Permanent Temporary
Posted in Friendster Blog
January 23rd, 2007 by henry-1
Credits to Google Image Search |
I just got a new Video Cam, a ZR90 by Canon…
Im so happy… now i can start on the basic
even though the vidcam was not that good…. its ok for starters like me….
well what i really want was an HDV Cam…. but that was way too expensive…
P160,000 to be exact…. the best in the market ranges up to 200,000
I got my ZR90 for 34,000
(actually it was on a sale price so i got it for 20,500)…
THANKS TITA BASILIA for the Money… Mwahh…
Well lets start by saying thank you to all the people who once in a while
or even once in their life visited my site… Thanks..
The truth is i never expected anyone to see my page…
at first yes… (of course) well thanks…
specially for the praises and a little pat to my back….
That made me moving on…. writing…. ( oh the frustration) hehehe…
Malalim - means deep….
a big hole or excavation…
in writing terms….. Deep….
wow……. Deep…. means full of sense……
WOW… salamat sa inyo…
Ngayong malaki na ako… ewan ko ba… tuwang tuwa ako kapag naririnig ko
yung mga matatanda na tinatanung yung mga bata na…
Iho/Iha anu gusto nyo maging paglaki…?
ewan… parang gusto ko sumabat at sabihing, syempre maging tao parin…
kaso parang korni yung banat na ganun… hehe
Sasagot naman yung mga bata…
Doktor…. Nurse…. teacher….
dba ang sarap pakinggan…..?
parang andali lang….. parang walang
kaproblema problema…
pero di maglalaon malalaman din ng mga bata..
na hinde madali… Mahirap… sobrang hirap…
abutin ang kahit anong pangarap..
naalala ko, dati ang sagot ko sa mga tanong na yan ay…
oopsss walang tatawa…..
Wala… ewan ko ba..Piloto..
huh? sino bang hinde.. lahat naman ata ng mga batang
lalaki nuon mga kapanahunan ko (oy baka isipin nyo ang tanda ko na 20 palang ako ha)
eh maging isang piloto… lahat na ata ng bata nuon… pag may nakitang eroplano… sige ang kaway
kesehodang mabali ang kamay at lumagutok ang leeg sa kakatingala..
para bang isang matayog na eroplano.. ganun ang pangarap….
nahirap abutin… kayat habang bata pa… cge lang sa pangangarap…
Kaway lang ng kaway..
gawa lang ng gawa ng eroplanong papel…
lipad lipad…. Sana matupad…
Nagising ako isang umaga…. nung panahong iyon…. wala na ang pangarap ko..
parang bula…. napaltan…. gusto ko maging Sundalo…
ewan.. para bang isang lebel… kung saan tapos na ang pakikipaghabulan ng tingin sa kalawakan…
at ngayon medyo lumalapit na sa lupa ang pangarap…. ang dating matayog na pangarap.. ngayon naging masalimuot.. bakit sundalo… ewan ko din….
para klkasing astig… malakas, matikas, brusko…. ang saya diba.. hawak ang isang patpat.
bratatatatatatat… ping ping kaboom….. Habang nagtatago sa likod ng mga puno…
Sumuko ka na? Napapaligiran ka nanamin…
parang isang pangarap na masaya…
na kinalauan… nalaman ko… hinde pala…
Ngayon, matanda na ako… 20 taong gulang.. isang estudyante sa Kolehiyo
ikatlong lebel. sa ikalawang semestre…
hinde ko natupad ang pangarap ko….. walang nagkatotoo..
kinalimutan ko ang pagiging piloto… nang malaman kong lumalabo na ang paningin ko…
at ang pagiging sundalo…. nang malaman ko ang kasamaan ng mundo…
baket ko nga ba ipagpapatuloy ang paglipad sa langit gayong ang sarili kong
kalangitan ay hinde ko maaninag…
baket ko ba gustong maging kawal ng bayan.. gayong ang kalaban ay kababayan….?
siguro nga mali ang aking paersepsyon… pero siguro din….. siguro nga…
Hinde ko alam kung nuon ako nagkamali sa pagsagot " kung ano ang gusto ko maging?"
o sa katotohanan… tama ako… pero sa paglalakbay ko sa buhay…. dun ako nagkamali..
naniniwala akong walang imposible.. lahat pwede…. kung gayon… bakit hinde ko natupad…
siguro ang sagot lang dun ay…. na sa bawat paglalakbay at paghakbang ng aking mga paa…
nakikita ko na ang bawat kalalagyan ay may sadyang patutunguhan…
naintindihan mu ba??
Siguro hinde..?
maiintindihan mu din??
Pumikit ka… Naalala mu yung pangarap mu dati??
Ano?? natupad mo ba???
Kung gayon yun ang misyon mo??
Hinde ko sinasabing ang buhay ay pinatatakbo ng kapalaran…
Siguro…. kahit ako hinde ko pa alam…
hanggat.. hinde ko nalalaman kung san ang aking kalalagyan…
No comments:
Post a Comment