Ang mga NAKALAYA at ABSWELTO
Hubert Webb, kaliwa (kasama si Former Senator Freddie Webb, Hubert's Father)
Matapos ang 15 years, nakalaya na sina Hubert Webb at ang 6 pa sa mga kasama nitong nasangkot sa Vizconde Massacre. Base sa 7-4-4 Supreme Court Decision kung saan 7 ang pabor, 4 ang kumontra at 4 ang nag-abstain, ipinawalang-sala ng Korte Suprema ang mga nasasakdal dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya o hindi napatunayan BEYOND REASONABLE DOUBT. Ayon sa SC ang desisyong ito ay hindi nangangahulugan na walang kasalanan ang mga nasabing personalidad, ngunit satakbo ng kaso, ipinahayag ng SC na hindi sapat at hindi napatunayan na nagkasala sina Webb. Ibinatay din ang desisyon sa mga ebidensyang inilabas ng kampo ni Webb na sinasabing hindi pinansin sa Lower Court. Ayon din sa SC madaming inconsistencies ang pahayag ng Star Witness na si Jessica Alfaro at ang ilan pa sa mga witnesses. Ayon sa batas hindi na maaring magsampa pa ng kaso laban kay Hubert Webb at sa kanyang mga kasama, na may patungkol sa Vizconde Massacre, dahil magiging labag na ito sa batas, ang tinatawag na Double Jeopardy. Bukas naman ang MalacaƱang at ang DOJ para buksan ulit ang kaso at tulungan si Mr. Lauro Vizconde upang mahanap ang dalawa pang suspect na nagtatago ngayon at bigyang linaw ang kasong ito.
Hayden Kho Jr.
Halos kasabay ng media fanfare sa kaso ng Vizconde Massacre. Inabswelto din ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) branch 159 ang kasong isinampa ni Katrina Halili Laban kay Hayden Kho Jr. Si Hayden isang Doctor, turned commercial model, artista wannabe at Sex Scandal master. Ang 100 million civil damage case laban kay Hayden ay ibinasura dahil sa Lack of Merit. Ayon din sa korte hindi napatunayan ng kampo ni Halili, na hindi alam ni Katrina Halili na siya ay kinukuhan ng Video, base sa occula inspection sa lugar ng scandal scene. Ayon sa kampo ni Halili iaapela pa nila ang kasong ito.
Sa kabilang banda, ang pag-absweltong ito ng korte kay Hayden ay hindi nangangahulugang lusot na siya sa iba pa niyang kinakaharap na pagsubok kaugnay ng Sex Scandal Video. Ilan dito ang kasong nakasampa sa Professional Regulation Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA).
Ano ang tingin mo sa resulta nung sa Vizconde? Kawawa no? Both parties kasi talo..:( Grabe sa Pinas..
ReplyDelete