Nov 26, 2010

Kwentong Kalsada 2

Ang Mahabang Ahas sa Gitna ng EDSA at Ang Balbas saradong Sipulero
(sinulat taong 2009)


Isang linggo pa lang ako sa trabaho pakiramdam ko ay kailangan ko nang bumili ng bagong sapatos.

Malapit nang mapudpod si blacky. 
Si rubber naman bihirang gamitin dahil di swak sa polo at pantalong itim.

Ewan ko ba bakit sa init ng panahon
Kelangan may kwelyo ang suot ko.
Di naman siguro mababawasan ang kalidad ng trabaho at utak ko sa pagsuot ng walang kwelyo.

Ok narin naman at atleast hindi ako tulad nung Presidente ng kumpanya na naka amerikana pa. sabagay mas malamig sa opisina nya

Pero siguro ganun talaga pag taong AYALA ka. Kung ano ang nakikita dapat gumaya. Eh pasaway talaga ako. Kaya maong at rubber... Bahala kayo Marami kang makikita sa AYALA. Puro matas sa building. Masakit sa leeg. Pero ayun narin. dahil sa taas nila di masyado mainit. Masakit sa panga ang gumising ng maaga. Lalo na kapag masarap ang tulog at ako ay naglalaway pa. Alas otso y medya dapat naka-in ka na. Maaga ako. minsan sobra...

Mahirap umuwe. Lalo na pag Amazing Race Edition na sa kalsada. Minsang sumakay ako ng BUS. Matapos hintayin ang klasmeyt ko sa kolehiyo na si Kalbo sa PLDT. Alas nwebe na nasa Ortigas pa lang ako. Badtrip si manong. Akala yata parking space ang Loading at Unloading area. Gutom na ako. Buti nalng may mani si manong. At si ate may ITLOG na tinda. Kaya ayaw ko nang mag-BUS kasi pakiramdam ko nakasakay ako sa Karo ng Patay. Pag MRT/LRT naman para lang nag-trip to jerusalem. Pero MRT parin ako. MRT always na ko. Pero badtrip talaga ata sakin ang Ahas sa EDSa. Dumagdag pa si Manong.

Ang hirap sumakay ng AHAS kapag gabi. 
Madami tao.Madami pila.
Madami ding Atribida.

Hindi mawawalan ng sigaw sa loob ng ahas.
ARAY. PAA ko....Wag kayong manulak.....
SHET...... Ang INEeeeet..........
Ekskyusmi.....Ilan lang yan sa maririnig mo....
Isama mo pa ang mga malulutong na Mura ng matanda sa dulo

Ang pinaka ayaw ko sa AHAS eh sobrang sikip.
Buti pa ng sardinas. May sabaw.
Ang Ahas sa EDSA. MAy alingasaw.
Sobrang sikip. Daig nyo pa ang nagretreat at nag camping
Kung saaan mang bundok o resort sa sobrang bonding.
YUn ata ang tinatawag na Filipino Values.
Pagiging malapit sa isat isa. Sobra.

Kapag sumakay ka ng AYALA. Asahan mo nang maiipit ka... swerte sa female area. Malas sa Male. Lalo na kung babae ka. Ipit ka na. may libre hipo pa. Buti nalang mabait ako. Pero minsan naisip ko mnagdala ng wig at damit pang-babae. O kaya magdala ng saklay.


Madalas sumakay ako sa AYALA Station. Sobrang sikip. Sobrang malas pa. Masikip na nga. Meron pang bida bida.Halos magkadikit na ang mga mukha at pisngi ng bawat tao.sa sobrang sikip. Kahit himatayin ka. Mananatili kang nakatayo. Pwede ka ding matulog ng nakatayo. Hindi ka babagsak.

Bumalik taayo sa Bida bida. Badtrip si MAnong. Masikip na nga. Magkakalapit ang mga mukha.. Aba, very excited pa. Masyadong musically inclined. Kung sumipol kala mo wala nang bukas. Alam lahat ng kanta sa lahat ng telenovela. Ezperanza, Mara Clara, Pangako Sa iyo. Sinisipol nya...At eto ang asteeg... Kumpleto to pa. May second voice pa sa sipol nya sa chorus. Ang Problema. Masikip ang mundo. Kapag sumipol pa sya... Haharap pa sa mukha ko.

BUTI SANA KUNG BAGONG TOOTHBRUSH SYA. KASO HINDI... ANG SAYA SA AYALA.

Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment