Oct 3, 2010

DIWATA

Diwata
Ni Hedel A. Cruz

Credits to Google Images

Sino ba ang nagpinta
Ng mga kulay sa iyong mata
Maari ko ba siyang makita
Ibulalas ang pagkasaya

Sino ba ang nagbigay
Kulay rosas na buhay
sa mga labing mong sumilay
talikdan man ng pagkabuhay

Sino ba ang Nagukit
ng iyong mukhang mapang-akit
Dala ang gandang marikit
Sa dulo ng mundo iginiit

Sino ba ang may gawa
ng mga ilong mong nakakamangha
Tila isang obra ng walang bahala
Perpekto kung kumawala

Sino bang nag hulma
Katawan mong maganda
Tila laglag dila hanggang paa
Damdamin ko ay sa iyo na

Sino bang nagmahika
ng boses mong walang haka
Sandyang sa pusoy nakuha
sa malambing na hininga

Nais ko sanang magtapat
sa iyo’y ibulalas ang lahat
paghanga sa iyong balat
sing kinis ng bulak , sinalat

Akin mang isipin
kung san lupalop kang hinabilin
buong  buhay mahalin
Saan ka nang galing , iibigin

Kaya pala perpekto ang lahat
Iyong ipinagtapat
Ang kasariang bigay buhat
Mula kay Vicky Belo siya ang naglapat

Sayang naman pala ang aking paghanga
mga panga ay bumulalat, peke ang lahat
kulang nalang pala ay hiwa sa pagitan ng hita
Ikaw ay lubos na diwata

No comments:

Post a Comment