Nov 27, 2010

Kwentong Kalsada 3

Ang Kalsada at Ukay Ukay
sinulat taong 2009

Ilang beses na akong nagigising sa Bus.
Nakanganga at tumutulo laway..
Hindi ko alam kung napapansin ng katabi ko..
Langya.... dyahe. Umagang umaga...
Tapos naka longsleeves at kurbata pa..
buti nalang hindi babae katabi ko.
At mukhang hindi naman nila napansin
dahil tulog din sila.

Mahaba ng ayala. Saka ang Edsa
Minsan napapgtripan kong makipag-sapalaran
sa mga halimaw ng mrt. sa hapon.
No choice.Mrt talaga ako.

(mangmang kasi ako nuon at di pa natutuklasan ang Shuttle service) ok lang... hapon nanaman.at madami ako kasabay.

sumuweldo na ako.ang dami ko nabiling longslibs
sa ukay ukay.nasa 15 na longslibs ko.
ayus.mga 5 na necktie

100 - 150 lang.
sa mall aabot ng 500 hanggang libo
sana wala akong makasabay na kuripot ding katulad ko
na ukay din ang shopping place
lalo na sa cubao... makapag bambang nga..
okaya baguio, mas madami ata dun eh

ewan.. practicality ba tawag dun?
maayos naman yung mga nabili ko.
gwapo naman ako kahit papaano.
nakikipagsabayan sa mga de tatak na longslibs ng makati.
wala naman nakakahalata.

at paki ko kung meron.
mas cute padin naman ako sa kanila.
hindi ko lang talaga maintindihan kung
bakit naka kurbata sa mainit na bansa
kelangan todo pustura. kapag may necktie dapat
naka balat na sapatos.
Gayong sa mga bansang nagpauso ng longslibs at
necktie, eh sakto at pwede namang naka-rubbershoes ka
ewan ko ba sa pinoy. baduy para sa kanila yun.
mali ata ang pagintindi nila sa longslibs at necktie

sa totoo lang. sa ibang bansa
iba ang everyday longslibs at tie na pwedeng ipares sa rubbershoes kumpara sa mga todo kung pormang suit
na naayon sa mga okasyong pormal
sa ibang bansa, kahit naka longslibs at may coat pa ang uniform ng mga estudyante, mas ok kung naka rubber since mas comfortable ito.. (kaya hindi uso bike sa pinas)
pero sa pinas pag longslibs dapat naka leather
buti sana kung maayos kalsada
at mga sidewalk sa Pinas
kaso hinde eh...

inaantok na ako madalas. nakakatulog din ako problema nga lang
hindi sa gabi at sa bahay. kundi sa trabaho,sa bus, sa jip, sa mrt
(pwede ka matulog ng nakatayo hindi ka babagsak pramis) ahhhh. basta.....

Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

1 comment:

  1. Anonymous3:34:00 PM

    naku ok yan wala kang ka2lad.....naiiba...wlang uniform eka nga...

    ReplyDelete