Nov 28, 2010

Ginahasa

GINAHASA



Ilang beses man akong magpalit
Ng aking damit
Hindi na maalis itong kumapit
Amoy dusa at pighating
Unti unting gumuguhit
Sa bawat ugat ng daluyang
Kusang bumubulwak ng dugo
Sa bawat pagsirit
Pinipinta sa salamin
Ang bawat pasakit, naka-ukit

Ang Kasaysayanag umuulit
Tila ba hindi na nagsawa
Sa paglapit
Na para bang gamu-gamo
Makulit, sa apoy kusang lumapit

Ilang beses na bang narinig
O nasaiisip
Na ang problema at sakit
Ay walang paglagyan sa
Sistemang malupit
Kundi sa mga taong utak ay pili-pilipit

Tulad ng Labadang 
Binanlawan.
Kailangan Pigain
Upang timbang ay gumaan
At patuyuin.
Wag mong sabihing sa akin
Na iyong hihintayin

Na ang katas ng diwa, pagod at pagsisikap
Ay itatapon sa imburnal
Tutungo, dideretso sa ilog
Sa dagat o kung saan man lupalop.
Pero ang amoy ng kataksilan,
Sa balat nakakapit at di maibabaon.

Ilang beses mo na bang kinanta
Lupang hinirang o Bayang Magiliw pa.
Paulit-ulit na mula kinder hanggang grade 1.
Elementarya hanggang Hayskul. Sa Kolehiyo.
Tuwing manonood ng sine.
O may laban ang idolo mong Boksingero.

Pero diba tila parang mga titik nalang
Na walang laman. Parang dasal na inuusal usal
Wala namang pinagmumulan.Para bang nagnonobena
Paulit ulit hindi namanAlam kung sino ang santo 
o santang pinagdarasalan.

Panata, pana-panata. 
Puro ka panata.
Hindi naman makabayan.
Makabayan mang ituring
Pag nagkagipitan na Itatakwil
Ang lupang sinilangan
Tignan mo lumpasak at bagsak
Sa Burak.
At tila nangaasar tatawa pa.
Kunyari Mayaman ka.

OO mayaman ka. Mayaman ka sa kwento.
Pero wala naman Kwenta.
Saan ba? Nasaan ka?
Naubos na ba?
Ang mga Dakila?




Credits To Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment