AKBOT
Ang bag o sisidlan na ito ay ibinigay sa akin ng aking minamahal na Lolo. Bago siya pumanaw. Isa ito sa mga "Priceless Item" sa Buhay ko. Madaming istorya ang Nakapaloob dito. Saksi ang bag o sisidlan na ito na ito sa madaming bagay, Isa na riyan ang mayamang kultura ng Pilipinas. Ang napaka-gandang kultura ng mga Pilipino na taga-norte. Gawa sa katawan, partikular sa balat at balahibo ng isang Philippine Deer ( Mga Kaibigan bawal po ang paghuli at pagpatay sa Philippine Deer, critically Endangered at near to extinction na po sila). Ito ay hinuli, pinatay at ginawa ng aking Lolo, matagal na panahon na ang nakakalipas. Bilang isang miyembro ng kanilang tribo, o isang Indigenous Tribe dito sa Pilipinas (proud akong ninuno ko sila). Isa sa kanilang pangunahing ikinabubuhay noon ang panga-ngaso (hunting) at ang pagka-kaingin (pagsunog ng kabundukan para taniman ng gulay at iba pa).
Ayon sa kwento ng aking Tito, Ang Philippine Deer (usa) na ito ay nahuli nila sa bundok malapit sa border ng Pangasinan. Metikuloso ang pag preserve ng isang bag katulad nito. Hindi ko nakuha ng buo ang detalye. Pero hanggang ngayon ay may iilan paring gumagawa nito sa aming probinsya. Ngunit karamihan ay balat ng kambing na lamang ang ginagamit. Malambot at masarap hawakan ang bag na ito. Para sakin talo pa nito ang ilang mamahaling bag sa mundo. Una, dahil ito ay napaka tanda na.. Humigit kumulang siguro, 50 taon na ito. At nasa perfect condition pa. (maliban na lang sa butas ng bala na makikita dito sa bag)
Bukod sa matagal na itong bag na ito. Napaka-rare pa ng kanyang pinagmulan. Isang Philippine Deer. (pero wag kayo pumatay ng Philippine Deer, BAD YUN!). Kakaiba din at tradisyunal at isang tagong sikreto ng mga katutubo ng Pilipinong taga-norte ang process sa pag gawa nito.. Kokonti nalang ang may alam ng proseso na ito. Ito ay bahagi ng maganda at kagila-gilalas na kultura ng Mummification sa Bansa. Maihahalintulad ang processong ito sa mga Mummy ng Sagada at ng Ehipto.
Sabi ng Nanay ko mahal at napakasuper duper EXPENSIVE na ng Bag na ito. Kaya Dapat ko ingatan. Ilang Beses ko na din sinuot ito sa Skul (college) at kakaiba nga ang dating ng bag na ito. Lahat ng tao nakatingin sa akin. Humahanga sa kanilang nakikita. Bihira at iilan na lamang ang mayroong ganitong sisidlan sa Pinas, o kahit sa buong mundo.Twing gagamitin ko ito, hindi mawawala ang mga nagtatanong at kumakausap sakin. Kaya kahit papaano nagsawa nadin ako dalhin ito. Saka natakot din ako baka nakawin. Sayang naman. Baka masira din. Kahit matibay ito.. Sobrang matibay. May mga pagkakataong nakakatakot gamitin at baka maipit sa LRT/MRT. Bukod pa rito ang mga makukulit na bata, na walang humpay sa pagkalikot sa buntot nito.
At malakas sumigaw ng "MOMMY LOOK AT THAT MAN, HE HAS A TAIL".
Minsan daw may nag-alok bilihin ang bag na ito. Karamihan foreigner. Umabot ng 30 thousand.. Yung iba todo bigay lumalampas pa ng 100 thousand pesos. Pero Alam ko higit pa ang presyong makukuha nila kapag ibinenta nila ito. maaring umabot pa ng milyon ang presyo nito. Lalo na kapag na total extinction ang Philippine Deer, at ito nalang ang pwedeng gamitin pagkuhaan ng DNA para ma-clone ang Phil. Deer. Pwede din itong ibenta sa mga Museum. Pero Hindi ko Ibebenta ito. kahit Milyon pa, Kahit asin nalang kinakain ko.
Hindi dahil pinapataas ko pa ang Value nito, kundi dahil ito ay isang natatanging KAYAMANAN ng Bansang Pilipinas. Hindi lang basa kayamaman. Kundi isang maganda at malawak na Kultura ng Pilipino. At syempre bigay ito ng LOLO ko... Kayamanan ito ng Kultura ng Tribo namin.. Kaya Aalagaan ko ito.. PoreBeR...
No comments:
Post a Comment