Nov 23, 2010

Kwentong Kalsada

Ang Pakikipagbaka sa Dambuhalang Pagong ng EDSA


Sino bang hindi nakakaalam sa EDSA. Syempre lahat tayo alam yun. Yun ang kalsada na nagkokonekta sa maraming Syudad sa NCR. Mula Mall of Asia, Hanggang sa SM North. Lampas lampas pa. Diba, ang saya. Mula Pasay, MAkati, Mandaluyong, Pasig Hanggang Quezon City. Asteeeeeg. 


Ang EDSA na marahil ang isa sa pinaka sikat na kalsada sa Bansa, (maliban sa Mendiola, Recto at Balete Drive) Tinawag dating Highway-54. ang EDSA ay lugar ng ibat ibang tao. Ibat ibang mundo. Nakakatuwang isipin na bukod sa pagiging kalsada ito ay sumisimbolo rin ng Pagiging MAKABAYAN. Sino nga ba naman ang makakalimot ng People Power?


Pero hindi yan ang topic ko ngayon. Ang EDSA ay Napakahaba at magandang Kalsada. Na Tuwing 7 Am - 9 am ay nagiging malaking Parking Space. At 5pm - 8 pm ay nagiging malaking Kalokohan. Hehehe


ETO NA TALAGA TOPIC KO.


" SAMPUNG BAGAY NA AYAW KONG MANGYARI PERO NANGYARI SAKIN SA PAKIKIPAGSAPALARAN SA DAMBUHALANG PAGONG NG EDSA-------------- ANG MAKAPANGYARIHANG BUS"


10. Makipagsiksikan sa Pagsakay 
(Kasama na riyan ang pagtalon sa bakod, pagtakbo at pakikipagtulakan)


9. Ma- OUT of BALANCE (mali hakbang ko, ayun swak ang mukha sa hagdan)


8. Maupuan ang isang Bubble GUM 
(AMF Badtrip yun lalo na pag ayaw matanggal isang linggo kong sinabon yung pantalon para matanggal, isang linggo ding may speaker ang bibig ni INAY, kaka-sermon)


7. Maapakan ang iniwang souvenier ni muning sa ilalim ng upuan 
( langyang pusa yan pati sa bus tumatae)


6. Marinig ang walang kamatayang hinagpos ng mga boses nila Mamang Tindero at Aleng Tagalako. (Pero in fairness, Masarap talaga ang MANI ni KUYA, at ang ITLOG ni ATE)


5. Lumampas ng BABABAAN. (Marathon Galore nanaman)


4. Makatabi ang Isang Aleng mataba at Manong na Dambuhala. Tapos ako yung nasa gitna.


3. Makasakay ang isang Ina o Ama na kasama si bunso, na wala na yatang ibang hobby kundi umiyak. (sobrang tinis pa ng boses, wasak ang eardrums)


2.May madadaldal na tsismosa sa likuran. Naka loud speaker pa.


1. Makatabi ang kamag anak ni sleeping beauty. 
(Tutulugan ka na sa Balikat, LALAWAYAN KA PA)


Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment