Pag-Ibig na Tunubuang Kusa
Hedel Cruz
|
Ano ba ang tunay na pag-ibig? yaong binibigkas? sinasambit? sinisigaw? Yung tunutula? sinusulat? Ibinubulong?. Nakikita o nadarama ba ito sa mga bigkis, halik, yakap o umaatikabong langitngit ng papag? Ito ba yung sinisimbolo ng kard, puso, kalapati, rosas. Mahirap intindihin ang Pag-Ibig, mahirap malaman ang totoo sa hindi, sa bulaang bulong o sa kumakawalang sigaw. Pero nananalig padin ako sa Pag-Ibig ng mundo, dahil ang pag-ibig wala sa salita o anu mang gawa, ito ay kusang lumalabas sa bawat diwa. Nakikita ko ang Pag-Ibig sa drayber na hatinggabi pumapasada, sa magta-tahong inuulan sa umagang pagtitinda, sa mga ngiti na walang salita ng piping namamanata, sa mga inang isinusubo ang huling kutsara ng kaning lamig sa anak, sa amang humarang sa bala, sa asong naghihintay ng kanyang amo. Ang Pag-Ibig walang hanggang paghahanap sa sariling dahilan kung bakit ito nandito at paano ito magpapatuloy. |
No comments:
Post a Comment