Happy Grad, Brad!
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1
Credits to Google Image Search |
Ang Panahon ng PAG-ALIS sa KOLEHIYO. Noon gustong gusto kong makatapos.. Ngayon dumadagdag kaba at takot. Ilang araw nalang at tapos na ang KOLEHIYO.
Tapos na ang mga taon ng pagdurusa. Sa Homeworks, projects, thesis, ojt, duty atbp. Masayang balikan angnakaraan, mga tawa iyak, tampuhan, inuman, pulutan, ihaw-ihaw, outing, lakwatsa at mga ngiti.
Hindi maiiiwasan na may nagkagalit, nagapakan, nagplastikan, at NAGKA-INLABAN. Lahat yan ating PINAGDAANAN. Mga turo at aral, nalikom, nalaman.
Para sa inaasam na kinabukasan.. Masarap balikan ang lahat, magandang harapin ang bukas. Pero hindi pa tapos ang ationg mga paghihirap.
Dahil mass malaking mundo na ang haharapin ng bawat isa. Para patunayan kung saan tayo dadalhin, aabutin, ng mga karanasang ito. Sandata ang ilang milimentrong resume na babalangkas ng buhay mo.
Para maging isang kapakipakinabang na tao. Nagbabayad ng buwis at maging isang dakilang PILIPINO (asus) MAsakit mang isipin nakasalalay sa ilang pirasong papel ang kinabukasan ng bawat lahat. Dito nakasalalay kung saan ka aabot. Sa sakto lang. Bigtime o Tambay.
Pero tandaan mo, hindi lahat ng pinagdaanan natin ay nakasulat sa papel. Hindi lahat ng pagkjatao mo nakasalalay sa resume. Higit pa ang magagawa natin. Higit pa. Susulat tayo ng panibagong KABANATA.
Gamit ang pagod, hirap, pasakit, dusa, saya at mga aral na ating pinagdaanan Yun ang bubuo sa pagkatao natin. Yuna ang bubuo ng buka mo. Patutunayan natin yang lahat. Kaya natin mga KAIBIGAN. IAALAY SA LUMIKHA AT mga TAONG NAGBIGAY DIWA
No comments:
Post a Comment