Nov 11, 2010

SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERISTY SA PDEA








SIKAT ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY SA PDEA
(sinulat taong 2009,Enero)


Whoot...Sikat nanaman ang aking minamahal na Paaralan. 
ANG CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

Last Few Days. Nasa News ang Beloved Alma Matter ko.Dahil sa mga salot na pusher ng Alabang.Naglabasan ang iba pang mukha ng Drugs at ang iba pang issue kasama nito

Alam naman natin na talamak ito sa bansa at hindi maikakaila na durugista na ang mga bata ngayon na kahit 12 years old gumagamit na.

Sa balita na inilabas ng PDEA at ng secret agent na si alyas Alpha. Talamak daw ang bentahan at pag gamit ng Salot na drugs sa ilang mga kilalang anak ng Pulitiko, artista at ilang mayayamang pamilya.Yung common type ng mga rich Kid Turned addicts. Hindi na siguro kakaiba ito.At sanay na tayo dito. Sino bang hindi? Pero kakabit nito ang nakakabahalang pangyayari sa Pinas. What Went wrong Kid? who's your daddy and mommy. Matakot ka kung sumagot syang. "Yeah men,they're my pot session buddies"

Pero iba talagaang dating ng balita lalo na pag mamayaman at mga laking aircon ang sangkot. Tipikal kasi sa isipan natin na pag skwater at mga urban poor ang mga adik at salot. Pero pag bigtime. Whooot... Iba effect. Siguro kasi. Alam naman nating lahat na pag Laking Aircon ka, maganda ang pagpapalaki sa iyo. Magandang bahay, mahal at magandang skul. Pero kaiba dahil kapag nagkahulihan na , kilala ang mga mayayaman sa pagiging  maimpluwensya. Madalas lusot sa kaso.

Ayan na ngang inamin ng isa sa mga Magulang na adik yung isa sa Alabang. May term pa na "social user". What the? Mas adik pa ata yung tatay. Alam pala na gumagamit si anak. Pinapalusot dahil social user naman daw. ANO raw? Social user? Ganun ba yun? parang alak lang. parang gin na inalok na tagay at napilitan kang inumin sa ngalan ng pakikisama. eh diba dun nagsisimula ang pagka adik. Sa pakonti konti...

Pero ito talaga topic ko. Ayaw ko maki alam jan sa Alabang Boys. Mamaya may magalit pang mga RK at RP sa akin. (rich kid at rich people)

Isa sa mga siniwalat ni Alyas Alpha sa media ang ilang mga club at skul na talamak daw ang pag gamit at pagbenta ng drugs. Isa sa mga nabanggit na bars ay ang Embassy (na sarado na ata ngayon pero pinaltan lang ang pangalan at Warehouse 135) Hind naman ako nagtataka dito. 

Hindi na uso ang shabu....Sure ako dun (pero di ako adik) mataas na kasi ang presyo nito.Dahil sa sunod sunod na raid ng Magigiting na PDEA.(pero para maging mura dito na ginagawa ang drugs, para nga naman tipid sa shipment at kotong mula sa mga buwaya sa customs na nagpapalusot dito)

Pero kumag lang talaga dahil parang nasasayang ang kagitingan ng PDEA, dahil pagdating sa pagsampa ng kaso. Nabubulilyaso. Madalas Dissmiss. Technicality daw. Minsan dahil sa maling pagaresto.

Mga ulol ba sila.The fact na nahuli sila. Is enough to put them in jail.madedessmiss yung kaso dahil sa technicality, pbakit hindi ba pwedeng kasuhan dahil sa drugs, tapos kung nagkamali man sa aresto, ibang kaso na laban sa mga arresting officers iyon. Hindi yung makakalaya yung addict dahil sa lapses ng umaresto... another loophole sa batas. tkk
Dapat talaga IBALIK ANG FIRING SQUAD NA HATOL SA MGA ADIK AT PUSHER.

Pero eto na talaga topic ko.

Kasama sa mga skul na nabanggit ni alyas Alpha ang SAN BEDA at CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY.

Hindi sa pinagtatanggol ko ang Mahal kong Paaralan. Pero sa tagal ko sa CEnTro
Wala ako alam na gumagamit sa vicinity nito (o baka dahil mababait ang mga naging kaibigan ko, at ang tambayan ko yung garden sa Lanai at hindi sa mga billiard hall tulad ng S5 at Jam. 

