JEJEMON JEJEMON SAAN KA NAGMULA?
JEJEMON GIRL
Anak ng Mahabaging Kalabaw. Hindi ko alam kung matatawa ako dito o masusuka?
Ano sa Tingin nyo? Masyado na bang malala ito?. Buti nalang at dumating si BEKIMON. At kahit papaano medyo nawala ang atensyon natin sa mga katulad nila. Hindi ba kayo nagtataka? Parang parehas lang ang mga Emo, Skwater Rapper, mga Gang gang sa Kanto at looban, saka ang Mga jejemon. Pati sa pananamit , pagkilos at pagsasasalita. Parang patuloy lang silang nag-eevolve. Naghahanap at sumisiksik sa kung anu ang uso.
Mapunta tayo sa tanong na, Sino kaya ang nag-pauso ng term na JEJEMON? Sa totoo lang matagal tagal ko naring naeencounter ang mga jejemon. lalo na yung word na "jejejejeje" karaniwan ginagamit sa hulihan ng text, para ipakita ang pagtawa o "hehehehe" pero ayon sa ilang kilala ko, hindi naman sadya na jejejeje ang ginagamit nila. Sadya lang daw silang tamad. Kayat imbis na dalawang pindot ang gawin para matype ang letrang "H" ay ang letrang "J" nalang ang ginagamit nila. Nung nagsimula nang kumalat ang jejemon. Tinigilan na nila ito para hindi maiiugnay sa Hardcore jejemon. Hindi ko talaga maintindihan kung anu ang sense ng jejemon. Sa pagtype at sa pagsasalita. (marahil kasalanan ito ng mga telecom providers, kung walang unli, hindi maglalakas ng loob ang mga jejemon para pa-artehin at gawin ang kung anu-anu pang shit sa pagtataype, dahil titipirin nila ang load at iiklian ang text). May kilala ba kayong Mayaman o Kahit middle class na Jejemon? Parang wala pa. Hindi sa Iniuugnay ko sa kahirapan at mga Class D E F G H I Jejejeje ang pagiging isang Jejejemon. Hindi ko sinasabing mahihirap na pinoy lang ang umaasta at nagpapapansin bilang Jejejemon. Nagtataka lang ako, Bakit pag maganda at mayaman ang umastang jejejemon ay Cute Tignan? pero kapag Urban Poor, eh parang nakaka-asiwa? (any answers?)
Mabalik tayo dun sa observation ko. Yung pananamit at pananalita ng mga jejemon ngayon. Diba matagal na natin itong nakikita? Matagal na matagal na matagal na, bago pa man mauso ang term na ito. Diba? Tama Ba? Sila yung mga tipong laman ng looban, yung medyo punk na emo. Yung rapper na maluwag damit at may cap. Pero ngayon syempre medyo nag-evlove sila. Parang Hybrid lang.. Ayan sa gilid yung mga tao sa looban/(hindi ka na makakalabas ng buhay) look. Ano sa tingin nyo? wag nyo na tignan. Makuha kayo sa Tingin. Gusto mong turukan ka nyan sa tagiliran?
At eto naman yung Emo look. Di ko alam kung ang pagkakaiba nila sa emo eh yung BANGS. Baka dapat bago ka sumapi sa Jejemon Tribe eh wala kang bangs. Pero technically halos pareho din sila ng pananamit. Maliban nalang sa pagiging makulay ng panananamit ng mga jejemon. Angas ni kuya oh. May scarf pa. Para sa marami, siguro kaya nauso ang Jejecap (yung tipical na head cap) ay para dual purpose. Pwede ka maging jejemon. Basta itatago mo yung Bangs mo sa sumbrero. pag feel mo na ulet maglaslas ng blade at makipagsiksikan sa octoberfest o Tanduay rockfest o kahit anu pang moshpit at body slam jan. Alisin mo lang yung cap tapos magsuot ka ng itim. Ayos na!
At syempre eto naman yung gangster look. o Yung sinasabi nilang GANGZTAH. Pansinin na lamang ang paraan sa pagsulat ng salitang Gangster na naging "Gangztah". (ano sa tingin nyo? looks like jejemon?) Pansinin din ang pananamit nila at mga senyales gamit ang mga kamay. Tulad ng "Looban Look" na nasa taas. Kagaya din ng "Emo" look mahilig sila sa hand gestures. Mapa-peace sign man ito o middle finger. o kunwari telepono na nagsasabing call me na naka horizontal. Hindi rin mawawala sa kanilang arsenal, este get-up ang bandana, panyo o scarf.
At syempre eto ang Jejemon Look. Malaki ang pagkakaparehas ng aking mga nabanggit tama ba? Makikita ang malaking similarities. Mapapansin din, tulad ng nabanggit ko na kanina, na karamihan sa mga grupong ito ay part ng Class D at Class E group ng society. Don't get me wrong. I have nothing against them. Gusto ko lang himayin ang mga sirkumtansya kung bakit nagsimulang nauso ang Jejemon. Given na yung fact na matagal na ang Looban Look. Mula p[a ng umusbong at dumami ang mga tao sa Maynila. Kung saan sinakop ng mayayaman ang mga magagandang lugar. At ang mga uri ng magsasaka at mga promdi na nakipagsapalaran sa magulong mundo ay naipon sa isang masikip na lugar, malayo sa mayayaman at pinagiinitan. Natuto silang gumawa ng sariling mundo, sariling pagkakakilanlan. Nagsimula naring sumikat ang Tondo. Noon hindi pa Gang ang tawag dito.. Simpleng mga tao sa looban na ang tingin ng marami ay salot sa lipunan. Naging mailap sila. At dahil nga sa pagmamata ng Bayan natutong tumayo at maging matapang.
Given narin na iba ang pananaw at ketegorya pag sinabing pangkat. Pangkat pangkat. Base sa probinsya o bayan na pinagmulan. Wala pang gangstah noon. kaya ang labanan teritoryo teritoryo at ang pinanggalingan mo. Hindi pa, at malauo sa Gangster ang pamantayan noon. Nauso ang "Gangster Look" dala narin ng makabagong panahon at ng Hollywood television. Kung sa Amerika ang gangstah puno ng alahas at may pagka Godfather the Movie ang tema. Dito sa Pinas. Iba. Ibang Iba. Diti na nagsimula ang labanan sa teritoryo at labanan para sa chicks. Maluluwag na damit at mga pekeng bakal na kwintas at mga singsing sa katawan. Kung noon base sa pinangalingang pangkat o probinsya na pinagmulan ang basis ng pangkat, pati narin ang paglaban para sa kaligtasan. Ang gangster o gangztah na kabataan ngayon, nagsisimula ang labanan sa masamang titigan, sa chicks at kelot na sinisinta at sa padamihan ng grupo. Sino ang mas madami, Mas magaling at panalo.
Para sa mga Emo naman. Obvious na sa Punk at Metal Rock ang Origin nito. Nagsimula nalang sumikat ng nadagdagan pa ng mga genre na makalaslas pulso at makahagulgol sa gabing mga kanta. eyeliner at mga bangs na may kulay. isama mo narin jan ang adventurismo at kagustuhang maging kakaiba ng mga kabataan ngayon. Isang panaghoy na nagsasabing Im Different, Look at ME.
At sa Jejemon. Tulad nga ng nabanggit ko kanina, wala akong sama ng loob sa mga ito o anu mang grupong aking nabanggit. Hindi ko ginawa ang blog na ito upang sila ay pagtawanan o libakin. Ang totoo ang bawat grupong nabanggit ay iisa lang ang pinaparating sa atin. Ang ebulusyong ito, na hindi naman mahirap makita na iisa lang ang pinagmulan. Ito ay manipestasyon lamang ng mga bagay o mga pangyayaring nagpapakita sa atin ng mga hinaing ng mga Pilipinong marahil ay nakalimutan na ng lipunan. Sa tingin ko, mas malalim pa sa dahilang KSP o gusto nila magpapansin kaya sila ganito. Ito ay naguugat way way back before. Ang pagiging Looban Look, Emo Look, Gangstah Look at Jejemon Look, ay nagsasabi lang sa atin na, dahil sa kahirapan at sa matinding pagaalipusta ng kapwa Pilipino sa class ng society na ito ang naguudyok para sa karamihan, sa mga kabataan para gumawa ng sariling mundo. Isang Mundo na alam nilang tanggap sila. Isang mundong alam nilang proprotekta sa kanila. Isang Mundong makakaintindi sa pinagdadaanan nila at sa mga panaghoy nila sa gabi. Marahil mas sikat ang mga grupong nabanggit sa ating mga pandinig, dahil araw araw natin silang nakikita sa balita, maga balitang tulad ng rambulan, saksakan, patayan, gang rape, drugs, marijuana at kung anu anu pa. Pero isipin natin, hindi lang ang Class D at E ang gumagawa ng katarantaduhan sa Pinas. Kahit ang mga mayayaman o middle class na Pinoy. Yun nga lang pag mayaman ka, madalas abswelto ka. Dahil sa galing ng mga abudago nila at sa dami ng kanilang pera. Pero hindi ba't parang napaka dali sa ating mang husga at parang natural na sa atin kapag mga ganitong kabataan ang mga nasasangkot?
Isa lang naman ang problema. Pero madami ang solusyon. Ang Problema, nawawala na sa tamang landas ang karamihan sa ating mga kabataan. Kahat madali silang nahahatak sa mga bagay na uso at mga bagay na magbibigay sa kanila ng kapanatagan. Ito man ay kapatanagan sa seguridad, dala ng kanilang gang. Kapanatagan para mapansin, sa kanilang mga mananamit at pananalita o kapanatagan na may makakaintindi sa kanila. Ang solusyon tamang pag-gabay ng magulang at ng paaralan. Ang maigting na pagtutok ng sambayanan. Upang maramdaman ng ating kapwa Pilipino, lalo na ng ating mga kabataan na hindi sila OUTCAST at minamata dahil sa estado ng kanilang pamumuhay. Para hindi sila maghanap at gumawa ng sariling mundo. Mundong Akala nila ay Panatag sila at naiintindihan sila. Ngunit sa huli ay IKAKASAMA pala nila. Madalas pinagtatawanan natin sila, madalas nilalayuan. Madalas ang tingin salot sa Lipunan. Lahat ng ito ay dahil hindi natin sila maintindihan. Paano kaya kung hindi lang natin subukang intindihin, mas maganda kung atin din itong SOLUSYUNAN gamit ang Pang-unawa at EDUKASYON.
Credits to Google Image Search. No COPYRIGHT INFRINGEMENT. Intended

Putanginang mga jejemon yan. Linisin na ang kalat parating na ang truck ng basura.
ReplyDelete