Alamat ng Filipino Komiks Pablo S. Gomez
Pumanaw sa edad na 81
PABLO S. GOMEZ
Lungsod Quezon, Pilipinas --- Pumanaw na ang sikat at beteranong manunulat ng komiks sa Pilipinas. Si Pablo S. Gomez, na kinikilala na isang alamat at isang institusyon sa literatura. Isang nobelista, manunulat sa telebisyon at pelikula, at dakilang komiks writer ay pumanaw isang araw matapos ang Pasko. Si Ginoong Gomez ay pumanaw dakong 7:30 ng gabi, linggo Disyembre 26, sa Sta. Teresita Hospital sa Lungsod Quezon, matapos atakihin sa puso. Ayon sa kanyang pamilya, si Ginoong Pablo S. Gomez ay lubos na nagdamdam at naapektuhan sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Leonor noong bisperas ng Pasko.
Talambuhay:
Si Pablo S. Gomez ay ipinanganak sa Sampaloc, Maynila noong ika-25 ng Enero 1931, ang mga magulang niya ay sina Olimpio Gomez at Pacita Salonga. Siya ay nagtapos sa Legarda Elementary School, Jose Abad Santos High School, National Teachers' College at Ateneo de Manila University.
Nagsimula si Gomez bilang isang announcer sa DZRH noong 1946, at isang impesario sa mga tanghalan na lumilibot sa bansa. Di naglaon nagsimula ang kanyang karera bilang manunulat nong 1949, nagsumite ng kaniyang mga akdang prosa sa mga publikasyon katulad ng Liwayway, Bulaklak, Aliwan, at Sinag-Tala. Ang mga ito ay “Ang Baliw sa Libingang Luma”, na sinundan ng maikling komiks na, “Putol na Kamay”. Nagkaroon ng interes ang ilang mga taga-hanga sa mga akda ni Pablo S. Gomez, ngunit hindi ito naging sapat para sumikat sya ng mga panahong iyon. Ngunit ang mga akdang ito ay sapat na para siya ay mapansin at mabigyan ng pagkakataon, naging Proofreader siya sa Ace Publishing. Matapos ang isang taon hinawakan niya at naging editor siya ng Hiwaga Komiks. Kasabay nito, sumulat din sya para sa Pilipino Komiks, Espesyal Komiks at Tagalog Klasiks. Sa panahong ito ang ilan ng kanyang mga akda ay ginamitan niya ng kanyang pen name na, Carlos Gonda. Ang kaniyang unang komiks novel na pinamagatang Apat na Taga ay agad naging isang patok na pelikula noong 1953 na pinondohan ng Sampaguita Pictures.
Matapos ang kanyang tagumpay sa Ace Publishing, lumipat siya ng Gold Star Publications noong 1962, kung saan nagsulat siya ng ilang mga komiks at serye ng mga nobela. Taong 1963 nagtayo si Ginoong Gomez ng kanyang sariling publikasyon, kung saan nagtrabaho siya mula 1963 hanggang 1974. Tinawag ang publikasyong iyo na P.S.G Publishing House. Sa publikasyong ito, nagsimulang lumabas ang United Komiks, Universal Komiks, Kidlat Komiks, Continental Komiks, at Planet Komiks. Sa tulong ng kanyang sariling Publishing House, nabigyang pagkakataon ang mga nagsisimula pang mga manunulat sa komiks na sina Alex N. NiƱo at Carlo J. Caparas. Hindi naglaon, napilitang isara ni Pablo S. Gomez ito, at ibinenta sa Affiliated Publications, Inc.
Mga Gawa:
Tuluyang gumawa ng pangalan sa industriya si Pablo S. Gomez ng taong 1950, ilan sa kanyang di malilimutang gawa na na-isabuhay sa pelikula ay ang, Guy and Pip, Magdusa Ka, Machete, Hilda, Kurdapya, Torkwatta and Susanang Daldal. Itinuturing na isa sa mga pinakamagagaling na manunulat ng komiks sa Pilipinas, lumikha si Gomez ng higit sa 1,000 na komiks novels at stories. Kabilang sa 300 niyang mga likha ay nabigyan ng film adaptation ng mga movie studios katulad ng Sampaguita Pictures, Lea Productions, FPJ Productions, Seiko Films, Viva Films, at ng Regal Films.
Ilan pa sa mga pelikula na hango sa kaniyang mga likha ay ang Kurdapya (1955), Gilda (1956), Kandilang Bakal (1957), Anino ni Bathala (1958), Tanikalang Apoy (1959), Kaming Makasalanan (1960), Tatlong Magdalena (1960), Octavia (1961), Tulisan (1962), Sabina (1963), Paano Kita Lilimutin? (1965), Miranda: Ang Lagalag na Sirena (1966), Pitong Krus ng Isang Ina (1968), at Petrang Paminta (1969) noong 1950s hanggang 1960s.
Noong 1970s, 1980s at 1990s, sumikat naman sa pelikula ang kaniyang mga obra katulad ng Orang (1970), Kampana sa Santa Quiteria (1971), Santo Domingo (1972), Kampanerang Kuba (1973), Kamay na Gumagapang (1974), Alupihang Dagat (1975), Pagbabalik ng Lawin (1975), Andalucia (1976), Ms. Eva Fonda 16 (1976), Little Christmas Tree (1977), Katawang Alabok (1978), Lihim ng Guadalupe (1979), Inday Bote (1985), Magdusa Ka (1986), Kapag Puno na ang Salop (1987), Pasan Ko ang Daigdig (1987),Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting (1988), Agila ng Maynila (1989), Rosa Mistika (1989), at Hiram na Mukha (1992).
Si Gomez ay lumikha din ng mga teleplays para sa mga palabas tulad ng Panahon, Makulay na Daigdig ni Nora, at Hilda. Dagdag pa rito, siya ay nagsulat at nag-direk ng mga pelikula katulad ng Mga Kuwentong Ginto ni Pablo Gomez kasama si Narda Sanggalang at isinulat ang screenplay at naging direktor ng Agila ng Maynila (1989).
Naging isang magaling din na manunulat sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr. (FPJ) si Gomez, ilan sa kanyang mga ginawa ay, Eseng ng Tondo, Probinsyano, Kahit Konting Pagtingin, Sta. Quiteria, Kalibre 45 and Mahal San Ka Nanggaling Kagabi?.
Bukod dito, si Pablo S. Gomez din ang utak sa likod ng Wansapanataym (ABS-CBN) at ang TV adaptation ng Kampanerang Kuba (ABS-CBN). Pinagamit din ni Pablo S. Gomez ang ilan sa kanyang mga gawa sa mga top-rating telenobela at fantaserye (fantasy series) sa telebisyon. Ang ilan sa mga ito ay naitampok sa fantaseryeng Komiks ng ABS-CBN, tulad ng Inday Bote (Pebrero 2006), Machete (Marso 2006), Kamay ni Hilda (Marso 2006), Bunsong Kerubin (Mayo 2006), Inday sa Balitaw (Mayo 2006), Si Pardina at ang mga duwende (Hulyo 2006), at ang Bahay ng Lagim (Agosto 2006). Bukod pa doon, ipinalabas din ng ABS-CBN ang likha ni Gomez kagaya ng Hiram na Mukha (2007) para sa palabas na SineSerye.
Ginamit din ng GMA 7 ang dalawa sa mga obra ni Gomez na pinalabas sa kanilang programa na Sine Novela, ito ang Pasan Ko ang Daigdig (2007) at Magdusa Ka (2008).
Kamakailan lang, naisa-pelikula ang kanyang Akda na Petrang Kabayo, starring Vice Ganda at ang Juanita Banana , na pinagbibidahan ni Bianca Manalo sa ABS-CBN. Ang Mutya na isa rin sa kanyang gawa ay ipapalabas din sa nasabing istasyon.
Paalam Pablo S. Gomez:
Ang labi ni Ginoong Pablo S. Gomez ay nakalagak sa St. Peter Mortuary Chapel, Lungsod Quezon. Ito ay napagpasyahang i-cremate sa Disyembre 30.
Isang kawalan sa industriya si Ginoong Pablo S. Gomez, isang alamat at maituturing nang isang institusyon sa panitikan, pelikula, telebisyon at komiks sa Pilipinas. Magpaalam man ang isang dakilang manunulat, nobelista at komiks writer na si Gomez, ang kanya ng mga akda ay patuloy na pasisisglahin ang industriya. Ang kanyang mga gawa ay kailanman ay nakatatak na sa ating mga puso at isipan. Ang kanyang imahinasyon ay nagbigay sa atin hindi lang ng ligaya kundi ng maraming alaala. Sa iyo Ginoong Gomez. Ipinagkakapuri ka namin, saludo ang Lahing Pilipino sa Iyo.
Mga Nailimbag na Akda:
Ada, Aliwan Komiks (1982-1983)
Ako ang Uusig, Pinoy Komiks (1966)
Alinlangan, Tagalog Klasiks (1959)
Anak ng Demonyo, Aliwan Komiks (1987)
Anak ng Punso, Kuwento Komiks (1993-1994)
Ang Akin ay Akin at ang Iyo ay Akin Pa Rin, Damdamin Komiks (1986-1988)
Ang Akin ay Para sa Lahat, United Komiks (1971-1972)
Ang Baliw sa Libingang Luma, Kilabot Qualikomiks (1992-1993)
Ang Bukas ay Walang Hanggan, Liwayway (1966)
Ang Daigdig ng Ada, Pinoy Klasiks (1990-1991)
Ang Kampana sa Santa Quiteria, Continental Komiks (1970-1971)
Ang Kampanerang Kuba, Planet Komiks (1971)
Ang Kuba sa Palengke, Kidlat Superkomix (1974-1975)
Angkan ng Masasama, Pinoy Komiks (1965-1966)
Anino ni Bathala, Pilipino Komiks (1957-1958)
Apat na Taga, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Asero, United Komiks (1972-1973)
Ay Naku, Neneng!, Pinoy Komiks (1987-1988)
Babalu, Hiwaga Komiks (1955-1956)
Baby Bakukang, Universal Komiks (1964-1965)
Bagwis ng Agila, Topstar Komiks (1974)
Bahay na Ginto, Aliwan Komiks (1966)
Bahay ng Lagim, Pioneer Komiks (1987)
Bakawan, Holiday Komiks (1980)
Bakit Ba, Puso?, Aliwan Komiks (1968)
Banaba, Holiday Komiks (1979)
Bandana, Pioneer Komiks (1967-1969)
Batang Bangkusay, Pilipino Komiks (1956-1957)
Batas sa Aking Kamay, United Komiks (1964)
Bato sa Bato, Commander Qualikomiks (1986)
Bato sa Bato (Ang Puso ni Hilda), Pioneer Komiks (1966)
Berlin Wall, Continental Komiks (1966)
Bigonia, United Komiks (1965-1966)
Bilangguang Ginto, Hiwaga Komiks (1968)
Bim, Bam, Bum, Tagalog Klasiks (1955)
Binibining Milyonarya, Dear Heart Komiks (1992)
Biyak na Bato, Palos Komiks (1969-1970)
Buhok na Ginto, Kuwento Komiks (1991-1992)
Busabos, Hiwaga Komiks (1956-1957)
Cara Cruz, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Dahlia, Hiligaynon (1973)
Dalawang Mukha ng Anghel, Lagim Komiks (1968)
Dalawang Pisngi ng Langit, Universal Komiks (1970-1971)
Dambanang Putik, Hiwaga Komiks (1953-1954)
Danny Boy, United Komiks (1968-1969)
Dayukdok, Pilipino Komiks (1961-1962)
Dear Nora, Universal Komiks (1970)
Deborrah, Hiwaga Komiks (1966-1967)
Devil Tree, Pinoy Komiks (1993-1994)
Dingdong, United Komiks (1970)
Divina, Lagim Komiks (1964-1965)
Doria, Pioneer Komiks (1964-1965)
Durando, United Komiks (1969-1970)
Esmeralda, Espesyal Komiks (1959)
Esteban, Continental Komiks (1972)
Eva Dragon, Tagalog Klasiks (1958)
Floradema, Teens Weekly Komiks (1976-1977)
Floradema, Espesyal Komiks (1960)
Four Daughters, Universal Komiks (1966)
Gagay, Aliwan Komiks (1990)
Gilda, Pilipino Komiks (1955-1956)
Gonzales, Universal Komiks (1970)
Gusto Kong Mabuhay…, Pinoy Klasiks (1983-1984)
Haliging Bato, Pilipino Komiks (1962-1963)
Halik sa Apoy, Universal Komiks (1969-1970)
Halimaw, Kenkoy Komiks (1962)
Hanggang Kailan Kaya?, Pinoy Komiks (1982-1983)
Haplos ng Pagmamahal, Love Affair Komiks (1996-1997)
Hindi Akin ang Daigdig, Continental Komiks (1971)
Hiram na Ligaya, Nobela Klasiks (1989-1990)
Huling Lahi ng Asuwang, Teens Weekly Komiks (1988-1989)
Huwad, United Komiks (1970)
Ikaw Pa Rin ang Hahanapin Ko, United Komiks (1966)
Inang Mahal, Damdamin Komiks (1991-1992)
Inay… Huwag Mo Akong Iwan!, Kidlat Superkomix (1975-1976)
Isdaaahhh!, Kilabot Qualikomiks (1991-1992)
Isinumpang Dugo, Pinoy Komiks (1964)
Itim na Pangkasal, Damdamin Komiks (1990-1991)
Ito Po ang Inyong Lingkod, Pilipino Komiks (1955-1956)
Jambalaya, Aliwan Komiks (1991-1992)
Jungga, United Komiks (1971-1972)
Junior Captain Universe, Aliwan Komiks (1978)
Kamandag ng Lupa, Lagim Komiks (1963-1964)
Kaming Makasalanan, Pilipino Komiks (1960-1961)
Kandilang Bakal, Espesyal Komiks (1954-1955)
Kid Buffalo, Lagim Komiks (1967-1968)
Kondesa Alva, Planet Komiks (1970-1971)
Kontra- Bandido, Pilipino Reporter Komiks (1972)
Kung Sakali Man, Damdamin Komiks (1992-1993)
Kurdapya, Tagalog Klasiks (1954-1955)
Kuwatro, United Komiks (1969)
Lahing Asuwang, Holiday Komiks (1982-1983)
Lasong Walang Kamandag, Aliwan Komiks (1988-1989)
Leslie, Universal Komiks (1968-1969)
Lilac, Teens Weekly Komiks (1981-1984)
Little Bell, Kuwento Komiks (1989-1990)
Looban, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Luha ng Bato, Espesyal Komiks (1973-1974)
Luha ng Kandila, Aliwan Komiks (1989)
Luha sa Ligaya, Nobela Klasiks (1990-1991)
Lumuluhang Bangkay, Holiday Komiks (1990-1991)
Lupa sa Lupa, Pilipino Komiks (1959-1960)
Machete, Pinoy Klasiks (1989-1990)
Madam Tentay, Pinoy Komiks (1963-1964)
Madejas, Redondo Komix (1963)
Mandong Sikwat, Holiday Komiks (1982-1983)
Marco Antonio, Aliwan Komiks (1964-1965)
Maria Sagrada, Pinoy Klasiks (1993)
Maria Teresa, Tagalog Klasiks (1950)
Maruming Daigdig, Universal Komiks (1968-1969)
Medalyon, Pioneer Komiks (1991-1992)
Mga Batang Bangketa, Universal Komiks (1970)
Mga Ligaw na Bulaklak, Pilipino Komiks (1956-1957)
Mga Lihim ni Margarita, Continental Komiks (1966)
MN, Pilipino Komiks (1953-1954)
Morbida, Holiday Komiks (1989-1990)
