Oct 4, 2010

Pinoy Debutante

            
PINOY DEBUTANTE
Sinulat taong 2008

Nakaw Pics sa Debut ni Ms. Morales

            Matagal na ang nakalipas. Ilang araw narin ang mula noong Oktubre 12, pero may hang over  pa ata ako sa mga DebuT. Kaya naisipan ko magsulat ng tungkol dito. Kung paano nagiging parte ng buhay pinoy, este pinay ang pag dedebut.. Huli ko ngang napuntahan ang debut ni Marian Jonas. At tulad ng ibang debut. May 18, roses, gifts, candles at may toast.

            Pero bago niyan pasadahan muna natin sandali kung saan at paano nagsimula ang debut. Ang debut na marahil ang pinaka-sikat na tanda ng pag-usbong ng isang kabataan. Sa mga kababaihan ay sa edad na 18, at ang mga lalake naman ay sa edad na 21. Bakit nga ba nagkaiba ito. Sabi ng madami ang mga babae daw ay mas maagang nagma-mature. Ang age of maturity ng mga babae ay sa edad na 18, ibig sabihin ba nun ay mas isip bata ang mga kalalakihan kayat inaabot pa ng 3 taon bago mawala ang pagiging retarted ng karamihan. Sabagay, kung tutuusin kultura na siguro ang humubog sa ganitong paniniwala. Mas maagang namumulat ang kababaihan, dahil mas maaga silang nagiging conscious pag dating ng 18. ang mga lalaki ay mas matagal magsawa sa mga kagaguhan at kalokohang kanilang kinagisnan. Dito narin pumapasok ang kaisipang mas matindi ang pagnanais ng mga kababaihang makilala at paipakita sa mundo ang kanilang estado. Ang mga lalake. Keri lang kumbaga. Pero hindi ba mas nakakatakot isipin na mas maaga ding magkakalakas ng loob na makipag jer-jeran ang mga girls, dahil sa kaisipang legal na sila at dalaga na. Kunsabagay bago pa man dumating sa 21 ang mga klalaki ay jumejerjer narin. ( Jerjer – slang word for sex)

            Balik tayo sa kasaysayan. Ang pagdedebut ay kilala sa buong mundo bilang tanda ng paglampas sa edad ng kabataan patungo sa pagiging dalaga o binata. O ang pagpasok sa early stages ng adulthood. Noon ito ay karaniwang ginagawa sa mga kanluraning bansa. Kung saan ang mga mataas o mga dugong bughaw ang nagpasimula nito. Kung saan ipinagdidiwang nila ang debut bilang pagpapakilala sa kanilang mga babaeng anak at bilang tanda ng pasok nito sa hustong gulang. Ipinagdiriwang ito ng bonggang bongga bilang pagyayabang at pagpapasinaya sa anak. Na ito ay parte na ng sistema at ng society. Dito matutunghayan at maaring ipangalandakan ang ganda at yaman ng isang pamilya. Ang pagdiriwang ng enggrande ay isa ring paraan upang magsama sama ang mga mayayamang pamilya upang tunghayan ang pagusbong ng isang nilalalang. Paranag sinasabi na. 
(OK here’s our daughter come and get her). Isang paraan rin para makita kung sino ang maaring manligaw at pagpapahayag namaari nang landiin ang kanilang anak.

            Pero nabago na iyan sa paglipas ng pahanon. Hindi lang ang mga mayayamang pamilya ang nagpapasinaya sa pag-usbong ng kanilang iniirog na anak. (sa ibang kultura hindi ipinagdiriwang ang paglakbay o pagtawid sa kabataan, ang ilang kultura ay depende sa edad ang pagtawid sa katandaan. May mga kultura, tulad sa Africa at iba pang bansa, na ang female circumcision ang tanda, at OO may female circumcision. Pero hindi yan ang topic. Next time na yan)

            Bumalik tayo sa Pinas. Paano nga ba ang pagdiriwang ng Pinoy debut. Sa mga lalaki, wala lang. Sa edad na 21 konting inom. Pulutan ay ayos na. Kaya ang sa kababaihan anag ating pagtutuunan ng pansin. Ang tanong na ating lalakbayin ay “HOW PINOY IS YOUR DEBUT?”. Tulad sa kanluran malaking bahagi at ideya ng pinoy debut ay magkahalintulad. Pero tulad ng madami, madami na rin ang nabago. Pero simulan natin sa pinaka common.
            Karamihan, sa mga hotel o mga occasion venue ang pinagdadausan ng DEBUT. Pero paano ba nagsisimula ang paghahanda ng DEBUT?

            Una – Eto pinaka malupit na paghahanda. Dito nagsisimula ang lahat. Kung ang iniisip mo ay ang pagsukat ng gown? Pagpapatahi ng ilang costume change mo? Pag gawa ng invitation? O pagtawag sa mga kamag-anak mo sa tate. Diyan ka nagkakamali. Ang unang dapat gawin.
 “PAGKUMBINSI SA MAGULANG NA BIGYAN KA NG DEBUT CELEBRATION”.

            Tama! dito nagsisimula ang lahat. Kung ikaw ay laking A-C. (Aircon) at hindi ka galing sa UP ( Urban Poor ) malamang sa hindi, ay hindi mo na pagaaksayahan ng laway ang pagkumbinsi sa iyong MOMMY at DADDY. Dahil kusang loob nila itong ibibigay sa iyo. Pero kung U.P ka, at ikaw ay unica hija. May chance parin naman na magkadebut ka. Basta siguraduhin mo lang na nagiipon na sila ng pag debut mo noong 15 years old ka palang. Kung UP ka at sekyu ang nanay mo at naglalaba ang nanay mo. At tumigil ang mga kapatid mo sa pagaaral. Wag ka nang umasa.

            SCENE:1
            Debutante: Tay, gusto ko pong mag party sa debut ko.  
            Tatay: Debut debut ka jan, eto bente bumili ka bigas. 
                         Pagkasyahin mo. Bili ka din ulam.

            SCENE:2
            Debutante: Tay, pwede po ba ako mag party sa debut ko. 
                                   Gusto ko yung naka gown
            Tatay: Lintik na, gusto mong sipain kita jan. 
                        Tigilan mo nga yang kabaklaan mo Bogart.

            Pero kung iniisip nyo na ang mga laking-Air Con ay kokonti lang ang problema sa pag buo ng kanilang debut party, nagkakamali kayo. Dahil bukod sa stress na kusa mong sasagupaain. Nariyan ang mga tinatawag nating “DISRTACTION” at “PRACTICALITY”.

            Nariyang parang magiging si Kris Aquino ang NANAY mo. AT magiging si Banker ang TaTAY mo.
            Debutante: Nay, Gusto ko pong magpaparty sa Debut ko.
            Nanay: Sige, Iha. Saan mo ba Gusto?
            Debutante: Pwede po ba sa Hotel?   
            Nanay: Sige Anak, pero sure ka ba?               
            Debutante:  Opo Nay.
            Nanay: Basta ikaw bahala, wala ako time para sa paghahanda niyan.

Tutugtog ang Deal or No Deal Theme.
Lalabas ang mga katulong at tatayo sa hagdanan. May dala-dalang Briefcase.
           
            Nanay: Pero Kung Gusto mo, Perahin mo nalang.
            Debutante: Huh? ( nalilito )
            Nanay: Hello Banker ( Tatay).
            Ang First offer isang 1 week trip no Europe. DEAL OR NO DEAL?
            Debutante: (Mas lalong nalito)
            Nanay: Or ang laman ng Briefcase ni Inday number 1? 
            Inday number 1: 18,000 pesos. Parang 18 roses multiples by 1000
            Nanay: Inday number 2.
            Inday number 2: Shopping Spree sa Hong Kong
            At yan ang karaniwang pinagdadaanan ng madaming babae. Ang pagpili kung party o practicality. Madalas sa hindi. Lalo na kung OBIT ka (tibo) at di pa alam sa inyo. Malamang ang kwarta ang piliin mo. Pang chicks. Dahil kakatihin ka lang sa gown.

            Kapag tapos na ang PAGKUMBINSI nariyan na tayo sa “STRESS” episode ng Debut. Nariyan ang paghahanap ng mananahi. Tela at disenyo ng iyong gown. Syempre di ka papayag na isa lang. Dapat may dress change ka. Iba ang gown sa 18 roses, 18 gifts at syempre 18 dance. Dito narin pumapasok ang pagkabahala na baka matapos gawin ang gown mo, baka tumaba ka. Kaya ayan sige diet ka.
                     
             (pero sa Amerika, mas magarbo ang pag diriwang ng 16th birthday. Tinatawag na sweet 16. Kung kasing yaman ka ni Miley Cyrus at Bestfriend mo din ang Daga sa Disneyland. Ang Ganda. 16 malamang pinagdiriwang ito dahil may 2 years pa sila sa piling ng magulang. pagdating ng 18. pwersahan na silang sisipain sa puder ng Magulang. hehe)

             Pangalawa – Ang paghahanda. Dito kasama na yung paggawa ng Invitation. ( pero kung nagtitipid ka, ayos na ang text message. O kaya personal na pagimbita). Pag kontak sa mga kamag-anak sa ibang bansa para pumunta sa party mo. At pag hanap ng venue. Pakikipagtawaran sa florist at ang catering. Kung may mga kapatid kang babae. AYOS. Kung Bakla. MAS AYOS! May katulong ka. Pero kung puro Barako at Lalake ang kapatid mo. Goodluck..

            Pangatlo  - Follow Up. Eto yung pinaka malupit. Kapag ayos na yung handa venue. Follow up ng mga inimbita ang pinaka haggard. Nariyan na yung kukulangin ka sa 18 candles. Panu kung 17 lang kaibigan mo. Kasama na kamag-anak. Patay. 18 Gifts. Dapat yung mga mayayaman mong friends at Tita o Tito ang kontaks. 18 roses. Ayan na sayawan na. Kung kulang ang friend mong lalaki, malas. Kaya dapat madami ka rin kaibigang bakla. Para pede na. Kaso pano kung gusto rin nilang mag gown. Tsk tsk.

            ANG PAGPILI NA SIGURO NG ESCORT ANG PINAKA MARIMARIM NA TAGPO. Kung may Boypren ka. At legal kayo walang problema. Kung may Kapatid kang Lalaki. Wala ding problema. Pero kung may boypren ka at di kayo legal. Ayan na. Dapat maingat dahil baka mahuli.  Dapat ang ESCORT mo. Gwapo. Pati narin ang mga ibang roses. Pero kung kamag-anak ok lang kahit chararat. Pero syempre, girls live in a fairy tale world. Kaya gusto nila puro gwapo. Pero kung kapos talaga sa good looking friends. Buti nalang meron kang close friends. Common scenario sa mga debut lalo na pag hindi legal ang boypren mo. Ilalagay mo siya sa gita ng sayaw. Mga dance number 8 or number 10. para hindi halata. Tapos pag malakas ang loob mo. Pwede mo gawin ang scene na ito.

Speech ng Debutante
            Mom and Dad. Ngayon po 18 na ako. Dalaga na po ako. At matanda na. Nakikipaglaplapan na po ako sa mga lalaki. Madami narin ako naging boypren. ‘Di narin po ako virgin. At sya po ang boypren ko. Siya po ang naka-una sa akin.  Siya po ang kumuha ng pagkabirhen ko.
(Drum roll) tapos tatawagin mo si boypren.
ROSE Bearer NUMBER 10. Come ON down!
Tatapat ang ilaw sa kanya at lalapit sa iyo. Depende sa mga magulang mo at kamag-anak, depende sa kanilang reaksiyon. Pero malamang himatayin ang nanay mo at biglang mahihinto ang party mo. Pero kung swerte ka at dahil birthday mo naman. Baka sakaling makalusot ka. (pero di ko advice na gawin mo nga ito)

            Ilang beses na akong naimbitahan sa mga debut. Ilang beses narin maging isa sa 18 dance. Pero dahil semi urban poor at semi AC ang mga klasmeyt ko noong hayskul. Karamihan. Walang nag debut. Ginamit nila ang practicality. Noong college madami ako na-attendan mula sa mga AC friends ko. Pero ni minsan hindi ko pinangarap maging escort. Buti nalang hindi din nagparty ang mga kapatid ko. At hindi ako naging escort. Muli ginamit nila ang practicality.

            May nag-imbita sa akin sa isang debut. Kaso hindi ako pumunta. Unang una. Hindi ko kilala ang mga friends nya. Kakahiya. Mag-isa lang ako dun. Hehehe.

            Kapag tapos na ang kainan at mga 18 chorva. Nariyan na ang dance showdown. Kung saan natutulog na ang mga magulang at pinabayaan nang magwala ang mga bata. Umalis narin ang mga kamag-anak. Kaya labo labo na. Ang venue na kanina ay pormal. Nagiging dance floor. Dumidilim at nagiging tugs-tak ang mga kanta. May isa akong pinuntahan. Matapos ang kanta ni NEYO, biglang segwey sa kantang ARING KING KING. Pronbinsya ayan BOY! Ang saya.
            Pero kung sa tingin nyo ang debutante lang ang namomoblema sa debut. Hehe. Kung katulad mo ako na madalas maimbitahan problema mo rin ito. Una na riyan ang susuotin. Lalo na kung may toyo ang debutante at may motif. Nariyan ang mga costume. May masquerade. At may spongebob inspired. May underwater. Princess. Dyesebel. At kung ano ano pa. Malas mo pag birthday nya halloween. Isa lang alam kong costume eh. Yung zombie. Kaso nagmumukha akong taong grasa. Kaso di bagay sakin kasi ang taba ko. Hehe.

            Common problem ng mga imbitado ang isusuot. Sa babae. Kelangan astig at bongga. Formal kung formal. Dress kung dress. Sa lalaki. Long sleeves lang talo talo na. Blackshoes at black pants ayos na. Lagyan mo ng kurbata. Pwede na. Pero dapat lagi ka ring handa. Dahil baka pag di dumating ang isang rose. Mahatak ka. Panget naman kung gusgusing long sleeves ang makikita sa pagsayaw mo sa debutante.

            Hay... dami ko pa idadagdag kaso tinatamad na ako. Hehe.
kayo? Ano ang debut experience nyo? Ano ang gusto mo sa debut mo? Ako? Nung nag 21 ako. Muntik ako magpakamatay. Hehe. Takteng lovelife yan... di bale nadaan naman sa inom. Ayos na... whooot......     

No comments:

Post a Comment