ES- “KWELA” - HAN
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1
Credits to Google Image Search |
Ilang ulit na ba akong nasawi sa mga bagay na ginawa ko sa mundo. Madaming beses na. Pero ako itong si tanga. Sige parin ng sige. Ilang hakbang pa ay nasa totoong mundo na ako. Sa katunayan matagal na akong nasa totoong mundo. Hindi ko lang siguro nakita kung gaano ito ka-totoo. Bata pa ako. Pero nuon iyon. Ngayon siguro, unti unti nang sumusuot sa utak ko ang tunay kong kalagayan. Isang taong pilit na isinusuka ang mundo ngunit wala namang ginagawa para magbago ito. Heto na ako. Ready to fight. Parang caroon super hero, may accessories, may sandata, may powers. Pero kailangan ko din ba ng maskara? Pinanghahawakan ang mahigit isang dekadang binuno sa pagaaral. Pero san ako aabutin ng pinag-aralan ko? Hindi ako negative na tao, wag mong isipin yun pero hindi talaga maaalis sa akin na minsan magisip. Saan ba aabot ang isang nilalang na ipinanganak sa Marikina, lumaki sa Antipolo at grumadweyt sa Maynila? Nag-aral ng pre-school sa isang maliit na community skul. Walang pangalan, hindi sikat. Walang gaanong maipagmamalaki. Sa aking pagkakatanda mas madami pa ata ang pno sa paligid nito kesa sa natutunan ko. OO, natuto akong magbilang, magsulat at magbasa. In fairness. Nagtapos ng elementarya sa isang paaralang hawak ng isang malaking religious group. Na wala na ata kami ibang ginawa kundi magdasal. At magbasa ng banal na salita. At wala na rin sila iba ginawa kundi ayain ang mga tao na sumama sa pananalig. Hindi naman masama iyon. Samakatuwid maganda nga iyon. Pero alam ko sa sarili ko kulang padin ang natutunan ko,higit pa dapat. Hindi ko na nga matandaan ang mga termino s physics, math at chemistry. Para bang mga bulang nawala kasabay ng pagkawala ko sa paralang iyon. Naghayskul sa parehong eskwelahan, nagiba nga lang ang pangalan. Paaralan, Eskwelahan, iSkul, Pamantasan, Day Care Center, Pre-school? Lahat iisa lang ang nais. Ang turuan ang mga mangmang. Pero ano ba ang pagkakaiba? Pre school, ibig sabihin ba eh “ Pre ” ay paunang paghihirap at gastos bilang isang magulang? “Before School” kung tutuusin, ibig ba sabihin hindi pa iyon ng tunay na pagaaral? Siguro nga. Hinahanda lang ang magulang, parang test run. Nagsasbing “eto ang mga bayarin”, eto ang haharapin mo pag nagaral at lumaki yang uhugin mong anak. Ngayon magdesisyon ka kung gusto mo pa” Tinuturuan nito ang mga bata na magbasa at magsulat. Tinuturuan din na huwag umihi sa salawal. Sabagay nga naman. Kung ikaw isang bata, tapos di mo kilala masyado ang mga klsmeyt mo, nakakahiya nga naman na magwiwi. Pero sa lahat naman ata ng taong nagdaan sa pre-school hindi maiiwasan ang mawiwi. Lahat tayo dumaan dun. Lalo na sa mga unang araw. Yung tipong lahat ng magulang nakadungaw sa bintana. At lahat ng bata nakatingin sa bintana. Ang sistema mas nakatuon pa ang mata ng bata sa magulang kesa sa titser. Pasimpleng aalis ang magulang pag nawili na ang bata sa crayola at lapis. Kapag nawala ang magulang sa paningin. Asahang iyak na ang kasunod. Hagulgol. Saka lilitaw si Inay na parang superhero. Hindi ko pinagdaanan yun. Mas gusto ko nga wala nanay ko nun. Ang pinagdaanan ko eh yung nawiwi sa salawal Isang beses lang naman. “Bago kayo pumasok sa room after your recess, dapat naka-pagCR na kayo. Para di na kayo labas ng labas”. E masyado ata akong naili nuon sa pagkain ng ice candy ni ngtindera ng canteen na si Ate Baby.At lumagok ng fruit juice na 2.00 isa. Nakalimutan ko mag-CR. Lahat nakapasok na sa, at magsisimula na si ma’m ng naramdaman kong parang pinatubong sasabog na. Ayan na. Parang time bomb. Itataas ko na ang kamay para magpaalam lumabas. “ Ok tapos naba kayong kumain, Wala nang lalabas ha”, sabi ni ma’m. Di ko alam kung di ko lng nakontrol, pero nung marinig ko yun. Sabay din ang pag-agos ng mapanghi s pantalon ko. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Yun na siguro ang una kong disspointment nng bata ako. Ilang sandai pa. Isang malakas na tinig ang narinig ko. “Ma’am si Henry po Umihi Sa PANTALOOOOOON”…. At tuluyan kongnaramdaman kung paano gumuho ang pagkatao ko sa unang pagkakataon….. Itutuloy…………….
No comments:
Post a Comment