Oct 13, 2010

Nang maholdap ako sa Quiapo

Isang Araw nasaksak ako sa Quiapo.
Dun nauso ang term na "Saksakan ng Gwapo"

Birthday ko pala ngayon. Pero bago mo pindutin yung Blotter Box at batiin ako ng happy birthday. Wait lang. Ang totoo, OO birthday ko. Ang aking ika-limang buhay na ang ginagamit ko ngayon. Kung isa akong pussy, este pusa pala. Nagamit ko na ang lima. May apat nalang ako natitira. Una ko itong nagamit nung 5years old palang ako. Kwento ng Tatay ko, nagkaroon daw ako ng malubhang sakit. Yung Human Foot and Mouth Disease, katulad na sakit na nangyari sa mga anak ni Kris Aquino. Ang problema dahil urban poor lang kami noon (di katulad ni kristeta), medyo lumala ang sakit ko. Ilang ospital daw ang pinuntahan ng aking mga magulang. Binigyan lang ako ng mga niresetang gamot. Pero hindi gumaling, Nagkukulay ube na daw ako. Dumating sa puntong malapit na akong makipag apir at makipaglaro ng patintero kay kamatayan. 30-80 ang survival rate. Halos sirain nadin ng tatay ko ang clinic ni doc dahil hindi ako pinapansin at ginagamot. Sa huli, dinala daw ako sa isang doktor na Intsik sa Parang Marikina. Sa awa ng Diyos gumaling ako. Sabi ni dok, umakyat na daw sa utak ko yung impeksyon. Buti nalang at naagapan. Ngayon alam ko na kung bakit may saltik ako sa ulo madalas.

Pangalawang Gamit ko itong nasaksak ako sa Quiapo. Pangatlo, nang yari sa paraang sinuwerte ako. Dahil nga nasaksak ako, hindi ako nakasama sa isang Show sa Cebu. Asean Summit yun at sasayaw ako. Dahil kasalukuyan pa akong nagpapagaling. Ang nangyari nafood poison ang mga kasama ko na dumalo doon. Swerte para sa akin, malas para sa kanila. kung marahil nandoon ako. Hindi lang confinement sa ospital aabutin ko, sa katakawan ko.. Baka mas malala pa. Pang-apat, nung nalaglag ako sa stage ng FHM party ngayong taon lang. July 15. Tinulak ako kasi ni melai.. hehehe.. Mga 10ft din siguro ang taas nun. Una ulo. Hampas mukha. Ayun pumutok ang kilay ko. Ang lalim at ang daming dugo. six stitches lang naman.. swerte at dugo lang at hindi utak ang sumambulat sa sahig ng mga oras na iyon.

Pero hindi ko na idedetail ang bawat isa, saka nalang pag sinipag ako. Ang totoong topic ko ay yung nasaksak ako sa Quiapo. Isa sa mga karanasang hindi ko makakalimutan kailan man. (ikaw ba naman masaksak makalimutan mo ba yun)

Ganito ang mga pangyayari tandang tanda ko pa.. [flashback with music]

Hindi talaga ako naniniwala sa kamalasan, para sa akin walang taong malas. Ang mga masamang pagyayari ay sanhi ng mga maling desisyon at maling pagkakataon.Hindi ito dahil sa balat sa pwet, pinaglihi sa sama ng loob at kamalasan, mga petsa at mga numero. Pero nung nasaksak ako, hindi man lubos na nabago ang paniniwala ko. Kahit papaano ay napaisip at naging maingat ako. Oktubre 13, 2006 yun. Friday. Friday 13th. Isang malas at napakamisteryosong araw para sa marami, Para sa akin, wala lang. 

