Nov 3, 2010

Filipino- Korean Accent War

Lee Da Hae on Filipino Teacher's English Accent



Hindi ko talaga mapigil ang sarili kong magsulat ukol dito. Hindi ko alam kung kelan at ano ang unaang video na inupload sa YOUTUBE. Pero mabilis kumalat ito, at mabilis din namang na-share sa iba pang Social Networking Site, Una ko itong nakita ng ipost ang link na ito ng isa kong kaibigan sa Facebook. Natawag agad ang aking pansin sa kakaiba at sa una'y parang nakakapanlaki ng litid sa leeg at nakakapang-galit ng dugong title nito. 

"Famous Korean actress insulting filipinos accent in english", yung ang title na agad kong napansin, syempre hindi ko mapapalampas na hindi ito tignan. (binura ng nag-upload ang video kinabukasan, kaya sa ibang channel ko kinuha iba narin ang title) Nung pinanuod ko sa Youtube ang video na ito nasa 1000+ palang ang views nito... Pero habang tinatype ko ito ay umabot na sa 4,500 ang mga nanuod nito. 3,500 views sa loob ng isnag oras.. (sa ibang upload ng videos na ito umaabot na sa 60,000= views, karamihan nadelete dahil sa copyright)

Konting Background muna kay Lee Da Hae, Si Lee Ha Dae ayon sa Wikipedia ay:


Lee Da Hae (born Byun Da-hye, April 19, 1984), is a South Korean actress who has appeared in a number of Korean television series and dramas such as My Girl and Green Rose. Lee Da Hae and her family moved to Sydney, Australia, for five years, and graduated from Burwood Girls High School before debuting as an actress in Korea. She now lives with her mom in Seoul while her dad and brother still reside in Sydney, Australia. Besides acting, Lee Da Hae's other passion is traditional Korean dance. She has performed many times in front of small amount of audiences in Australia.

Sa videong ito makikita na ipinapagaya sa Korean Super Star na ito ang iba't ibang accent ng bansa. Una ay ang America, sumunod ang Britanya at ang panghuli ang Pinakamamahal nating Pilipinas. Ang sabi nung lalaking naka V-neck, kung nakakaintindi ka ng korean... ay eto...


"What about the TEACHERS in the Philippines, how do they say it?" (SANGSENIM=TEACHER)

At sa napanuod nyo. Ginaya nya ito at nagtawanan ang lahat ng nasa video (na tumawa din sa mga una nyang accent na ginaya.)  Habang pinapanuod ko ito, wala akong naramdamang anu mang insulto sa katawan, hindi ko alam kung manhid ako, pero wala talaga. Hindi ako nabahala, mas nabahala ako sa mga kumento sa video na ito. Syempre madami ang nagalit. Napaisip tuloy ako, sa mga nabasa ko. Na karamihan ay masasamang salita laban kay Lee DaHae. Ang ilan nagmumura, ang ilan gusto sya ibigti, at ang ilan humantong pa sa puntong kasama na ang nationalismo. Pero marami, ay kung paano nila ipagtanggol ang Pinoy laban sa mga Koreano. Naging mistulang Pinoy-Koreano ang labanan. Kung sino ang mas magaling at sino dapat ang insultuhin.Marami ang lubos na bumulwak ang mga litid sa galit, gusto nilang ireport sa pulis, bu,mbero, istasyon ng channel 2, 5 at 7 (kung saan ipinalalabas ang isang Keoreanovela ni Lee DaHae). May mga nagmungkahi pa na magrally, may gusto sya isabong ng english sa grade 4 at gusto siya pakainin ng alikabok. 


Pero ang Pinoy Matapang agad... Nakakatawang Binase natin agad sa Subtitle ng Programa. Nagalit agad ang Pinoy dahil nakita ang Flag ng Bansa kahit hindi nila naintindihan ang buong clip ng Programa...


Kung nakakaintindi ka ng Korean, maiintindihan mong ito nangyari..



"What about the Filipino teachers'? Or Southeast Asians' (accent)?" 
[Naintindihan kaya yan ng pinoy nung sinabi ni V-Neck Guy?!]


Ang Sagot ni Lee DaHae:
"Southeast Asians' pronunciation is kind of like this...


(maaring nabanggit ang Pilipinas ngunit sa kanyang sagot, Sinabi ni Lee DaHae specifically na South East Asian)


May mga nagtanung, bakit pa kasi napasama yung Pinas sa mga bansang ginaya nya. Ang punto ng iba, hindi namn first language ng Pinas ang Ingles, kaya hindi dapat kasama yung bansa natin. At hindi nya tayo dapat alaskahin. Ang punto ko naman, marahil, dahil ito sa pagiging THIRD LARGEST ENGLISH SPEAKING NATION natin. Kasunod ng Amerika at Britanya, na siya rin namang ginaya nya. Ok tapos na ang sabong, napanuod ko na, hindi na dapat ako magrereact, hindi naman ako apektado. Pero apektado pala ako. Hindi dahil sa Inaasar nya yung mga Teacher na Pinoy. Kundi dahil sa napansin kong kababawan ng kapwa ko pinoy. Oo hindi na natin maiaalis na marami ang magalit. ganun naman talaga ata ang Pinoy, matapang... Palaban.. Kumakain ng Buhay kapag natapakan. Pero may mali eh. Meron talaga... 

Sa totoo lang hindi ako kampi sa kanya. Hindi rin ako naawa dahil sa mga masasamang sinasabi ng Pinoy sa kanya. Wala din ako paki kung mag-sorry sya, lumuhod o tumambling pa. Wala din ako paki kung masaktan sya sa sinasabi ng Pinoy (hindi naman kami close eh). Ang nasasaktan ako, at ang hindi ko matanggap ay ang pagiging mababaw ng Pinoy  tungkol sa mga bagay at isyu na ito. Siguro reflex ng Pinoy, o ng kahit sinong tao yun. Ang lumaban pag naapi. Pero wala na tayo sa panahon ng Barbarian. Hindi naman tayo pinapatay, sinasaksak, nirereyp o hinihila ang etits tulad ng ginawa ni Binayug. Nakakapagtaka, na sa isang COMEDY o GAG show na ito. Masyadong apektado ang maraming tao. Sabi nila, wala daw karapatan ang Koreana na tayo ay laitin, dahil hindi naman tayo ganun magsalita. At dahil sa mas magaling ang pinoy sa koreano pagdating sa ingles. Ibig sabihin ba nun, Pinoy lang ang pwedeng manlait ng Koreano o ng iba pang lahi na hindi marunong magsalita ng Ingles? Bakit ang Pinoy magaling manlait ng Iba. Pero pag sya ang nilait, gusto ay gyera na?

Sa totoo lang mas nakakahiya pa ang Pinoy, Dahil sarili nga nating mga cultural minorities at indigent Filipinos ay pinagtatawanan natin at pinagkakatuwaan. Ilang beses ka na bang tumawa kapag may isang Promdi na hindi marunong magtagalog, madami na diba? Eh panu kung Ingles pa.. baka mag LOL at LMAO ka pa. Hindi ba't mabilis at dakila ang pinoy sa panlalait ng mga katutubo na bumababa sa bayan galing sa bundok. Ang lupet natin mag-asar sa pananalita at gawa. Nakakapagtaka kung bakit, tuwang tuwa tayo at idol natin ang mga African American sa Hollywood. kay Beyonce, JayZ, Rihanna, Usher. Jordan, Kobe at King James. Pero pag dating sa kapwa natin Pilipinong mga Aeta, Mangyan, Manobo na maitim din ang balat. Eh, grabe tayo makapintas. Tanung lang, Bakit ang Pinoy, kaya at oks lang sa kanya pintasan ang kapwa Pinoy, pag ibang lahi ang pumintas sa atin... Parang the biggest Crime in the world now. Pinoys generally are a happy people. We know to throw jokes at other races, but we dont know how to catch one. 

Nakaklungkot na masyado tayong balat sibuyas sa Video na ito... once in our life, natawa din tayo pag hindi natin naintindihan at nakarinig ng bulol, kapag nag english yung isang koreano,hapon,tsinoy,bumbay,vietcong, etc.. Wala naman kasing punto na magyabang na mas magaling tayo sa mga Koreano, kayat galit na galit ka dahil sa video na ito. At walang punto para maging sobrang apektado sa video na ito, para laitin mo ang babaeng ito. Una sa lahat comedy show ata yung palabas kung saan nakuha ang video na ito... Isang show na hindi natin alam kung ano ang format at kung sino sino ang mga mapuputing taong nandun. Eh kung sabhin kong panget ang lahat ng Pinoy maliban sa akin... Magagalit ka na? gayong alam mong joke lang ang sinabi ko? Di ba parang mas madali tanggapin kapag sa kapwa Pinoy galing ang panlalait, bakit pag ibang  lahi    parang magkakaroon na ng isa pang World War? 

Nakakapagtaka ulet, isang halimbawa natin ang isang latest news... Yung Speech writer ni P-noy. Sinabing walang gwapo sa Vietnam. At pagpapakamatay ang pagtawid sa kalsada ng Hanoi. At hindi masarap yung wine na sinerve sa mga delegado ng Pilipinas sa Dinner nila. Kitams, isang High Ranking Official yan ng Bansa, si ASEC. Mai Mislang.. madaming Pinoy ang nagalet sa kanya. Ang iba inungkat pa ang itsura at ang edducational background nya. Nagalet ang maraming pinoy sa kanya. Dahil hindi maganda yung mga sinabi niya. Nakakapagtaka, ganun ba tayo ka-allergic sa panlalait ng iba? Kapag may Pinoy na nanlait ng ibang bansa, galit tayo, dahil maaring magalit yung ibang lahi. Kapag may ibang lahi na nanlait sa Pinas, nagagalit tayo. Pero bakit pag kapwa Pinoy ang nanlait sa Kapwa Pinoy. Waw. Brad... Parang normal lang. Hindi man lang nagsalita ang mga tao ng Vietnam tungkol sa issue, kahit pa isang taga-gobyerno ng Pinas ang nagsabi nito. Sa latest statement ng Vietnam Embassy. This is just a minor Issue. At ang relasyon ng Pinas at Vietnam ay hindi magbabago... --- Yan ang tinatawag na maturity.

Ilang beses na ba tayo nakakita ng sign na TUTA ng KANO. Lahat ata ng Presidente nakatikim nun, MAGNANAKAW, TUTA, PAHIRAP, OUST, WALANG MODO, BUMABA KA NA. CORRUPT. at madami pa, ang mga kritisismo na natanggap ng bawat nagdaang presidente ng bansa na para sa atin at para sa marami ay normal lang. Panget, bakulaw, may tae sa pwet, pango, kulot, negra, sipunin, uhuginm pokpok, bakla, bayot, dugyot.... mga bagay na karaniwan nating naririnig nung bata tayo. Ang sarap kapag tayo ang nagsasabi, pero pag tayo ang sinasabihan, Aba gyera na! Nakakapagtaka dahil, natural sa pinoy ang manglait. Tayo na ata master ng universe pag dating jan. Kahit si Sharon hindi nakaligtas sa pagiging MATABA. Nakakapagtaka nga dahil kapag kapwa pinoy nanlait, oks lang. Pero pag ibang lahi, hindi. Ganoon ba tayo ka babaw? Na parang tayo lang ang may karapatan manlait ng Pinoy at manlait ng ibang bansa.? Talaga bang hindi pa mature ang Pinoy? Ang sagot ay OO..

Para sa akin, hindi naging issue dito yung accent. Dahil mas naging issue ang pagyayabang ng Pinoy. Dahil madami ang nagmataas kesa alamin ang tama. Mas maraming naging bata, kesa unawain ang koreana. Paano kung yun talaga ang alam nya. Paano kung talagang ganun magsalita yung kilala nyang Pinoy/Pinay? Kasalanan nya ba yun.. Sa totoo lang hindi naman natin sya masisisi. Dahil sa isang banda, may punto din sya. Yung mga nagagalit kasi, yun yung mga nainsulto. Kasi hindi sila ganun magsalita. Pero naisip nyo ba.. Hindi rin nman lahat ng Pinoy ayus magsalita ng Ingles at hindi katulad ng mga nagtataas taasan at nagyayabang yabangan na Pinoy na maganda ang kanilang accent. Yung mga nagreact, at ayaw tanggapin na hindi sila ganun, malamang tambay ng starbucks. Nakatira sa Wack-wack, Graduate ng Ateneo, La salle, Doktor, Teacher, Attorney at Nurse. Mga taong kahit tinatanung mo ng tagalog, sisingitan ka ng Ingles na galing sa ilong para magmukang Kano. Hindi siguro nila alam, na hindi lang sila ang Pinoy sa bansa. At hindi rin lahat ng pinoy marunong magingles. Kahit pa 3rd largest speaking nation tayo ng Ingles. May mga Pinoy parin sa bundok na ang alam lang ay pagbubungkal at pagtatanim, na kahit minsan hindi nakapanuod ng cartoons o pelikula ni Chuck Norris.  Anu bang meron sa Ingles? Tayo narin ang nagsabi na hindi natin first language yun. Eh, bakit apektado tayo? Ang iba nagsasabi na pagiging makabayan daw yun, ang ipagtanggol ang Pinoy. Para sa akin, walang Makabayan o pagiging Maka-Pinoy sa pagsasabi o pangaalispusta sa kapwa para lang makaganti dahil natapakan ang malaki nating EGO. Una sa lahat, mukha naman talagang GAG Show o Comedy Show yun. Kelangan ba natin seryosohin yun, para gumanti ng masasakit na salita sa ibang lahi, tao, koreano? Kelangan ba natin seryosohin yun para magtawag ng rally at alipustahin ang mga nagaaral ng ingles na koreano sa bansa? Kelangan nyo ba talaga seryosohin yun, pati ako napapasulat ng mahaba dahil sa inyo. ampotah.....

Hindi pa ba kayo nakakakita ng Filipino Comedy, Gag, Sitcom o kahit serious talk show tulad ng kay Kris na  nanlait sa ibang bansa o lahi? Common, alam ko alam nyo meron. Diba nga jan tayo magaling. very willing to make jokes of themselves and other Filipinos? Magaling ang Pinoy gawing katatawanan ang ibang tao, lahi, kapwa Pilipino. Pero pag tayo ang nasa spotlight ng joke ng iba... Bakit hindi natin kayang tanggapin? Kelangan ba talaga seryosohin? Hindi nyo naman siguro siniseryoso si Jay Leno, David Letterman o Jimmy Kimmel diba? Talagang mababaw pa ang pinoy. Nakakainggit kung paano sa ibang bansa, kaya nila asarin ang sarili nila, ang ibang tao, tapos pag tapos na ang palabas.. walang samaan ng loob? hindi ba pwede yun? nakakapagtaka lang talaga, sarap tumawa sa mga Comedy Bar sa Timog. Basta hindi ikaw yung ookrayin tama ba? Dont tell me pare, aabangan mo pa yung bading na nangokray para gumanti? Marahil kung hindi ka pa nakakakita ng Pinoy na nanlait ng ibang bansa, o ayaw mo lang maniwalang meron. Papaalala ko lang sayo  ang mga palabas na lagi pinagtatawanan ang mga bumbay na nakamotor at nagpapa- 5/6. Ang mga post war film, o yung mga pelikula pagkatapos ng World War II. Halos manliit ang mga Hapon o Japanese sa mga pangaalispusta ng pinoy sa kanila. Pero hindi sila nagreklamo, hindi dahil alam nilang baka may trauma pa ang pinoy dahil sa war, kundi dahil MATURE sila. Umabot din sa punto na humingi sila ng patawad at nakiusap na pwede bang tigilan na ang mga Pelikula ni FPJ na lagi sila ang kalaban at lagi sila masama. GINAWA nila ito sa maayos na paraan, sa isang diplomatikong paraan. Sa tingin ko naman mas malaki ang damage natin sa Japanese, sa aspeto ng pangiinsulto kesa sa damage ng video na ito.

Isa lang naman ang punto ko, at wala din ako balak baguhin ang opinyon mo. Kung galit ka pa sa Koreano. Dahil opinyon mo yan. Ang turo sakin ng teacher ko noong hayskul. Walang tama o mali na opinyon. dahil ang bawat opinyon ay ang paninindigan ng isang tao. Opinyon na hindi lang yes or no. kundi a\mga pronsipyong humubog sa pagkatao ng isang nilalang. Nakakapagtaka, anu ba ang magagawa o mangayayre. Kung bibigyan kayo ng pagkakataong pitikin ang ilong nung koreana. Pikutin ang tenga. Sabunutan, kalbuhin, tusukin ng aspile o sampalin. May maganda bang mangyayri? Kung lahat ng Koreano ay bawal na sa Pinas, para magsisi si Lee DaHae sa mga sinabi nya? May magbabago ba? WALA naman.. mananatili lang tayo mababaw at puno ng pagiging isip bata. Kung papatol at papa-apekto tayo dito. kung magsasalita tayo ng amsama sa kapwa, ibang lahi o ibang bansa. Sabi ng ni Papa Jesus. "Kung anu ang ginawa mo sa kapwa mo, GINAGAWA mo rin sa PANGINOON. Sa mga nagagalit at nagsasabing mali ang koreana. Alam nyo na ngang mali, bakit papatulan nyo pa? May magagawa ba ang pagmumura? Bakit hindi mo subukang magbasa nalang ng libro, mag-aral at maging lalo pang bihasa sa Ingles. Sa ganitong paraan, hindi ka man makaganti ng sampal at kurot kay Lee DaHae. Mapaptunayan mo naman sa sarili mo na mali sya. At malay mo magkita kayo isang araw. banatan mo ng isang nobelang straight english. O diba mas maganda yun. Kesa yung ilalabas mo ang pagiging walang modo at balahura mo. Sa pag ganti mo ng masasakit na salita sa kanya.  

Oops may naalala nga pala ako. Sa pelikula ni Rob Schneider na isang PINOY, may scene dun na nageemote yung African American Guy dahil kahit anung gawin nyang mali, pinalalampas at pinapabayaan nalang sya. Dahil daw ba sa isa syang black? at stereotype na ganun ang mga Itim at oks lang na gumawa sila ng mali? pagbigyan sila at maging normal na nagkakamali sila. nagtataka sya kung bakit hindi sya pinapagalitan. Dahil ba ayaw ng mga taong sabihing Racist sila? Nagtataka sya kung bakit nauna pa syang maipromote kesa sa isang PINOY sa airport. Ang sagot ni SCHNEIDER , Kasi yung PINOY daw bobo at tanga. Sabay focus ng camera sa Pinoy habang inaamoy at mukhang engot na tinitignan kung yung hawak nya na metal detector.  Tanung lang, bakit doon hindi tayo na offend? Pero na-offend tayo kay Claire Danes nang sabihin nyang Madaming Ipis at Daga sa Pinas. Bakit hindi tayo na-offend sa Red Hot Chili Peppers nung sabihin nilang sa Pinas lang sila nakakita ng sobrang laki at matatabang Ipis? Pero nagalit tayo kay Teri Hatcher ng ayaw nya ng Pinoy na doktor sa isang scene ng Desperate Housewives? Ang labo... Ang gulo...

Oooops. Mga pare. Hindi ako kampi sa kanya. Hindi ko sya crush. Hindi ko din sya kilala. Baka isipin mo pinagtatanggol ko sya, baka sabihin mong wala akong awa sa mga inalipusta nyang mga guro dahil hindi ko sya inaaway. Ang sakin lang.. grow up mga Pilipino. Hindi sa habang buhay magiging balat sibuyas tayo.. Sa mga example ko sa taas, bakit parang may pinagpipiliian tayo kung kanino at sino tayo magagalit. Tapos sa mga mababaw na salita pa. Anu bang meron sa english at apektado masyado ang pInoy? Ang daming bansa tulad ng Japan na anag alam lang nila ay YES at NO, pero maunlad sila. Madaming bansa na hindi marunong mag-english pero na ngunguna ang development kesa sa atin. Kung English ang basehan para masabing magaling ang Pinoy? Bakit 3rd world country tayo? Hindi naman batayan ang English para masabing magaling ang bansa. OO nga at Global Language ito. Pero bakit kulelat tayo sa mundo? Pero mas madami pa tayong dapat pagtuuanan ng pansin kesa mag-away sa Video na ito. Hindi English ang basehan para maging astig, cool, mukhang mayaman, edukado at sosyal. Dahil kahit ka magaling sa Ingles, pero basura naman ang lumalabas sa bibig mo, alam mo na ngan mali si Korean Girl papatol ka pa. Aba!.. sana naging Pipi ka nalang. Kung ako lang, mas gughustuhin ko pang matuto mag ilonggo, bisaya, hiligaynon, chavacano, ilokano, zambal, etc. 

Bottomline.... Grow Up Pinoy. Wag tayo umarte na tayo ay dakila dahil sa magaling tayo mag-inles. Matuto tayong umunawa, sa pagkakamali ng iba. Hindi yung magmamaktol at maghahanap ka ng away dyan. Matutong Tumawa at Pagtawanan. Wag seryosohin ang lahat ng bagay. lalo na kung alam mong wala naman maidudulot sa iyo ito. Advice lang.. Mag-aral ka ng mabuti kesa ubusin ang oras sa galit at panlalait ng iba. Hindi ka naman uunlad pag namatay sa panggasar si Korean Girl. MOVE ON LET GO... BOW 

No comments:

Post a Comment