English accents: the somewhat rigid British accent and beginners in Southeast Asia whose English tends to be a little hard-edged. No pun or ridicule was intended.

"As an individual who used to take English classes over the phone with a Filipino instructor, I give you my word that even the mere thought of mocking Filipinos would never cross my mind.

"I cannot tell you how much Filipino fans mean to me and as much as I love them, I would in no way hurt or upset them.

"I hope I have clarified any misunderstandings and once again I am truly sorry if I inadvertently hurt anyone's feelings.

"i really love you, my Filipino fans."

NOTE: Nakuha ang Paliwanag nya mula sa kanyang Twitter...

DAGDAG:


Matapos ang mahabang research at pagpupumilit maintindihan ang Korean Language:
Sa wakas nantindihan ko din ang ilang mga pangyayari sa kabuuan o parte ng KBS Show. Na pinagmulan ng kontrobersya:


Host:
"What about the Filipino teachers'? Or Southeast Asians' (accent)?


Lee Da Hae:
"Southeast Asians' pronunciation is kind of like this...


--- Maari ngang nabanggit ang Pilipinas at pinakita pa ang ating bandila. At marahil hindi nya intensyon na insultuhin ang Pinas, dahil specifically sinabi nya na South East Asian. Ganun ba ka war-freak ang Pinoy at kahit hindi naintindihan ang lahat maghahamon ng away at maghuhuramentado. Hindi bat mas nakakahiya ang mga komento at reaksyon natin. Nakalimutan na ba natin ang payo ng mga matatanda? 


"ANG MANIWALA SA SABI-SABI, WALANG BAIT SA SARILI"


Pero mas maganda ata kung ganito ang Salawikain.


"ANG MANIWALA KAHIT HINDI NAKAKAINTINDI, MAS MASAHOL BA SA TAONG WALANG BAIT SA SARILI"




-------------------------------------------------------

PINOY BIGGEST RACIST IN THE WORLD?

Humingi na ng paumanhin na si Lee Da Hae, pero marami parin ang hindi kuntento dito. Paano daw wala siyang alam sa mga ginawa nya.? Madami ang nagsasabing nagpapalusot siya at sinungaling... Teka kelan ba tayo matututo? Kelan ba tayo mag-mamature sa mga ganitong bagay.. kelangan ba twing may ganito nalang ay maghahanap tayo ng away? Naging trending topic narin si Lee Da Hae. Sa totoo lang, tayo ang pinaka malaking racist sa mundo. Malakas mang-asar ang Pinoy, Pero gaya nga ng nasabi ko sa una kong sinulat tungkol sa Filipino- Korean Accent War. Tayo rin ang pinaka-PIKON. Talaga bang Balat sibuyas tayo? Eto panuodin nyo si Idol. Lourd de Vera sa kanyang WOTL - Word of the Lourd : Balat Sibuyas

WOTL - Balat Sibuyas No Copyright Infringement Intended. 
Property of TV5



IKAW BALAT SIBUYAS KA BA? IIWANAN KO ULET ANG SALITANG ITO. 


Hindi ko maiaalis sa kapwa pinoy na magalet. Dahil sa normal lang iyon. Hindi ko rin inaasahang magbago ang nararamdaman o ang galit mo. Hindi ko rin balak diktahan ang iyong emosyon. Bawat tao ay may kanya kanyang opinyon. Mga opinyon na malaya nating nailalabas. At iginagalang ko ang iyong opinyon. Ang iyong mga nabasa ay opnyon ko lamang. Hindi nito ninanaais na maglunsad pa ng bagong di pagkakaunawaan. Ang akin lang, Sino ba si Lee DaHae para maapektuhan ka o ang ibang tao. Diwata ba sya? Presidente o May Hawak ng detonator na kapag pinindot nya ay sasabog ang mundo? Hindi na ba tayo hahangaan ng ibang lahi sa galing natin mag-ingles? Koreano lang ba ang Tao sa mundo? May nangyari ba o may mangyayari ba kapag humingi siya ng tawad? Dadami ba ang trabaho sa Pinas? Gagaling ba ng todo sa Ingles ang mga Pinoy na hindi inaabot ng Edukasyon sa Bundok at liblib na lugar ng Pinas? Pag-tatawanan ka ba ng estudyante mo dahil sa napanood nya ito? Papaalisin ba ng Korean Government ang English Teacher na Pilipino sa Korea? Hindi ba na mas maganda na mas hasain pa natin ang ating galing at husay sa pagtuturo ng Ingles para patunayan sa lahat na Magaling talaga ang lahing Pinoy? Para patunayan na malupet tayo sa Ingles. Kesa magmukmok. Ang sa akin lang... Sa dinami dami ng problema sa Pilipinas bakit tayo magpa-apekto sa mga bagay na ito?

MOVE ON. LET GO. 
PEACE PO TAYO :)