Nov 20, 2011

TOMA + PAGNANASA = GAHASA

TOMA + PAGNANASA = GAHASA
Isinulat taong 2007

Binuksan ko ang pinto. Naroon siya sa labas. Sa may sofa. Nagaayus ng kanyang gamit. Tapos na ang gabi… Wala narin ang tama. Wala na ang hilo ng nakaraang gabi. Tumitig siya sa akin. At ako naman ay napatitig rin sa kanya. Nakayuko siya at nag-ayos ng kanyang mga gamit. Matagal ang titig na iyon sa aming dalawa. May kakaiba sa kanyang mga mata. Apoy ang nakita ko. Malamang galit. Galit na gustong ilabas. Ngunit nakakabingi ang katahimikan. Ang pagtitinginan na iyon ay dagli ring natapos. Tahimik ang lahat. At ako walang maalala.. Nagsimula narin akong ayusin ag sarili. Dumiretso sa CR at nagbawas. Parang may mali. Parang may kakaiba. Ano ba ang nagyari kagabi? Wala akong maalala. Meron, ngunit mga kakaunting detalye. Ang hilo at sakit ng ulo ay unti unti nang sumisipa sa aking katawan, kahit pa sabihing unti na itong nabawsan dahil sa tulog. Mabigat parin ang aking katawan. Ngunit hindi kasing bigat ng aking nararamdaman. Pilit kong binabalikan ang gabing nagdaan. Ano ba ang nangyari. Hindi ko alam. Malamlam ang umagng iyon, kahit mainit dama ko ang kulimlim sa paligid. Nagsimula naring magising ang mga taong kagninay lumpasak sa higaan. Nagsilabasan na sila sa mga kwarto. Tapos na ang araw sa bahay na iyon. Kailangan nang umuwi. Pero may pangyayaring naiwan. Isang bakas , ng masidhing pagkakamali.


Sa aking pagsakay sa jeep, unti unting bumabalik ang mga nangyari. Pilit ko mang isipin hindi malinaw ang lahat. Parang isang panaginip. Ngunit parang totoo rin. Ano ba ang ginawa ko? Binalikan ko ang mga pangyayari. Ayaw ko mang isipin, parang nagyari nga iyon. Hindi ko maalala pero ang mga labi ko ang nagsasabing, oo nangyari nga. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko iyon. Sana panaginip lang. Panaginip lang. Sana.


Ako ang huling dumating sa bahay na iyon. Magsisimula pa lamang silang tumagay ngunit nakarami narin. Wala pa akong kain, walang hapunan. Ngunit napilitan naring makisalo sa uhaw ng lalamunan. Mainit na dumampi ang bawat alak sa aking bibig. Nakaharap ako sa kompyuter. Ilalaro ang paborito kong Dota. Habang tumatagay. Dahil nga huli akong dumating. Kelangan kong humabol sa ikot ng baso. Mataas ang bigay at lagay ng generoso sa baso. Pero wala na akong magagawa kundi inumin ito. Makailang baso pa lang, umikot na ang paningin ko. Marahil sa gutom at pagod mula sa araw na lumipas nahilo agad at tinamaan ako. Hindi ako masyadong nalalasing. Ako marahil ang pinakamatagal kung tutuusin na matumba sa barkada. Pero ng sandaling iyon. Ako ang unang tumiklop. Lumpasak agad ang aking katawan. Naroon na ngay tinatakasan ko na ang ikot ng baso. Wala na akong paki. Ang sabi koy gutom kasi ako. Baka hindi ko kayanin. Pass muna. Lagi kong sambit kapag sa akin na ang tagay. Maya maya pa ay tuluyan ko na silang tinakbuhan. Sa bakanteng kwarto, ako ang naunang lumupasay. Wala na akong paki. Pagod ako. Hindi ko na kaya. Kayat tulog ang isinagot sa hiling ng pagal na katawan at lasing na kaluluwa. Dinig ko ang tawanan at kulitan sa labas habang nakahiga sa kama. Umiikot na ang paningin. Ganoon pala ang pakiramdam ng malasing. Sa unang pagkakataon, sa tinagal tagal ko bilang isang manginginom. Iyon pala ang pakiramdam. Kakaiba. Kayat ilang sandli pa. Tuluyan nag pumikit ang aking mga mata. At sa himbing ng tulog ako ay nagpasasa.


Wala roon ang aking nobya. Nagpunta sa Ilocos , para sa isang paglalakbay ng klase nila, requirement dahil sa kurso niyang turismo. Ako naman nahihilo. Lumalim ang gabi at unti unti nang nanahimik ang paligid. Ang kaninay masasayang halakhakan at kulitan ay napalitan ng katahimikan. Mukhang bagsak na ang lahat. Syempre ako ang nauna. Lugmok sa higaan. Sa kalagitnaan ng gabi. Naramdaman ko na may roon akong katabi. Isang babae. Hindi ko alam kung sino. Madilim ang kwarto. Wala akong maaninag. O dahil sa kalasingan pikit ng aking mga mata. Panaginip ito, isang panaginip. Yun ang nasa isip ko. Panaginip na maari kong lakbayin at patunguhan. Sino ang makikialam. Wala, dahil nga sa panaginip ay walang makikialam sa aking kamalayan. Paano mo nga naman papasukin ang panaginip ng iba. Yun ang akala ko.

Unti unting gumapang ang aking kamay sa katawan ng babae. Hindi ito kumibo ng una. Malayang gumalaw ang mga daliri sa kanyang bisig. Hindi ko napigilan ang sarili, marahil hindi ko napigilan ang panaginip. Lumapit ako. At hnawakan ang kanyang mukha. Nang pakiramdam ko ay ayus naman sa kanya ay saka ko siya pinaibabawan. May damit ako. At siya rin naman. Sa ibabaw, sa madilim na kwarto hinanap ng aking mga labi ang labi niya. Nang makita ay pinupog ito ng halik. Sa umpisa ay malumanay. Ngunit sa huli ay nagsalita siya.

“Stop. Please. No. Stop.”

Mahina siya. Kasing hina ko rin. Ngunit ako ay nasa ibabaw na. Hinalikan ko siya ulit. Nadama ang kanyang malambot na labi. Mabigat ako. Kaya nahirapan siyang ako ay itulak. Makailang beses ko siyang hinalikan. Ang mga kamay gumagala kung saan man ito abutin. Ilang beses niya akong tinulak. Makailang ulit ko ring ibinabaw ang sarili. Itinulak nya ulit ako. At duon tuluyang nagdilim ang paningin at dahil sa kalasingan ay dumeretso sa pagtulog. Napakasayang panaginip. Dama ko ang kanyang katawan. Napakasaya. Napakaganda ng panaginip na iyon. Yun ang akala ko.

Kung tutuusin napakaganda ng nobya ko. Napakabait pa. Ngunit sa aming pagsasama may kulang. Kung yun man ang matatawag doon. Hindi pa kami nagtatalik. Oo, my roon kaming mga maiinit na sandali, ngunit hindi umaabot doon. Hindi dahil sa ayaw nya kundi dahil sa prinsipyo ko. Kung prinsipyo mang matatawag iyon. Handa naman niyang ibigay, ngunit ako rin ang may ayaw. Mas matanda ang nobya ko sa akin. Nasa huling bahagi na siya ng kolehiyo at ako nasa ikatlo pa lamang. Madami akong pangarap. Ganoon din siya. Malaki ang tiwala sa akin ng magulang niya. Kayat ayaw kong masira iyon. Sobrang laki ng respeto ko sa kanya at sa kanyang pamilya na takot akong magkamali. Buhay niya at buhay ko ang nakasalalay. Ang pangarap niya at pangarap ko. Ang pangarap ng pamilya namin. Hintay muna. Matapos naming grumadweyt. Malakas na ang loob ko. Ngunit hindi pa ngayon. Mahirap na.

