Buffet
ni Hedel A. Cruz
Ang Love Parang Handaan
Tulad ng isang Buffet
Matatakam ka sa bawat pagkaing
nakalatag sa Iyo.
Dahil gutom ka mapusok at Hangal
Pilit mong titikman
ang Lahat.
Sa Huli, Kapag masakit na ang sikmura.
Saka mo malalaman na hindi sa dami
at pagpapalipat lipat nagmumula at mahahanap ang kasiyahan.
at pagpapalipat lipat nagmumula at mahahanap ang kasiyahan.
Kung hindi sa nagiisang Putahe na Paborito.
Hindi Tubig o Kremil-S
ang sagot sa hyperacidity o Impacho.
Kundi ang pagnanais na Makuntento.
OO nga at nakakasawa ang paulit ulit at paborito.
Pero sa huli, ito parin ang mamahalin at
babalik balikan mo.
Wag mong hanapin sa iba ang Ligaya.
Dahil ang saya hindi hinahanap kung
saan saan lang.
Dahil madalas nasa iyo na.
Nasilaw ka lang sa amoy at lasa ng iba.
Nasilaw ka sa paghahanap ng kung ano
ang wala sa Kanya.
Credits To Google Image Search. No Copyright Infringement Intended
Credits To Google Image Search. No Copyright Infringement Intended
can i share this one on my fb? dont worry i'll put your name on it as the author! you have a very creative mind! keep it up! looking forward to more stories from you! godbless! :)
ReplyDeletesure no problem.. your the first to comment on my blogspot.. thanks... really appreciate it. thanks again.. walang anuman.. sigelang kaibigan, iyo lang ibahagi sa iyong fb. lubos ko itong ikakagalak. naway palagikang bumisita dito sa bahay kwentista. salamat. :)
ReplyDelete