SAAN NAGSISIMULA ANG WAKAS
Posted in Friendster Blog
August 8th, 2007 by henry-1
Credits to Google Image Search |
Saan nga ba natatapos ang Pag-ibig..?
Saan humihinto and tibok ng puso….
Hanggang ngayon ay di ko parin mawari kung paano nagtapos ang lahat… Parang isang kidlat na bigla nalang bumulusok mula sa itaas.. Bigla kang taamaan… Masakit.. Mahapdi.. masusunog ang iyong balat… tapos tulad ng isang hangin… ang kidlat ay mawawala.. at ang tanging maiiwan sa iyo, ay ang paso at sakit…. Tulad ng PAGIBIG…
Mahigit dalawang buwan narin ng huli kaming magkita… Ang huling tagpo… Ay sa hagdan ng kanilang bahay… Dalawa kaming umiiyak.. ngunit mas malamig ang sa kanya…
"HINDI NA KITA MAHAL", yun ang malutong na sambit ng kanyang mga labi…
"AYOKONG LOKOHIN ANG sARILI KO", kasunod niyang sabi… ang mga mata kong kanina pa umiiyak ay nanlumo…
"MAY IBA NA AKONG MAHAL, HINDI MO NA AKO OBLIGASYON NGAYON, WALA KA NANG PAKIALAM SA AKIN", mga dagdag na salita sna lalong dumurog sa aking PUSO..
————————————————————–
paano nga ba nagsimula ang wakas?…. hindi ko rin alam…. tila isang lumilipad na bulak ang aking mga utak…
Ang sumunod na tagpo ay ang kawalan ng ulirat sa aking mga ginagawa… Isang hakbang nalnag… sige kaya mo yan.. bulong sa akin ng hangin.. sandaling panahon…. ang malawak na pagitan ng tulay at ng kalsadang nasa ibaba nito.. ay maaring magtagpo… isang hakbang lang… at ang sakit ay madodoble…. ngunit maya maya ay magwawakas…
hindi ko ginawa…
dalawang baso ….. isang kutsilyo…. ang sumunod na tagpo sa aking mga mata…
isang baso ng pamuksa ng ipis….isa ay para sa daga…. ang kutsilyo…. baka sakaling hindi ko makaya ang sakit…. mas makakadali….
hindi ko parin ginawa….
kung tutuusin ay napakasimple para sa ilan ng problemang ito… Lahat naman siguro ay nakaranas na nito… nindi lang libo.. milyon… higit pa.. lagi ko sinasabi.. tanga lang ang magpapakamatay…. pero pag dumating ka pala sa puntong iyon ng buhay… talaga pa lang maiisip mo… na ito na ang pinaka madaling paraan..matapang ang mga nagpapakamatay…
OO katapangan nga iyon… ang subuking makipagkita sa dilim.. ang wakas… sila yung matatapang na kayang harapin ang kamatayan….
PERO HINDI….
Mas MATAPANG AKO….
Dahil Nakaya kong harapin ito… pero tumalikod ako…. Nakaya kong pagtagumpayan ang problema.. MAS MATAPANG AKO!!!
—————————————————————————————————————–
P.S.:
IT IS NICE TO BE SINGLE…
BUT IT HURTS TO BE ALONE…
No comments:
Post a Comment