May 5, 2011

Ewan

Ewan
Posted in Friendster Blog
October 26th, 2006 by henry-1


Katatapos ko lang magenroll kahapon nakita ko ulit yung mga klasmeyt ko last sem at yung magiging klasmeyt ko. habang nasa pila ako.. naisip ko… shet…. third year na ako…last sem ng ikatlong taon ang bilis ng mga araw.. paramng kailan lang .. nagmamadali pa akong pumasok sa unang araw ko sa kolehiyo.. suot ang isang white longsleeves na fitted. itinupi ang mangasa upang magmukhang polo… hinde ko alam ang gagawin sa mga panahong iyon.. at di ko rin makita nag aking kwarto… na-late ako nuon…. ngayon… ilang buwan nalang… fourth year na ako… at matapos nun graduate na… ewan basta… hinde ko alam kung natatakot ba ako o anu paman.. isa lang ang sigurado ako…. malaking paninibago ang aking mararamdaman… alam kong masyado pang maaga sa mga panahong ito.. ang aking pagdradrama at lahat lahat pa… pero di ko talaga mawaglit sa isip ko… lalo nakung naiisip kong… teka teka,,,, handa na ba ako? yun yata yung pinaka punto ko… ewan… basta…. maraming mawawala… maraming magbabago.. once na graduate na ako… mga kaibigan…. gala….. malls…… DOTA… v.mapa….. st. jude…… isaw…. dancetroupe…. at ayoko na ituloy ang pagbanggit pa… naiiyak na ako…. ewan basta…. alam kong mas marami akong matututunan sa labas, oo nga at ang tunay na aral ng buhay ay makikita paglabas mo sa apat na sulok ng kwarto… malayo sa blackboard…. notebook….. ballpen…. scantron…. deans….. teachers…… classmates…. pero naisip mo na ba na papaanong may buhay sa labas kung sa apat na taon mo sa kolehiyo… natagpuan.. nagisnan…at nadama mo buhay na walang kasing saya sa piling ng iyong mga kaibigan…. sa piling nga blackboard.. ballpen…. scantron…. teachers…at higit sa lahat ni manong guard….. naalala ko tuloy nung isang linggo.. nung nagpunta kami sa isang kaibigan ko… (salamat nga pala kay STANLEY sa 2 araw na puno ng kasiyahan sa kanyang tahanan) kahet pa puro biro ako, hinde nila alam na sa loob ko takot talaga ako na mawala sila… na maghiwalay kami ng mga landas….. oo ngat magkikita naman kami at hinde parin matitigilan ang kati sa dota… pero iba parin eh…

No comments:

Post a Comment