Dec 27, 2010

Paalam: Pablo S. Gomez

Alamat ng Filipino Komiks Pablo S. Gomez
Pumanaw sa edad na 81

PABLO S. GOMEZ

Lungsod Quezon, Pilipinas --- Pumanaw na ang sikat at beteranong manunulat ng komiks sa Pilipinas. Si Pablo S. Gomez, na kinikilala na isang alamat at isang institusyon sa literatura. Isang nobelista, manunulat sa telebisyon at pelikula, at dakilang komiks writer ay pumanaw isang araw matapos ang Pasko. Si Ginoong Gomez ay pumanaw dakong 7:30 ng gabi, linggo Disyembre 26, sa Sta. Teresita Hospital sa Lungsod Quezon, matapos atakihin sa puso. Ayon sa kanyang pamilya, si Ginoong Pablo S. Gomez ay lubos na nagdamdam at naapektuhan sa hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang kapatid na si Leonor noong bisperas ng Pasko.

Talambuhay:
Si Pablo S. Gomez ay ipinanganak sa Sampaloc, Maynila noong ika-25 ng Enero 1931, ang mga magulang niya ay sina Olimpio Gomez at Pacita Salonga. Siya ay nagtapos sa Legarda Elementary School, Jose Abad Santos High School, National Teachers' College at Ateneo de Manila University.

Nagsimula si Gomez bilang isang announcer sa DZRH noong 1946, at isang impesario sa mga tanghalan na lumilibot sa bansa. Di naglaon nagsimula ang kanyang karera bilang manunulat nong 1949, nagsumite ng kaniyang mga akdang prosa sa mga publikasyon katulad ng Liwayway, Bulaklak, Aliwan, at Sinag-Tala.  Ang  mga ito ay “Ang Baliw sa Libingang Luma”, na sinundan ng maikling komiks na, “Putol na Kamay”. Nagkaroon ng interes ang ilang mga taga-hanga sa mga akda ni Pablo S. Gomez, ngunit hindi ito naging sapat para sumikat sya ng mga panahong iyon. Ngunit ang mga akdang ito ay sapat na para siya ay mapansin at mabigyan ng pagkakataon, naging Proofreader siya sa Ace Publishing. Matapos ang isang taon hinawakan niya at naging editor siya ng Hiwaga Komiks. Kasabay nito, sumulat din sya para sa Pilipino Komiks, Espesyal Komiks at Tagalog Klasiks. Sa panahong ito ang ilan ng kanyang mga akda ay ginamitan niya ng kanyang pen name na, Carlos Gonda.  Ang kaniyang unang komiks novel na pinamagatang Apat na Taga ay agad naging isang patok na pelikula noong 1953 na pinondohan ng Sampaguita Pictures. 

Matapos ang kanyang tagumpay sa Ace Publishing, lumipat siya ng Gold Star Publications noong 1962, kung saan nagsulat siya ng ilang mga komiks at serye ng mga nobela. Taong 1963 nagtayo si Ginoong Gomez ng kanyang sariling publikasyon, kung saan nagtrabaho siya mula 1963 hanggang 1974. Tinawag ang publikasyong iyo na P.S.G Publishing House. Sa publikasyong ito, nagsimulang lumabas ang United Komiks, Universal Komiks, Kidlat Komiks, Continental Komiks, at Planet Komiks. Sa tulong ng kanyang sariling Publishing House, nabigyang pagkakataon ang mga nagsisimula pang mga manunulat sa komiks na sina Alex N. NiƱo at Carlo J. Caparas. Hindi naglaon, napilitang isara ni Pablo S. Gomez ito, at ibinenta sa Affiliated Publications, Inc

Mga Gawa:
Tuluyang gumawa ng pangalan sa industriya si Pablo S. Gomez ng taong 1950, ilan sa kanyang di malilimutang gawa na na-isabuhay sa pelikula ay ang, Guy and Pip, Magdusa Ka, Machete, Hilda, Kurdapya, Torkwatta and Susanang Daldal. Itinuturing na isa sa mga pinakamagagaling na manunulat ng komiks sa Pilipinas, lumikha si Gomez ng higit sa 1,000 na komiks novels at stories. Kabilang sa 300 niyang mga likha ay nabigyan ng film adaptation ng mga movie studios katulad ng Sampaguita Pictures, Lea Productions, FPJ Productions, Seiko Films, Viva Films, at ng Regal Films.


Ilan pa sa mga pelikula na hango sa kaniyang mga likha ay ang Kurdapya (1955), Gilda (1956), Kandilang Bakal (1957), Anino ni Bathala (1958), Tanikalang Apoy (1959), Kaming Makasalanan (1960), Tatlong Magdalena (1960), Octavia (1961), Tulisan (1962), Sabina (1963), Paano Kita Lilimutin? (1965), Miranda: Ang Lagalag na Sirena (1966), Pitong Krus ng Isang Ina (1968), at Petrang Paminta (1969) noong 1950s hanggang 1960s. 

Noong 1970s, 1980s at 1990s, sumikat naman sa pelikula ang kaniyang mga obra katulad ng Orang (1970), Kampana sa Santa Quiteria (1971), Santo Domingo (1972), Kampanerang Kuba (1973), Kamay na Gumagapang (1974), Alupihang Dagat (1975), Pagbabalik ng Lawin (1975), Andalucia (1976), Ms. Eva Fonda 16 (1976), Little Christmas Tree (1977), Katawang Alabok (1978), Lihim ng Guadalupe (1979), Inday Bote (1985), Magdusa Ka (1986), Kapag Puno na ang Salop (1987), Pasan Ko ang Daigdig (1987),Petrang Kabayo at ang Pilyang Kuting (1988), Agila ng Maynila (1989), Rosa Mistika (1989), at Hiram na Mukha (1992). 


Si Gomez ay lumikha din ng mga teleplays para sa mga palabas tulad ng Panahon, Makulay na Daigdig ni Nora, at Hilda. Dagdag pa rito, siya ay nagsulat at nag-direk ng mga pelikula katulad ng Mga Kuwentong Ginto ni Pablo Gomez kasama si Narda Sanggalang at isinulat ang screenplay at naging direktor ng Agila ng Maynila (1989). 

Naging isang magaling din na manunulat sa mga pelikula ni Fernando Poe Jr. (FPJ) si Gomez, ilan sa kanyang mga ginawa ay, Eseng ng Tondo, Probinsyano, Kahit Konting Pagtingin, Sta. Quiteria, Kalibre 45 and Mahal San Ka Nanggaling Kagabi?.


Bukod dito, si Pablo S. Gomez din ang utak sa likod ng Wansapanataym (ABS-CBN) at ang TV adaptation ng Kampanerang Kuba (ABS-CBN). Pinagamit din ni Pablo S. Gomez ang ilan sa kanyang mga gawa sa mga top-rating telenobela at fantaserye (fantasy series) sa telebisyon. Ang ilan sa mga ito ay naitampok sa  fantaseryeng Komiks ng ABS-CBN, tulad ng Inday Bote (Pebrero 2006), Machete (Marso 2006), Kamay ni Hilda (Marso 2006), Bunsong Kerubin (Mayo 2006), Inday sa Balitaw (Mayo 2006), Si Pardina at ang mga duwende (Hulyo 2006), at ang Bahay ng Lagim (Agosto 2006). Bukod pa doon, ipinalabas din ng ABS-CBN ang likha ni Gomez kagaya ng Hiram na Mukha (2007) para sa palabas na SineSerye.

Ginamit din ng GMA 7 ang dalawa sa mga obra ni Gomez na pinalabas sa kanilang programa na Sine Novela, ito ang Pasan Ko ang Daigdig (2007) at Magdusa Ka (2008).

Kamakailan lang, naisa-pelikula ang kanyang Akda na Petrang Kabayo, starring Vice Ganda at ang Juanita Banana , na pinagbibidahan ni Bianca Manalo sa ABS-CBN. Ang Mutya na isa rin sa kanyang gawa ay ipapalabas din sa nasabing istasyon.


Paalam Pablo S. Gomez:
Ang labi ni Ginoong Pablo S. Gomez ay nakalagak sa St. Peter Mortuary Chapel, Lungsod Quezon. Ito ay napagpasyahang i-cremate sa Disyembre 30.

Isang kawalan sa industriya si Ginoong Pablo S. Gomez, isang alamat at maituturing nang isang institusyon sa panitikan, pelikula, telebisyon at komiks sa Pilipinas. Magpaalam man ang isang dakilang manunulat, nobelista at komiks writer na si Gomez, ang kanya ng mga akda ay patuloy na pasisisglahin ang industriya. Ang kanyang mga gawa ay kailanman ay nakatatak na sa ating mga puso at isipan. Ang kanyang imahinasyon ay nagbigay sa atin hindi lang ng ligaya kundi ng maraming alaala. Sa iyo Ginoong Gomez. Ipinagkakapuri ka namin, saludo ang Lahing Pilipino sa Iyo.  

Mga Nailimbag na Akda:
Ada, Aliwan Komiks (1982-1983)
Ako ang Uusig, Pinoy Komiks (1966)
Alinlangan, Tagalog Klasiks (1959)
Anak ng Demonyo, Aliwan Komiks (1987)
Anak ng Punso, Kuwento Komiks (1993-1994)
Ang Akin ay Akin at ang Iyo ay Akin Pa Rin, Damdamin Komiks (1986-1988)
Ang Akin ay Para sa Lahat, United Komiks (1971-1972)
Ang Baliw sa Libingang Luma, Kilabot Qualikomiks (1992-1993)
Ang Bukas ay Walang Hanggan, Liwayway (1966)
Ang Daigdig ng Ada, Pinoy Klasiks (1990-1991)
Ang Kampana sa Santa Quiteria, Continental Komiks (1970-1971)
Ang Kampanerang Kuba, Planet Komiks (1971)
Ang Kuba sa Palengke, Kidlat Superkomix (1974-1975)
Angkan ng Masasama, Pinoy Komiks (1965-1966)
Anino ni Bathala, Pilipino Komiks (1957-1958)
Apat na Taga, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Asero, United Komiks (1972-1973)
Ay Naku, Neneng!, Pinoy Komiks (1987-1988)
Babalu, Hiwaga Komiks (1955-1956)
Baby Bakukang, Universal Komiks (1964-1965)
Bagwis ng Agila, Topstar Komiks (1974)
Bahay na Ginto, Aliwan Komiks (1966)
Bahay ng Lagim, Pioneer Komiks (1987)
Bakawan, Holiday Komiks (1980)
Bakit Ba, Puso?, Aliwan Komiks (1968)
Banaba, Holiday Komiks (1979)
Bandana, Pioneer Komiks (1967-1969)
Batang Bangkusay, Pilipino Komiks (1956-1957)
Batas sa Aking Kamay, United Komiks (1964)
Bato sa Bato, Commander Qualikomiks (1986)
Bato sa Bato (Ang Puso ni Hilda), Pioneer Komiks (1966)
Berlin Wall, Continental Komiks (1966)
Bigonia, United Komiks (1965-1966)
Bilangguang Ginto, Hiwaga Komiks (1968)
Bim, Bam, Bum, Tagalog Klasiks (1955)
Binibining Milyonarya, Dear Heart Komiks (1992)
Biyak na Bato, Palos Komiks (1969-1970)
Buhok na Ginto, Kuwento Komiks (1991-1992)
Busabos, Hiwaga Komiks (1956-1957)
Cara Cruz, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Dahlia, Hiligaynon (1973)
Dalawang Mukha ng Anghel, Lagim Komiks (1968)
Dalawang Pisngi ng Langit, Universal Komiks (1970-1971)
Dambanang Putik, Hiwaga Komiks (1953-1954)
Danny Boy, United Komiks (1968-1969)
Dayukdok, Pilipino Komiks (1961-1962)
Dear Nora, Universal Komiks (1970)
Deborrah, Hiwaga Komiks (1966-1967)
Devil Tree, Pinoy Komiks (1993-1994)
Dingdong, United Komiks (1970)
Divina, Lagim Komiks (1964-1965)
Doria, Pioneer Komiks (1964-1965)
Durando, United Komiks (1969-1970)
Esmeralda, Espesyal Komiks (1959)
Esteban, Continental Komiks (1972)
Eva Dragon, Tagalog Klasiks (1958)
Floradema, Teens Weekly Komiks (1976-1977)
Floradema, Espesyal Komiks (1960)
Four Daughters, Universal Komiks (1966)
Gagay, Aliwan Komiks (1990)
Gilda, Pilipino Komiks (1955-1956)
Gonzales, Universal Komiks (1970)
Gusto Kong Mabuhay…, Pinoy Klasiks (1983-1984)
Haliging Bato, Pilipino Komiks (1962-1963)
Halik sa Apoy, Universal Komiks (1969-1970)
Halimaw, Kenkoy Komiks (1962)
Hanggang Kailan Kaya?, Pinoy Komiks (1982-1983)
Haplos ng Pagmamahal, Love Affair Komiks (1996-1997)
Hindi Akin ang Daigdig, Continental Komiks (1971)
Hiram na Ligaya, Nobela Klasiks (1989-1990)
Huling Lahi ng Asuwang, Teens Weekly Komiks (1988-1989)
Huwad, United Komiks (1970)
Ikaw Pa Rin ang Hahanapin Ko, United Komiks (1966)
Inang Mahal, Damdamin Komiks (1991-1992)
Inay… Huwag Mo Akong Iwan!, Kidlat Superkomix (1975-1976)
Isdaaahhh!, Kilabot Qualikomiks (1991-1992)
Isinumpang Dugo, Pinoy Komiks (1964)
Itim na Pangkasal, Damdamin Komiks (1990-1991)
Ito Po ang Inyong Lingkod, Pilipino Komiks (1955-1956)
Jambalaya, Aliwan Komiks (1991-1992)
Jungga, United Komiks (1971-1972)
Junior Captain Universe, Aliwan Komiks (1978)
Kamandag ng Lupa, Lagim Komiks (1963-1964)
Kaming Makasalanan, Pilipino Komiks (1960-1961)
Kandilang Bakal, Espesyal Komiks (1954-1955)
Kid Buffalo, Lagim Komiks (1967-1968)
Kondesa Alva, Planet Komiks (1970-1971)
Kontra- Bandido, Pilipino Reporter Komiks (1972)
Kung Sakali Man, Damdamin Komiks (1992-1993)
Kurdapya, Tagalog Klasiks (1954-1955)
Kuwatro, United Komiks (1969)
Lahing Asuwang, Holiday Komiks (1982-1983)
Lasong Walang Kamandag, Aliwan Komiks (1988-1989)
Leslie, Universal Komiks (1968-1969)
Lilac, Teens Weekly Komiks (1981-1984)
Little Bell, Kuwento Komiks (1989-1990)
Looban, Hiwaga Komiks (1952-1953)
Luha ng Bato, Espesyal Komiks (1973-1974)
Luha ng Kandila, Aliwan Komiks (1989)
Luha sa Ligaya, Nobela Klasiks (1990-1991)
Lumuluhang Bangkay, Holiday Komiks (1990-1991)
Lupa sa Lupa, Pilipino Komiks (1959-1960)
Machete, Pinoy Klasiks (1989-1990)
Madam Tentay, Pinoy Komiks (1963-1964)
Madejas, Redondo Komix (1963)
Mandong Sikwat, Holiday Komiks (1982-1983)
Marco Antonio, Aliwan Komiks (1964-1965)
Maria Sagrada, Pinoy Klasiks (1993)
Maria Teresa, Tagalog Klasiks (1950)
Maruming Daigdig, Universal Komiks (1968-1969)
Medalyon, Pioneer Komiks (1991-1992)
Mga Batang Bangketa, Universal Komiks (1970)
Mga Ligaw na Bulaklak, Pilipino Komiks (1956-1957)
Mga Lihim ni Margarita, Continental Komiks (1966)
MN, Pilipino Komiks (1953-1954)
Morbida, Holiday Komiks (1989-1990)
Mr. Macho Man, Pinoy Komiks (1990-1991)
Mutya, Pinoy Klasiks (1978-1983)
My Father, My Lover!, Universal Komiks (1970-1971)
My One and Only Love, Teens Weekly Komiks (1990-1991)
Nag-aapoy na Dambana, Continental Komiks (1966)
Nagbabagang Bato, Kislap Komiks (1966)
Nobody’s Child, United Komiks (1970)
Octavia, Hiwaga Komiks (1960-1961)
Odinah, Universal Komiks (1971)
Orang, United Komiks (1969-1970)
Paalam sa Pag-ibig, Pinoy Komiks (1963)
Palaboy, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Pasan Ko ang Daigdig, Aliwan Komiks (1986-1987)
Pautang ng Langit, Tagalog Klasiks (1960)
Petrang Paminta, United Komiks (1969)
Pitimini, Liwayway (1978-1979)
Pitong Gatang, Tagalog Klasiks (1959)
Pitong Krus ng Isang Ina, Continental Komiks (1967)
Planet Man, Planet Komiks (1968-1969)
Pubring Alindahaw, United Komiks (1970)
Pusong Buhay, Pinoy Komiks (1990-1991)
R.O.T.C., Hiwaga Komiks (1954)
Rosa Mistica, Pinoy Klasiks (1986-1987)
Sa Bawat Punglo, Pilipino Komiks (1962-1963)
Sa Kuko ng Halimaw, Kidlat Komiks (1970-1971)
Sa Pinto ng Impiyerno, Tagalog Klasiks (1962)
Saan Ako Nagkamali?, Nobela Klasiks (1991-1992)
Sandra, Tagalog Klasiks (1957-1958)
Santo Domingo, United Komiks (1972)
Sargon, Universal Komiks (1972)
Singko Pilado, Teens Weekly Komiks (1989-1990)
Sosayting Dukha, Hiwaga Komiks (1962-1963)
Sugat sa Balikat, Tagalog Klasiks (1961)
Susanang Daldal, Hiwaga Komiks (1961-1962)
Takas sa Langit, Pinoy Klasiks (1991)
Talahib, Espesyal Komiks (1962)
Tanikala, Pioneer Komiks (1979)
Tanikalang Apoy, Pilipino Komiks (1958-1959)
Taong Buwaya, Universal Komiks (1967-1969)
Taong Kabayo, Universal Komiks (1964-1965)
Tatak, Espesyal Komiks (1958-1959)
Tatak ng Alipin, Liwayway (1974-1975)
Tatlong Magdalena, Hiwaga Komiks (1959-1960)
Tender is the Night, Superstar Komiks (1981-1982)
Teresa, Tagalog Klasiks (1953)
Teresa Martirez, Bondying Movie Specials (1974)
Three Daigdig, Hiwaga Komiks (1953)
Timbuktu, United Komiks (1965-1966)
Tinik at Kamandag, Lagim Komiks (1966-1967)
Tres Ojos, Aliwan Komiks (1992)
Tsandu, United Komiks (1968-1969)
Tsandu at Polyana, United Komiks (1972)
Tsandu Meets Anna Karenina, United Komiks (1970)
Tsandu versus Chanda, United Komiks (1972)
Tsandu Vs. Dr. Bruto, United Komiks (1969)
Tsandu Vs. Tay Ching, United Komiks (1971)
Tsandu: Mariang Alimango, United Komiks (1970)
Tulisan, Hiwaga Komiks (1961)
Twinkle, Twinkle Little Star, United Komiks (1970)
Ulo, Superstar Komiks (1978-1982)
Ulo ni Drakula, United Komiks (1964-1965)
Utak, Pinoy Klasiks (1988-1989)
Valentina, Universal Komiks (1968)
Vengadora, Kidlat Komiks (1969)
Walang Kasing Lupit, United Komiks (1964)
Walang Pangalan, Hiwaga Komiks (1959)
Water Lily, Hiwaga Komiks (1957-1958)
Zombie, Universal Komiks (1972)

Mga Sanggunian:

Dec 18, 2010

Si Santa Clause

SI SANTA 

Pasko na talaga... habang tinatayp ko 
itong post na ito sa loob ng skul 
library.... eh merong masasayang 
tao sa bintana... at may malakas na tugtog
ng 12 days of Christmas.....

Naalala ko tuloy nung bata pa ako
tuwang tuwa ako kay santa clause..
lage akong nakadungaw sa bintana namin..
magaantay..... magaabang....
na makita si santa...
kahit pa sa loob loob ko...
na hinde talaga makakadating si Santa..
kasi mainit sa Pilipinas...
tapos wala pa kaming Tsimineya..
pero umaasa padin ako..
kasi ung CR namin nung bata ako
walang bubong...

nakakabaliw 'no?...
sabi ko.... sa CR dadaan si Santa...
mahirap lang kami... isang pangkaraniwang 
pamilya.... naalala ko pa... nung bata ako.. 
sa kahoy lang gawa bahay namin
yung cr.. walang toilet bowl..
ang sistema... for urination purpose lang...
sa sahig na kawayan ang wiwi mo
ang dumi....
kelangan madami kang stock na dyaryo>>>>
ilalatag mu..... ilalabas....
ibabalot.... itatapon... at bahala na
kung sinong tao o aso ang makakatagpo nito
sa katabing creek ng bahay namin...

tuwing nanalala ko ito ngayon...
ang buhay namin dati,,,,
medyo naiiyak pa ako....
grabe... ang dami ko na palang napagdaanan..

kaya nung bata ako....
sabi ko......
mama , papa.... yayaman tayo...
Ako bahala......
kaya nga siguro panay hintay ko 
kay Santa Clause noon..
gusto ko kasing humiling..
para bang genie...
ewan... basta... nuon sabi ko...
pag dumating si santa.....
hinde ko kukunin yung gift nya.... hihingi ako...
ng iba....

pero hinde sya dumating.....
ngayon matanda na ako... 
napagtanto ko na..
oo nga.... hinde totoo si Santa..
at wala talang tao ang pipiliing tumira sa North POle
kasama ang mga dwende.... at gagawa lang ng mga
laruan buong taon, at ibigay sa mga bata pagsapit ng disyembre...

natutuwa ako..
pasko na kasi...
pero hinde ko parin natutupad yung pangako ko..
sa nanay at tatay...
natutuwa ako sa mga bata...
sa mga nigti nila..
pag nakikita ang mga larawan ni santa..
sabi ko balang araw .. malalalman din nila ang totoo..

na WALANG SANTA CLAUSE.

pero ngaun wag muna...
sana ipagpatuloy nila ang pangarap..
ang kasiyahan..
ang pananabik..
ang paniniwala..
na meron ngang santa clause
na dumadalaw...
tuwing pasko..
napakasarap maging bata.....
masarap maniwala...
masayang umasa.....

balang araw malalaman nila ang totoo..
na ang naglalagay ng kendi at pera sa mga medyas nila 
isinabit sa bintana ay ang kanilang mga magulang..

HINDI AKO NAKAPAGWISH KAY SANTA.
HINDI RIN AKO NAKATANGGAP NG REGALO.
PERO KAHIT PAPAANO NANINIWALA PADIN AKO
NA MAY SANTA CLAUSE....

KASI SI SANTA....
ay hinde nakatira sa northpole...
wala syang mga dwende..
ang totoong santa...
eh yung nakikita mu sa salamin...
ang mukha, puso at damdamin..
di ko kailangan si santa...
dahil alam ko..... na walang ibang tutupad ng
mga pangarap ko kundi ako lamang...

DI ko kailangan magwish..
ang kailanagn ko..
magsumikap...

Mahal ko si Santa Clause..
Dahil natuto ako ng maraming bagay...
(pero sana kahit papaano ay maubulong ko parin ang nais ko.. at umupo sa kanyang mga hita... yakapin sya... )

MASARAP maging bata....
balang araw matutupad din ang pangarap ko...




Credits to Google Image Search No Copyright Infringement Intended

Dec 17, 2010

Kapag naging Glee ang Porn

For People Who Love everything about PORN
EXCEPT SEX



James Gunn's PG Porn


(Ganito ang mangyayari kapag super Fan ka ng Glee) 

Dec 16, 2010

New BSP Logo and Unveiling of new Philippine Banknotes

PHILIPPINE BANKNOTES GETS A FACELIFT


Ngayong araw pinasinayaan ng Banko Sentral ng Pilipinas ang mga bago at redesigned na Bank Notes ng Pilipinas. Ang lahat ng 6 denomination ng bansa, 20 - 50 - 100 - 200 - 500 at 1000 peso bills ay may bagong itsura at dagdag na mga security features ayon sa BSP. Sinimulan naring iligay ng BSP sa mga bagong bank notes na ito ang SIGNATURE ni Pangulong Benigno Aquino III . Ayon sa Website ng Banko Sentral ng Pilipinas ang mga bagong pera ng Pilipinas ay may security features katulad ng security threads, fibers, watermarks, invisible fluorescent inks, optically variable ink, microprint, and moire pattern and iridescent band.


Ang Bagong 500 Peso Bill, magkasama sina Dating Pangulong Corazon Aquino at ang kanyang kabiyak na si Dating Senador Benigno S Aquino Jr.



500 Peso Bill Reverse Side



1000 Peso Bill, Makikita parin sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda at Vicente Lim


Sa likod ng 1000 Peso Bill Makikita ang Tubbataha Reef National Park



Ang Bagong 200 Peso Bill. Makikita parin si Dating Pangulo at ngayon Congresswoman ng Pampanga na si  Gloria Macapagal Arroyo sa  ng 200 peso bill, ngunit ang larawan ay magiging mas maliit at matatagpuan sa bottom left corner sa harap ng 200 peso bill.



Larawan ni Gloria Macapagal Arroyo sa 200 Peso Bill

Makikita sa Likod ng 200 Peso Bill ang Chocolate Hills ng Bohol at ang Tarsier. 


Ang Bagong 100 Peso Bill makikita si Dating Pangulong Manuel Roxas. 


Sa likod ng 100 Peso bill makikita ang Mayon Volcano 
at ang Butanding (Whale Shark) na kilalang tourist attraction sa Sorsogon


Si Pangulong Sergio OsmeƱa sa 50 Peso Bill. Sa likod nito makikita naman ang Taal Lake.


Ang 20 Peso Bill, makikita ang mas batang Manuel L. Quezon. 


Sa likod ng 20 Peso Bill masisilayan naman ang Banawe Rice Terraces.

NEW BSP LOGO

Makikita din sa mga bagong ilalabas na Bank Notes ng Pilipinas ang bagong Logo ng BSP

The new BSP logo is a perfect round shape in blue that features three gold stars and a stylized Philippine eagle rendered in white strokes. These main elements are framed on the left side with the text inscription “Bangko Sentral ng Pilipinas” underscored by a gold line drawn in half circle. The right side remains open, signifying freedom, openness, and readiness of the BSP, as represented by the Philippine eagle, to soar and fly toward its goal. Putting all these elements together is a solid blue background to signify stability.

Principal Elements:

1. The Philippine Eagle, our national bird, is the world’s largest eagle and is a symbol of strength, clear vision and freedom, the qualities we aspire for as a central bank.

2. The three stars represent the three pillars of central banking: price stability, stable banking system, and a safe and reliable payments system. It may also be interpreted as a geographical representation of BSP’s equal concern for the impact of its policies and programs on all Filipinos, whether they are in Luzon, Visayas or Mindanao.

Colors
1. The blue background signifies stability. 
2. The stars are rendered in gold to symbolize wisdom, wealth, idealism, and high quality. 
3. The white color of the eagle and the text for BSP represents purity, neutrality, and mental clarity.

Font or Type Face 
Non-serif, bold for “BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS” to suggest solidity, strength, and stability. The use of non-serif fonts characterized by clean lines portrays the no-nonsense professional manner of doing business at the BSP. 
Shape 
Round shape to symbolize the continuing and unending quest to become an excellent monetary authority committed to improve the quality of life of Filipinos. This round shape is also evocative of our coins, the basic units of our currency. 



Sources


Dec 15, 2010

Time Magazine's Person of the Year



Time Magazine's Person of The Year 

Itinanghal si Mark Elliot Zuckerberg bilang 2010 Person of the Year ng Time Magazine. Si Mark ang isa sa mga founder at creator ng ating kinahuhumalingan na social networking site na FACEBOOK. Isang kamangha-manghang tagumpay ang ipinamalas ni Zuckerberg at ng Facebook. Sa loob lamang ng pitong taon nagawa itong ikonekta ang milyong tao sa mundo. Nagsimula sa isang college dorm sa Harvard, February 2004, sinong mag-aakala na sa taong ito umabot na ng 550,000,000 members na ang facebook. Nasalin sa 75 language at may average na 700,000 new members bawat araw ang nadadagdag. Kung magiging isang bansa nga ang Facebook magiging 3rd ito sa dami ng populasyon, sumunod sa China at India. 

Naalala ko pa nuon, flashback tayo, nang una kong narinig at nakita ang facebook. Hindi pa ito, gaanong kilala sa Pilipinas. Isang email ang aking natanggap mula sa isang dating kalsmeyt noong hayskul. Isang imbitasyon para gumawa ng facebook. Hindi ko iyon pinansin, dahil hindi naman ako mahilig magkompyuter at maginternet. May Friendster ako nuon, at yun pa ang uso at mas nahuhumaling ako sa Multiply. Di naglaon nakalimutan ko ang email na iyon. Ngunit isang araw sa OJT ko sa Konsepto Production House. Tinawag ako ng aking mabait, sobrang bait na OJT supervisor. Si Sir Weng, tinanong nya ako kung may Facebook ako, sabi ko wala. Sabi nya eto na daw ang uso. Laos na ang Friendster. Kaya tinulungan nya akong gumawa ng facebook. Ininvite nya akong maging friend at sinabing maglaro daw kami ng Vampire Wars. Itinuro nya din sakin kung paano maglaro ng Vampire Wars, na naglaon hindi ko din nagets masyado, tinamad ako dahil lagi ako natatalo ng mga warewolf, hunter at nakakagat ng kapwa bampira. Sinubukan kong enjoyin ito, pero every time na may tinatanong akong mga kaibigan at klasmeyt  kung may facebook sila, sagot nila "Ano Yun?" at "Wala". At dahil hindi ko rin naman masyadong nagegets pa nuon ang facebook. Kinatamaran ko narin. Pero hindi naglaon napansin kong napapadalas ang pag-uwi ng gabi ng aking mga kapatid at aking Inay.  Natagpuan ko sila, sa isang kompyuter shop, malapit sa bahay. Ayun nagfa-facebook. Gusto daw nila ako-iadd maglaro naman daw kami ng farmville at farmtown. Dahil sa nalaman kong madami palang laro bukod sa bampira sa facebook. Sinubukan ko ulet ito. Di naglaon, dumami nadin ang mga kaibigan kong nakadiskubre sa facebook. At ayun... Naging Facebook Country ang Pinas. Kawawang Friendster. 

Sa iyo Sir Weng na nagpakilala sakin ng Facebook. Salamat.
Sa iyo Mark Elliot Zuckerberg. Congratulations. Person of the Year!

Photos From Time MagazineWebsite