May 15, 2011

Panatang Makabayan

Panatang Makabayan

Credits to Google Image Search


ORIGINAL VERSION

Iniibig ko ang Pilipinas,
Ito ang aking lupang sinilangan,
Ito ang tahanan ng aking lahi,
Ako'y kanyang kinukupkop at tinutulungan 
upang maging malakas, 
maligaya at kapaki-pakinabang,
Bilang ganti, diringgin ko ang payo 
ng aking mga magulang,
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan,
Tutuparin ko ang mga tungkulin 
ng isang mamamayang makabayan 
at masunurin sa batas,
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot 
at nang buong katapatan,
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino 
sa isip, sa salita at sa gawa.


CURRENT VERSION

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi, kinukupkop ako at tinutulungang
Maging malakas, masipag at marangal
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo ng aking magulang,
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan,
Naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal ng buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.



ENGLISH TRANSLATION: Original version

I love the Philippines.
It is the land of my birth;
It is the home of my people.
It protects me and helps me to be strong, happy and useful.
In return, I will heed the counsel of my parents;
I will obey the rules of my school;
I will perform the duties of a patriotic, law-abiding citizen;
I will serve my country unselfishly and faithfully
I will be a true Filipino in thought, in word, in deed.


------------------------------------------------------------------------------

Panunumpa ng Katapatan 
sa Watawat ng Pilipinas

Credits to Google Image Search




















PHILIPPINE LANGUAGE VERSION

Ako ay Pilipino 
Buong katapatang nanunumpa
Sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang
Maka-Diyos
Maka-tao
Makakalikasan at
Makabansa.


OFFICIAL ENGLISH VERSION

I am a Filipino
I pledge my allegiance
To the flag of the Philippines
And to the country it represents
With honor, justice and freedom
Put in motion by one nation
For God
for the People,
for Nature and
for the Country.

No comments:

Post a Comment