Sabi nila ang panaginip daw ay nagsasalamin ng mga bagay na mahalaga at importante sa atin. Ito rin ay sumasalamin sa tunay na katauhan. Kung ano ang gusto mong mangyari. Dito mo nilalabas ang lahat ng frustration sa buhay. Sa panaginip mo binubuhay ang mundong gusto mong galawan. Sa mga bagay na gusto mong maging at gusto mong gawain. Kay hirap ipaliwanag kung bakit may panaginip. Ngunit minsan ito ang lugar kung saan itinatakas mo ang sarili para madama ang mga bagay na hindi mo nagagawa o nararamdaman. Sa kaos ko marahil, ang kakulangan ng biyaya kamunduhan.

PANAGINIP iyon... sa aking palagay.

Lumipas ang mga araw.. nasa isip ko parin ang nangyari, o kung totoo mang nagyari iyon. Hindi naman ganoon kasama iyon, dahil wala naman talagang malalang nagawa. Halik, hawak at mga salitang tingin ko ay bastos ang aking ginawa at sinabi. Panaginip o hindi? Paano ko malalaman? Kung ganito at wala akong lubos na maalala.

Pinakiramdaman ko muna ang lahat. Lumipas nga ang mga sandali. Naramdaman ko ang maaking pagbabago. Ang mga tingin niya sa akin. Ang pakikitungo, lumamig. Hindi naman kami talaga ganoon ka-close o kalapit sa isat isa. At hindi rin madalas naguusap. Ngunit kakaiba ang sitwasyon. May nagbago. Sa pakikitungo.

Paano ko ito sasabihin sa nobya ko? Na habang wala siya ay nalasing at lumikot ang labi at kamay ko. Pano ko kakausapin ang taong iyon. Gayong hindi ako sigurado kung nangyari nga iyon. Lalapitan ko ba siya. Paano kung sampalin niya ako. Paano kung nalaman ito ng nobya ko. Paano? Panaginip ba ito? Pano kung hindi? Malaking gulo ito.

Naisip kong kausapin ang mga kaibigan niya. Pero panget, paano kung hindi nila alam. Di ako ang gumisa sa sarili ko. Kung nangyari man iyon at kami lang ang nakakaalam. Kapag nagtanong ako, malamang kumalat ito. Kung isa man itong pangyayari at hindi panaginip. Lalapit ba ako sa kanya. Pero pano ko sisimulan. Gayong hindi nga ako sigurado kung panaginip o hinde. Pano ako hihingi ng tawad. Ang gulo.... sumasakit ang ulo ko... mas malala pa sa hang-over.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung nag-inuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?”
“oo! Tarantado ka. Walang hiya ka. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita. Hayop ka. Hayop. Naalala mo ba ang ginawa mo. Baboy... sinubukan mo akong pagsamantalahan. Sa lahat ni sa panaginip, hindi ko inakalang gagawin mo iyon.! Hayop ka! Manyak!Manyak!”

Iyon ang unag scenario na naiisip ko. Paano kung totoo nga at hindi panaginip? Edi eskandalo malamang. Malalaman ng nobya ko, at siguradong iiwan niya ako. Malalaman ng buong barkada, ng buong eskwela, ng buong baranggay, ng buong kapulisan, at ng pamilya ko pag nakulong na ako. Pero kung tutuusin kung talagang nangyari yun. Ay dapat nuon pa. Doon sa bahay ginawa ang komprontasyon. Doon kung san sariwa ang lahat ng pangyayari.

“ may itatanong sana ako”
“ano yun?”
“nung naginuman tayo kila _____, may naalala ka ba”
“bakit?”
“may ginawa ba akong hindi maganda?, Hindi ko kasi alam, kung panaginip o hindi, sinubukan ba kitang pagasamantalahan?”
“ hay naku, anu ba yang pinagsasabi mo. Lasing ka noh. Adik ka ba? Baka nananaginip ka lang, ikaw ha, sa panaginip pala ako ang pinagpapantasyahan mo.”

Yun naman ang pangalawang scenario. Paano nga kung panaginip lang iyon edi nagmukha akong tanga. Nagmukha akong tanga sa lahat. Pero kung hindi totoo yun, bakit may malaking pagbabago sa pakikitungo. Kung nangyari iyon, bakit hindi siya naglabas ng hinanakit, kahit sino sigurong tao yun ang gagawin.

Hindi ako makatulog. Paulit ulit sa aking isip ang mga detalyeng hindi ko maarok kung tunay o hindi. Nagagalit ako sa sarili ko. Hindi ako ganoong tao. Hindi ako masama. Lalong hindi ako manykis. Gusto kong lumupasay. Napakabigat sa dibdib. Napakabigat. Hindi ko matanggap na ginawa ko iyon. Kung nagyari nga ito. Papalipasin ko nalang... baka sakali... ilusyon ko lang ito. Isang bagay na ilang taon ko ring itinago at dinala sa dibdib. Habangbuhay ko ba itong papasanin, ang kahapong hindi ko sigurado.
--------------------------------------------------------------------------------------------------

Natapos ang palabas at sabay kaming umalis ng sinehan. Last full show na iyon at wala nang masyadong taong maaninag. Sarado na ang mga tindahan sa mall. Sumakay siya ng taxi at nagpaalam. Isang taon na rin ng iwan ako ng nobya ko. “Fall out of LOVE” daw. Sa mga panahong nagiisa ang puso saka ko siya napansin. Ngunit may nobyo na siya noon. Ang takot at panagamba sa hindi siguradong pangyayari ay napalitan ng paghanga at pag-ibig. Ngunit hindi maari dahil may sinisinta na siya. Natuto akong manood mula sa malayo. Nakatingin at sumusulyap. Naghihintay. Ng pagkakataon. Hindi naglaon, nagkaroon din ako g lakas ng loob para magtanong. Ang kinakatakutan kong sagot sa kung nangyari nga ito o hindi ay tuluyan nang nabatid. OO nangyari nga iyon. Humingi ako ng tawad. Pinatawad naman niya ako. (sa text message lang namin napagusapan ang lahat)

Pabiro nyang nasabi.

“ok lang yun, wala na un. Alam ko namang lasing ka eH”
“saka hindi ka naman nagtagumpay, hahahaha”

Nagpasalamat ako. At nahiya rin sa aking katarantaduhang ginawa. Salamat at hindi iyon nakarating sa nobya ko noon. Nalaman ko ring konti lang ang pinagsabihan niya noon. Mga sampung tao lang naman,ang karamihan kilala ko at kilala ako. Ano kaya ang nasa isip nila tungkol sa akin. Di bale na. Kasalanan ko rin naman eh. Pero minsan hindi ko parin maintindihan. Sa dinami dami ng kwarto at higan sa bahay na iyon, bakit sa aking siya tumabi. Di bale na. Tapos na eh. Hndi mo naman kelangan i-justify ang isang pagkakamali gayong alam kong mali talaga ito.

Matapos ang ilang taong dinala ko sa dibdib iyon. isang katangahan at kahangalan dulot ng alak at kasabikan Nakahingi na ako ng tawad. Ayos na ang lahat. Ngayon wala na rin siyang nobyo. Lumuwag na ang dibdib ko.

May gusto uli ako sabihin sa kanya.

Ngayon alam kong hindi na panaginip o guni guni ang sasabihin ko. Ang nalalaman ko. Ang nadarama ko. Pero mahirap sabihin. May lamat na. Kahit pa sabihing okey ang lahat. Ngayon nagsisisi ako.
.

Masaya na akong ayos na ang lahat. Isa nalang ang kulang.

Matapos ang lahat ng ito. Unti unti kong naramdaman.

MAHAL KO NA SIYA.

Pero paano? Pano ko sasabihin ito.

Di bale nalang mananaginip nalang ulit ako


All pictures from Google Images

No comments:

Post a Comment