McDonald's Philippines turns 30 Years Old
History:
Nagsimula noong 1937, binuksan ni Patrick McDonald ang "The Airodome" restaurant sa Monrovia Airport sa California. Makalipas ang 3 taon noong 1940, inilipat at binuksan ang restaurant ng kanyang dalawang anak na lalaki na sina Maurice at Richard (Mack and Dick) sa San Bernardino California at tinawag itong McDonald's. Nagsimulang gumamit ng kakaibang strategy ang magkapatid na siyang nagpasimula sa prinsipyo ng fast-food system. Isang mabisang assemly line ang kanilang naging konsepto. Mabilis at magandang serbisyo ang kanilang naging bentahe sa restaurant na mayroon lamang mga simpleng menu ng hamburgers, cheeseburgers, french fries, shakes at softdrinks.
Noong 1958, nalaman ni Ray Kroc, nagbebenta ng mga makina ng milkshakes, na gumagamit ang Mcdonald's ng 8 hightech mixers na binibenta nya. Nakita nyang ang strategy ng pagkakaroon ng mabisang assembly line sa isang restaurant ay magandang formula at konsepto. Inalok niya ang magkapatid na McDonald's para ipa-franchise ang kanilang negosyo at konsepto. Nagdalawang isip ang magkapatid dahil sa dagdag itong kapital at gawain, ngunit inalok ni Ray Kroc na siya na ang bahala na magpalawig at magpalawak ng McDonald's. Binili niya ang franchise nito at itinayo ang unang Mcdonald's ni Kroc sa Des Plaines, Illinois sa Chicago noong April 15, 1955. Sinimulan ni Kroc na ipa-franchise ang restaurant, ngunit nagulat siya ng malaman na ibinenta ng magkapatid na Mcdonalds ang lisensya nito para mag franchise sa Cook County, Illinois noong 1958 sa Frejlack Ice Cream Company. Binili niya muli ang lisensya mula sa kumpanya ng Ice Cream at ipinagpatuloy na palawakin ang McDonalds. 1960 nang unang inilabas ang advertisement campaign ng McDonald's. 1962 nang ipakilala ang pamoso nitong Logo. Matapos ang isang taon ipinakilala naman si Ronald McDonald, ang red hair na payaso upang maging panghatak sa mga kabataan.
Si George T. Yang, ang nagtayo ng unang McDonalds sa Pilipinas. Ang unang restaurant ng McDonald's sa Pinas ay itinayo sa Morayta, Manila noong 1981. Mabilis na lumaki at lumawak ang franchise ng McDonald's sa Pilipinas na umaabot na sa halos 300 branches sa buong bansa. Ngayon, sa pamumuno ni Kenneth S. Yang, ang McDonald's ay isa nang multi-billion company sa bansa, at magmula noong taong 2005 ang Franchise ng Mcdonalds sa Pilipinas ay 100% Filipino Owned Company na.
Ang McDonald's ay mayroon nang mahigit 30,000 branches sa buong mundo. Higit 50 million katao ang sineserbisyihan bawat araw sa 119 na bansa. Ngayong Taon ang McDonald's Philippines ay 30 taon nang nagpapasaya at bumubusog sa bawat Pilipino. Ilan sa mga sikat at kilalang part ng menu ng Mcdo ay ang Big Mac, Cheeseburger, World Famous French Fries, Egg Muffin, Apple Pie, Sundae and the Happy Meal, plus local favorites like Chicken McDo, Burger McDo and McSpaghetti.
Enjoy McDonald's Any Where and Any Time!
Madali lang maari umorder gamit ang McDonald's 24/7 Hotline: 8-MCDO (8236) *Metro Manila Only
Maari ding Umorder Online gamit ang McDonald's McDelivery. Magandang Balita rin, dahil ang McDonald's McDelivery Website Online ay mas pinadali at mas pinaganda. Gamit ang bagong look at system nito mas madali nang umorder at ang bawat McDelivery information ay maari ring makita at i-save. Magpunta lamang sa McDelivery Site at Mag-register!
Follow McDonald's Philippines Facebook Page
Visit: http://www.mcdonalds.com.ph/