Katatapos lang ng pasukan noon, at sembreak na. at kelangan makapag-unwind at makapagrelax relax para kalimutan ang masalimuot na mga pangyayari sa minamahal naming unibersidad. At ayun na nga planado na ang lahat. Out of town, inuman, basagan at wasakan ng dangal sa Subic. Kasama ang mga matitinong klasmeyt ko sa Selams (hehehe). Hindi ko alintana ang kamalasang dala ng petsa na iyon. Pangkaraniwang araw lang para sa akin. Habang ako ay naghahanda ng aking mga damit at gagamitin sa isang makalaglag puso at umaatikabong wasakan.  Nang makatanggap ako ng isang text message (nakalimutan ko na kung kanino galing kay Ricci ata). 

Sabi sa text message" Gusto mo ba ng Dalmatian? Nanganak na kasi yung aso namin at sobrang dami na ng aso dito. Textback asap"

Syempre reply naman ako agad. "OO sige akin nalang. Penge isa"

Tapos ganito ang reply nya. Isang picture message na parang katulad nito. 

Abnormal na baka na mukhang tanga talaga at sa dulo ng picture message ang mga katagang "ayan ha, alagaad mo mabuti yan". Nung una naasar ako at gusto kumuha ng blade at laslasin ang leeg ng pusang gala sa labas ng bahay namin sa sobrang kakornihan ng kaibigan ko. Pero natawa din ako, sa kanya, sa baka at sa sarili ko.Kayat umandar na ang pagiging saltik ko. At ipinadala sa lahat ng kontaks ko ang isang napaka-halagang tanong sa araw na iyon. "Gusto mo ba ng Dalmatian". At habang nagaayos ako ng gamit walang patid din ang mga reply na humuhingi ng dalmatian, at walang patid din ang aking pagtawa kapag naasar na sila pag pinadala ko na ang abnormal na baka.. Nang isang text ang aking natanggap na magbabago sa mga pangyayari sa mga araw na iyon.

Tol, asan ka? Babayaran ko na ang utang ko sayo., 
Text ni bossing Arnold AquileƱa.

Ayos, una kong naisip. Kahit hindi ko pa naman kelangan ang perang yun. Ayus narin at may pandagdag ako sa aking pocket money papuntang Subic. At ayun na nga nagkayayaang magkita sa isang Mall sa Maynila. Ang planong hapon na aalis para pumunta sa bahay ng mga kasama kong pupuntang Subic ay nagbago. Dali dali akong naligo at nagbihis. para unahing puntahan si Arn-arn sa SM Manila. Ayus lang naman. Kasi bukod sa may pandagdag ako sa aking pocket money, sa Espanya lang naman malapit yung meeting place namin ng mga klasmeyt ko papauntang Subic. At ayun na nga, umalis na ako sa bahay, papuntang Maynila, habang patuloy paring nagtetext tungkol dun sa Dalmatian sa aking mga kontaks sa selepono. Habang nasa byahe, hinihintay ang kanilang mga reply kung gusto nila ng Dalmatian. At parang tanga lang na tumatawa ulet mag-isa kapag may nabuw-ibwiset sa akin.

Di nagtagal nagkita rin kami ni Arnold. Kasama pa ang ibang kaibigan. At alam ko na ang susunod na mangyayari sa mga pagkakataong nagsama sama ang mga lalake. Bukod sa espadahan at hotdog party. Ang walang kamatayang DOTA. at ayun na nga, kwentuhan, lokohan, gaguhan sa mall nauwi din sa DOTA. Ayus lang naman dahil 7pm pa naman ang call time namin paalis papuntang Subic. Kayat ayan. Sige. Dota. At nang papalalim na ang gabi, nagyaya na akong umalis. Nagpaalam sa mga loko, habang pasulyap sulyap sa cellphone ko kung may reply at merong may gusto ng Dalmatian. Nakasakay na ako sa Lawton. Jip papuntang Espanya at Quezon Ave. Bababa ako dun sa Sto. Domingo church. Dahil nga sa pagdodota nalibang ako at matagal na hindi pinansin at inisnab ang aking cellphone. Kayat nang masilayan ko ito, ang daming mensahe. at ayun na nga lahat sila humuhingi ng Dalmatian. Hindi ko mapigilan ngumiti habang nirereplayan at pinadadalhan ng abnormal na baka ang lahat. 

At ayun na nga. Doon naganap ang kahindik hindik na pangyayari.Kasalukuyan akong nagrereply sa mga humihingi ng dalmatian. nang hindi ko mamalayang nasa tulay na pala kami. Mula Lawton papuntang Quiapo. At nang pababa na kami sa tulay, at abala ako sa pagtawa at pagtext ng Dalmatian. Lumapit na ang isang nilalalang na babago ng gabing iyon. SI MANONG HOLDAPER.

Akin na yang cellphone mo, sasaksakin kita! , bungad ni manong. (anak ng kalabaw, yung cellphone ko Nokia 3310 lang, Pinag-interesan pa ni Manong. Malapit na nga Iphase out yun ng mga panahong iyon. Nagsisimula na lumabas ang mga Colored at LCD screen. Akala nya ata colored yun. Kulay Blue kasi. Yung Backlight) 

Nagsimula na ang kaguluhan, sa aking pagkakabigla sa kanyang grand entrance. (nakasakay ako sa harap ng jeep. Si Drayber, isang matandang lalaki at ako sa kabilang dulo sa bukana) Sa sobrang pagkabigla ko ay naibulsa ko agad ang cellphone ko. Nakatutok sakin ang kutsilyo. Kinabahan ako. Pero ang nasabi ko lang ay " wag , wag". Napansin ko ang inis sa mukha ni Manong Holdaper, dahil sa hindi ko pagbigay ng cellphone ko. Umatras narin ako ng u8matras at nadaganan ang matandang lalaki sa aking tabi. Ayaw ko ibigay cellphone ko, dahil hindi ko alam papunta sa Sto. Domingo ng hindi humihingi ng karagdagang impormasyon. Pag nangyari ito di ako makaksama sa subic. Si manong drayber pilit kumukuha ng tubo. Ang mga babae sa likod at nagsisigawan at nagbabaan. (kaasar yung mga yun, akalain mo hindi naman sila yung hinoholdap sila yung takot na takot at nagbabaan. balak sana ng drayber na paandarin ang jip para makaladkad yung holdaper, hindi nya magawa dahil baka malaglag yung mga babeng tanga sa likod. naisip siguro ng drayber mas ok na ako yung masaksak kesa sya magbayad pang-ospital ng mga nalaglag) 

Nang nakita ko ang inis sa mukha ni manong holdaper. No choice na ako. Hinawakan ko agad ang kanyang kamay kung saan hawak nya ang kutsilyo. Malakas ang loob ko. Kita ko na napaka-payat at maliit lang si holdaper. Kayang kaya ko. Sa laki ba naman ng katawan kong ito. sa kabila ng pangyayari hindi ako nagpanic. Mabilis ang mga sumunod na tagpo. Pero mabilis din ako sa aking pagiisip. Nag-agawan kami ni Manong holdaper sa kutsilyo. Hindi ko na pwedeng bitawan ang kanyang kamay. Katapusan ko na kapag natalo ako. malakas talaga loob ko dahil alam konbg wala syang pwersa dahil maliit ang chance nyang masaksak ako. Bukod sa maliit ang bukana ng jip, nasa aking mga hita ang malaki kong bag. Malaking bag laman ang aking gamit papuntang Subic. Ilang segundo din kaming nagpapambuno sa kutsilyo ng minalas ako at nalaglag ang aking bag. At nabitawan ko narin ang kamay ni Manong holdaper. Nagkaroon nadin sya ng pagkakataon. Isang wasiwas ng kutsilyo ang pinakawala nya patungo sa akin. Buti nalang at mahilig ako sa United American Tiki Tiki at laki ako sa cerelac at gerber kayat naging mabilis ang aking pagiisip. Nang sasaksakin na nya ako, pinakawalan ko ang isang malakas na tadyak sa kanyang dibdib. Ngunit kahit gaano man kalakas iyon. Inabot padin ako ng kutsilyo. Natapos ang kaguluhan ng naitusok na ang kutsilyo sa aking dibdib. Hinugot niya ito at casual lang na naglakad paalis. Parang tumigil ang mundo. sinubukan kong sumigaw. "holdaper". Pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Tanaw ko sya habang marahang naglalakad palayo. Balak ko sanang habulin. Kayang kaya ko sana sya. Kaya kong lamukusin sa liit nya at sa payat nya. Kaso luge ako. May kutsilyo sya. Tapos Pula ang mata. Luge may super powers sya dahil sa bato.  Sa mga oras na iyon, hindi ko pa ramdam ang sakit ng kutsilyo. Pero nagdalawang isip ako nang makita ko na may mga nagtatakbuhan sa labas. Baka mga kasamahan nya iyon.

Pero hindi pa dito natapos ang aking kamalasan. Sabi ni drayber, casual na casual lang. Balik na kayo, wala na, tapos na. At ang mga tangang babae ay nagsibalik sa kanilang inuupuan. kasunod nito ang bulungan at kwentuhan kung paano sila natakot. Damn it... Walang konsiderasyon... Ako kaya yung nasaksak. Tapos pagkwekwentuhan nyo na na-trauma kayo.. Paano na ako? aber? Pagbaba ng tulay nakita namin ang isang Pulis. Agad kong sinabi na nasaksak ako. Baka sakaling habulin nya si holdaper. dahil segundo pa lamang ang lumilipas. Sagit ni manong pulis. Dun, dun kayo sa presinto. Sabay tanong kung may tama ako. Sabay sagot na dalhin ako sa ospital. Super na disappoint ako.. Ayaw ako tulungan ni Pulis. Kasi Traffic police daw sya. Kung hindi ako pupunta presinto, sa ospital daw. Pano naman ako pupunta ng presinto. eh hindi ko nga alam kung saan. Kayat pinadiretso ko nalang yung drayber. Tumakbo na ang jip, habang bumubulwak sa aking dibdib ang dugo... madaming madaming dugo. Una kong naisip. Shit lagot ako sa tatay ko (sa kanya kasi yung suot kong damit, sira na ito at puno ng dugo). Naisip ko ding hindi na ako makakapunta ng Subic. Habang nasa Morayta, unti unti nang sumasakit ang sugat ko. Pero nasa isip ko padin kung pupunta ba ako ospital o didiretso sa Sto. Domingo para tumuloy padin sa Subic. Kaso naisip ko din na baka matetano ako. Pero pakiramdam ko maliit lang ang sugat kahit madaming dugo. Baka pwede padin akong magsubic. kahit hindi na ako makikipagwasakan. since wasak na ako ngayon palang. Pero naisip ko din na baka ako maging sanhi ng hindi pagtuloy naming lahat. Since sa bahay ako ni klasmeyt pupunta, baka pag nakita nila Mama at Papa nya na naholdap ako. Lahat hindi na payagan na matuloy. Kayat inisip ko ang kanilang kapakanan. Ang kanilang kasiyahan. May mga mababait namang tao ang tumulong isa na rito ang bagong sakay na lalaki (pero bading ata sya). Hindi nya pa alam ang mga pangyayari pagsakay nya. Nurse pala sya, nang nalaman nya ang nangyari agad nyang tinignan ang sugat ko. Ang haba ng sugat. at sa kanyang pagtingin malamang mamalim daw ito. Kahgit masakit cool naman at hindi ako nagpapanic. Naitanong ko "Magkano anti-tetano ngayon" sabi nya mga liubo rin daw yun. Patay, yung nasingil ko kay arn mukhang sa gamot lang mapupunta. Agad nya akong pinayuhan na pumunta agad sa ospital. Na agad ko namang sinunod. Pagdating sa kahabaan ng Espanya nakita ko ang isang Police Station. 

Doon na ako nagpababa. At patuloy paring nagpakita ang mga anghel sa lupa. Isa sa mga pasahero, ang pangalan ROLLY (na hindi ko naitanong ang apelyido, pero nakatira sa Vicente Cruz) ang nagprisinta na samahan ako. Lubos lubos na pasasalamat ang nasambit ko habang papasok sa istasyon ng pulis. Anong nangyari sa iyo?, tanong ng parak. (obvious ba may tama ako) Nasaksak po, sa Quiapo. Agad namang tumayo at tumulong sila mamang Police. Kinuha ang aking pangalan, pangalan ni rolly at sabay sabay kaming lumabas.

Isa sa mga pangarap ko ay ang makasakay sa isang Ambulansya. Gusto ko maramdaman yung feeling na siga sa kalsada. May kasamang Wang wang at parang ahas at Hari sa kalsada. Malakas ang pakiramdam ko na matutupad na ito sa araw na iyon. Hindi pala. Paglabas namin ng istasyon, lingon ako ng lingon. Hinahanap kung may kumukuti-kutitap na papalapit. Pero mga bar at pokpok house lang ang nakita ko sa paligid. Pinapakitramdaman ko at pinakikinggan kung may wang wang na papalapit. Pero wala din. Di parin ako nawalan ng pagasa. Umaasa na darating din si ambulansya. Nang natigilan ako sa paghihintay nag sabihin ni manong pulis na, TARA, SAKAY ka na!  

Lumingon ako, walang ambulansya, Lumingon ulit. Baka naman may service sila. kahit Owner type Jeep. Wala. Nagulat nalang ako nang sumampa si manong pulis sa kanyang motorsiklo. Ayos. Gumuho lahat ng pangarap ko. No choice nanaman ako. YUn ang available, bawal maging maarte baka lumabas pa puso ko sa sugat at maubusan ako ng dugo. Lumarga na ang dalawang motor. Isa para sa isa pang pulis angkas si rolly. Pangalawa ako hanag nakayakap kay manong pulis at patuloy na bumubulwak ang dugo. Isang Di-tunay na Lalaki Moment. Kaakbay at nakaangkas kay mamang pulis. Habang binabagtas namin ang mga eskenita papunta kung saan man. 

Di nagtagal bumungad sakin ang OSPITAL NG SAMPALOC. Mababait naman ang mga doktor at nurse (di katulad sa mga hinayupak na tao sa Ospital ng Maynila nung araw na nalaglag ako sa FHM party). Agad nila akong inasikaso, at pinahiga sa emergency room. Lumapit ang nurse at tinignan ako. Lumapit din ang isang doktor, konting tanong sa mga nagyari. Sabay sabi, "sandali lang ha, may ni-rerevive pa kami. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki na nakanganaga at parang wlaa nang buhay. kinabahan ako ng todo. Eto sa tabi ko. Malapit sa akin, naamoy ko si kamatayan. Pumaparty-party at nagaantay sa lalaking iyon. At marahil sa akin din. Parang isang eksena sa pelikula, sinusubukan nilang i-revive si kuya. lahat nagkukumahog. Hindi ko na kinaya pang tignan. Humiga ako at ibinaling sa iba ang aking tingin. At doon ko nakita kung bakit hindi natupad ang aking pangrap kanila lang. Yung ambulansya nasa tabi ko pala. Nagulat ako. Napansin ko nalang, kaya ko pala katabi yung ambulansya. Yung emergency room, may extension sa garahe. Nasa garahe na pala ako nakahiga. nasa ulohan ko yung gate. At kitang kita ko ang ambulansya. Nabubulok. Walang Gulong kaya pala. Habang pinagmamasdan ko yung ambulansya, lumakas ang iyak at panaghoy. Sa puntong iyon alam ko na. Kunuha na si Kuya ni Kamatayan. Akala ko ako na ang susunod na aasikasuhin. Pero nang inaayos na nila ang kamamatay lang na lalaki. Dumating ang isang lalaki na may taga at malaking hiwa sa braso. mula balikat hanggang pulso. Walang tigil ang dugo. Ang mas malala duon. Sa kanyang ulo. Nakakabit pa yung itak. Nakaipit sa kanyang skull.. Tumingin sakin ang doktor. at napansin nyang nakita ko din yung pasyente. sa isang malumanay na tango ni dok. naintindihan ko ang kanyang ibig sabihin. "Unahin muna namin ito". Kahit matagal bago ako naasikaso sa Ospital ng Sampaloc. (WORST PARIN ANG OSPITAL NG MAYNILA)

PS: Inabot ako ng 4 na oras para lang matahi ang sugat ko sa Ospital ng maynila. Kumpara sa Ospital ng Sampaloc, hindi ganun katagal. Mababait pa doktor at nurse.

Sumasakit na talaga ang sugat ko, pero alam kong mas masakit yung sugat ni boy  tinaga. Napalingon ako sa gilid. may isang bakanteng higaan. sa higaan. may isang jacket. sa tabi nito. isang matabang pitaka. Binalak ko kunin yung pitaka wala naman nakakakita pandagdag sa gastos sa ospital. o kaya baka magpalipat nalang ako sa private. kaso naisip ko baka ako makarma. Baka bumalik si Kamatayan at ako naman ang hintayin. Ahhhh.. Nasa tabi ko pala si Rolly, (na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). Lubos ang pasasalamat ko sa kanya. Sa kanyang pagsama. Habang naghihihtay, tinext ko nadin ang sila arnold at iba ko pang kasama magdota kanina. Para ipaalam na nasaksak ako at nasa ospital ako. Ang kanilang mga reply "Olol, Gagu, Inang Yan, at Magdalmatian ka nalang". Di ko alam, pero natawa ako, hindi ko naman sila masisi, dahil nga puro kalokohan ako kanina tungkol sa Dalmatian. Naalala ko tuloy yung kwentong, The Boy Who Cried Wolf. Ako naman The Abnoy who Cried Dalmatian". Di nagtagal, bago pa maubos ang load ko. Naniwala din sila. Tinext ko nadin ang mga kasama ko papuntang subic para ipaalam na hindi na ako makakasama dahil nasaksak ako. Ang ilan naniwala. Ang ilan nagsabing baka Dalmatian nanaman yan ang isa nagsabi "sige pakasaksak ka na. Saksakin ko mukha mo"...

Napakabait ni Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). Sinamahan nya ako duon, hanggang sa dumating sila Arn, Ian, Mikel, at iba pa. Nagpaalam na rin si Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). Dumating din ang isa kong Guro mula sa Centro Escolar, Si Sir Gabano. kasama ang isang Security Guard ng School, para kumuha ng pahayag at gumawa ng Incident report. Tinanong ni Sir, kung alam ba ito ng magulang ko. Sabi ko, Sir gabi na bukas nalang. Syempre pinagalitan nya ako.. Kahat no choice, tumawag sya sa bahay gamit ang sariling cellphone, gamit ang sariling load. nakausap nya ang aking ina. at ibinalita ang lahat. Nakausap ko din ang aking ina at wala pang isang oras. Dumating si Itay. Sinabi ko sa tropa ko na wag nang ipaalam sa aking nobya noon na si Miss Chinatown. Pero tulad ng mga tsimoso. Sinabi din nila. Dumating si Miss Chinatown, kasama ang kanyang ina. Sa kanyang pagpasok sa kwarto. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. Alam nyo ba yung eksena sa pelikula kung saan parang tumitigil ang mundo. nawawala ang lahat ng bagay maliban sa taong minamahal mo. Yung tipong slow motion ang lahat. At wala nang iba pang mas mahalaga sa pagkakataong iyon kundi ang pagkakataon kayo ay magkasama. Promise. Kahit medyo korni at di ka maniwala yun ang nagyari. Pumasok syang umiiyak at tumigil ang mundo sa mga pagkakataong iyon. wala akong ibang nakita kundi siya. Ang kanyang mga mukha, maamong mukhang parang angel na umiiyak ng perlas. Tumigil ang mundo. At sinabi ko sa sarili ko. Lord, Thank you po, Thank You at buhay pa ako. Salamat at nabuhay ako, para makasama ang abbaeng ito. Ang pinakamamahal ko. Ngayon siguradong sigurado na ako, higit sa kailan pa man. Salamat po. Siya ang gusto kong makasama sa pagtanda at Habang Buhay. Lumapit sya sa akin at yumakap parang ayaw ko na tumakbo ulit ang mundo. (PERO GAYA NG ALAM NYO NA, HINDI KAMI NAGKATULUYAN. INIWAN NYA AKO. PINAGPALIT SA KANYANG KATRABAHO. Masaya na sya hayaan na natin) 

