PINOY BALAT SIBUYAS?
Matapos ang pagkahaba habang diskusyon at 60,000 views. Nakarating narin kay Lee DaHae ang pagkaburyong ng madaming Pinoy. Noypi na gusto ata magkaroon ng rebolusyon. Mga akala mo kung sinong matatapang na pinoy na gusto ata makipag-gyera sa Korea. Matapang nga ba? o sa salita lang? Siguro dahil alam nilang magaling ang Manila SWAT. Kaya malakas loob. Eh, panu kung kalabitin ng South ang North.. May laban kaya tayo kay Kim Jong Il? Baka isang testing lang ng mga rocket na kahit ang America ay inis na inis. Magtago tayo sa BuS at magdasal ng panibagong Quirino Grandstand.
Humingi na ng paumanhin si Lee Da Hae, para maghunos-dili ang mga atat at war freak na Pinoy dahil sa pagkadismaya nila sa mga salitang nabanggit o yung panggagaya ni Lee DaHae sa Accent ng Pinoy, partukular sa mga english teacher sa isang Talkshow sa Korea. Syempre may paliwanag sya. O palusot para dito. Hindi nya daw naalala na may sinabi syang Pilipinas.. OO nga at wala syang sinabi. Ibig sabihin ba yung Host na naka V-neck na nagtanong sa kanya o nagsabi sa kanya na "How about the teachers in the Philippines say it?" ang may pakana ng lahat at dapat talagang bugbugin ni Juan? Naibaling din nya ang sisi sa producer sa paglalagay ng subtitle at flag na wala daw siyang kinalaman.
Eto ang Kabuuan ng Paliwanag ni Lee DaHae:
"It has come to my attention that many of you from the Philippines have posted comments protesting that i was being derisive by mimicking Filipinos when they speak English.
"Therefore, in light of this matter I'd like to take this opportunity to clear the air.
"In spite of what many people believe, I myself did NOT mention anything about the Philippines or Filipino accent whilst on the TV show.
"On the other hand, I recall bringing up Southeast Asia and not the Philippines, and the subtitles were inserted when the show was being edited, of which I was not aware of until it was aired.
"The TV show where this footage was taken from was designed to amuse its audience and my sole purpose was to entertain the viewers by coming up with lighthearted stories.
"Since the producer knows that i speak English he asked me if I could share any episodes that touch upon the English language.
"As we all know every country has a typical accent when its people speak English (including myself) so after giving it some thought, I came up with a few lines where I simply tried to compare different English accents: the somewhat rigid British accent and beginners in Southeast Asia whose English tends to be a little hard-edged. No pun or ridicule was intended.
"As an individual who used to take English classes over the phone with a Filipino instructor, I give you my word that even the mere thought of mocking Filipinos would never cross my mind.
"I cannot tell you how much Filipino fans mean to me and as much as I love them, I would in no way hurt or upset them.
"I hope I have clarified any misunderstandings and once again I am truly sorry if I inadvertently hurt anyone's feelings.
"i really love you, my Filipino fans."
NOTE: Nakuha ang Paliwanag nya mula sa kanyang Twitter...
DAGDAG:
Matapos ang mahabang research at pagpupumilit maintindihan ang Korean Language:
Sa wakas nantindihan ko din ang ilang mga pangyayari sa kabuuan o parte ng KBS Show. Na pinagmulan ng kontrobersya:
Host:
"What about the Filipino teachers'? Or Southeast Asians' (accent)?"
Lee Da Hae:
"Southeast Asians' pronunciation is kind of like this...
--- Maari ngang nabanggit ang Pilipinas at pinakita pa ang ating bandila. At marahil hindi nya intensyon na insultuhin ang Pinas, dahil specifically sinabi nya na South East Asian. Ganun ba ka war-freak ang Pinoy at kahit hindi naintindihan ang lahat maghahamon ng away at maghuhuramentado. Hindi bat mas nakakahiya ang mga komento at reaksyon natin. Nakalimutan na ba natin ang payo ng mga matatanda?
"ANG MANIWALA SA SABI-SABI, WALANG BAIT SA SARILI"
Pero mas maganda ata kung ganito ang Salawikain.
"ANG MANIWALA KAHIT HINDI NAKAKAINTINDI, MAS MASAHOL BA SA TAONG WALANG BAIT SA SARILI"
Matapos ang mahabang research at pagpupumilit maintindihan ang Korean Language:
Sa wakas nantindihan ko din ang ilang mga pangyayari sa kabuuan o parte ng KBS Show. Na pinagmulan ng kontrobersya:
Host:
"What about the Filipino teachers'? Or Southeast Asians' (accent)?"
Lee Da Hae:
"Southeast Asians' pronunciation is kind of like this...
--- Maari ngang nabanggit ang Pilipinas at pinakita pa ang ating bandila. At marahil hindi nya intensyon na insultuhin ang Pinas, dahil specifically sinabi nya na South East Asian. Ganun ba ka war-freak ang Pinoy at kahit hindi naintindihan ang lahat maghahamon ng away at maghuhuramentado. Hindi bat mas nakakahiya ang mga komento at reaksyon natin. Nakalimutan na ba natin ang payo ng mga matatanda?
"ANG MANIWALA SA SABI-SABI, WALANG BAIT SA SARILI"
Pero mas maganda ata kung ganito ang Salawikain.
"ANG MANIWALA KAHIT HINDI NAKAKAINTINDI, MAS MASAHOL BA SA TAONG WALANG BAIT SA SARILI"
-------------------------------------------------------
PINOY BIGGEST RACIST IN THE WORLD?
Humingi na ng paumanhin na si Lee Da Hae, pero marami parin ang hindi kuntento dito. Paano daw wala siyang alam sa mga ginawa nya.? Madami ang nagsasabing nagpapalusot siya at sinungaling... Teka kelan ba tayo matututo? Kelan ba tayo mag-mamature sa mga ganitong bagay.. kelangan ba twing may ganito nalang ay maghahanap tayo ng away? Naging trending topic narin si Lee Da Hae. Sa totoo lang, tayo ang pinaka malaking racist sa mundo. Malakas mang-asar ang Pinoy, Pero gaya nga ng nasabi ko sa una kong sinulat tungkol sa Filipino- Korean Accent War. Tayo rin ang pinaka-PIKON. Talaga bang Balat sibuyas tayo? Eto panuodin nyo si Idol. Lourd de Vera sa kanyang WOTL - Word of the Lourd : Balat Sibuyas
WOTL - Balat Sibuyas No Copyright Infringement Intended.
Property of TV5
Property of TV5
IKAW BALAT SIBUYAS KA BA? IIWANAN KO ULET ANG SALITANG ITO.
Hindi ko maiaalis sa kapwa pinoy na magalet. Dahil sa normal lang iyon. Hindi ko rin inaasahang magbago ang nararamdaman o ang galit mo. Hindi ko rin balak diktahan ang iyong emosyon. Bawat tao ay may kanya kanyang opinyon. Mga opinyon na malaya nating nailalabas. At iginagalang ko ang iyong opinyon. Ang iyong mga nabasa ay opnyon ko lamang. Hindi nito ninanaais na maglunsad pa ng bagong di pagkakaunawaan. Ang akin lang, Sino ba si Lee DaHae para maapektuhan ka o ang ibang tao. Diwata ba sya? Presidente o May Hawak ng detonator na kapag pinindot nya ay sasabog ang mundo? Hindi na ba tayo hahangaan ng ibang lahi sa galing natin mag-ingles? Koreano lang ba ang Tao sa mundo? May nangyari ba o may mangyayari ba kapag humingi siya ng tawad? Dadami ba ang trabaho sa Pinas? Gagaling ba ng todo sa Ingles ang mga Pinoy na hindi inaabot ng Edukasyon sa Bundok at liblib na lugar ng Pinas? Pag-tatawanan ka ba ng estudyante mo dahil sa napanood nya ito? Papaalisin ba ng Korean Government ang English Teacher na Pilipino sa Korea? Hindi ba na mas maganda na mas hasain pa natin ang ating galing at husay sa pagtuturo ng Ingles para patunayan sa lahat na Magaling talaga ang lahing Pinoy? Para patunayan na malupet tayo sa Ingles. Kesa magmukmok. Ang sa akin lang... Sa dinami dami ng problema sa Pilipinas bakit tayo magpa-apekto sa mga bagay na ito?
MOVE ON. LET GO.
PEACE PO TAYO :)
hindi naman po sa pagbabalat sibuyas. sadya lamang na may mga taong lubos na maaapektuhan sa ginawa nyang ito. Isa akong Pilipinong guro ng Ingles dito sa Korea at masasabi kong magkakaroon ito ng malaking epekto sa aking propesyon. wag po sana tayong maging makasarili at isipin din ang iba nating mga kababayan. yun lang. salamat.
ReplyDeleteSalamat sa Iyong Komento... Iginagalang ko ang iyong opinyon. Ikinararangal ko ang isang Pinoy na Katulad mo na nagtratrabaho sa ibang Bansa. Isa kang bayani. Ngunit tanong lang, ako ba ang sinasabihan mong makasarili at walang paki sa kababayan.. Kung ako nga. Wala ako magagawa dahil sa opinyon mo iyan, at akin itong Iginagalang. Ang akin lang, Sino ba si Lee DaHae para maapektuhan ka o ang ibang tao. Diwata ba sya? Presidente o May Hawak ng detonator na kapag pinindot nya ay sasabog ang mundo? Hindi na ba tayo hahangaan ng ibang lahi sa galing natin mag-ingles? Koreano lang ba ang Tao sa mundo?
ReplyDeleteMay nangyari ba o may mangyayari ba kapag humingi siya ng tawad? Dadami ba ang trabaho sa Pinas? Gagaling ba ng todo sa Ingles ang mga Pinoy na hindi inaabot ng Edukasyon sa Bundok at liblib na lugar ng Pinas? Pag-tatawanan ka ba ng estudyante mo dahil sa napanood nya ito? Papaalisin ba ng Korean Government ang English Teacher na Pilipino sa Korea?
Hindi ba na mas maganda na mas hasain pa natin ang ating galing at husay sa pagtuturo ng Ingles para patunayan sa lahat na Magaling ang lahing Pinoy? Para patunayan na malupet tayo sa Ingles. Kesa magmukmok. Ang sa akin lang... Sa dinami dami ng problema sa Pilipinas bakit taypo magpa-apekto sa mga bagay na ito?
I agree with you KWENTISTA HOUSE.. Thanks for sharing..Health and Wellness
ReplyDelete