Apr 27, 2011

O Kay Hirap, Umirap!

MAHIRAP KAPAG
Posted in Friendster Blog
May 24th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search

ANG HIRAP KAPAG

- Maghanap ng Trabaho

- Mag-Apply 

- Mag pa medical , lalo na pag 
Babaeng Doktor ang titingin sa Pwet mo

- Isa ka nang Empleyado

- Makatulog ng nakatayo sa sobrang pagod sa Loob ng MRT (yung sa Edsa)

- Maglakad mula Ayala Ave hanggang EDSA para makatipid ng pamasahe at pumayat

- Maging taong AYALA

- Sumakay ng Bus kapag rush hour.

- Maghintay sa klasmeyt mong Kalbo sa labas ng PLDT Building

- Maistranded kapag umuulan

- Makatulog sa gabi

- Magyosi kapag lunch break 
(bawal sa kumpanya)

- Magdala ng Lunchbox sa Opisina 
(lalo na pag spongebob ang tatak)

- Ngumiti sa Babaeng Cute at maganda at morena sa First row ng lamesa sa Marketing Department na palage ko inaabot ng tingin kapag pupunta ako sa lamesa ko.

- Malaman ang pangalan nya..
——————————————————————————————————

MAS MAHIRAP KAPAG

- Naghihintay ka sa taong mahal mo 
(Hiyas ng Marikina)

- Tapos bumalik yung dati mong mahal 
(ex/ first gf/ first heartbreak /first kiss /first holding hands, first suicide attemp)

- Tapos di mo alam kung kaya bumalik sa dating nararamdaman at magtiwala ulit.
- Tapos may hindi pa natapos na koneksyon mula kay 
( small girl )

- Tapos yung hinihintay mo, bigla magpaparamdam 
(nagtext natatakot daw kasi sya)

- Yung hindi mo inaasahan (ex) yun ang nagmamahal sa’yo ngayon.

- Tapos may FB (F&%k Buddy) pa.

- Tapos biglang sasabihin ng FB, nahuhulog na ang loob nya.

- Tapos di pa maka move on (totally) kay (chinese girl/ ex gf )
na nakasama ko sa loob ng dalawang taon.

- Dumaan ang May 20 

(2nd anniv dapat namin ni chinese girl a year ago, pero naging araw ng pakikipagbreak nya. 
(sinakto pa sa anniv tsks tsk)

- Sisihin ng NANAY ko na ako ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Chinese girl 
(kung alam lang nya)

- Na lahat ng ipapakilala ko sa pamilya hindi nya gusto dahil si chinese girl lang ang gusto nya

-Habang sinisisi ka ni Inay maalala mo ang mga panahong muntik ka nang tumalon sa foot bridge at uminom ng tig isang baso ng Baygon at Raid samahan mo pa ng domex

- Maipit ka sa Hinihintay, Minsang Hinahalay,  
Hinahanap at sa Taong Bumabalik at Nagmamahal.

- Humingi ng PATAWAD sa Babaeng muntik kong "MAGAHASA" nung minsang Malasing 
(ok na kami ngayon, i said sorry at she accepted it)

- Maghintay sa Medical City ng 5 oras sa muling Pagtatagpo

- Kapag nbilibre ka ng Nanay nya ng Sisig Meal sa BINALOT (nahiya ako eh)

- Makipag patintero sa Junction papunta sa Angono.

- Ipakilala ka nya (ex) sa buong pamilya nya.

- Bato na ang PUSO dahil sa mga nangyare


AT HIGIT SA LAHAT.

Maniwalang hindi pa ako hibang kahit sa loob ko isa lang ang INAASAM.
KApag di mo alam ang paniniwalaan dahil sawa ka nang masaktan.

Maghihintay ba? Babalik sa Nakaraan? Maghihintay sa Nakalipas? 
Maninindigan sa Nirerespeto?

O sasapi nalang sa MMDA?

Apr 25, 2011

Grad na Brad

Happy Grad, Brad!
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search
Ang Panahon ng PAG-ALIS sa KOLEHIYO. Noon gustong gusto kong makatapos.. Ngayon dumadagdag kaba at takot. Ilang araw nalang at tapos na ang KOLEHIYO.

Tapos na ang mga taon ng pagdurusa. Sa Homeworks, projects, thesis, ojt, duty atbp. Masayang balikan angnakaraan, mga tawa iyak, tampuhan, inuman, pulutan, ihaw-ihaw, outing, lakwatsa at mga ngiti.

Hindi maiiiwasan na may nagkagalit, nagapakan, nagplastikan, at NAGKA-INLABAN. Lahat yan ating PINAGDAANAN. Mga turo at aral, nalikom, nalaman.

Para sa inaasam na kinabukasan.. Masarap balikan ang lahat, magandang harapin ang bukas. Pero hindi pa tapos ang ationg mga paghihirap.

Dahil mass malaking mundo na ang haharapin ng bawat isa. Para patunayan kung saan tayo dadalhin, aabutin, ng mga karanasang ito. Sandata ang ilang milimentrong resume na babalangkas ng buhay mo.

Para maging isang kapakipakinabang na tao. Nagbabayad ng buwis at maging isang dakilang PILIPINO (asus) MAsakit mang isipin nakasalalay sa ilang pirasong papel ang kinabukasan ng bawat lahat. Dito nakasalalay kung saan ka aabot. Sa sakto lang. Bigtime o Tambay.

Pero tandaan mo, hindi lahat ng pinagdaanan natin ay nakasulat sa papel. Hindi lahat ng pagkjatao mo nakasalalay sa resume. Higit pa ang magagawa natin. Higit pa. Susulat tayo ng panibagong KABANATA.

Gamit ang pagod, hirap, pasakit, dusa, saya at mga aral na ating pinagdaanan Yun ang bubuo sa pagkatao natin. Yuna ang bubuo ng buka mo. Patutunayan natin yang lahat. Kaya natin mga KAIBIGAN. IAALAY SA LUMIKHA AT mga TAONG NAGBIGAY DIWA

Apr 21, 2011

ES- “KWELA” - HAN

ES- “KWELA” - HAN
Posted in Friendster Blog
May 10th, 2008 by henry-1

Credits to Google Image Search


Ilang ulit na ba akong nasawi sa mga bagay na ginawa ko sa mundo. Madaming beses na. Pero ako itong si tanga. Sige parin ng sige. Ilang hakbang pa ay nasa totoong mundo na ako. Sa katunayan matagal na akong nasa totoong mundo. Hindi ko lang siguro nakita kung gaano ito ka-totoo. Bata pa ako. Pero nuon iyon. Ngayon siguro, unti unti nang sumusuot sa utak ko ang tunay kong kalagayan. Isang taong pilit na isinusuka ang mundo ngunit wala namang ginagawa para magbago ito. Heto na ako. Ready to fight. Parang caroon super hero, may accessories, may sandata, may powers. Pero kailangan ko din ba ng maskara? Pinanghahawakan ang mahigit isang dekadang binuno sa pagaaral. Pero san ako aabutin ng pinag-aralan ko? Hindi ako negative na tao, wag mong isipin yun pero hindi talaga maaalis sa akin na minsan magisip. Saan ba aabot ang isang nilalang na ipinanganak sa Marikina, lumaki sa Antipolo at grumadweyt sa Maynila? Nag-aral ng pre-school sa isang maliit na community skul. Walang pangalan, hindi sikat. Walang gaanong maipagmamalaki. Sa aking pagkakatanda mas madami pa ata ang pno sa paligid nito kesa sa natutunan ko. OO, natuto akong magbilang, magsulat at magbasa. In fairness. Nagtapos ng elementarya sa isang paaralang hawak ng isang malaking religious group. Na wala na ata kami ibang ginawa kundi magdasal. At magbasa ng banal na salita. At wala na rin sila iba ginawa kundi ayain ang mga tao na sumama sa pananalig. Hindi naman masama iyon. Samakatuwid maganda nga iyon. Pero alam ko sa sarili ko kulang padin ang natutunan ko,higit pa dapat. Hindi ko na nga matandaan ang mga termino s physics, math at chemistry. Para bang mga bulang nawala kasabay ng pagkawala ko sa paralang iyon. Naghayskul sa parehong eskwelahan, nagiba nga lang ang pangalan. Paaralan, Eskwelahan, iSkul, Pamantasan, Day Care Center, Pre-school? Lahat iisa lang ang nais. Ang turuan ang mga mangmang. Pero ano ba ang pagkakaiba? Pre school, ibig sabihin ba eh “ Pre ” ay paunang paghihirap at gastos bilang isang magulang? “Before School” kung tutuusin, ibig ba sabihin hindi pa iyon ng tunay na pagaaral? Siguro nga. Hinahanda lang ang magulang, parang test run. Nagsasbing “eto ang mga bayarin”, eto ang haharapin mo pag nagaral at lumaki yang uhugin mong anak. Ngayon magdesisyon ka kung gusto mo pa” Tinuturuan nito ang mga bata na magbasa at magsulat. Tinuturuan din na huwag umihi sa salawal. Sabagay nga naman. Kung ikaw isang bata, tapos di mo kilala masyado ang mga klsmeyt mo, nakakahiya nga naman na magwiwi. Pero sa lahat naman ata ng taong nagdaan sa pre-school hindi maiiwasan ang mawiwi. Lahat tayo dumaan dun. Lalo na sa mga unang araw. Yung tipong lahat ng magulang nakadungaw sa bintana. At lahat ng bata nakatingin sa bintana. Ang sistema mas nakatuon pa ang mata ng bata sa magulang kesa sa titser. Pasimpleng aalis ang magulang pag nawili na ang bata sa crayola at lapis. Kapag nawala ang magulang sa paningin. Asahang iyak na ang kasunod. Hagulgol. Saka lilitaw si Inay na parang superhero. Hindi ko pinagdaanan yun. Mas gusto ko nga wala nanay ko nun. Ang pinagdaanan ko eh yung nawiwi sa salawal Isang beses lang naman. “Bago kayo pumasok sa room after your recess, dapat naka-pagCR na kayo. Para di na kayo labas ng labas”. E masyado ata akong naili nuon sa pagkain ng ice candy ni ngtindera ng canteen na si Ate Baby.At lumagok ng fruit juice na 2.00 isa. Nakalimutan ko mag-CR. Lahat nakapasok na sa, at magsisimula na si ma’m ng naramdaman kong parang pinatubong sasabog na. Ayan na. Parang time bomb. Itataas ko na ang kamay para magpaalam lumabas. “ Ok tapos naba kayong kumain, Wala nang lalabas ha”, sabi ni ma’m. Di ko alam kung di ko lng nakontrol, pero nung marinig ko yun. Sabay din ang pag-agos ng mapanghi s pantalon ko. Para akong sinakluban ng langit at lupa. Yun na siguro ang una kong disspointment nng bata ako. Ilang sandai pa. Isang malakas na tinig ang narinig ko. “Ma’am si Henry po Umihi Sa PANTALOOOOOON”…. At tuluyan kongnaramdaman kung paano gumuho ang pagkatao ko sa unang pagkakataon….. Itutuloy…………….

Apr 19, 2011

Blag...

blag….

Credits to Google Image Search
Posted in Friendster Blog
October 5th, 2005 by henry-1

bagsak! tunog na malutong… 
kailangan pa bang ipaliwanag? 
nasaan ang kahapon… 
tuyot na ba ang ambon… 
saan ka matatagpuan.. 
gayong puno na ng kirot at di mahilom….

lalim noh… wala lang!


-----------------------------------------------------------------------



Eto nanaman!!
Credits to Google Image Search
Posted in Friendster Blog
July 16th, 2006 by henry-1


things are things that are meant not to last…
but is it true that first love never dies…

Paki ko…. gusto mo libing ko pa xa sa nitso…. 

Apr 18, 2011

Coca-Cola Happiness Truck Philippines

Coca-Cola Happines Truck 
Marikina City Philippines
(Posted by coca-cola in YouTube Feb. 21, 2011)



Apr 13, 2011

Sabit

JEEPNEY
ni Hedel Cruz




Ang Pagmamahal Sa Taong May Mahal Nang Iba
Ay Parang Pagsabit sa JEEP
Alam Mong BAwal
pero Ginagawa mo Padin
Dahil Alam Mong sasaya ka sa Byahe


At Umaasa ka na sa Gitna ng Byahe
Aalis din Yung taong Nakasakay sa Loob
At Ikaw ang makakaupo.

Pero Hindi Mo Ba Naiisip
Kapag Nakaupo ka na.
Maaring mAy sumabit ding Iba?
At Ikaw
Magagaya dun sa Unang Bumaba.

Luhaan At Nagiisa

Tandaan 
Maari Kang Magmahal
Pero Huwag Kang Magiging Dahilan
Ng Kalungkutan ng Iba.

--------------------------------------------------

Apr 12, 2011

HedelShots: Nagtahan Bridge

The Climb


Location: Nagtahan Bridge, Pandacan Manila City Philippines
formerly known as Mabini Bridge, this majestic bridge connects Sampaloc and Pandacan.

Cruise this bridge at night time and be delighted with its changing lantern lights. Although some lights are destroyed and mostly stolen, this city light attraction will surely give a decent smile on your face as you watch the lights as they turn into different colors. Really worth the drive :)

Apr 4, 2011

Sugal at Pag-Ibig

Sugal at Pag-Ibig


----------------------------------------------------------------
Para Mo Naring Sinabi
Na mas Malamig ang Disyerto
Kesa Sa Yelo.

Kung Pilit Mong Sasabihin na Mahal Mo Siya
Pero Kailangan mong
Hanapin Ang Sarili mo.

Na wala Sa Kanya Ang Problema 
Kundi Nasa Iyo.

Hindi Ka JACKPOT sa LOTTO
Para Hintaying Mapanalunan.

Hindi rin Parang TIKET
Ang Pag-Ibig
Na Paulit Ulit Mong Tatayaan
At Itatapon 
Kapag hindi ka Nanalo
At Nasiyahan.
---------------------------------------------------------

Apr 3, 2011

Asylum

Take Your Medicine 


On the set of ABS-CBN's Precious Hearts Romance: Mana Po
Taping day sa Bulacan, with the super nice, beautiful and sexy Megan Young.