Jan 6, 2011

MGA BAGAY AT PANGYAYARING GUSTO KONG MAKITA AT MARANASAN BAGO AKO MAMATAY

Panimula: Ilang beses na akong nagkakaroon ng Bangungot o yung mga tinatawag na “NIGHTMARES” nitong mga nakaraang araw. Marahil dahil sa pagod. Ang totoo , ilang buwan narin akong at pinapahirapan ng aking INSOMNIA. Halos lampas isang taon na ng lumala ang insomnia ko Marahil bunsod ito ng mga pagyayaring nakakapagpabagabag sa aking diwa at isipan. Depression marahil, mula noong ako ay magdaan sa pinakamasakit na yugto ng aking puso at buhay. Mula noon hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Swerte na kung nasa 3 o 4 na oras ang tulog ko. Minsan swerte akong nakakahimbing sa hapon, minsan sa gabi. Ngunit tuwing ako ay papalaring makatulog. Ako naman ay binabangungot. Bangungot na hindi mayroong mga halimaw at dragon, o mga impakta sa banga at kagubatan kundi yun pakiramdam na hindi ako makagalaw at makahinga, kahit bukas ang iyong diwa at nakikita mo ang mga bagay sa paligid. Minsan na akong binangungot noung ako ay nasa kolehiyo, nakita ko ang isang liwanag. May tumatawag sa akin. Papalapit na ko dito, ngunit naalala ko ang aking mga mahal sa buhay. Kayat pilit kong ibinalik ang sarili sa mundo. Hindi ka man maniwala, pakiramdam ko namatay ako nuon at nagbalik. Ngayon, muling bumabalik ang boses at ang liwanag. Iniisip ko, marahil isang araw. Hindi ko na kayanin at akayin nako nito. Kayat bago ang lahat, bago ito maisakatuparan (wag nman sana). Ito ang mga bagay na nais kong matupad bago ako muling makipag-batian ng “hi” at “hello” sa liwanag at makipag-apir kay kamatayan.

——- Maipagpatayo ko ng Bahay sila Ama at Ina.


——- Makita ang loob ng MALAKANYANG


——- Makipagreunion sa Elementarya at Hayskul, at sapakin ang mga dating nam-bully sa akin.


——- Gayahin ang buhok ni Rey Valera o kaya kay Ka Feddie Aguilar.


——- Makita ang Batanes


——- Makapunta sa New Zeland


——- MAKAPAG-ASAWA.


——- Humingi ng Authograph kay Pepe Smith (may kasama pang picture)


——- Makitang may Disneyland narin sa Pilipinas


——- Matapos ang ginagawa kong Libro. (serious book ito, naniniwala ka?)


——- Matalo si Pacquiao ng boksingerong hindi taga Mexico, kundi ng isang taga Zimbabwe


——- Makita ang mga Ex girlfriend ko. Humingi ng sorry at mag pasalamat.


——- Magkaroon ng 6 na anak. (girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy)


——- Lumuwag ang MRT


——- Makita ang sarili sa lahat Pahayagan (meron na ako sa Manila Bulletin, Pangalan nga lang : Sa Phil. Star, may kasamang picture, Article pa ni Tim Yap.. hehe


——- May Makahuli si Osama Bin Laden


——- Magkaroon ng asong hindi mamatay pag tungtong ng ikalawang taon (dedbol lagi si bantay, malas ata ako sa asong askal eh) Sino may pure breed? Penge?


——- Magkaroon ng mall sa Payatas.


——- Pumayat (para naman gwapo ko sa loob ng kabaong)


——- Makasayaw ulit sa Cultural Center of the Philippines


——- Makaupo sa Lap ni Santa Clause


——- Masimento ang kalsada samin


——- Malamang may isang tao sa mundong nakakaintindi sa utak ko


——- Magkaroon ng BEST FRIEND (na girl)


——- Makasakay sa Titanic


——- Maglaro parang bata.


——- Humiga sa damuhan habang nakatingala sa mga butuin habang kasama ang minamahal


——- Makapag aral ng Abugasya (sana magkapera, ang mahal eh)


——- Makatikim ng buko Pie sa itaas ng MT. Makiling.


——- Lumabas sa pelikula (kahit extra)


——- Makakita ng Pagong (si Pong)


——- Makapasok sa Araneta Colosseum


------- Manalo sa Palanca o kahit anung Patimpalak sa Pagsulat


------- Makasakay sa Ambulansya, may Wang Wang


------ Makita ang kaibigang si Kristine Rivera. (kung sino man ang nakakakilala pakiusap paki  sabi hinahanap ko sya.. please please please)


------ Makitang Malinis ang Ilog Pasig. Makalanggoy at magtampisaw dito.


------ Higit sa lahat maniwala kang seryoso akong tao.




Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

6 comments:

  1. Anonymous2:54:00 AM

    pag alis ni kristine rivera sa ceu. nagtapos sya sa may college sa monumento. nagttrabaho ngayon sya sa may ad firm sa makati. gusto mo malaman kung san?

    ReplyDelete
  2. OO basta basta wala bayad :) di nga? seryoso ba yan tol? sino pala ikaw kaibigan? kung sino man ikaw kaibigan basta walang lokohan. Ang tagal ko na syang hinahanap, malapit na ako mawalan ng pag-asa. Salamat at tutuparin mo ang isa sa mga pangarap ko.

    ReplyDelete
  3. Anonymous12:49:00 AM

    pano mo nga pala sya nakilala at baket mo sya gusto mahanap?

    ReplyDelete
  4. Magklasmeyt kami sa Kolehiyo. Gusto ko syang kamustahin. At may mga bagay na gustong sabihin... Kung anu yun sasabihin ko... SECRET :)..

    ReplyDelete
  5. eto na ata hinahanap mo tol

    http://www.facebook.com/kristinejoyirivera

    ReplyDelete
  6. oo tol, salamat. sya nga yan.. 1 week ago nakita ko na din yan.. kaso mas madalas pa ang ulan sa disyerto kesa buksan nya facebook nya...

    ReplyDelete