Sep 14, 2011

NANG KINATI ANG PAA 
AT BUMULWAK ANG PUSO
  Sinulat sa Bahay Kwentista Multiply Site noong Aug 28, 2008
Credits to Google Image Search. No Copyright Infringement intended
Halos apat na araw na akong di naliligo.
Nagkakasya na lang sa palit ng damit at hilamos.
Tinatamad kasi ako. Saka wala pa ako trabaho.
Para hindi naman pabigat sa bayarin sa bahay.
Tipid sa tubig. Tipid sa shampoo. Sabon.
(wag ka magalala di naman ako tipid sa toothpaste at pangmumog.)

Nung isang araw. Nagmatapang ako.
Sinubukang buksan ang friendster ni EX.
Kaso binura ko na pala siya sa list ko.
Kaya search muna. Ayun. Hit.
Na-hit din ang puso ko.
Yung status nya. IN A RELATIONSHIP NA.

Sabi ko dati. I moved on.
OO naka move on na ako.
Pero Iba.Masakit parin pala.
Its not that it hurts because she's with someone.
I dont know. It just. It just hurts.
I wish her all the luck.

Dahil dito. may nagawa akong isang bagong quotation.

"I dont need a better lady, I need a better me.
All i need to do is find that girl that will see my real worth and make me realize the greatest part of being me. ---hedel cruz"

Ayos ba? Pero totoo yan ang nararamdaman ko ngayon.

-------------

Kanina lang. Nag-email ako dun sa idol kong manunulat.
pinadala ko yung isa kong gawa. Sana magustuhan nya.
Alam ko namnag kulang pa sa hasa at kagandahan ang mga gawa ko. Kaya gusto ko pa lalo matuto.
Pinadala ko yung: TOMA + PAGNANASA = GAHASA
(sa mga nakabasa, tingin nyo? maganda ba yun?)

-------------

Kaso may catch ang pagnanais na gumaling sa pagsusulat.
Dahil sa pagnanasa kong gumaling.
Napadalas ang pag bukas ng kompyuter sa aking kwarto.
Inaabot ng madaling araw kakagawa at kakaisip.
Dumating ang elektric bill.
Ayun patay. ang taas ng bayarin.
Wala pa naman ako trabaho.
Kaya nahiya ako. Kasalanan ko pala.
Kaya sana naiintindihan nyo kung bakit di pa ako naliligo.

----------
Walang magawa sa bahay. 
Mula nung nakita ko yung bagong status ni EX.
Bumalik yung pangarap ko. ANG PUMAYAT.
Para naman pag ininvite nya ako sa kasal nya. 
Medyo gwapo na ako at macho.

Umaga. Tatama si bagyong Lawin sa PInas (buti nalang at lumihis)
Maulap at maulan. 6am ng umaga. Umalis ako ng bahay.
Balak ko sana tumakbo ulit.(jogging)

Balak ko sana sa sport center sa marikina.
Kaso ginanahan ako. At wala din akong pera pamasahe.

13 pesos. ANTIPOLO TO MARIKINA
10 pesos. ENTRANCE SA SPORT CENTER
13 pesos. MARIKINA TO ANTIPOLO
--------------------------------------------------------------------
36 peos all in all.

30 lang pera ko. 10 bigay ni ate. 20 bigay ni mama.

Ang nagyari.
Mula ANTIPOLO to MARIKINA.
tinakbo ko lang naman. Balak ko sana pagdating ng marikina saka ako tatakbo ulit problema lang. Sa hinaba ng takbo ko mula antipolo hanggang marikina.pagdating ko sa sport center di na ako matayo.
Shet. mali. Nabigla ata.

Ayun. salamat sa bengay at efficacent oil.
Bukas tatakbo ulit ako. this time sususubukan ko ulit magpakahangal. Sakto wala ako pera. 
Baka marikina to Antipolo takbuhin ko ulit.
-------------------------------------------------------------------

No comments:

Post a Comment