Dec 18, 2010

Si Santa Clause

SI SANTA 

Pasko na talaga... habang tinatayp ko 
itong post na ito sa loob ng skul 
library.... eh merong masasayang 
tao sa bintana... at may malakas na tugtog
ng 12 days of Christmas.....

Naalala ko tuloy nung bata pa ako
tuwang tuwa ako kay santa clause..
lage akong nakadungaw sa bintana namin..
magaantay..... magaabang....
na makita si santa...
kahit pa sa loob loob ko...
na hinde talaga makakadating si Santa..
kasi mainit sa Pilipinas...
tapos wala pa kaming Tsimineya..
pero umaasa padin ako..
kasi ung CR namin nung bata ako
walang bubong...

nakakabaliw 'no?...
sabi ko.... sa CR dadaan si Santa...
mahirap lang kami... isang pangkaraniwang 
pamilya.... naalala ko pa... nung bata ako.. 
sa kahoy lang gawa bahay namin
yung cr.. walang toilet bowl..
ang sistema... for urination purpose lang...
sa sahig na kawayan ang wiwi mo
ang dumi....
kelangan madami kang stock na dyaryo>>>>
ilalatag mu..... ilalabas....
ibabalot.... itatapon... at bahala na
kung sinong tao o aso ang makakatagpo nito
sa katabing creek ng bahay namin...

tuwing nanalala ko ito ngayon...
ang buhay namin dati,,,,
medyo naiiyak pa ako....
grabe... ang dami ko na palang napagdaanan..

kaya nung bata ako....
sabi ko......
mama , papa.... yayaman tayo...
Ako bahala......
kaya nga siguro panay hintay ko 
kay Santa Clause noon..
gusto ko kasing humiling..
para bang genie...
ewan... basta... nuon sabi ko...
pag dumating si santa.....
hinde ko kukunin yung gift nya.... hihingi ako...
ng iba....

pero hinde sya dumating.....
ngayon matanda na ako... 
napagtanto ko na..
oo nga.... hinde totoo si Santa..
at wala talang tao ang pipiliing tumira sa North POle
kasama ang mga dwende.... at gagawa lang ng mga
laruan buong taon, at ibigay sa mga bata pagsapit ng disyembre...

natutuwa ako..
pasko na kasi...
pero hinde ko parin natutupad yung pangako ko..
sa nanay at tatay...
natutuwa ako sa mga bata...
sa mga nigti nila..
pag nakikita ang mga larawan ni santa..
sabi ko balang araw .. malalalman din nila ang totoo..

na WALANG SANTA CLAUSE.

pero ngaun wag muna...
sana ipagpatuloy nila ang pangarap..
ang kasiyahan..
ang pananabik..
ang paniniwala..
na meron ngang santa clause
na dumadalaw...
tuwing pasko..
napakasarap maging bata.....
masarap maniwala...
masayang umasa.....

balang araw malalaman nila ang totoo..
na ang naglalagay ng kendi at pera sa mga medyas nila 
isinabit sa bintana ay ang kanilang mga magulang..

HINDI AKO NAKAPAGWISH KAY SANTA.
HINDI RIN AKO NAKATANGGAP NG REGALO.
PERO KAHIT PAPAANO NANINIWALA PADIN AKO
NA MAY SANTA CLAUSE....

KASI SI SANTA....
ay hinde nakatira sa northpole...
wala syang mga dwende..
ang totoong santa...
eh yung nakikita mu sa salamin...
ang mukha, puso at damdamin..
di ko kailangan si santa...
dahil alam ko..... na walang ibang tutupad ng
mga pangarap ko kundi ako lamang...

DI ko kailangan magwish..
ang kailanagn ko..
magsumikap...

Mahal ko si Santa Clause..
Dahil natuto ako ng maraming bagay...
(pero sana kahit papaano ay maubulong ko parin ang nais ko.. at umupo sa kanyang mga hita... yakapin sya... )

MASARAP maging bata....
balang araw matutupad din ang pangarap ko...




Credits to Google Image Search No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment