Si Santa at Ang Kwentista
Halina at samahan ang ating Kwentista, sa kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang nakaraan at kakaibang kabataan. Ang kanyang mga katanungan kung Totoo ba si Santa? Ang kanyang matiyagang paghihintay kay Santa. Ang mga kending lumalabas sa medyas na isinabit sa bintana. Ang mga Aguinaldong sabi ni Inay ay itatago nya muna (na hanggang ngayon hindi na nakita). Ang mga pangarap at hiling ng batang kwentista kay Santa. Ang mga reindeer na ayaw sa TB at mga dwendeng nanginginig sa Lamig.
Ikaw ano ang ala-ala mo kay Santa? Nakita mo na ba siya? Anong Hiling mo sa kanya? Anong regalo ang natanggap mo? Tinago din ba ng magulang mo ang iyong mga aguinaldo? Sino payborit TITO/TITA o Ninong/Ninang mo?
No comments:
Post a Comment