MGA TULANG WALANG TUGMA
MGA AKDANG WALANG HABA
(Koleksyon ng tula mula sa Bahay Kwentista)
Sawa at Hawa
ni Hedel Cruz
Kung sawa ka na sa buhay mo
At gusto mo na itong wakasan
Punta ka muna sa sementeryo
Saka mo sabihin yan sa mga
mga taong namatay
Dahil sa sakit, aksidente
at sa mga taong gusto pang mabuhay.
kung hindi lang
pinigilan ng tadhanang magpatuloy
--------------------------------------------------
EKIS
ni Hedel A. Cruz
Tinuklap ng Gabi
Ang Bawat Mata na Nakamasid
Sa Kailalaiman ng Nagaalimpuyong
Damdamin
Tila Hila ng Kaba
Ang Bawat Sandali
Sa loob ng Mundo
Hindi na maipapasubali
O Pag-Ibig saan nga ba
Nagtatapos?
Sa Dulo ng Mundo
Pagitan ay Hulagpos.
--------------------------------------------------
BLANKO
ni Hedel A. Cruz
Hindi ka ba Nagtataka?
Kung Bakit hanggang ngayon Nakikibaka
Ang Puso kong siguradong
walang Pag-asa
Napapagal kapos ang hininga
Sa tuwing Kapiling Ang Alaala
Tanda mo Ba?
Nung Sinabi mo sa akin
Na tigil ka na.
Ang paglalakbay ng Paa.
Kasama ang diwa puso at kaluluwa.
Lahat Huminto tulad ng
Pag-agos ng progreso
Ng Bayang walang pagdaloy
Tungo sa Liwanag.
Unti-unting Dumilim.
Hindi ko rin Inaasahan
walang lubos pag-aakala
na ang simpleng paghanga
ay Tuloy-tuloy
dirediretso sa puno hanggang dulo
Sapul. Wasak. Tagos.
Tuliro.
--------------------------------------------------
ANINO
Ni Hedel A. Cruz
Ang paghikab lang ang pumupunit
Sa katahimikan ng gai
Pilition mang tuluyang humimbing
Bakit kaya kay hirap itulog ang
Sakit ng puso na unti-unting
Pumapatay sa liwanag ng magdamag.
Ilang beses na bang sinampal ang sarili
At sinabing kakayanin ang mga araw at sandali
Na ito ay parang hanging dadaan
Sa buto at kalamnan sa lamig ng gabi dumadarang
Sa aking paghimlay di parin matinag
Ang damdaming kinakapos ng hininga
Para bang isang aninong sumusunod
Pero bakit ang aniniong ito
Kahit sa gabi ay sumusulpot
Kapos man ang liwanag ngunit
sa akin ay nakapulupot
Ang aninong hindi na yata aalis.
Kasama hanggang sa dulo ng pag tangis.
Nawalan na ng nasa ang katawang bumangon
Nawalan narin ng dahilan para matulog
Naiwan sa kawalan , nakagapos
Tuwing umuulan sumasabay sa matang umaambon
Lahat ng ito nang ikaw ay tuluyang sumulong.
--------------------------------------------------
BERSO NG TOYO
Ni Hedel A. Cruz
Itim, malapot maitim
Tunay ngang kulay karimarimarim
Tulad ng Gabing
sa ating Paghinmbing
Itim, Malapot maitim
Buhat sa sisidlang salamin
lumapit kat tumikim
Nakita mo ang sarap sa akin
Mula sa butil na kay bilog
Sa Soyang iyong hinubog
Mula sa butil na kay bilog
Inilabas ang lasap, mahinahon
Sinong magaakala
Sa aking kulay na imburna;
Ikaw ata ay nahibang
Nagalak lumasap lumasap
Mula sa sisidlan ipinatak
sa platitong bilog tumagaktak
lumasa, ang sarap bumulwak
Hindio man sing puti ng suka ni Datu Puti
Linamnam ay di mahahwi
Lagyan mo ng konting kalamansi
tila sitrus ng Langit sumilip
Ibuhos man sa Ginisa,
Gawing sawsawan o pampalasa
Dagdagan mo pa ng konting Paminta.
Itim Malapot maitim
Masaya akong ang iyong Lasa ay pasarapin
--------------------------------------------------
PANTAS
ni HEDEL CRUZ
Isa kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Mula sa Samyo ng buhay
mundo ay kuminang
Pagdaloy ng Buhay, Kumilos pumiglas
Pagmamahal Bumuhos, bumalikwas
Isa kang Pantas
sa Akin ay Nagmahika
Waring Ang Paligid, Sumaya
Binigyang diin ang mundo at kulay nya
tulad ng kalikasan
Luminis , diwa ay tinakasan
Isa kang Pantas
Sa akin Ay Nagmahika
Daglit tinipon Lungkot at Kaba
Isinilid sa Pagkakataong walang hanggan
Isa Kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Gamit ang busilak na Mata
tinuro ay Lagusan Papuntang Berbanya
Kahariaan sa dulo ng Adarna
Ikaw ay Nagpinta
Isa Kang Pantas
Sa Akin Ay Nagmahika
Tulad ni Prinsipe Juan
Ako ay iyong dinala
Sa Kahabaan ng daluyan ng pag-iisa
Tanging ikaw ang nakakita
Isa Kang Pantas
sa Akin Ay Nagmahika
Gamit ang boses, umiral
Hugot na patalim at sundang
Muling binangon ang Patay na
Isa Kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Buhay sa pagiging Bato ng Adarna
Hinawi ang Gubat
At ang baging na salasalabat
Isa kang Pantas
Sa akin ay Nagmahika
Tunay nga
Nagbigay Buhay
Nagbigay Kulay
--------------------------------------------------
DING DING NI INENG
Ni Hedel A. Cruz
Apat na taling iyong sukbitan
Bubuo sa iyong mundong parisukat
Tanging hiling ikaw ay Humimbing
Sa pagkakatulog ako ang iyong Dingding
Hindi ka hahayaang
Matikman nitong sino man
Sa tuwina ay babantayan.
Sa buong gabi ikay iingatan
Sa Loob ng aking kaibuturan
Sa pagitan ng kalaliman
Ng himbing sa kadiliman
Tulog na, di kita pababayaan
Walang sino man ang lalapit
Sa kutis mong aking iniibig
Di magtatagumpay itong Talipandas
Hindi hahayaang mahagkan
Sa buong Gabi tayo ay Magniniig
Huwag magalala sa aking piling
Dahil ang Katol maya maya mauubos din
Ngunit ako ay iyong Kulambo ,
Ang Dingding mong magiting
--------------------------------------------------
Ang Huling Pag-ikot
Ni Hedel A. Cruz
Naalala mo ba?
Akala ko tapos na.
Nakayapak naglalakad
Tila kay bilis ng pagusad
Ang mga gulong ng tadhana
Dalawang Mundo, Binabahala
Damdamin ay tanggap na
Pagitan ng Mundo, sa Ating Dalawa
Hinabi ng Pagkakataon
Nagsama na parang kay isa
Sa Huling Yugto
Pagitan ng mga Kamay, Lumayo
--------------------------------------------------
KABALINTUNAAN
ni Hedel Cruz
ANG MUNDO AT ANG MGA HAYOP
KAYANG MABUHAY
KAHIT WALANG TAO.
PERO ANG TAO
HINDI KAYANG MABUHAY
NG WALANG HAYOP AT MUNDO
"KAYA SIGURO MADAMING TAO ANG MAKAMUNDO AT NAGPAPAKAHAYOP"
Credits to Google Images Search Engine. No Copyright Infringement Intended