TORPE
ni Hedel Cruz
Ilang beses ko nang gustong lumapit sayo
Ngunit parang nalulunod ako
Sa sarili kong laway di ako makapalag
BuBukas palang ang bibig puno ng bagabag
Siguro nagtataka ka, kung bakit sa iba
ako ay masaya, palaging nakangiti at
tumatawa. Ganun lang ako, wag kang
magalala sayo kasi ako ay torpe na.
Natuwa ako nung sinabi mo.
maganda yung long sleeves na suot suot
ko. Sana naging Long-sleeves nalang ako
baka sakali araw araw mapansin mo.
Di ko inakala na sa pagkakataon pa.
Kahit ang Jeepney Ride ay kay saya.
Yun na siguro ang pinaka maikli.
Pero ang saya sa puso ay namumutawi.
Di ako makapagsalita kapag nariyan ka.
Feeling ko kasi maasar ka. Mukhang di
ka sanay sa mga biro ko at patawa.
Kaya hanggang sulyap at tingin ako'y masaya na.
Hindi ko alam kung saan nagsimula.
Sa pagsasayaw ata ng Lanceros ako'y nabahala.
Yun ang unang ikay nakapareha.
Yun ang unang ikay nakapareha.
Ngayon ninanais na habang buhay na..
Ngunit ngayon hanggang tingin nalang..
Ayoko kasing masaktan pa..
Sugat ng puso'y naghihilom na.
Sana pagkatapos nariyan ka pa.
Lecheng Pagibig ako ay suko na.
Isang malaking ilusyon iyon ang
napintaha. Ewan.. Basta... Mahal na
talaga ata kita.. Baka bukas ay makaya ko na.
Pero ngayon hanggang di ko pa kaya.
sanay hayaan mo nalang na ako ay ibigin ka.
Kahit sa malayo palaging nakatanaw.
Kahit sa malayo palaging nakatanaw.
Sana malaman mo sa puso ko ngayon ikaw ang pumukaw.
Credits to Google Images Search No Copyright Infringement Intended
No comments:
Post a Comment