At sa dinami dami ng kilala ko sa centro Na almost half ng populasyon. Wala ako kilala na gumagamit o nagbebenta. (o baka mukha akong sumbungero at walang pera kaya ayaw nila ako alukin)

Sa tingin ko... Hindi naman talaga dapat naka specify na galing sa anumang skul na nabanggit ang mga pusher at adik.Hindi sa pagmamalinis pero. Lahat naman ng skul sa pinas may adik at durugista.Mabuti narin na nabanggit ito ng PDEA.PAra sa ngayon ay makagawa ng tamang hakbang ang Centro at Beda sa issue na ito. 

DRUG TESTING before enrollment.Yun ang dapat..

Pero since hindi naman nabanggit ng PDEA na sa loob mismo ng Centro nanggagaling at ginagawa ang Bentahan.

Maari pero MALAMANG din na HINDI MGA TAGA CENTRO IYON.Madalas daw sa "ParKing Area" nagaganap ang bentahan. AT SA HINABA HABA ng Kalye ng MENDIOLA. HOW SURE SILA NA TAGA CEU yun. FREE ang lahat na MAGPARK SA MENDIOLA. (may bayad nga pala sa mga parking boys at girls)At marahil ito lang ang ginagawang bentahan. Since hindi naman nabanggit na sa loob ng Centro ito nangyayari. Dapat Pagtuunan ng pansin ng mga skul ang sinasabing bentahan ng drugs sa paligid nila. Maaaring May mga Taga Centro at Mga taga Beda nga.

Pero tingin ko maliit na numero lang ito at sa dinami dami ng gangs at grupo na madalas na nagaaway sa mendiola. Marahil ito ang mga salarin at nadadamay ang mga estudyante na nakapaligid dito.

(sa totoo lang kahit sabihing mahal ang tuition sa CEU , Semi Urban Poor Parin mga estudyante dito, kaya maliit ang chance na bumili pa sila ng drugs. Sa Pagkain palang sa canteen na mahal nagrereklamo na at sa pagpapalit sa nawawalang TRC at COM naghihinanakit na pag magbabayad. Tingin ko dehins na sila attracted sa drugs. (maliban na lang sa mga rich kid talaga na bumagsak sa mendiola dahil di na sila tinatanggap sa mga Mamahaling Skul. HEHEHE)

AT saka nga pala. Saka nga pala...

AY titigil na pala ako.Baka boljakin pa ako ng skul...

Mahal Ko Padin ang CEU.

LETS BE HAPPY CENTRO PEOPLE.
AT LEAST WALA TAYONG HAZING. (sana wala nga)

AT ANG GIRLS LOG BOOK o ALBUM (yung sinasabing escort service) ay hindi ko "NAPATOTOHANAN" na may ganoon nga! kahit ilang beses ko na itong hinanap nung malaki laki ang nakick back ko kay inay at itay... hehe (style lang yun ng mga profesional prosti na nagsusuot ng uniform ng estudyante. Para lumaki ang Value sa customer).

SA MGA TAGA CENTRO.. MAHALIN ANG SKUL...

AT HUWAG NA HUWAG NANG MAG-ADIK!!!
KUNG MAY ADIK MAN AT NAGBEBENTA NG DRUGS SA CEU.

ETO LANG ANG MASASABI KO.
MAHAL KAYO NG MAGULANG NYO.
MAHALIN NYO RIN SILA
WAG NYO SIRAIN BUHAY NYO.

AT KUNG HINDI NAMAN KAYO MAHAL NG MAGULANG NYO
KAYA KAYO NAGKAKA-GANYAN.
MAHALIN NYO ANG SARILI NYO.
AT WAG NYONG SIRAIN ANG BUHAY NYO!!!
AT PATUNAYAN NYONG IBA KAYO SA KANILA..

AMEN!


--------


Nakita ko sa Web. May CEU din sa Hungary
Central European University :)
Look at their tag line.... 
"YOUR FUTURE BEGINS HERE"



Parang parehas dito....
"LIFE HAPPENS HERE"

(sikat na si Bern ngayon, GO BEKIMON!)
(namiss ko si Michael Cruz dito, tol salamat seatmate sa Rizal Subject, summer 2007)
Musta ka jan sa Langit Bro...?

Credits to Google Images Search. No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment