Time Magazine's Person of The Year
Itinanghal si Mark Elliot Zuckerberg bilang 2010 Person of the Year ng Time Magazine. Si Mark ang isa sa mga founder at creator ng ating kinahuhumalingan na social networking site na FACEBOOK. Isang kamangha-manghang tagumpay ang ipinamalas ni Zuckerberg at ng Facebook. Sa loob lamang ng pitong taon nagawa itong ikonekta ang milyong tao sa mundo. Nagsimula sa isang college dorm sa Harvard, February 2004, sinong mag-aakala na sa taong ito umabot na ng 550,000,000 members na ang facebook. Nasalin sa 75 language at may average na 700,000 new members bawat araw ang nadadagdag. Kung magiging isang bansa nga ang Facebook magiging 3rd ito sa dami ng populasyon, sumunod sa China at India.
Naalala ko pa nuon, flashback tayo, nang una kong narinig at nakita ang facebook. Hindi pa ito, gaanong kilala sa Pilipinas. Isang email ang aking natanggap mula sa isang dating kalsmeyt noong hayskul. Isang imbitasyon para gumawa ng facebook. Hindi ko iyon pinansin, dahil hindi naman ako mahilig magkompyuter at maginternet. May Friendster ako nuon, at yun pa ang uso at mas nahuhumaling ako sa Multiply. Di naglaon nakalimutan ko ang email na iyon. Ngunit isang araw sa OJT ko sa Konsepto Production House. Tinawag ako ng aking mabait, sobrang bait na OJT supervisor. Si Sir Weng, tinanong nya ako kung may Facebook ako, sabi ko wala. Sabi nya eto na daw ang uso. Laos na ang Friendster. Kaya tinulungan nya akong gumawa ng facebook. Ininvite nya akong maging friend at sinabing maglaro daw kami ng Vampire Wars. Itinuro nya din sakin kung paano maglaro ng Vampire Wars, na naglaon hindi ko din nagets masyado, tinamad ako dahil lagi ako natatalo ng mga warewolf, hunter at nakakagat ng kapwa bampira. Sinubukan kong enjoyin ito, pero every time na may tinatanong akong mga kaibigan at klasmeyt kung may facebook sila, sagot nila "Ano Yun?" at "Wala". At dahil hindi ko rin naman masyadong nagegets pa nuon ang facebook. Kinatamaran ko narin. Pero hindi naglaon napansin kong napapadalas ang pag-uwi ng gabi ng aking mga kapatid at aking Inay. Natagpuan ko sila, sa isang kompyuter shop, malapit sa bahay. Ayun nagfa-facebook. Gusto daw nila ako-iadd maglaro naman daw kami ng farmville at farmtown. Dahil sa nalaman kong madami palang laro bukod sa bampira sa facebook. Sinubukan ko ulet ito. Di naglaon, dumami nadin ang mga kaibigan kong nakadiskubre sa facebook. At ayun... Naging Facebook Country ang Pinas. Kawawang Friendster.
Sa iyo Sir Weng na nagpakilala sakin ng Facebook. Salamat.
Sa iyo Mark Elliot Zuckerberg. Congratulations. Person of the Year!
Photos From Time MagazineWebsite
No comments:
Post a Comment