Nov 10, 2010

Siguro o Sigurado

Siguro o Sigurado
ni Hedel A. Cruz



Siguro nakulong lang ako.
Sa sarili kong Rehas
Sa mga pamantayan Niyang
Pilit hinahanap sa Iba.

Sa mga bagay na nasa kanya.
Hindi Siya perpekto.
Ngunit bakit Ba?
Ang Katulad niya ang nais kong Makita?

Sadya bang ang mga mata at puso
Sa kanya lamang napukaw?
Tuwing may ipapakilala
Ako kay Inay o Itay

O kahit sa mga kaibigan.
Siya parin ang hinahanap.
Wangis niya ang pamantayan.
Siya ang laging batayan.

Minsan Nakakasawa na.
Makinig sa madla at iba.
Siguro nga itong kahinayangan.
Ang kanyang Pagkawala

Siguro mali sila.
Siguro mali ako.

Pero isa lang ang sigurado ako!
Na hindi kailangan ang tulad
O higit sa kanya.

Dahil ang kailangan ko ngayon.
Ay ang Bagong ako.
Higit sa kung ano ako noon.
Malayo sa miserableng Buhay ko ngayon.


Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended

No comments:

Post a Comment