Unti unting umalis na ang mga kaibigan ko. Untri unti naring nagdatingan ang mga text. Mga pangangamusta kung Ok na ako. Umalis narin si Sir Gabano. At sinabing dadalawin ako ni Dean Lucido kinabukasan (na hindi naman nangyari, oks lang sembreak nun, aabalahin ko pa sila.) Lumipas ang 2 araw. Matapos ang madaming Xray at ang pangambang tutubuhan ako, kung sakaling napuno ng tubig o hangin ang baga ko. Ayun sa Xray. Malalim ang sugat, pero hindi naman umabot sa baga o anu pa mang vital organs. Swerte nadin siguro dahil nasabayan ko ng sipa ang pagsaksak ng holdaper kaya hindi bumaon ng todo. O baka dahil mataba ako kaya tumabog sa mga fats yung saksak. Gayun pa man. Ang dami ko naranasan. Ang dami ko hindi naranasan. Totoong inggit padin ako sa mga masasayang nagyari sa subic, kapag inaasar nila ako at iniinggit at pinagtatawanan kung bakit nagpasaksak ako kayat hindi ako nakasama. Pero ayos lang. HIndi man ako nakapunta. NAg dami ko naman natutunan.   

Una, Mag-ingat sa Friday the 13th. 

Pangalawa, Hindi dahil malas ang Friday the 13 kaya ako nasaksak. Ang totoo malapit kasi ito sa 15th. Panahon ng Sweldo. Dahil Magiging Sunday ang Sweldo pag Friday the 13th. Sa 13th ibibigay ito. Kaya panahon ito ng disgrasya, dahil naglalabasan at overtime din sa pagtratrabaho ang mga HOLDAPER.

Pangatlo, Mabilis talaga bumalik ang karma. Masamang nanloloko tungkol sa Dalmatian.

Pang-apat, wag nang lumaban sa holdaper lalo na pag pula ang mata.

Pang-lima, Masama talaga ang DOTA.. Itigil na yan.

Pang-anim, Naranasan ko Tumigil ang mundo, kahit sandali lang. totoo pala yun.

Pang-pito, Nalaman ko ang mga tunay kong kaibigan. Madami padin mababait na tao sa mundo, tulad ni Gay Nurse at ni Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). 

Pang-walo, Libre pala talaga sa Govt Hospital. wala ako binayaran. Nagbigay nalang ako ng donasyong sabon, zonrox papel, folder. Dahil kaya ko naman magbigay. Tulong nadin para ibang masasaksak na hindi kaya maglabas kahit barya. At saka, ang lupet ni Inay napaputi nya yung CR na kulan Itim. Nilinisan nya ng todo.

Pang-siyam, Natuto ako tumanaw ng utang na loob. Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). Malaki utang na loob ko sayo, balang araw hahanapin kita Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). pag yumaman ako.

Pang-sampu, ang daming kulang sa police at hospital facility sa bansa. Wag mag inarte. Lalo na kung buhay ang nakataya. Mas madami pang mas malas sayo. 

Pang-labing Isa, Hindi lahat ng pangarap mo matutupad. Hindi kami nagkatuluyan ni Miss Chinatown. Hindi rin ako nakasakay sa Ambulansya. 

Pang-labing Dalawa. Masarap Mabuhay. Matutong Magpatawad at Magpasalamat sa mga biyayang natatanggap. 

Pang-labing Tatlo. Malas talaga kami ni Arn. Noon itong Saksak episode. Sumunod, Natusok sya ng pako sa Provident Village nung pinuntahan namin si Ser Aina. Tapos nung nalaglag ako sa FHM Party. Malas talaga tayo pag magkasama Bebeng. 

(Hindi ko na nakita ang holdaper. Hindi narin natuloy ang kaso. Walang nahuli, hindi ko kasi matandaan ang mukha ng holdaper. Madilim at mabilis ang mga pangyayari. Umaasa akong baka nakita ni Rolly,(na hindi ko natanong ang apelyido pero nakatira sa Vicente Cruz). Pero kung nakita man nya. Hindi ko naman malaman kung nasaan sya, para gawin kong witness. Balak ko sana, magturo nalang kahit sino dun sa mga piktyur sa istasyon ng pulis. Sabagay pare-poareho naman sila masasama. Pero naisip ko. Pag ginawa ko iyon. Ako naman ang sasama. Kawawa naman ang pamilya kung ituturo ko lalao na at hindi nya ginawa)


Additional Info: Mahigit Dalawang araw din ako naospital. Pag balik ko sa skul, instant celebrity ako. Kilala ng bawat teacher. Lagi ako tinatanong kung kamusta na ako. Nakapagrefund din ako ng mga ginastos ko sa gamot. Nasa dibdib ko parin ang peklat. Tatlong tahi. lumiit nakahit papaano ang sugat at peklat. Nagmistulang letter H ang peklat. Isang letrang nagpapaalala sakin ng mga salitang: Henry, Hedel, Holdaper, Halimaw, Haray, Hang Sakit. Tapos kahit kaya ko naman linisin at lagyan ng bandage ang sugat ko. Mas pinili kong sa skul clinic mag palinis ng sugat. Una, chicks at ang ganda nung nurse. Tapos nakakakiliti maglinis yung nurse, always smiling pa. at ang ganda ng mata. At higit sa lahat, kakaiba ang nararamdaman ko kapag tinatawag nya na ako para pumasok sa kwarto at humiga sa kama. 

Tapos sasabihin nya, SIGE HUBAD KA NA (sabay ngiti nung nurse)    


Credits to Google Images Search

6 comments:

  1. Napakasinungaling mo talaga! Kapal ng mukha mo! Hindi kita tinulak sa stage ng FHM! :p

    ReplyDelete
  2. Hahahaha.. Oo nga pala.. sige sige hindi mo na ako tinulak.... si Ayah pala yun hahaha

    ReplyDelete
  3. Anonymous4:20:00 PM

    hahahaha alam ko ang kwentong yan... detalyadong detalyado ang pgnarrate mo ah. nice! congrats! ang ganda!---Pam Diaz

    ReplyDelete
  4. Pam, Salamat at ikaw ay natuwa... Yehey... Yung St. Jude Date, este isaw fudtrip natin ha.... wag mo kalimutan :)

    ReplyDelete
  5. Anonymous11:00:00 PM

    ang haba, tangina. nakakatamad basahen. sa gitna pa lang ng unang paragrap nawala na ang interes ko.. hahaha...

    sa susunod iklian mo lang para naman sipagsipagen ako basahen. at hndi maka-alpas ang gusto mong ipahatid na kwento.

    ReplyDelete
  6. Anonymous5:43:00 PM

    parang............

    ReplyDelete