Mr. Macho Man, Pinoy Komiks (1990-1991)
Mutya, Pinoy Klasiks (1978-1983)
My Father, My Lover!, Universal Komiks (1970-1971)
My One and Only Love, Teens Weekly Komiks (1990-1991)
Nag-aapoy na Dambana, Continental Komiks (1966)
Nagbabagang Bato, Kislap Komiks (1966)
Nobody’s Child, United Komiks (1970)
Octavia, Hiwaga Komiks (1960-1961)
Odinah, Universal Komiks (1971)
Orang, United Komiks (1969-1970)
Paalam sa Pag-ibig, Pinoy Komiks (1963)
Palaboy, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Pasan Ko ang Daigdig, Aliwan Komiks (1986-1987)
Pautang ng Langit, Tagalog Klasiks (1960)
Petrang Paminta, United Komiks (1969)
Pitimini, Liwayway (1978-1979)
Pitong Gatang, Tagalog Klasiks (1959)
Pitong Krus ng Isang Ina, Continental Komiks (1967)
Planet Man, Planet Komiks (1968-1969)
Pubring Alindahaw, United Komiks (1970)
Pusong Buhay, Pinoy Komiks (1990-1991)
R.O.T.C., Hiwaga Komiks (1954)
Rosa Mistica, Pinoy Klasiks (1986-1987)
Sa Bawat Punglo, Pilipino Komiks (1962-1963)
Sa Kuko ng Halimaw, Kidlat Komiks (1970-1971)
Sa Pinto ng Impiyerno, Tagalog Klasiks (1962)
Saan Ako Nagkamali?, Nobela Klasiks (1991-1992)
Sandra, Tagalog Klasiks (1957-1958)
Santo Domingo, United Komiks (1972)
Sargon, Universal Komiks (1972)
Singko Pilado, Teens Weekly Komiks (1989-1990)
Sosayting Dukha, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Sugat sa Balikat, Tagalog Klasiks (1961)
Susanang Daldal, Hiwaga Komiks (1961-1962)
Takas sa Langit, Pinoy Klasiks (1991)
Talahib, Espesyal Komiks (1962)
Tanikala, Pioneer Komiks (1979)
Tanikalang Apoy, Pilipino Komiks (1958-1959)
Taong Buwaya, Universal Komiks (1967-1969)
Taong Kabayo, Universal Komiks (1964-1965)
Tatak, Espesyal Komiks (1958-1959)
Tatak ng Alipin, Liwayway (1974-1975)
Tatlong Magdalena, Hiwaga Komiks (1959-1960)
Tender is the Night, Superstar Komiks (1981-1982)
Teresa, Tagalog Klasiks (1953)
Teresa Martirez, Bondying Movie Specials (1974)
Three Daigdig, Hiwaga Komiks (1953)
Timbuktu, United Komiks (1965-1966)
Tinik at Kamandag, Lagim Komiks (1966-1967)
Tres Ojos, Aliwan Komiks (1992)
Tsandu, United Komiks (1968-1969)
Tsandu at Polyana, United Komiks (1972)
Tsandu Meets Anna Karenina, United Komiks (1970)
Tsandu versus Chanda, United Komiks (1972)
Tsandu Vs. Dr. Bruto, United Komiks (1969)
Tsandu Vs. Tay Ching, United Komiks (1971)
Tsandu: Mariang Alimango, United Komiks (1970)
Tulisan, Hiwaga Komiks (1961)
Twinkle, Twinkle Little Star, United Komiks (1970)
Ulo, Superstar Komiks (1978-1982)
Ulo ni Drakula, United Komiks (1964-1965)
Utak, Pinoy Klasiks (1988-1989)
Valentina, Universal Komiks (1968)
Vengadora, Kidlat Komiks (1969)
Walang Kasing Lupit, United Komiks (1964)
Walang Pangalan, Hiwaga Komiks (1959)
Water Lily, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Zombie, Universal Komiks (1972)
Mga Sanggunian:
No comments:
Post a Comment